𝗠𝗬 𝗠𝗔𝗡𝗬𝗔𝗞 𝗕𝗢𝗦𝗦🌻
🍃 CHAPTER 02🍃
Nag madali akong umuwi ng bahay matapos ang nangyari sa tinadahan ng ulam.
“quency ano na ang tagal mo naman” ani ni tita ko.
“sorry tiyang.. pinaluto ko pa kasi ito” sagot ko dito.Tumango naman ito, sabay abot ng ulam. Pumunta ako ng cr para mag hugas ng kamay. Nag hilamos na rin ako sa mukha ko bago lumabas ng banyo.Pag labas ko ay naabutan ko ang dalawa kong pinsan na nag lalaro sa sala.
Hindi ko yun pinansin at dumiretso sa kusina para tulungan si tiya sa pag aayos ng kakainin namin.
“kamusta po ang lakad niyo kanina?” tanong ko rito.
“wala yung anak ng dati kong amo” ani nito. Nag taka naman ako.
“dati mo Hong amo?” tanong ko.
“oo, kasi yun ang papasukan mo” ani nito na ikinataka ko naman. Papasukan ko?
“sandali lang po, papasukan saan?” takang ani ko dito.
“na trabaho, alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon” ani niya.
“opo, alam ko nga pero nag desisyon kayo na hindi ko man lang alam na ako pala ipapasok mo roon tita” ani ko dito.
“quen malaki ka na, hindi mo kayang asikasuhin ang mga pinsan mo , kaya ikaw ang pinasok ko roon.” ani niya.
“pero tiy—” pinutol niyo ang siyang sasabihin ko.
“walang pero pero quency mabait naman ang magiging amo mo bukas na bukas rin ay susunduin ka ng magiging amo mo” ani niya na halos ikabuwal ko naman. B-bukas?
“tiyang tama ba ang narinig ko? bukas? bakit bukas?” tanong ko dito.
“abay oo bukas na umalis na rin yung dati niyang kasambahay kaya ayon pinasok na kita 15,000 pesos ang sahod kada buwan. Saan mo pa kukunin ang 15,000 na yun?” ani niya. Fifteen thousand per month?ang laki naman.
“pero tiyang baka mama—” pinutol niya ulit any sasabihin ko.
“mabait ang naging amo ko, panigurado mabait rin ang anak niya kaya wag kang mag alala” ani niya. Natahimik ako ilang sandali. Paano naman kung yung ina lang nag mabait? at hindi anak?
“quency kung iniisip mo kami, wag kang mag alala, may uwian naman kapag weekend eh makaka dalaw ka dito kaya wag kang mag alala” ani niya.
“sigurado po ba na may uwian kapag sabado at linggo?” tanong ko dito, gusto kong makasigurado.
“oo naman kaya wag kang mag alala riyan” ani niya, tumango nalang ako dahil mukhang desidido na ang tiyahin ko sa desisyon niya. Tinawag ko na nag mga pinsan ko para makapag simula na kami sa pagkain.
Pag katapos kumain ay umakyat na kami sa kaniya kaniya naming kwarto. Nag impake narin ako ng mga damit na siyang dadalhin ko bukas. Mabigat ang kalooban ko habang nag tutupi ng mga damit.
*Tok*Tok*TOK
Tatlong beses na pag katok ng kung sino. Tumayo ako mula sa pag kakaupo at agad na binuksan ang pinto, si tiya pala.
“bakit ho?” tanong ko rito.
“nag aayos ka na ba?” tanong niya, pinapasok ko siya at tumango.
“opo, kaunti lang nagamit ang dadalhin ko tiyang, para hindi mabigat nag bagahi” ani...
part3 plss