π π¬ ππ’π¬ππ₯πππ‘π πͺππππ‘ππ¦π¦ π¦πππβ.]
Isang araw may isang mapupunta sa βyong mahinang tao. Ay sa unang tingin natin sinasabi nating malakas sila. Na akala natin matapang sila. At βyun βyung akala natin sa kanila.
Kumbaga sa pader. P’wede rin tayong malugmok. Gaano man tayo katibay. Gaano man tayo katapang, pag dumating ang malaking pagsubok at kung ipaparanas sa atin ang bigat at sakit. Lalo na ang kung ano ang kahulugan ng buhay at pagmamahal. Nagiging mahina talaga tayo at mas lalong nawawalan ng lakas.
May boyfriend akong magaling magpanggap na ayos lang ang lahat. Magaling magtago ng nararamdamang bigat at lungkot, minsan. Pero, siya βyung boyfriend ko na βdi marunong magsinungaling sa nararamdaman niya. Sinasabi kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kahit minsan masakit ang mga salita niya. Alam ko nagpakatotoo lang siya sa sarili niya at sa akin.
βMahal, sorry. Ito ako mahina. Naiintindihan ko naman kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay pero, nakapapanghina minsan Mahal.” Wala akong ibang nasabi sa oras na β’yun. Maski ako, βdi ko alam. Ang alam ko lang ngayon. Ayokong nakikitang mahina siya at masasaktan.
βAng buhay, minsan. Mapaglaro talaga. Lilinlangin tayo. Ngayon, ok tayo bukas hindi na naman,” sabi ko sa kan’ya.
“Ang daya, nakakainis. Hindi ko mapigilang malungkot ngayon o kaya pigilan ang emosyon ko,” Sagot lang nitong parang bata.
“Minsan paulit-ulit lang yung nangyayari. P’wede raw magpahinga. Kaso nga lang minsan. Kahit anong pahinga mo. Pagod ka parin. Pero, ito lang naman ang gusto ko sabihin sa ‘yo. Hanga ako sa tapang mo. Sa pagharap palagi sa bawat pagsubok.” Mahabang lintaya ko sa kan’yang umaagos na parang waterfalls ang bawat luha ko sa pisngi ko. Nando’n ako sa part ng buhay niya na sobrang sakit maramdaman ang mga nararanasan niya.
βPasensya ka na. Gusto ko lang naman maintindihan lahat ng bagay sa mundong βto. Kaso, minsan. Ang sakit-sakit. βMahal, naiinis at nagagalit parin ako. Araw-araw, gabi-gabi. Hindi ko matanggap kung paanong p*t@ng-*n* nagkasakit ang, Lola ko ng malala. Sa simpleng lagnat lang sa hospital na βyon,β giit nitong nakayukom ang mga kamao sa galit ng nararamdaman niya. At umiiyak.
Masakit isipin ang mga bagay na hindi pa sana natin kayang mawala o tanggapin na naglalaho bigla. Isa lang ang p’wede nating masabi kundi, tanggapin ang katotohanan kahit masakit. Kaso, minsan darating ka sa puntong akala mo wala na meron pa pala. Akala mo di na masakit....