π—¦π—”π—žπ—œπ—§


Sampal ang bumungad sa’kin pagka-pasok ko sa condo, hinila ang buhok papasok sa kwarto at inihagis na tila ay isang laruan, isang sampal pa at hinawakan ng mahigpit ang aking baba, halos bumaon na ang kanyang kuko sa balat ko, humagulhol nalang ako sa sakit at panay ang pagtanggal ng kanyang kamay sa pagkakahawak sakin ngunit mas lalo niya itong hinigpitan at isang suntok sa tiyan ang nakapagpahina sa’kin.
Nagising akong walang saplot kinaumagahan, muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi, napaluha nalang ako ng maalalang binugbog ulit ako ng nobyo ko dahil nahuli ako ng dating dapat ay 8:00pm ay naka uwi na’ko ngunit dahil grabe ang traffic kagabi ay hindi ako naka uwi ng maaga kaya halos patayin na niya ako sa inis kagabi, napahiyaw ako sa sakit ng katawan dahil sa pambubugbog niya sakin, ngayon ko lang nakita na marami na namang pasa ang aking katawan, masakit din ang aking ari dahil pinagrausan niya na naman ako kagabi habang walang malay.
Pawisang nagtatakbo ako patungo sa building na tinatrabahuan ng nobyo ko, inutusan kasi niya akong bumili ng pagkain niya ngayong lunch kaya lumiban muna ako sa isang subject ko para madala sa kanya ito, “Gaga ka talaga kahit kailan, dapat tatlo dinala mong pagkain” sipat niya sakin, “Umalis ka na nga nakakaumay pagmumukha mo!” Tinadyakan niya pa ako upang umalis na, dali-dali akong nagtatakbo palayo sa kaniya, unti-unting tumutulo ang luha sanhi ng sakit na araw-araw na bigay niya sa akin.
Mahimbing akong natutulog sa kwarto ng...


biglang may pumatong sa akin, agad akong nagulantang ng pagmulat ay kutsilyo agad ang aking nakita, doon ay walang awa niya akong ginamit ulit, ilang sampal at suntok ang natanggap ko dahil sa pagtanggi ng mga gusto niya ngunit wala din akong magawa kundi ang kontrolin niya.
Masakit at mahirap man para sa akin ang mahalin siya, wala padin aking magagawa kundi unawain at intindihin ang lahat ng gusto niya.
Minsan tinatanong ko siya kung anong nangyari sa dating manliligaw na meron ako napaka sweet at maginoo niya noon ngunit nagbago lahat ng sinagot ko siya, naging mapanakit siya doon lumabas lahat ng masasamang ugaling meron siya.
Nakipag break na’ko sa kanya ngunit pinag-bantaan niya na papatayin niya ako kaya nagtitiis ako sa ugaling pinapakita niya dahil kahit papaano gusto ko pa mabuhay, gusto ko pang makapagtapos ng pag aaral, mahirap man ngunit kailangan kong kayanin dahil buhay ko ang nakataya, pag ako’y sumuko na ibig sabihin parang pinatay ko na rin sarili ko kaya hanggang may hininga kakayanin.
Dahil kahit na ang pagmamahal na meron siya ay mapanakit,
Kailangan ko siyang sundin dahil buhay ko ang kapalit kahit na ito’y masakit.
Dahil ang dating taong mahal mo ngayon ay nananakit,
Ngayon ako’y nagdurusa at ang buhay ay puno ng pait.
Oh Diyos, alisin niyo ang sakit at pait kahit na saglit
Upang makahinga ako ng maluwag ng walang nagagalit
Dahil sa piling niya’y sakit ang laging kapalit
Ako’y nandito pa rin paulit-ulit.
Umiiyak sa sakit habang pinipigalan ang namumuong galit.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top