A Cold Girl Fall Inlove Kabanata 1


A Cold Girl Fall Inlove
Written by: Porti
Kabanata 1
Nag makaawa
Ashley POV.
Nandto na kami sa tapat ng classroom pero nahalata Kong parang walang taong nangangahas Ng pumasok,kaya may hinala ako na may ginawa silang Hindi kanais nais, sakto Naman na paparating na yung susunod naming sub,pag tulak na pagtulak palang nya ng pintuan ay bumuhos sa kanya ang timba na may lamang harina.nakita ko Naman ang aking mga kaklaseng naka simangot dahil akala nila maiisahan nila ako,ibang klase Rin talaga ang skwelang Ito eh no. PARANG kala mo kagalang galang ang mga pumapasok.
Bigla nalang napasigaw ang aming guro dahil sa nangyari sa kanya.
“SINO ANG MAY GAWA NITO!” galit na sigaw nito at masamang tumingin sa mga kaklase, napayuko nalng sila,at tsaka kami pumasok ni Tiffany,Kung akala nyo maiisahan nyo ako o kami pwes hanggang akala nalang Kayo.
Uwian na at naglalakad palabas Ng school Ng nakatambay ang grupo Ng sinasabi nilang PRINCE’S, ngunit diniretso ko Lang ang lakad namin ni Tiffany, pero bigla kaming hinarang nito dahilan para matigil ako sa pag lalakad.
“Anong kailangan nyo?” Nasabi ko nalang dahil Wala akong oras para sa mga katulad nila.
“Nothing” Sabi nilang dalawa ni Kurt at Dylan.
“Then.get out of our way”tsaka ko sila tinignan ng matalim
“gusto Lang Sana naming sumabay kayo ulit bukas saming kumain,pwede ba?”Sabi ni Kurt Kaya Naman napalingon ako sakanya.
Malamig Kong tiningnan ang mga ito.
“Huh?muntik nakong masampal kanina Ng mga umaaligid sa inyo na mga mukang clown ang pag mumukha.Ng dahil sa pangalan nyo tapos aayain mo nanaman ako,kami,gusto nyo atang mamatay ako sa loob Ng skwelang to ah”malamig na Saad ko.
“Hindi Naman namin hahayaang mangyari Yun sa inyo,kaya sumama nalang Kayo bukas para sa lunch”Saad ni Kyle.
“Kung mahahagilap nyo kami bukas ang tanong” pabulong na Saad ni Tiffany.dahilan para mapatingin ang apat sakanya,kaya pumunta nalang sa likod ko ito dahil masasama ang mga tingin Ng mga ito.
“Bakit saan naman Kayo pupunta?” Tanong ni kurt.
“Wala na Kayo dun Kung San kami pumunta” Saad ko Naman at dali daling umalis sa Lugar nato tsaka umuwi pero bago nun hinitay ko munang may masakyan si Tiffany bago ako umuwi.
Nandto ako ngayun sa silid ko at ginagawa ang mga homeworks ko.ng biglang may kumatok.
“Hija?” Tawag sakin ni manang kaya Dali dali kong pinagbuksan si manang Ng pinto.
“Ano po Yun?” Magalang na Saad ko
“Baba kana at tayoy kakain na” Saad Naman nito tumango nalang ako para sagot sakanya.
Dumaan ang ilang araw at ngayun ay weekend na kaya Naman nandto ako sa mall nag gagala pero minsan Lang ako pumunta dto pag trip ko Lang.
Pamamasyal Lang Naman ang ipinupunta ko dto para Naman kahit papano marelax ang isip ko.


/> Nagugutom narin ako kaya Naman pumunta muna ako sa isang fast food resto.
Lumipas ang ilang minuto at nakapag order narin ako Ng aking makakain kaya Naman nag hanap ako Ng isang lamesang bakante,kaagad ko namang linantakan ang aking pag kain,Ng biglang..
“Miss pwedeng maki upo,Wala na kaseng upuan kaya pwede ba?” Tanong Ng boritong boses.kaya naman napalingon ako,at nakita ko ang gwapo nitong itsura,tumango nalang ako para sagot.
(Katahimikan)
Yan ang bumalot samin pag mag tatanong Lang sya sasagutin ko Yun lng ang napag usapan at nagpakilala Rin sya at ang pangalan nya ay Cleo Montero,at mabait naman Ito,pero kagaya Ng dati Hindi ako nahilig sa pakikisalamuha sa mga Tao o kahit na kanino..
Aalis na Sana ako ng bigla nya Kong tinawag kaya naman napalingon ako rito, pag lingon ko nakita ko syang tumatakbo at may dala dalang bagay. Ng mapansin Kung Wala Yung phone ko,
“Phone mo naiwan mo,buti naabutan pa kita” tsaka nya binigay sakin Yung cellphone ko.
“Salamat ahh sige Alis nako” Saad ko nalang.
Nag volunteer pa nga sya na ihatid ako pero tumanggi ako.
Nandto na ako sa loob Ng aking silid mabilis na lumipas ang oras kaya Naman Gabi na at kakatapos ko lang maligo.Ng biglang tumunog Yung cellphone ko,kaya dali dali ko itong kinuha at nakita Kong si Tiffany ang naka flash sa screen..
Sinagot ko nalang.
(Hello,Ash?) Saad nito sa kabilang linya.
“Bakit ka napatawag?” Saad ko Naman sakanya
(Bukas G kaba gagala tayo para Naman marelax ka)Sabi nito
“Kakagala ko Lang kanina sa mall eh”sagot ko Naman kanya
(Yung Tayo namang dalawa ang mag kasama para masaya)Sabi nya sa kabilang linya
Hindi tumagal ay napa sang ayun nya Rin ako saknayng kagustuhan.
(Kinabukasan)
Nagising ako sa tunog Ng cellphone ko,pag tingin ko tumatawag si Tiffany,kaya Naman sinagot ko Ito.
(Hello Ash)
“Ohh bakit?”
(Nakalimutan mo kagad mag gagala tayo naghihintay nako dto oh)kaya napabangon ako Ng Wala sa oras
“Oo nga pala teka mga 30 minutes nandyan nako” saad ko nalang tsaka nag mamadaling maligo at magbihis.naglagay narin ako Ng konting kolorete sa muka tsaka Lang ako nag fit pants at v-neck shirt
Nag madali akong pumunta Kung saan kami mag kikita ni Tiffany.pagkarating ko dun nakita ko kagad si Tiffany na nakaupo at nakasilong sa malaking puno.
Pag karating ko dun may dumating na mga lalake,pag lingon ko ang mga prince’s pala,wait.what?bat sila nandto.
“Sorry ash nag makaawa ehh” bigla nitong Saad at nag peace sign.
“Pwede naman Diba?”nakangiting tanong ni Dylan
“Fine.”Saad ko nalang.tsaka hinawakan sa kamay si Tiffany.
Hindi ko alam kung itutuloy ko pa Ang pag Sama pero dahil,si Tiffany na Ang nag makaawa tsaka humingi narin ng sorry.napapayag ako.
Bakit parang ngayun ko lang naramdaman toh?
Hindi ako mapakali or,I didn’t know what I’m going to do.
Ahhh!!!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top