*2U* Chapter 21


(Tanya POV)
Nathan- hoy! Wag mo ngang pakealamanan yang pabango ko.
Syto- inaamoy ko lang naman ah.
Nathan- tabi nga.
+ ayan naman sila, simula nung mag stay dito si syto at jim, araw araw na silang ganan, parang mga batang di nauubusan ng pag aawayan. Pero, hindi ako nananawa kasi sa tagal nilang pinaghiwalay ng galit, deserve nilang magkasama uli.
Syto- alam ko na kung bakit di ka magustuhan ni tanya.
Nathan- wag mokong simulan ha! Agang aga!!
Syto- kasi ang baho ng pabango mo!
+ hahahahha.
Nathan- bakit ikaw? Mabango ba ang iyo.
Syto- oo mabango.
+ maya maya naman bumaba na rin si Jim at naghihikab pa.
Jim- apaka ingay nyo naman oh. Bat ba yan ang usapan nyo!
Syto- sabihin mo nga dyan kung gano kabango ang pabango ko.
Nathan- wala akong pake.
Tanya- alam nyo, parehong mabaho ang pabango nyo nho. Tumigil na nga kayo!
+ para silang mga abnoy.
Teresita- halina kayo at kumain.
+ umupo na kami para kumain, ng tumunog ang cellphone ni Nathan. Pinatahimik nya kami sandali. at ni loud speaker nya ang phone.
Nathan- hello?
[ Nasan ka? ]
+ boses pa lang halata ko ng si chris
Nathan- on my way.
[ bilisan mo. May plano ako, para mahanap na yang Tanya na yan. Ilang linggo nakong nabubulilyaso kay lucas, pag hindi ko nakuha ang share ko, ikaw ang pagbubuntunan ko! Bilisan mo!! ]
+ at binabaan sya nito ng phone.
Jim- ano naman plano yun?
Nathan- whatever it is I need to know that.
Syto- tingin ko hindi parin nya alam na nandito ako. Hayaan mong ako ang humarap sa kanya.
Nathan- ni minsan hindi kita pinayagang makialam.
Syto- ako ang pakay nya. Nasabit ka lang sa kasamaan nya.
Nathan- kahit na.
+ tumayo sya at akmang aalis.
Tanya- sandali, hindi ka ba kakain muna. Magugutom ka nyan.
+ ngumiti sya at tumingin sakin ng matuwid.
Nathan- malaman ko pa lang na nag aalala ka. Busog nako.
+ napatawa na lang ako.
Syto- aba!! Umalis ka na nga, nangigigil ako sayo.
Nathan- tss!!
+ at lumabas na nga sya.
Tanya- ikaw talaga.
Teresita- sya nga pala, mamayang hapon kaylangan kong umalis, total nandito naman kayo, may kaylangan lang akong dalawin baka kinabukasan o sa isang araw nako makabalik, nasabi ko narin yan kay nathan.
Jim- san po ba ang punta nyo?
Teresita- dadalawin ko ang namatay kong matalik na kaibigan.
Jim- ganun po ba? Ihahatid ko na po kayo para di na kayo gumastos.
Teresita- naku wag na, maaabala ka pa.
Syto- hindi manang ready na nga yan eh.
Jim- ha?
Syto- diba ready ka na?
+ napa oo na lang si jim hahaha
Jim- ahhh opo, ready na po ko.
Teresita- hahah kayo talagang mga bata kayo.
+ hay naku tuwang tuwa naman si kolokoy.
Pagtapos naming kumain ay pumunta na muna sa tindahan si manang at sinamahan sya ni jim para tulungan, kaya naman naiwan kami dito ni syto. Pinakikiramdaman ko lamang sya, di ko alam kung matatawa ako o hindi kasi para syang tanga na di mapakali sa pagkakaupo. Naghuhugas naman ako ng plato. Maya maya lumapit sya sakin.
Syto- ahem! Soooo ano na?
Tanya- ang alin?
Syto- hindi ba dapat may gagawin tayo pag mga ganto sa pelikula?
+ sa totoo lang natatawa nako.
Tanya- ahhhhh, wait lang ha.
+ pumasok ako sa kwarto.
Syto- yuun!! Sabihin mo lang pag pwede nako pumasok ha.
+ lumabas akong dala ang mga labahing damit. Kaya nagtaka sya.
Tanya- buti Pina alala mo, may gagawin pa nga pala ako. Tas ikaw naman, heto! Walisan mo yung taas hanggang baba, tsaka punasan mo narin yung mga bintana, tanggalin mo yung mga kurtina at lalabhan ko na din.
Syto- seryoso ka ba?
Tanya- bat naman kita bibiruin? Sige na gawin mo na at ilalagay ko na to sa washing machines.
Syto- ayoko.
Tanya-ahhh ayaw mo? Edi ayaw mo sa reward mamaya?
+ nanlaki naman mata nya.
Syto- reward? Sabi ko nga eh, yung kurtina ba? Gusto mo tanggalin ko narin yung bintana?
+ tinawanan ko na lang sya. At ayun nga nagtanggal at nagwalis na sya, ako naman, nasa washing machine, Mga 30 minutes ay tinawag ko sya.
Tanya- halika nga, pawisang pawisan ka na, akin na yang damit mo at lalabhan ko na rin yang tshirt mo tas maligo ka na ako na bahal dito.
+ mejo napa atras naman sya.
Syto- wag na, ako na lang maglalaba mamaya.
Tanya- wag ka na makulit okay.
Syto- uhm, hindi nga, ako na. Sus gusto mo lang makita abs ko eh.
Tanya- alam mo ilang beses ko na nakita yan, wag ka na ngang makulit, edi tumalikod ka, ako na mag tatanggal!!! Talikod!!
Syto- wag na nga.
+ itinalikod ko sya at pinilit hubarin ang damit nya, pilit naman nya akong pinipigilan, ng mangalahati ako sa paghubad napatigil ako. Kaya ganun din sya.
Para akong sinaksak sa puso sa mga nakita ko sa katawan nya. May malaking peklat sya ng sugat sa likod paakyat sa balikat at batok nya. Ng mapansin nya yun, ibinaba nya na ang damit nya.
Syto- sabi sayo ako na ih.
+ napakapit na lang ako sa laylayan ng damit nya at tiningnan sya ng tuwid sa mata habang pinipigilang umiyak.
Tanya- kelan pa yan?
Syto- ang alin?
+ tiningnan ko rin ang mga kamao nya, puro sugat at galos yun.
Tanya- Syto…..
+ napahagulhol na lang ako ng iyak at napaluhod sa harap nya. Hawak hawak ko ang kamay nya.
Syto- Tanya, ano ka ba.
Tanya- sorry!!! Kasalanan ko! Sorry, sorry talagaaaa…
+ niyakap nya ko at dinala sa kwarto at inupo ruon, lumuhod sya sa harap ko.
Syto- ano bang iniyak mo? Tahan na.
Tanya- yung sugat mo! Hindi ko alam na ganan kalala.. Sorry, kasalanan ko yan.
+ napabuntong hininga na lang sya.
Syto- wala kang kasalan okay.
+ ewan ko, habang iniisip ko kung gano kalaki yung sugat nya hindi ko matanggap na yung sakit na pinag daanan nya.
Syto- ganto na lang, naglinis ako diba? Kukunin ko na reward ko, maligo ka na at magpalit, may pupuntahan tayo. Kaya please, wag ka na umiyak.
( Syto POV)
+ Napatahan ko na sya at niyakag pumunta sa nadaanan naming beach ni jim nung unang beses namin dito, nasabi ko pa sa kanya na, kahit isang beses lang eh dadalhin ko si tanya dito. Pero bago yun, bumili muna ako ng mga mababaon, tingin ko ito na yung quality time na kaylangan namin. Mga ilang minuto lang ang layo kaya nakarating kami agad, kita sa ekspresyon nya ang pagka kalma.
Tanya- bakit dito tayo nagpunta?
Syto- para dyan?
+ tinuro ko...


yung muka nya.
Tanya- ha?
Syto- para sumaya yang muka mo.
+ at muli ko na namang nasilayan ang ngiti nya.
Syto- so. Baka gusto mo munang maglakad lakad.
+ tumango lang sya at hinawakan ako sa kamay.
( Nathan POV)
Nathan- hello manang.
[ aalis na muna ako, baka sa isang araw nako makabalik ha. ]
Nathan- manang nasabi mo na yan. Magiingat ho kayo ha.
[ gusto ko lang ipaalam uli. tsaka ihahatid ako ni jim, kaya wag ka mag alala]
Nathan- sige ho manang.
+ kung pwede lang magbakasyon ng matagal tagal si manang, alam kong kaylangan nya ng pahinga. Teka, ibig sabihin maiiwan sa bahay yung dalawa?!! Tsk, kaylangan ko umuwi ng maaga.
Lucas- Hey.
+ ano na naman kayang kaylangan nito.
Lucas- you know what, its very rare to see you this past few days. What are you up to? Except incharge of looking for Tanya?
Nathan- I dont think its my duty to tell something about my privacy.
Lucas- yeah, you maybe right. By the way, Chris is looking for you, I think you’ll have another duty.
+ nilampasan ko na lang sya at pumunta sa opisina ni chris.
Chris- oh andyan ka na pala. Eto, dalhin mo sa Broadcasting company, siguraduhin mong iheheadline nila yan. Sige na, ngayun na.
+ lumabas nako dala ang envelope, pagsakay ko ng kotse binuksan ko to, at sabi na nga ba, hindi talaga sya titigil.
(Syto POV)
+ inabot na kami ng paglubog ng araw dito, sinigurado kong makikita nya yun, at tama nga ako, alam kong mapapasaya sya nito.
Tanya- grabe, sa tinagal tagal ko dito, ngayun ko lang nakita to, huling panonood ko ng sunset, nasa probinsya pako.
Syto- okay ka na ba?
+ tumingin lang sya sakin at ngumiti.
Syto- kung ang ikinalulungkot mo, eh yung mga bakas ng sugat ko. Wala yun. Tsaka isa pa, deserve ko yun.
Tanya- ano ka ba! Wag mo ngang sabihin yan.
Syto- haha, okay, sa tinatagal mo dito, kasama si nathan, gabi gabi akong di makatulog kasi di ko alam kung nasan ka, kung okay ka pa ba? Kung bakit nawala ka, pinahanap kita, kasi nung mga oras na gustong gusto kitang makita, yun yung mga oras na nakahiga lang ako sa ospital at walang silbi. Yung bahay, ni minsan hindi ko pinatayan ng ilaw kasi baka sakali. Baka sakali lang nman na bumalik ka at malaman mong nandun lang ako sa loob. Hinihintay ka. Yung kwarto mo, ni minsan hindi ko pinabayaan, para pag bumalik ka at gusto mo magpahinga, makakapag pahinga ka. Nung mga oras na kaya ko ng lumakad, hinanap kita pero tulad nila, hindi kita makita. Sabi ko noon siguro karma to.
+ bumuntong hininga sya.
Tanya- alam mo ba, kelan lang kami nagkasama sa bahay ni nathan?
Syto- ha? Hindi ba sya ang kumuha sayo.
Tanya- uhmm oo isa sya, lagi din kami magkasama. Kanang kamay sya ni chris eh. Kapalit ng galit, pinagtrabaho ako ni chris sa kompanya nya, at bawat mali ko, sinasaktan nyako.
+ para akong inapuyan ng marinig ko yun.
Tanya- pero alam mo ba, one time lumaban ako. Ang sabi ko sa kanya. Yan lang ba ang kaya mo? Kasi kung yan lang. Wala ka pa sa kalingkingan ng taong kilala ko.
+ humarap sya sakin.
Tanya- oo, nagawa mokong saktan, sugatan, paghigpitan, ikulong, pahirapan noon, dumating sa punto na gusto kong ibalik lahat sayo ng galit at sakit na ginawa mo. Pero hindi eh. Yung takot na dala mo tuwing uuwe ka nuon, yung pahirap na ginagawa mo tuwing nagagalit ka, lahat yun! Pinatibay ako. Hindi dahil sanay nako, kundi dahil sa kabila ng lahat ng yun. Minahal moko. Sa kabila ng lahat ng yun, pinakilala mo sakin kung sino ka, at kahit sa kabila ng lahat ng yun mas pinili kong maging miserable para lumaya ka.
Syto- tanya.
Tanya- hind ko akalain na yung Syto na tinutukan ako ng kutsilyo, binantaan ang buhay ko, pinahirapan ako, ang syang nagdala sakin dito.
Wala akong nagawa kundi ang tumungo na lang.
Syto- sorry.
Tanya- hindi kita sinisisi, gusto ko lang marealize mo na mahal na mahal kita para pasukin ang gusot nato. Wag mong isiping kinakarma ka. Kasi nung mga panahong iniisip mo yan, proud na proud ako sa sarili ko na kahit papaano may nagawa ako para sa taong mahal ko.
Syto- sorry kaylangan mo pang pagdaanan to.
Tanya- nope. Because of this, nalaman ko yung true feelings ko. And just like you, gagawin ko lahat para maayos na lahat.
(Tanya POV)
+ nginitian ko na lang sya at titig na titig lang sya sakin. Tatalikod na sana ako para kumuha ng makakain ng bigla nyakong hilahin sa kwelyo at akmang hahalikan. Syempre nanlaki mata ng lelang nyo, hanggang ngayun ang gwapo gwapo nya padin eh. Tuwid na tuwid ang tingin nya sakin at bahagyang ngumiti.
Tanya- anong ginagawa mo?
Syto- just say you miss me.
+ simple lang yun, pero napangiti nyako.
Tanya- Yeah. I miss you.
Syto- sobra?
Tanya- hahaha sobra.
+ and deym, unti unti na syang lumapit. Wala ka na lang talaga magagawa kundi pumikit at antaying dumampi ang mga labi nya, na estatwa na ako susme, ganun kalakas ang kuryente nya sakin, sa tagal ba namang—
Nathan- Tanya!!!!!
+ hm? Napamulat ako bigla at napatingin sa tumawag, Si Nathan pala.
Nathan- anong ginagawa nyo dito?
Syto- di mo ba nakikita, nagpipicnic.
+ lumapit sakin si nathan at hinila ako sa kamay. Agad naman syang pinigilan ni syto.
Tanya- Nathan sandali lang. Ano bang problema.
+ ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang lalabas.
Syto- sandali nga lang. Ano bang tingin mo? Pababayaan ko si Tanya?
Nathan- kung ayaw mo syang mapahamak, hindi mo sya ilalabas ng bahay!
Syto- kaya ko syang protektahan, kaya ako ang bahala sa kanya.
+ bago pa sila magbabag uli. Sumingit nako.
Tanya- Nathan tama na. Okay na, walang masamang nangyare kaya please umuwi na tayo.
Nathan- o yan!
+ may pinakita sya saking statement paper.
Nathan- nakikita mo ba yan?
Tanya- sandali.. Anong ibig sabi—-
Nathan- pinadadala nya sakin yan para i headline na ikaw na asawa nya eh tumakas dala ang ibang kayamanan nya!!!!
+ what the?!!!!!
Nathan- alam mo ba, kahit hindi ko dalhin to, lalabas at lalabas to sa media!!
+ napaka walanghiya talaga ng demonyong yun!!!
Syto- teka lang ha. Anong ibig sabihin mo? Tsaka ano yung narinig ko? Asawa?!!!!!!!
+ sabay tingin nya sakin na naniningas ang mata. Anak naman ng ano oh!!!! Kelan bako titigilan ng kamalasan nato…!!!!!
Itutuloy………






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top