HINDI nila namalayang may pumasok pala sa kwarto at tumikhim. Dahil sa sobrang gulat binato ni Rain ang hawak hawak na bimpo kay Claire.
Napasimangot si Claire at binato din sakanya pabalik ang bimpo.
Nakita nila si Clarence nakatayo sa may pintuan.
“Kayo ha! Ano yang ginagawa niyo!” panunuksong sabi ni Clarence.
“Ugok! Ano ba ginagawa mo dito at hindi ka man lang kumakatok?”
“Kanina pa ako katok ng katok walang nakakarinig sa akin kaya pumasok na ako naiwan mo kasing nakabukas ang pinto. Manghihiram lang sana ako ng charger. Hehehe.”
Binato sa kanya ni Rain ang charger.
“Oh, umalis kana!”
“Sasauli ku nalang to mamaya. Hehehe, oo nga pala. Make sure na nakasarado yung pinto para hindi kayo mabitin. Hahahaha!” Tinignan naman ito ni Rain ng masama kaya kumaripas na ng takbo si Clarence.
Nang silang dalawa na lang ay nagkatitigan silang muli.
“B-bakit ka nakatingin ng ganiyan sa akin? B-bakit ka nakatingin sa labi ko?” nauutal na tanong ni Claire. Naniningkit ang mga mata ni Rain sa tanong niya.
“Why are you accusing me like that? Napatingin lang ako, masyadong tuyo yang labi mo. Babae ka ba talaga?”
“Ang kapal mo naman! Ikaw nga parang bakla, yang labi mo pambabae saka kulay pink at parang malambot….”
Natigilan si Rain sa sinabi ni Claire, kahit siya ay natigilan din.
π Bakit ko ba nasabi yon?π
Napakagat si Claire sa ibabang labi at nag iwas ng tingin. Feel niya nag akyatan lahat ng dugo niya sa mukha.
“Dont tell me you’re fantasizing my lips? Grabe, nakakatakot ka.”
“Ang kapal mo naman, akala mo naman gagahasain kita.” sabi niya at umirap.
“Paano ako hindi mababahala? Kung i-describe mo yong labi ko parang gusto mo ng kainin,” sabi ni Rain at saka tinignan siya ng masama.
“Ang kapal mo talaga sir ulan, grabe. Bakit ko naman kakainin yang labi mo? Hindi kami mayaman pero may ulam naman kami, hindi ko yan kakainin.”
Natigilan si Claire nang mapansing natahimik si Rain. Natahimik din siya.
π Ano ba tong pinagsasabi ko? Malayo na sa putukan, eh. π
“Seriously?” natatawang tanong niya. Napakurap si Claire na mapansing natatawa ito.
π Natatawa ba talaga siya? π
“B-Bakit?” parang hindi si Claire makapaniwalang natawa si Rain.
Napatigil si Rain sa pagtawa nang mapansin niya na masyado yata siyang na-carried away. Napaiwas siya ng tingin at napatikhim.
“Take a nap, you need to rest” tipid na sabi niya at umupo sa upuang katabi ng kama at saka binuksan ang laptop niya.
Pumikit nalang siya dahil inaantok na rin naman talaga siya.
ππππππππππ
NAGISING si Claire nang maramdamang may bahagyang yumuyugyog sa balikat niya. Pinilit nyang idilat ang mga mata kahit mabigat ang talukap ng mga mata niya.
“R-Rain?” nanghihinang tanong niya.
“You need to eat.” Inalalayan siyang umupo sa kama saka kinuha ang mangkok sa bedside table.
Natigilan siya at napatingin sa bintana, nanlaki ang mga mata niyang mapansing madilim na sa labas.
π Lagot ako nito, ang dami kong nalagpasang klase. Saka siguradong nag-aalala na si Nanay sa akin. π
“G-Gabi na, kailangan ko ng umuwi sir ulan,”sabi niya saka akmang tatayo pero agad siyang nahawakan sa braso.
“You’re not going anywhere.” seryosong sabi nito na nakatingin sa kanyang mga mata. Napalunok naman si Claire at tumitig kay Rain.
“B-Bakit ayaw mo kong paalisin?” tanong pa ni Claire. Pakiramdam niya ay nag iinit ang mga pisngi niya at hindi ito dahil sa lagnat.
π Bakit ko ba nararamdaman ito? Normal pa ba ako? π
“Masasayang lang ang oras ko, ihahatid pa kita sa inyo.”
“Mas masasayang ang oras mo kapag nandito ako, hindi naman kita mapagsisilbihan kasi may sakit ako,”
Tinignan niya ako ng masama saka inabot sakanya ang mangkok na may...