*2U* Chapter 9


(Tanya POV)
+nagising ako na masakit ang katawan, siguro dahil sa pagod, nakatulog na kasi ako pag akyat na pag akyat ko dito pagkatapos namin magka usap ni Syto. Naalala ko na naman ang mga nangyare, napaka sira ko talaga, hindi ko na naman alam kung tama ba ang naging desisyon ko, napabuntong hininga na lang ako. Tiningnan ko ang oras at alas 8 na pala ng umaga, napahaba yata ang tulog ko. Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto ko, pababa pa lang ng hagdan naririnig ko na may nag aasikaso sa kusina kaya dahan dahan muna akong bumaba, hanggang sa makita ko si Syto na naghahanda ng pagkain. Seryoso ang muka nya pero maaliwalas syang tingnan ngayon.
Ng mapansin nya na ako, napadilat ako ng ngumiti sya ng napaka ganda.
Syto- Goodmorning. Gigisingin pa lang sana kita eh.
+ parang iba ang awra nya ngayon. Halatang gusto nyang lumapit sakin pero para syang nagdadalawang isip kaya umupo nako sa kainan. Ganun din sya sa kaharap na upuan.
Tanya- ang dami mo namang niluto.
Syto- in case na gusto mo ng pag pipilian. Kain na.
+ tapos nagsimula narin syang sumubo, pero ako nakatingin lang sa kanya.
Tanya- hindi mo naman kaylangang gawin yan eh.
Syto- hm? Ang ano?
Tanya- ito. Alam kong ginagawa mo lang to para hindi nako matakot sayo. Ang totoo mas pinili kong bumalik, una dahil responsibilidad ko ang bahay nato, pangalawa, problema ko to kaya ako lang dapat ang aayos nito. Atsaka, gusto din kitang bigyan ng pagkakataon na ipaliwanag mo sakin kung bakit mo nagawa lahat yun. Kaya hindi moko kaylangang pagsilbihan tulad nito.
+ nakatungo lang sya. Itinigil nya saglit ang pagkain.
Syto- nabuksan ang isip ko nung bata pako, ang tanging tumatak dito ay, hindi lahat ng bagay nadadaan sa usapan lalo na pagdating sa relasyon. Lumaki ako sa brutal na pamilya Tanya, nakita ko lahat ng mga dapat hindi ko nakikita ng mga panahong yun, maniwala ka pinipilit kong pigilan lahat pero tuwing naaalala ko yun, hindi ko na maiwasan at worst nagagawa ko pa.
+ nakatitig lang ako sa kanya habang nagkekwento sya. Hindi naman sya makatingin sakin ng diretso.
Tanya- alam ko.
+ nagulat sya sa sinabi ko kaya napatingin sya sakin.
Syto- alam mo? Pano?
Tanya- hindi na mahalaga yun. Naiintindihan ko rin kung bakit nandito ka. Simula ngayon, ituring mo ng parang bahay mo to. Basta wag mo na lang kalimutan yung napag usapan natin kahapon. Sana lang wag ka ng magkulong sa dati, alam ko namang mabait ka, tulad ng ginawa mo sa mga kabanda mo.
+ tumingin sya ng diretsong diretso sakin tapos ngumiti ng bahagya.
Tanya- b-bakit?
Syto- Sorry.
Tanya- saan?
Syto- sa lahat ng nagawa ko. Atsaka, napag isip isip ko. Unfair kung patatawarin mo na lang ako ng ganun ganun lang, kaya nagdesisyon ako na humanap na ng malilipatan, kasi ayokong makagulo sa privacy mo. Wag ka mag alala, humingi nako ng tulong kila Ken para makahanap agad, mga ilang araw pa, wala ka ng alalahanin.
+ bakit ganun? Dapat natutuwa ako, pero bakit ganon???
Tanya- ahh, ga-ganun ba? Ikaw ang bahala.
+ tumawa na lang ako ng bahagya. Tumayo ako para kumuha sana ng tubig kasi bukod sa hindi ko malamang dahilan ng pag ka dismaya ko, biglang sobrang sakit ng puson ko.
Syto- Tanya!!
Tanya- hm?
Syto- May dugo.
+ nakatingin sya sa may pwetan ko at nakita ko na may dugo nga. Tumayo agad sya.
Syto- ok ka lang ba?
+ sabi ko na nga ba, iba ang pakiramdam ko. Ganto talaga ako kapag may dalaw. Sobra kung manakit ang puson at katawan.
Syto- anong masakit sayo?
+ hindi ako makaimik, medyo nahihiya kasi ako. Sa harap pa ng pagkain, at isa pa sobrang sakit talaga ng puson ko.
Syto- Tanya?
Tanya- ok lang ako. Uhm, wala to dinalaw lang ako ng ano….
+ bumuntong hininga sya, at nagulat ako ng buhatin nyako ng pangkasal.
Tanya- huy, anong ginagawa mo?
+ hindi nyako pinansin, dire diretso syang pumasok sa banyo at iniupo ako sa edge ng vowl. Lumuhod sya sa harap ko.
Syto- sabihin mo sakin, anong kaylangan mo?
+ concern na concern ang tingin nya sakin, sa buong pagsasama namin, ngayun ko lang nakita sa kanya yun.
Tanya- ako na, kaya ko naman eh.
Syto- Tanya! Wag kang makulit! Ako na.
Tanya- ahhm, Kaylangan ko ng Sanitary pad, nasa drawer ko atsaka bagong damit at yung ano.. Alam mo na yun.
+ tumayo sya at iniwan ako dun. Maya maya, pumasok uli sya dala ang mga sinabi ko.
Syto- kaylangan mo ba ng tulong?
Tanya- baliw ka ba?! Kaya ko na, lumabas ka na dun.
+ medyo napatawa sya.
Syto- tawagin moko pag may kaylangan ka.
+ tumango na lang ako, tsaka lumabas na sya. Pag ganto pa namang may dalaw ako, wala akong nagagawang kahit ano kundi humilata. Dala ng sakit ng katawan ko.
Nagpalit nako, at pagkatapos ay lumabas.
At nagulat na naman ako ng nakasandal na naman sya sa gilid ng pinto.
Tanya- bakit ba lagi ka na lang nandyan?
Syto- ok ka na? Makakakain ka ba?
Tanya- hindi na, sige lang mauna ka na, papahinga lang ako.
+ pero binuhat nyako uli at umakyat naman papunta sa kwarto ko.
Tanya- diba sabi ko kaya ko na?.
+ hindi na naman nyako pinansin, pagdating sa kwarto ko, iniupo nyako sa kama at kinuha ang marumi kong damit at nilagay sa labahan, pagkatapos umupo rin sya sa harap ko.
Tanya- pwede ka ng lumabas, kaya ko naman eh.
+ pero nakatitig lang sya sakin.
Syto- Tanya, alam kong may galit ka parin sakin, pero hayaan mo sana akong bumawe, napakarami kong kasalanan sayo.
+ huminga ako ng malalim, sabay tumango n lang. Napangiti naman sya nun. Inihiga nya nako at kinumutan, nagdala rin sya ng tubig. Pakiramdam ko, komportableng komportable ako sa mga ginagawa nya. Lumipas ang ilang araw at tinotoo nya ang mga sinabi nya, walang oras na wala sya sa tabi ko, sya ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay, at pag kaylangan sya sa banda, sumasaglit lamang sya sa studio pagkatapos ay bumabalik din.
Syto- o? San ka?
Tanya- may aasikasuhin lang ako saglit.
Syto- alas 4 na ah. hatid na kita.
Tanya- hindi na kaya ko na to.
+ kinuha nya ang sumbrelo nya at isinuot sakin.
Syto- mag iingat ka, wag mong tatanggalin yan, pag may nambastos sayo, tawagan moko agad.
+ para syang kuya ko.
Tanya- oo na.
+nagpaalam nako sa kanya, pero di pako nakakalabas ng pinto narinig kong tinawagan sya ni Ken. Alam ko kung tungkol saan yun at bigla akong nalungkot. Maaaring sa mga oras na to, nakahanap na sila ng Malilipatan ni Syto. Nagdire diretso na lang ako sa pupuntahan ko. At alam nyo na siguro kung saan.
Enzo- Tanya?
+ nagmamadali syang lumapit sakin at niyakap ako.
Enzo- kamusta ka na? Ok ka lang ba? Bakit nandito ka? Kung hindi mo pa kayang pumasok ok lang naman eh, ayokong mapagod ka pa ulit ng sobra.
Tanya- Enzo.
+ napatigil sya at tumingin sakin.
Tanya- pwede ba tayong mag usap?
+ tumango lang sya.
Enzo- tungkol saan ba? Hanggang ngayun ba ginugulo ka parin–
Tanya- hindi. Hindi na. May kaylangan lang akong sabihin sayo.
Enzo- ano ba yun?
Tanya- ahmm, ito muna. Umiinom ka ba?
+ napatawa sya sabay tumango.
(Syto POV)
Myel- sabihin nyo nga sakin, ano ba kasing mga nangyare ha? Alam nyo napaka saya nyo! Nawala lang ako ng ilang araw, hindi nyo nako binabalitaan.
Jin- eh wala naman kasi talagang nangyare eh.
Myel- sinong niloloko mo?


/> Syto- totoo. Ano bang ineexpect mo?
+ inisnob nya lang kami. Hayy. Lumabas din muna ako pag ka alis ni Tanya, hindi ko rin kasi masyadong naaasikaso itong banda nitong mga huling araw, ayoko naman isipin nilang pinababayaan ko sila.
Ken- sya nga pala kuya, ilang araw nakong nag sa sub sayo sa Bar ha. Lagot ka na talaga kay Boss.
Syto- ako ng bahala dun.
Myel- see? May hindi talaga ako alam.
+ napatawa na lang sila kay Myel. Tumingin ako sa oras at mag aalas 7 na pala ng gabi.
Syto- guys kaylangan ko na munang umuwi
Ken- sige lang kuya. Kami na bahala dito. Basta wag mo kakalimutan may ensayo tayo bukas ha.
+ tinanguan ko na lang sya at lumabas na. Pero sumunod si Myel sakin.
Myel- Syto.
Syto- hm?
Myel- ano bang hindi ko alam? Bakit hindi ka nakakapasok sa trabaho mo sa Bar?
Syto- Myel, walang problema, kaya wala kang dapat ipag alala.
Myel- atsaka, bakit ganyan ka?
Syto- anong in big mong sabihin?
+ tiningnan nya lang ako.
Syto- Myel, uulitin ko, wala kang dapat alalahanin okay. Sige na, kaylangan ko ng umalis.
+ tumalikod nako. Alam ko ang nararamdaman ni Myel para sakin, pero sabi ko nga dati, hindi ko kayang tapatan yun dahil parang kapatid na ang tingin ko sa kanya. Dire diretso nako pauwe, baka kasi nandun na si Tanya. Pagdating ko dun, nagulat ako kasi wala pa sya. San ba kasi pumunta yon? 7:30 na sa orasan, sinubukan ko syang tawagan pero hindi sya sumasagot. Nagsisimula nakong mag alala kaya kinuha ko ulit ang jacket ko at lalabas na sana ng bumukas ang pinto at pumasok si Tanya na…..
Tanya- oyyy.. Andyan ka pala….
+ lasing.
Syto- Tanya??
+ agad akong lumapit sa kanya at inalalayan sya.
Syto- lasing ka ba?
+ ang bobo ng tanong ko.
Tanya- ako? Hahaha, hindi ah. Sinong lashiiingggg. Ako? Hindi, dyan ka nagkakamali..
+ anong nakain nito. Tsaka san ba kasi nagsuot to! Inalalayan ko sya paupo sa Sofa at kinuhanan sya ng tubig.
Tanya- oh? Ang wapu wapu mo naman ngayon? San ka punta? Ahhhhhh… Alam ko na, lilipat ka na nho???? Haysssss, sige. Lumipat ka na kung gusto mo.. Wala akong pake sayo……
+ tinutulak tulak nyako. Hayy, bakit ba kasi to naglasing? Tsaka pano to nakauwe?
Tanya- mga babawe na sinasabi mo!! Alis naaa!!!!!
+ hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Binuhat ko na sya at iniakyat sa kwarto nya. Lagpak sya sa kama nya, murmur pa ng murmur. Di ko naman maintindihan ang sinasabi.
Syto- hindi ka ba nasusuka ha?
+ umiling iling lang sya.
Syto- papaltan kita ng damit ha, tsaka pupunasan narin kita.
Tanya- bahala ka sa buhay mo.
+ kumuha nako ng pamunas at pamalit ng damit nya. Kaya bahagya ko syang iniupo at isinandal sa ulunan ng kama nya. Pagkatapos ko syang punasan ay pinalitan ko na ang damit nya, syempre nakapikit ako pero nakita ko narin naman yun eh hehe, diba? Joke. Kinuhanan ko sya ng tubig at pinainom muna saglit.
Syto- hindi ka ba nagugutom?
+ umiling iling lang uli sya. Pinunasan ko ang pawis nya sa noo at magpapa alam na sana para makapag pahinga na sya, pero hinawakan nyako bigla sa kamay. Kaya napaupo ulit ako sa may gilid nya.
Syto- may kaylangan ka pa ba?
+ nakasimangot sya. Tapos ay tumingin sakin.
Tanya- talaga bang lilipat ka na?
+ hindi ako sumagot sa tanong nya.
Tanya- hindi mo manlang ba ako tatanungin kung san ako nanggaling?
Syto- eh san ka nga ba nanggaling?
Tanya- nakipag kita kay Enzo.
+ medyo nainis ata ako nun, kaylangan pa ba talaga nyang ipaalam yun?
Syto- ahhh.
Tanya- tapos nag inuman kami.
Syto- halata nga eh.
Tanya- hmm kaylangan ko na uli humanap ng trabaho. Nagpaalam nako eh, nakakahiya na kasi sa kanya eh, lam mo ba, naintindihan nyako, sabi nya kung ano daw ang desisyon ko, dun na din sya.
Syto- bakit ka umalis sa trabaho?
Tanya- kasi…. Nadamay pa sya eh.
+ medyo pumikit nya sya, halatang nakakaramdam na ng antok.
Syto- kung pagod ka, magpahinga ka na okay.
+ pero hindi nyako binitawan.
Tanya- kaylangan ko narin bang magpaalam sayo?
+ nagsasalita sya ng nakapikit, hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nya.
Tanya- pano kung ayokong mag paalam?
+ nagulat ako sa sinabi nya, hindi ko alam ang irereact ko, ano gusto nyang iparating, parang dati ako lang ang nagpapakaba sa kanya, bakit ako ang nakakaramdam ng kaba ngayon? Ano nga ba ang gusto nyang iparating? pinilit kong iwasan kung ano man ang mga sasabihin pa nya, pero kahit nakapikit na sya, hindi parin nyako binibitawan.
Syto- Tanya, alam mong kaylangan ko na ring lumayo.
Tanya- kaylangan ba talaga?
Syto- ano bang gusto mong sabihin?
+ iminulat nya ang mga mata nya, at nabigla ako ng may pumatak na luha mula sa mga mata nya.
Tanya- pwede bang wag ka na lang umalis? Wag mo na lang akong iwan? Bumalik ako para linawin sayo na, alam mo ba? Kahit nagawa mo sakin yun, kahit sinasaktan moko, kahit takot na takot ako sayo lagi,
Hindi ko magawang lumayo, kahit dapat inalis na kita sa buhay ko, bakit pinipilit kitang manatili ngayon.
Syto- Tanya, alam mo naman na—
Tanya- kahit magalit ka sakin minsan. Kahit pa napagbuhatan mo nako ng kamay, kahit alam natin pareho na mali yun, bumalik parin ako, kasi Syto….
+ tumigil sya, kaya napatigil narin ako, ngayon lang ata ako kinabahan ng ganto.
Tanya- lablab na kita ih, kahit ganon ka! Tanga na ba ako nun???
+ Gusto ko tumawa pero hindi ako makapag salita, hindi ko alam ang sasabihin ko, nakatingin lang sya sakin na parang naghihintay ng sagot. Lasing lang sya, hindi nya alam ang sinasabi nya.
Tanya- Pasensya ka na ha, lagi kasi kitang ginagalit dati eh.. Kasalanan ko rin siguro.
+ pagkatapos nyang sabihin lahat yun, nagpa pungay pungay ang mata nya, na parang gusto ng matulog. Tatayo na sana ako pero hindi parin nyako binitiwan.
Tanya- dito ka lang please.
+ napabuntong hininga na lang ako. lasing na lasing nga to. Inihiga ko na uli sya, hinila nyako para itabi sa kanya kaya humiga muna ako saglit sa tabi nya, nakatalikod sya sakin habang nakayakap ako sa bewang nya dahil hindi nya parin binibitawan ang kamay ko. Natatandaan ko, ganto rin kami nung una kaming magkita, hindi ko lang akalain na aabot kami dito, at mararamdaman nya yon para sakin, sa kabila ng lahat ng nagawa ko sa kanya. Napatitig na lang ako sa nakatalikod na si Tanya….. Marahan kong hinawi ang buhok nya sa batok, at tulad dati, hinalikan ko yun, dahan dahan papunta sa tenga nya at nagulat ako ng unti unti syang humarap sakin, napaka amo ng muka nya, di ko mapigilang mapangiti. Syto- Gusto mo ng kanta?
nakapikit lang syang tumango kaya kinantahan ko sya habang tinititigan ko sya. Ng mejo nakakatulog na sya Hinalikan ko sya sa noo sabay bumaba ng kama. At bumulong sa kanya.
Syto- pahinga ka na.
+ sinigurado kong nasa maabot lang nya ang tubig tsaka ako lumabas at bumaba ng kwarto. Napasighay na lang ako. Napaka gago ko talaga. Napainom ako ng tubig. Tapos ay pumasok na sa kwarto. Naalala ko bigla lahat ng sinabi nya, hindi ko parin alam kung anong isasagot ko dun, pakiramdam ko kasi hindi ko naman deserve ang pagmamahal nyang yun. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa makatulog nako. Makakatulog nga ba ako? Mukang magdamag akong mag iisip nito.
itutuloy……..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top