Binuksan ko ang dala kong tupperware ng mag recess na, heto na naman yung tawanan ng mga kaklase ko dahil sa dala kong pagkain, dalawang kamote kasi ito at kaunting asukal lang samantalang ang sa kanila ay puro mga mamahaling pagkain.
“Oh ano Jessa? Ganyan pa’rin pagkain niyo? Nakakaawa naman” at sabay-sabay nila akong pinagtawanan, yumuko nalang ako at nagkuyom ng kamao dahil na’rin sa galit ko sa pamilya dahil sa mahirap kami.
Nakaupo ako sa maliit na kawayan naming lamesa ng biglang dumating si nanay, pawis na pawis ito at halatang galing sa pagta-trabaho sa taniman, “Nay, ano bang ulam? Kanina pa’ko nagugutom!” Naiirita kong tanong, huminga muna nang malalim si nanay, “Sandali lang anak at ipagluluto kita ng kamote” dahan-dahan siya’ng tumayo at dumeretso na sa sira-sira naming kusina, napairap ako sa inis, “Ano ba yan nay! Kamote na naman? Araw-araw nalang yan yung pagkain natin samantalang mga karne yung sa mga kaklase ko!” Pagdadabog ko’t lumabas nalang ng bahay dahil sa pagkairita.
Bilad sa araw ang balat ko at kayumanggi ang kulay ko hindi parehas ng mga kaklase kong mapuputi at halatang alaga nila ito, napaka swerte nila dahil sa mga bagay na meron sila at wala ako kaya magsusumikap akong mag-aral at nang makalayo na’ko sa p3steng lugar na ito.
Tuwang-tuwa si mama ng malaman niyang pumasa ako sa exam namin at plano kong magtrabaho sa ibang bansa, umalma siya noong una ngunit dahil sa di’ko pagpansin sa kaniya ng ilang linggo ay wala din siyang nagawa kundi ang pumayag.
Magta-tatlong taon na’ko sa tinatrabahuan kong Mall sa America, buwan-buwan akong nagpapadala sa Pilipinas ngunit natigil ito ilang buwan na ang nakalipas, “Jess, can I borrow 50k again?” Sabi ng mag a-anim na buwan ko ng boyfriend, “But Luked, you still have debt in me, I will gonna gave this to my family in Philippines” matalim akong tiningnan ni Luked, “I am your boyfriend and I will pay that damn debt of mine, I just really need it right now!” May pagka-inis na sabi nito, “B-butβ” galit akong tiningnan nito, “Okay, if you don’t want then we should break up!” galit na putol niya sa sasabihin ko, agad akong nanlumo at ibinigay na sa kanya ang pera.
Ilang tawag at text na ang natatanggap ko sa pamilya ko sa Pilipinas, di ko nalang iyon pinapansin dahil alam kong manghihingi lang sila ng pera sa’kin, isinaylent ko nalang ang cellphone ko at iniwan na sa kwarto, ilang linggo silang tawag ng tawag hanggang sa naiirita ko itong sinagot, “Oh ano ba kasi? wala akong perang maibibigay sa inyo ngayβ” naputol ang sasabihin ko ng marinig kong umiiyak ang sa kabilang linya, “J-Jess,...