NAGMAMADALI ang mga hakbang ni Claire para sa kanyang first subject. Inaral kasi niya nang mabuti ang presentation niya para sa araw na iyon kaya late na siyang nakatulog kagabi. Sa pagmamadali ay hindi niya napuna ang sasakyan sa driveway kung saan halos patakbo siyang naglalakad. Napatalon siya sa pagkabigla nang businahan siya at muntik nang mabangga.
Tumilapon ang lahat ng dalang libro at props ni Claire. Wala na siyang panahon para pag-aksayahan ng oras ang nagmamaneho ng kotseng yun kaya nagmamadali niyang pinulot ang nahulog na mga gamit para makahabol sa klase.
“Miss, are you okay?”
Nilingon niya ang nagsalita. Hindi niya makita nang maayos ang hitsura ng babae dahil may suot itong shades. Pero base sa hugis ng mukha ay napakaganda nito at parang pamilyar sa kanya ang babae.
“A-ah, o-oo okay lang ako.”
Agad tumalikod si Claire, saka muling naglakad. Wala siyang oras para makipag-usap ng matagal. Mas importante na makaabot siya sa kanyang presentation. Pasasaan ba at tiyak na magkikita rin naman sila.
ππππππππππ
NAISIP ni Claire na magpart time job sa isang canteen sa loob ng school. Para makatulong sa nanay niya.
Buti na lang hindi na siya pinapansin o pinagchichismisan ng mga estudyante kagaya nung mga panahong pinag-iinitan siya ni Rain. Para na lang siyang hangin na mas pabor naman sa kanya. Atleast hindi na siya pinapakialaman, at wala naman siyang pakialam sa mga ito.
“Why dont you just accept Rain’s apology? He also wants you back, wag kana magpakipot. Rain Fuenteblanca yun girl,”
Natigilan si Claire sa dalawang babaeng pumasok. Nanlaki ang mga mata ni Claire nang makita ang babaeng yun. Siya yung babaeng girlfriend ni Rain. Napalunok siya at napapikit ng mariin.
“Let’s not talk about him.”
Napasinghap si Claire na marinig ang mahinhing boses nito na palapit sa pwesto niya.
Nasa lima yata ang costumer sa loob ngayon at lahat sila ay nakatingin dito. Mapababae man o lalaki. Tila isa itong reyna na hindi pwede lapitan o hawakan.
π Reyna kasi ni Rain. π
Napasinghap si Claire nang lumapit na sa counter kasama ang kaibigan at kumuha ng mga pagkain.
Sexy siya pero mukhang matakaw dahil sa dami ng junk foods na kinuha nito, mukhang wala siyang pakialam kung masire ang body figure niya. Perpekto talaga siya.
π Kaya siguro mahal na mahal siya ni Rain. π
Napalunok si Claire nang dumako ang mga mata nito sa kanya. Mas maganda siya sa malapitan.
Natigilan siya na mapakunot noo ng babae habang nakatitig sa kanya na para bang kinikilatis siya.
“You look familiar,”
Napalunok si Claire.
π Namukhaan niya ako! Anong gagawin ko?! Maloloka yata ako sa mangyayari sa akin ngayong araw. π
“Ahm….” napaiwas siya ng tingin. Kahit malamig sa canteen dahil sa malakas na aircon ay parang pinagpapawisan siya.
“Wait, I remember now!” tinapik pa nito ang kaibigan niya.
“You’re the cute girl yesterday na muntik ku nang mabangga,” nakangiting sabi niya.
Agad napailing si Claire nang sabihan siyang cute. Natigilan siya ng hawakan siya sa kamay. Agad na nag-init ang mukha niya. Babae rin naman siya pero nahiya siya dahil sa lambot ng kamay nito.
“Pasensya kana ha? Kasi di kita nakita nung time na yun,” sabi ng babae. By the way, I’m Angenica. But call me Nica nalang. π What’s your name?” tanong niya nang maabot ni Claire ang pinamili nila.
“Claire,” ngiting sabi niya.
“Nica, let’s go.” pagputol ng kaibigan niyang mukhang nababagot na.
“Fine.” sabi ni Angenica at napairap. “It’s nice to finally meet you Claire. Alis na kami. Bye!”
Mukha namang mabait siya, hindi naman pala masama ang ugali niya gaya ng iniisip ni Claire.
ππππππππππ
“KAYA naman pala baliw na baliw pa rin ang Rain na yun sa ex niya, mala-diyosa naman pala sa ganda,” sabi ni Lara habang nasa locker room sila.
Totoo nga na sobrang ganda ni Angenica, pino ang galaw, maganda at nakakaakit ang ngiti. Perpekto yata ang lahat tungkol sa kanya.
π Walang-wala ako. π Natigilan si Claire at napailing. πBakit ko ba pinagkukumpara ang sarili ko sa kanya? Hindi naman ako naiinsecure sa ibang babae dati, bakit ganito ang nararamdaman ko kay Angenica ngayon?π
“Oy, bakit ang tahimik mo?” napapitlag si Claire nang magsalita si Lara. Alanganing ngumiti siya.
“W-wala may iniisip lang ako,” sabi lang ni Claire.
ππππππππππ
“OO NA! Ito na!” inis na sabi ni Claire at agad na ibinaba ang tawag.
Saglit niyang inilapag ang dalawang plastic bag at nagpunas ng pawis sa noo.
πBwesit talaga ang ulan na yun.π
Halos isang buwan na siyang inuutusan, maski mga assignments niya sa kanya pinapagawa. Kahit ang kwarto nito sa hide out nila ay pinalinis na din. Grabe.
Isang beses siyang inutusan na pumunta sa hide out nila, na late siya ng 10 minutes ay ginawan na siya ng kalokohan, pinagsuot siya ng costume ng aso buong maghapon.
“Ito na...