*2U* Chapter 12


(Myel POV)
+ Nagising na lang ako dahil sa tumutunog na gitara, sobrang sakit ng ulo kaya di ako nakabangon agad. Pinilit kong umupo. Nagpalinga linga ako at tsaka ko lang napag tanto na… Hindi ko kwarto to!!! Shemss!! Nasan ako??!!! Bumalikwas ako ng tayo at bumaba ng kama. Napatingin ako sa salamin na nasa harap ko at hindi pala ako nakapag palit pa ng damit, muka akong sabog!! Dire diretso ako sa pinto at mabilis na binuksan yon.
Jim- aga ah.
+ Jim?? Holy shi*!!
Jim- wag kang mag alala wala akong ginawa sayo.
Myel- bat dito ako napunta?
Jim- eh san mo gusto? Iwanan kita sa Bar? Ihahatid sana kita sa Apartment mo kaso hindi mo na alam kung ano password ng pinto dahil sa kalasingan mo. Hindi kita pwedeng dalhin sa Company dahil malalagot tayo. So wala akong choice kundi dalhin muna kita dito sa apartment ko.
+ ahh!!! Tanga ko talaga!!
Jim- nagising ka ba dahil sa gitara? Pasensya na nag aadvance practice kasi ako. Handa na ang breakfast dyan, kumain ka na lang.
Myel- no. Uuwe nako.
Jim- agad? Look, pag uwe mo hahanap ka pa ng hangover meal mo, dito, ayan na sa harap mo.
+ may point sya, pero nakakahiya, kahit pa matagal na kaming magkakabanda, may awkwardness parin.
Jim- so what do you think? Dont worry, after mong kumain at gusto mo na talagang umuwe ihahatid pa kita.
Myel- uhmm, wala naman akong mga nagawang di maganda kagabi diba?
Jim- hm? Wala naman, tamang bago ka lang makatulog, dial ka ng dial sa cellphone mo at iyak ka ng iyak kay Syto.
+ wth!!! Oh My God!!!
Myel- tell me your joking.
Jim- no Im not.
+ AHHHH!!! NOOOO! Napasabunot ako sa buhok ko at napaupo sa sahig. Ano na naman ba tong nagawa ko?!!! Wala na kong nagawa kundi umungol na lang ng umungol at magmaktol habang nakasabunot sa sarili. Lumapit sya sakin at umupo rin sa harap ko.
Jim- hey! Dont be embarassed. Normal yun, alam naman naming lahat na gusto mo talaga sya.
+ tumingin ako sa kanya at ngiting ngiti sya. Ahhhh!!! Lalo lang akong nainis sa sarili ko!!!!!!!!
(Tanya POV)
+ nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. Napatingin ako sa paligid at nandito pala ako sa kwarto ni Sy!!!!!!…….. Wait? Anong ginagawa ko dito?? Paglingon ko sa gilid ko, nakaupo si Syto sa tabi ko at tulalang naka sabunot sa buhok nya.
Tanya- S-Syto?!!
+ hindi manlang sya lumingon, tulala parin sya na parang di nakatulog magdamag. Napatingin ako sa sarili ko, sinilip ko ang katawan ko sa loob ng kumot, nakahinga ako ng malalim ng makita kong yun parin ang suot ko.
Tanya- Syto?? Anong problema mo? Ano bang nangyare? Hehe.
+ tumingin sya sakin ng masama. Napa atras naman ako ng bahagya nun.
Tanya- b-bakit??
Syto- Maswerte ka.
Tanya- ha??
+ tumayo na sya at lumabas ng kwarto?
Tanya- Maswerte ako??? Bakit???
+ inayos ko ang sarili ko at sumunod na palabas, nandun sya at umiinom ng tubig.
Tanya- uhmm, maliligo lang ako at magpapalit ng mabilis ha. Tapos ako na bahala magluto, tsaka magpahinga ka na muna mukang puyat ka ata.
+ tumango lang sya habang nakatalikod sakin. Ano bang problema nya? Pagkatapos kong maligo, ay nagbihis nako, nag remind ang cellphone ko na kaylangan naming pumunta ng mall para mag canvas ng new instruments dahil ako na nga ang PA nila. Pagbaba ko ng kwarto, nakita ko sya naghahain na.
Tanya- oh? Diba sabi ko ako na magluluto.
Syto- upo na. Kumain ka na lang.
+ ano ba talagang problema nito?
Tanya- uhmm, pasensya na nga pala ha at sa kwarto mo na ata ako nakatulog kagabi dahil sa kalasingan, pasensya na kung di ka nakatulog ng ayos.
+ hindi nyako sinagot. Ahhh!!! Ang hirap naman eh.
Syto- inumin mo yan, pantanggal hang over.
Tanya- salamat.
(Syto POV)
+ Nanguna na kami sa SM para sa instruments at maya maya nga ay kasunod na namin sila Jim at Ken.
Ken- kuya!!
Tanya- bat kayo lang? Nasan si Lander at Myel?
Jim- si Lander kasama ni Sir, Si Myel pinagpahinga ko na muna.
Syto- Tara na.
Ken- kuya, bad mood ka ata ngayun, naka kunot na naman ng noo mo eh.
Jim- hmm, siguro na olats.
+sinamaan ko ng tingin si Jim. Halatang halata naman na walang magets si Ken at Tanya. Ewan ko ba!! Pero mainit talaga ang bait ko ngayun, dahil sa kagabi. Okay na sana eh. Nandun na eh. Bigla ba naman akong tawagan ng paulit ulit ni Myel!!! Imbes na okay na, naudlot. Pero naiinis din ako sa sarili ko, kasi iniisip kong gawin kay Tanya yun kahit hindi pa dapat! Napatingin tuloy ako kay Tanya, at tiningnan nyako na parang takang taka.
Tanya- bakit?
+ umiling na lang ako.
Syto- tara na!
+ pangiti ngiti si Jim. Pumasok na kami sa Music Store. At nagtingin tingin ng instruments.
Sales Boy- Hi Maam, anything you need?
Tanya- ahh wala nagtitingin lang.
SB- you must be interested in music?
Tanya- tama lang.
+ napatingin ako kay Tanya na kinakausap ng isang Sales Boy.
SB- well beautiful Girls suits for beautiful music.
Tanya- ahh hehe.
SB- if you are interested in any of those just let me know. By the way im-
Syto- Babe.
+ napatingin sila pareho sakin.
Tanya- hm?
Syto- Do you want anything? Just let me know, besides Im your Boyfriend.
+ nanlaki ang mata ni Tanya, napataas kilay naman yung Sales Boy. Tulala naman sa gilid yung dalawa.
SB- uhmm, I’ll be at the counter, just keep Choosing Sir.
Syto- I know.
+ bumalik na sya sa dating pwesto nya. Napailing na lang si Tanya.
Ken- kuya!! Kayo na??
Jim- di pa ba obvoius? Bingi ka ba??
Syto- dun nga tayo sa kabila, papanget naman dito.
Ken- ha? Di pa natin—-
Jim- tayo naaaaaa.
(Tanya POV)
+ Natawa na lang ako sa ginawa nya kanina, hindi parin talaga nawawala ang evil Syto na nakilala ko. Inakbayan nyako at nakakunot parin ang noo.
Tanya- bat mo ginawa yun?
+ hindi nyako sinagot, pumasok na kami sa isa pang store at nag ikot ikot. Ano kaya talagang problema nito. Nagpaalam akong mag babanyo lang, pero hinila ko palabas si Jim ng hindi nila napapansin.
Jim- why why why??
Tanya- shhh. Alam mo ba kung bakit mainit ang ulo ni Syto ngayun?
Jim- ahhh.
Tanya- bakit????
Jim- kasi nga hindi sya naka score kagabi.
Tanya- ha???
Jim- alam mo na, yung ano..
+ yung?? Ahhh, wth!! Totoo ba??
Jim- kasi nga, tinawagan sya ng tinawagan ni Myel kagabi..
Tanya- ganon? So pinagbabalakan nya talaga ako?!!
Jim- why? Kayo naman diba? Pero you know what, kung gusto nya talagang gawin sayo yun, pwede nya namang ioff ang cellphone nya eh at ituloy ang balak nya, pero hindi nya ginawa at mas pinili nyang pakinggan si Myel. He still respect you. Lasing ka non and he know na wala ka wala ka sa wisyo para dun.
+ medyo napangiti ako dun.
Jim- hmm, gusto mong maging okay na sya?
+ tumingin ako sa kanya at tiningnan nyako ng nakakaloko.
Tanya- baliw ka ba???
Jim- ahahah, kung ano ano iniisip mo. Tara alam ko kung pano natin sya mapapangiti.
+ hinila nyako at dinala sa bookstore??? Anong gagawin namin dito?? Iniwan nyako saglit at pagbalik nya may dala syang ribbon na pula.
Tanya- aanhin mo yan?
Jim- halika.
+ sinuot nya sakin yun ng pa headband at inilaso.
Jim- yey, bagay.
+ huh?? Ano bang trip nito?
Jim-tara na balik tayo dun.
+ hinila nya na ulit ako, pagbalik namin dun, nag aantay na sa labas yung dalawa. Itinago ako ni jim sa likod nya. Ano bang gagawin nito??
Jim- Kuya? May regalo ako sayo.
+ tas unti unti nyakong hinila at iniharap kay Syto. Put* yun pala yung balak nya. Hahha, napatingin ako kay Syto na parang gulat na gulat. Kinulbit ako ni jim at sinenyasan ng kung ano ano. Tumingin uli ako...


kay Syto at ngumiti na lang.
Tanya- hi, hehe.
+ maya maya bigla syang napangiti at tumawa ng bahagya. Tuwang tuwa naman si jim sa kalokohan nya.
Ken- Ang cute mo Tanya…..
+ lalapit sana si Ken sakin at pang gigigilan ako ng hilahin sya sa damit ni Jim.
Jim- alam mo kuya, kami na bahala ni Ken mag canvas, siguro mas maganda kumain na muna kayo, gutom na kayo diba?
+ nagkatinginan kami ni Jim at kumindat sya sakin. Hayyyy ang taong to!!
Jim- kami na bahala. Byeeeee.
+ hila hila na nya si Ken na walang kamalay malay. Napatawa na lang talaga ako.
Tanya- uhmm haha pasensya ka na napag tripan lang talaga ako haha.
+ tatanggalin ko na sana pero pinigilan nyako at umiling sya.
Syto- wag mong tanggalin yan. Pag yan natanggal humanda ka sakin.
Tanya- ha?
Syto- gutom daw tayo diba? Tara maghanap ng makakain.
Tanya- pero kakakain lang natin sa bahay diba?
+ tiningnan nyako ng masama.
Tanya- sabi ko nga gutom tayo eh.
+ sumunod na lang ako sa paglalakad nya.
Nakakita ako ng photo boot kaya hinila ko sya saglit.
Tanya- pa picture tayo, naalala ko kasi wala pa tayong kahit isang picture eh.
+ natawa na naman sya at hinila ako palapit dun. At yun nga nagpa picture na kami ng marami. May nakayakap ako sa kanya, may binuhat nyako may kiniss nyako sa cheeks hahah. Ewan ko, ang saya ko ngayun, ang pogi pogi na naman nya ngayun kaya ang daming tumitingin sa kanya kanina pa, pero wala akong pakialam ang mahalaga ako ang kasama nya ngayun. Pagkatapos ay naglakad na uli kami pero ngayun hawak nya ang kamay ko na para bang ayaw na nyang bitawan. Nakangiti na sya. Sana ganyan na lang sya lagi.
(fast forward)
+ nakalipas na ang ilang araw at masyado ng busy ang banda nila dahil puro recordings na sila, syempre ako din, PA nila ako eh. Yun nga lang madalas na kaming di magkasama dahil ako ang nag aasikaso ng sched at papers nila. Sa gabi naman busy padin kasi dumadami na ang customer nila sa Bar
Sir- Tanya?
Tanya- Yes Sir?
Sir- may recording sila ng 2pm okay, paki asikaso nito.
Tanya- opo
Sir- may bisita lang ako sa baba, okay.
Tanya- sige po.
+ nakaupo lang ako sa sofa habang inoorganize ang mga sched, ayos ayos, likot likot ng biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako.
Tanya- Syto?
+ dire diretso sya palapit sakin at kinorner ako ng magkabila nyang kamay kaya napasandal ako sa pagkakaupo ko sa sofa.
Tanya- anong ginagawa mo dito?
+ nginitian nyako ng nakakaloko.
Tanya- Syto ha!
+ dahan dahan syang lumapit.
Tanya- Syto? Nagtatrabaho ako ha.
+ pero di nyako pinakinggan at unti unti nyakong hinalikan sa labi, mabilis lang at pagkatapos ngumiti sya ng napaka laki na parang satisfy na satisfy sya sa ginawa nya. Pagkatapos ay naglakad na sya palabas ng office na parang walang nangyare. Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang sasabog. Anong nangyayare sakin? Bakit ang init ng pakiramdam ko, para akong lalagnatin. Hindi ko rin maiwasang mapangiti, para akong baliw tingnan ngayun, kinikilig na ba ako sa lagay nato? Shemsss… Bat naman kasi nya—–
Sir- TANYA!!
Tanya- Ay!! Sir, yes po??
Sir- kanina pa kita tinatawag ano bang nangyayare sayo?
Tanya- a.! Pasensya na po, hindi ko po napansin.
Sir- by the way. Sya nga pala ang bagong Production leader natin, si Nathan, sya ang makakasama mo sa external affairs lalo na pag wala ako.
Nathan- hi ,Maam.
Tanya- hi.
Sir- kayong dalawa sumunod kayo sakin.
+ hayyy, nakakahiya. Napakalawak naman ng ngiti nung Nathan, hmm muka namang mabait kaya okay nadin. Pero parang ang bata pa nya eh, ang galing naman. Nagpaikot ikot lang kami sa kompanya, dahil medyo busy talaga at hectic ang sched ng banda kaya napaka raming ayusin. Mga ilang oras pa ay nagbreak muna kami sandali.
Nathan- Maam Tanya?
Tanya- hm?
Nathan- ok lang po ba kung yakagin ko kayong kumain, total breaktime naman po, para makilala ko narin po kayo.
Tanya- oo naman.
+ pumunta kami sa cafeteria ng kompanya at umorder ng pagkain.
Nathan- pasensya na po ha, ikaw pa lang po ang pwedeng kong yakagin eh, wala pakong masyadong kilala sa ngayon.
Tanya- walang problema yon. Nabigla ka siguro ano, first day mo pero ang dami na agad ginagawa.
Nathan- okay lang po, na pa alalahanan naman po ako dun eh.
Tanya- mabuti naman.
+ pagkatapos naming kumain, ay dinala na namin ang pinagkainan sa washing area. Nadulas pa nga si Nathan, buti na lang naalalayan ko agad, hmm siguro talagang naninibago pa sya. Bumalik na kami pareho sa trabaho, ako pumunta sa recording room nila Syto para ipaalam sa kanila ang sched.
Ken- hayyy, ang saya ang dami nating gig.
Lander- ako nga di ko nararamdaman yung pagod eh.
Tanya- uhmm, pasensya na kayo ha, hindi pa namin kayo magawan ng vacant kasi talagang maraming agency ang gustong makilala kayo.
Jim- ayos nga yun eh.
Tanya- pano babalik na lang ako mamaya, pag tapos na kayo, may aasikasuhin lang ako.
Syto- Tanya.
Tanya- hm?
Syto- nasan ang ID mo?
Jim- hayy, sobrang busy mo siguro talaga ano? Di mo na namamalayan na nawala na id mo.
Tanya- oo nga no. Siguro nahulog ko lang sya kung saan, lagot ako nito. Dibale, madadaanan ko naman lahat ng dinaanan ko kanina eh, nandun lang yun.
+ lumapit si Syto sakin.
Syto- wag mong masyadong pagudin sarili mo.
+ nginitian ko na lang sya at tumango, nagpaalam nako saglit. Hayyy ganun na ba ako ka busy para makaligtaan ang id ko. Pero suot ko parin nman ang lace, siguro nga nahulog ko kung saan.
( Syto POV)
+ pagkatapos ng session namin, hinanap ko agad si Tanya, buti na lang at walang gig sa bar ngayun kaya magkaka oras kami ni Tanya. Nakita ko sya palabas ng office ni Sir.
Syto- Out ka na?
+ muka syang nalugi.
Tanya- yup. Hayyy.
Nathan- hi po.
+ sino naman to?
Nathan-Nathan nga po pala, kayo po si Sir Syto diba? Fan po ako ng banda nyo. Ako po ang bagong production leader, nice to meet you po.
+ ahhh, kala ko naman kung sino.
Syto- ahh, okay.
Nathan- Miss Tanya? Hanggang ngayun ba hindi mo parin nahahanap ang id mo?
+ umiling lang si Tanya na nakatungo.
Syto- hayaan mo na, ipapahanap ko na lang, pagawa ka na lang muna ulit para sa passcode.
Nathan- sobrang dami siguro talaga ng ginagawa mo miss ano?
Syto- Tanya, tara na.
Nathan- uhmm, curious lang po ako. Mag on po ba kayo.
+ hinawakan ko sa kamay si tanya, pagkatapos ang ipinakita sa kanya yun.. Tumango tango lang sya. Hinila ko na ang lantutay na si Tanya. Hindi muna kami sumakay pauwe, niyaya ko na lang muna sya maglakad lakad.
Syto- ano ka ba? Wag mo ngang masyadong isipin, ako na bahalang magpa gawa ulit bukas.
Tanya- hindi naman yun eh. Naiinis lang kasi ako kasi imbes na maging huwaran ako sa bagong empleyado, ayun ako pa ang unang nakawala ng id.
Syto- sabi ng ako na ang bahala eh.
+ tumango na lang uli sya. Bigla namang tumunog ang cellphone nya.
Tanya- hm? Unknown number?
+ sino namang tatawag sa kanya ng gantong oras?
Syto- ako na.
+ inagaw ko sa kanya ang cellphone. Sinagot ko pero hindi muna ako nagsalita.
#-magandang gabi binibini.
+ malalim na boses ng lalaki ang sumagot.
Syto- Sino to?
#- ahh, nagkamali ata ako ng tinawagan.
Syto- Sino ka? Anong kaylangan mo sa Girlfriend ko?
+ hindi na sumagot at tumawa na lang sya ng nakakaloko. Binabaan nya rin ako.
Tanya- sino daw?
+ pilit kong iniisip kung may kilala ba akong ganong boses.
Tanya- Syto?
Syto- ha? Wala baka nantitrip lang, wag mo na lang sagutin kung tatawag uli.
+ ibinalik ko na sa kanya ang phone, bumuntong hininga na lang sya. Napaisip tuloy ako ng malalim. Bakit pakiramdam ko hindi lang sya isang prank call. Kung sino man yun, wag na wag nyang susubukang guluhin si Tanya.
Itutuloy…………
..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top