πππππππ‘πππ‘ πππ§π π‘π π£ππ¨πππ§-π¨πππ§. πππππ§ π ππ¦ππππ§β ]
Ikaw ba? Palaging humihiling sa mga tala o kaya sa buong kalawakan ng mundo. Na sana may darating sa’yo na isang taong mamahalin ka ng buong-buo. ‘Yung taong para talaga sa βyo?
Kung ako ang tatanungin. Oo, palagi. Hindi lang sa humihiling ako. Pinagdadarasal ko rin. Na sana mahalin niya ako ng totoo. Hindi ako iiwan at mas lalong hindi ako sasaktan.
βHindi ka ba napapagod na mahalin ako? Aryan?” aniya. Nakangiti akong hinawakan ang kamay niya sabay tingin sa mukha niya.
βAng taong nagmamahal, Kean ng buong-buo. Ang taong umiibig ng totoo. Hindi kailan man mapapagod na magmahal. Sinasabi mang kahibangan, pero ‘yun ang dikta ng puso.β pagpapaliwanag ko sa kan’yang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.
βPaulit-ulit lang ‘yung sistemang ginagawa ko sa yo, Aryan. Na ang iiwan ka sa ere palagi. Pag komplekado at mahirap na ang lahat,β sabi pa niya. Biglang bumagsak ang mga luha ko. Naalala ko kung paano niya ako paulit-ulit na iniiwan. Taβs babalik na para baβng wala lang.
Palagi nilang sinasabi, bakit mo pa tatanggapin ang isang tao kung palagi lang sakit ang iparamdam sa βyo. Bakit mo pa mahal? Kung palagi ka lang naman iniiwan at sinasaktan. Pero bakit nga ba?
βAlam mo ba? Kung bakit ikaw palagi, Kean? Dahil ayoko ng kumilala ng iba taβs balik na naman sa umpisa. Nasanay na ako sa βyo. Ikaw lang din ‘yung gusto ko.β Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Masyadong nangingibabaw ang bugso ng damdamin ko.
βPero alam mo ng masakit ako magmahal. Lalo na pagdating sa βyo, Aryan. Nasasaktan kita palagi sa...
Anu ba naman to rl8t naman ako dto. nakakainis.. sa manunulat na to ganito rin LAGI hinihiling ko.. na Sana sya nakatadhana sakin . na maging kami bandang huli