๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐ณ๐ด๐ณ๐ธ๐ฒ๐ฐ๐๐ด๐ณ ๐๐พ: โกโกโก
เผบ๐ ๐ญ๐ฆ๐ค๐ซ ๐ซ๐ค๐จ๐ฆ๐ง ๐ช๐ค๐ซ๐ซ๐ธ๐ ๐ญ๐ญ ๐ ๐ซ๐ ๐ฉ๐จ๐ฃเผป
เผบ๐ฑ๐ง๐ค๐ญ๐ค๐ซ๐ธ๐ญ ๐ซ๐ ๐ฌ๐น๐ฎ๐ญ ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ฎเผป
เผบ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ญ ๐ฃ๐จ๐ ๐ข๐ฎ๐ฒ๐ เผป
๐ค๐ค๐ค
“ATE!!!” Ang malakas na sigaw ni Angel sa labas ng kwarto ko kaya naman napabangon ako sa pag kakahiga at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
“Ano ka ba Angel kung maka sigaw ka naman, jusko naman.” Ang sabi ko rito at tinaasan siya ng kilay.
“Ate Rhenelyn andito si kuya John.” Ang sabi niya kaya automatic na nanlalaki ang mata ko.
“Bakit ngayon mo lang sinabi hayst, naman Angel ei.” Ang inis na sambit ko at dali daling inayos ang sarili ko gamit lamang ang isang kumpas ng kamay.
Agad nag bago ang kasuotan ko at naging maganda ito, kaya nag mamadali na akong lumabas kung nasaan ako.
“Rhenelyn.” Ang sabi ng isang boses lalaki kaya automatic na napatingin ako sa kanya, nakaupo siya sa isang upuan sa loob ng bahay namin.
“Gusto ko sanang yayain kang mag lakad lakad.” Ang sabi nito kaya palihim akong kinilig, bukod sa gwapo na siya ay sobrang sweet niya rin para sakin.
“Sure, why not?” Ang ani ko rito, tumango naman siya kaya nag simula na kaming mag lakad.
I’m Rhenelyn at isa akong diwata nag kagusto sa isang prinsipe. Isang prinsipe na alam kung kahit kailan ay hindi magiging akin.
John is a prince of the moon, kaya hindi siya lumalabas sa kakahuyan tuwing umaga at ganun rin sa gabi.
Lumalabas lamang siya para mag liwaliw kapag puro ulap ang nasa kalangitan o tag ulan lamang. Iwan ko rin at hindi niya sinasabi sakin ang dahilan kaya hinahayaan kona lamang.
Isang taon ko nang kilala si John kaya close na kami, yun rin ang dahilan kung bakit nag kagusto ako sa kanya. Isa siyang lalaki na, mabait, magalang, masipag, may respeto sa kanyang kapwa.
“Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mong mag tago sa gubat tuwing umaga at lalo na kapag may sikat ng buwan.” Ang panimula kong sabi habang nag lalakad kami sa ilalim ng mga puno.
“Malalaman mo rin ang dahilan.” Ang sabi niya at ngumiti ng may kalungkutan.
“Punta tayo roon.” Ang sabi nito kaya naman tumango na lamang ako.
Pumunta kami sa isang dalampasigan. Isa rin to sa lugar kung saan kami nag ka kilala.
“Ang ganda talagang pag masdan ang dagat diba.” Ang sabi niya kaya napangiti ako at saka tumango.
Isang taon ko na siyang kilala pero hindi ko pa lubos na kilala kung sino nga ba talaga siya.
“I don’t know what to say but Rhenelyn I like you.” Ang walang paligoy ligoy nitong sambit.
“A-anong sinabi mo?” Ang hindi makapaniwalang sambit ko.
“I said I like you, simula pa lang gusto na kita, ang hirap lang sabihin dahil alam kung hindi mo ko kailan magugustuhan lalo na kapag nalaman mo kung sino nga ba talaga ako.” Ang sabi niya kaya natahimik ako.
Ang mga mata niya ay tila ba may tinatagong kalungkutan at nasasaktan ako dahil doon. Ayuko siyang nalukungkot dahil mahal ko siya.
“John may gusto rin akong sabihin sayo.” Ang kinakabahan kung sabi dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya lalo na kapag sinabi kona gusto ko sya hindi lang gusto kundi minamahal ko na siya.
“Bakit ano ba kasi yon?” Ang kunot noong sabi niya at tiningnan ako ng seryoso.
“A-ano g-gusto rin kasi kita.” Ang sabi ko at saka tinakpan ang buong mukha ko gamit lamang ang kamay, ayts nahihiya ako but at the same time kinikikig na kinakabahan.
“Really?” Ang gulat na ani niya kaya tumango ako at saka ngumiti, nagawa kona din siyang tingnan sa kanyang mga mata.
“Ang saya ko dahil narinig ko mismo mula sa labi mo ang katagang matagal konang pinapangarap, pero Rhenelyn hindi tayo pwedeng maging mag kasintahan. Ayukong sa huli ay masasaktan lang kita at hindi kita kayang ipaglaban.” Ang malungkot na ani nito kaya nakaramdam din ako ng kalungkutan.
“Pero handa akong ipaglaban ka.” Ang walang alinlangan kong sabi rito kaya naman ngumiti siya pero bakas parin ang lungkot sa mata, mahal ko siya at handa akong ipaglaban siya.
Ano man...