Babe malapit na ang birthday mo, anong gusto mong gift?” Tanong ni Gavent, boyfriend ko nakahilig siya sa braso ko.
” Kahit ano Basta galing sayo.” Nakangiti kong sagot at hinalikan ang ulo niya.
” Gusto mo bilhan kita ng latest camera yung Canon, para sa mas maging maganda yung mga kuha mo ng letrato?” Napangiti ako sa sinabi nya, photographer ako at isang manager ng restaurant.
” Meron naman akong camera eh, di na mahalaga kong gaano pa kaganda at kamahal yan basta ako Mahal kita yieeee!” Tinusok tusok ko naman ang tagiliran nya, natawa naman siya
“Ang korni mo.” Kinurot niya ang ilong ko, Kaya napatakip ako sa mukha. Loko
” Ah basta bibilihan kita ng Canon yun ang pinag-iponan mo, Kaya ako nalang ang bibili para sayo.” Niyakap nya ako, di ko mapigilan ang sarili kong ngumiti, kinikilig ako .
Lumipas ang mga araw at tatlo tulog nalang birthday ko na, gusto ko sana yung simple lang pero ayaw ni Gavent inaway niya pa ako kasi kontra ako sa mga gusto niyang mangyari sa 24th birthday ko.
” Thank you!” Niyakap ko siya ng mahigpit, Sa lahat ng lalaki na dumaan sa buhay ko siya lang yung ganito, siya yung iniisip para sa makakabuti sakin. Kahit gumastos pa siya ng gumastos okay lang sakanya, Basta masaya raw ako ayos na.
“Wala yun, ikaw pa! Malakas ka sakin” niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang noo ko. Tumagal pa ang aming pagyayakapan bago siya nag salita
“Date tayo Tara!” Wala na akong magawa kasi hinila niya na ako.
_________________________________
“Happy birthday” bulong ni Gavent sa tinga ko sinasayaw-sayaw niya ako habang pinapalakpakan kami ng mga tao.
Nasa isang resort kami ngayon cinicelebrate yung birthday ko, maraming bisita kasi maraming siya inimbita.
” Thank you so much Gavent, Iloveyou.” di ko napigilan ang luha ako kusa nalang itong tumulo, Ang makasama lang si Gavent ay lubos na itong kasiyahan.
” I know.” For the first time Gavent kissed me at my lips. I was shock but I response his kisses.
This is the best feelings, yung hinalikan ka ng taong Mahal mo habang naghihiyawan ang mga tao.
” Your beautiful babe” nakatitig lang ako sa kanya at inaabangan ang susunod na sasabihin niya, Yung three magic words. Pero hinalikan niya lang ang noo ko at sinayaw ulit.
Labis ang aking kasiyahan sa mga oras na ito, walang makakapantay sa mga ginawa niya. Lubos akong nagpapasalamat sa panginoon na makapiling siya kahit panandalian.
“Punta muna ako sa CR babe.” Sabi nya nung makaupo ako, Hinalikan niya muna ang pisngi ko bago umalis, napakagat naman ako sa labi ko.
Sobrang saya, Ang saya-saya. Sana hindi nalang matapos ang Gabi na ito. Ayokong matapos ang kasiyahang nararamdaman ko.
“Happy birthday Criza!” Nagulat ako ang makita si Shantel, best friend ko.
“Gulat ka noh! Surprise!” Masayang bati niya, niyakap niya pa ako at nakipag beso-beso pa.
” Here’s my gift bess. Open it!” Napahiyaw pa niyang sabi, napatingin naman ako sa paligid baka dumating nalang bigla si Gavent.
Gaya ng sabi niya binuksan ko ito.
” Did you like it!? Pinagawa ko yan gaya nung akin.” It’s Dress, like her dress. Dati kasi gustong-gusto ko ang dress na meron siya, kagaya ng dress na suot ko ngayon. Pero itong gift niya kulay lang at design ang pinag iba.
” M-maganda gusto ko, salamat” niyakap ko siya kahit labag sa loob ko. Halos napunit ang labi niya sa kakangiti .
” Kailan ka pa dumating?” Dapat hindi siya mag tagal dito, ayokong makita siya ni Gavent.
” Kanina lang at dumiretso nako dito” galing siya sa Canada para don mag trabaho.
“Ganun ba!? Dapat umalis kana!” Nagulat siya sa sinabi ko
” I mean diba kararating mo lang dapat don ka nauna sa inyo kasi tatlong taon na kayong hindi nagkikita, miss ka na nila. So yun” napatango naman siya parang naiintindihan naman nya yung ibig kong sabihin.
“Oo nga pala, sige mauna na ako Happy birthday ulit ” umalis na siya at tamang tama naman na dumating si Gavent.
Ayokong magkita ang dawala, ex girlfriend ni Gavent...
bat parang angsakit kahit nababasa ko lang