A GREAT PRETENDER


Kung sa una pa lang naging tapat ka na, hanggang dulo sana ay matatanggap kita.”
•••TRIGGERED WARNING!•••
__•A GREAT PRETENDER•__
-Written by:KhaiSilvenia
Kumusta mga pusong sawi? Sama-sama naman tayo kaya cheer up lang mga beng.
May matagal na akong gusto sa fb friends ko, hindi naman malayo ‘yong lugar nila sa’min.
Dahil gwapo si Kuya niyo, naisipan kong mag first move. Sino pa ba ang gagawa nito? Kailangan ko kumilos para sa kinabukasan hahaha charr.
Bago ang lahat nais ko lamang ipaalam sainyo na tatlong buwan na akong single, kaya kami nagbreak ni Ex dahil sa pagiging sinungaling nito.
So my trusts issue ka? Yes beng, sobrang takot na ako mahulog muli pero dahil may gwapo sige laban ulit.
*Gavin is Active now*
Nadja: Alam mo bagay tayo
Yeah! Makapal ang mukha ko sa part na ‘to, pero game lang. hahaha
Gav: Alam ko
(Omg! Guys, enebe kuya.)
Nadja: Paano mo naman nasabi?
Gav: Active reactor kita tapos panay ang heart mo sa myday ko
Ayan guys, lesson learned huwag mag heart sa myday ni Crush. hahahaha
Nadja: Ang guwapo mo naman
Nadja: Bagay mag collab iyong lahi natin bebs
Gav: Gusto rin kita, kaso no’ng time na ‘yon may bf ka
Nadja: Uy, single na ako. tayo na beng
Ewan ko ba kung bakit napaka hayok ko sa relationship. hahahaha dahil ba sa guwapo siya? Yes! Yes!

(Fast forward)
Habang tumatagal ay nahuhulog na ako ng sobra kay Gav, mabuti na lang naisipan niya rin manligaw. Aba dapat lang.
*Gavin is Active now*
Gav: alam mo?
Nadja: Mukha ba akong manghuhula ha? gigil mo apdo ko eh
Gav: Sobrang binihag mo ang puso kong ito, panindigan mo’ko. Gusto ko na rin formal na manligaw sa’yo.
Sinong hindi kikiligin sa manliligaw? Aber! Oo, inaamin kong kinikilig ako. hahahaha
L.D.R kami beng, mga tatlong brgy. ang layo namin.
Hindi pa kami nagkita kahit isang beses manlang, kaya madalas ako mag overthink kahit nanliligaw pa lang siya.
Sobrang dami ng nagkakagusto sa kaniya, mga magagandang babae samantalang ito ako ‘di pa alam kung babae ba talaga.
Mahilig kasi ako sa oversized T-shirts tapos mukha akong tomboy kaya bihira lang ang may manligaw sa akin.
*Gavin is Active now*
Nadja: Hoy
Gav: Bakit bebs?
Nadja: Sino ‘yong nagcomment sa post mo? nagseselos ako, paki block nga.
Gav: Ang cute mag selos hahahaha
(Inaneto nagseselos ka na lahat lahat pinupuri ka pa. Are you gagoing me?)
Masunurin naman siya kaya blinock niya, tsk!
Ako lang ba ‘yong nililigawan na gusto ko dapat sa akin lang siya? Gusto ko ako lang magccomment sa posts niya. Nakakaurat kaya kapag may mga papansín sa comment section.


Dahil mabait akong babae, pinatagal ko muna ang panliligaw ni Gavin, medyo umabot lang ng isang buwan.
Sagutin na natin para mag celebrate na kami ng monthsary, paké niyo ba? che!
*Gavin is Active now*
Nadja: Bagay sa akin yang sn mo
Gav: Syempre naman bebs
Nadja: Sinasagot na kita, gf mo na ako. Mag meet up tayo sa linggo
Gav: Tayo na? Grabe, ang speed pero sige
(Aba! Pinagmukha pa akong desperadá nito.)
———————-
So ayon nga, pumayag naman siya sa pinagusapan naming meet-up.
Kaya andito ako ngayon sa tapat ng 7/11 inaantay lumabas ang boyfriend ko.
Sa ‘di kalayuan may nakita akong estitik boy na naglalakad patungo sa lokasyon ko.
“Gav??” Sambit ko ng matapat ito sa harapan ko.
“Miss, sorry pero natatakpan mo po ‘yong pintuan ng 7/11” Aniya sabay lakad nito papasok.
Kahiya mga mare, akala ko kung sino na. pati mga guard ngayon naka estitik na. hahahaha
Habang nahihiya sa pangyayari may tinig na pumukaw sa atensyon ko.
“Nadja!” Malakas na sabi nito kaya nilingon ko kaagad.
Nagulat ako beng, bigla ba naman ako niyakap ng mahigpit. Nakaramdam ako ng kaligtasan sa piling nito, plus ang bango niya pa. ackk!
“Gav?” Saad ko tapos hinalikan ako nito sa may noo.
Grabe ‘yong saya ko sa araw na ‘to, nabigyan bigla ng puwang ang buhay na nais ko na sanang wakasan.
“Kanina pa kita inaantay.” Nakasimangot kong sabi sa kaniya.
“Sorry na, madami kasing utos si Mama.” Tugon niya naman.
Buong araw kami gumala, sinulit namin ang mga oras na lumilipas. Yakapan kahit maraming tao, holding hands habang naglalakad. Kami lang ito guys.
Matapos namin gumala inihatid niya ako sa terminal, naniguro siyang makakauwi ako ng ligtas.
Ang sarap sa pakiramdam na nakita mo ‘yong L.D.R boyfriend mo.

(fast forward)
Naidaos namin ang 1st monthsary namin, siyempre L.D.R lang.
Dahil strikto parents ko minsan lang talaga ako nakakalabas ng bahay. Depende rin pala sa mood ng mga magulang ko.
Okay naman kami ni Gav, not until may nalaman ako tungkol sa kaniya.
*Ella is Active now*
Ella: Prend?
Nadja: Oo, bakit?
Ella: Kasi sinungaling iyan, dati sinabi niya sa amin na mayaman siya. ganito ganyan.
Ella: Diskarte niya lang pala ‘yon para makuha ang isang babae.
Nadja: Baka gumagawa ka lang ng way...


para mag away kami?
Never pa talaga kami nagaway ni Gavin, wala rin naman siyang nababanggit sa akin sa kung anong status nila sa buhay.
Ella: Binibigyan ka ng flowers?
Nadja: Oo
Totoo naman kasi na nagbibigay siya ng flowers, at nililibre niya rin ako sa bawat labas namin.
Ella: Kahit ikaw mismo alamin mo kung anong estado ang mayroon sila sa buhay
Inaamin ko ring mayaman kami at hindi naman ako naghahangad ng mayaman na lalaki.
Kaya ganito ang kaibigan ko dahil anak mayaman din siya na katulad ko at mataas ang standard niya sa lalaki.
Ella: Mamahalin ka niyan kunwari, pero balak ka na niyang huthutan ng pera.
Ella: Kasi ganyan ang ginawa niya sa akin
Naawa ako kay ella, pero mas gusto ko pa rin makasigurado.
May naisipan akong plano kaya kaagad akong nagchat kay Gavin.
*Gavin is Active now*
Nadja: Bebs, anong estado ninyo sa buhay?
Gav: Maayos naman iyong buhay namin, may maayos na bahay, actually mayaman din pamilya namin.
Mapaghahalataan mo naman talaga siyang mayaman dahil sa kaniyang kasuotan.
Ella: Ahh
Gav: Bakit mo naitanong bebs?
Sa puntong ito nakaramdam na ako ng kaba sa aking dib-dib.
Ella: Wala naman
Ella: Btw, may outing nga pala kami mamaya
Nagpanggap lamang ako dahil plano kong puntahan siya sa kanila.
Gav: Sige bebs, ingat ka at mag enjoy ka kasama nila.
Umalis kaagad ako at nagtungo sa lugar kung saan kami nagkita, dahil malapit lamang doon ang lokasyon ng bahay nila.
Dahil sa pagiging detective nagsimula na akong mag tanong at hindi naman ako nabigo.
“Nay, kilala niyo po ba ‘to?” Tanong ko sa matandang tindera ng kakanin sa may kalsada.
“Ay, si boy tisoy, palagi bumibili ‘yan dito.” Sagot naman ng matanda.
“Tignan mo riyan sa may construction site.” Dugtong pa niya sabay turo ro’n sa building na inaayos.
Laking gulat ko nang makita ro’n ang boyfriend ko.
“Tama na ang cellphone boy, trabaho muna.” Saad ng boss nila.
“Sige po, nagchat lang ako saglit sa gf ko boss.” Magalang na sagot niya.
Wala naman akong pakialám sa kung anong trabaho ang mayroon siya, nasaktan lang ako sa part na hindi niya nagawang magsabi sa akin.
Habang palihim siyang pinagmamasdan na nagtatrabaho, mahigit dalawang oras din akong nagantay hanggang sa makauwi na sila.
Sinundan ko siya sa ng palihim, kahit lubhang delikado na ang nadaraanan ko ay nagpatuloy pa rin ako,
hanggang sa makarating kami sa kanilang tahanan.
Napaluha na lamang ako nang makita ang barong-barong nilang tahanan na may pinagtagpi-tagping mga yero.
“Kuya, ano pasalubong mo?” Sambit ng maduming bata na lumapit kay Gavin.
“Sorry bunso, hindi nakadaan si Kuya sa palengke.” Aniya na mas lalong nagpaluha sa akin ng sobra.
Hindi ko na kinaya ang sakit kaya umuwi ako sa amin ng lumuluha, sobrang bigat sa pakiramdam na makita ang kanilang katayuan sa buhay.
Nasaktan ako sa puntong nagsinungaling siya sa akin.
*Gavin is Active now*
Nadja: Bakit ka sa akin nagsinungaling?
Hindi ko na nakayanan ang sakit kaya ganyan na kaagad ang ibinungad ko sa kaniya.
Gav: huh? pinagsasasabi mo?
Pagkukunwari niya na walang alam sa aking sinasabi.
Nadja: nagpapanggap kang may maayos na buhay at may mayamang pamilya sa harap ko
Nadja: lalo na sa mga kaibigan ko
Binuhos ko na ang lahat ng aking inis at galit sa kaniya, kasabay nito ay paghagolgol ko ng iyak sa’king silid.
Gav: Alam mo, pagod ka lang sa outing ninyo kanina, dapat mag pahinga ka na.
Patuloy parin siyang nagmamaang-maangan sa mga ibinibintang ko.
Nadja: hindi kami nagouting
Nadja: sinundan kita pauwi sainyo
Nadja: nakita ko ang estado mo sa buhay
Nadja: Bakit mo ginawa sa akin ito?
Nadja: minahal naman kita gav, bakit nagawa mong magsinungaling?
Sumbat ko sa kaniya, kahit alam ko naman na sobra rin siyang masasaktan sa nangyayari.
Natigilan ako sa naging sagot niya.
Gav: tatanggapin mo ba ako kung sa umpisa pa lang sinabi ko sa iyo ang status ko sa buhay?
Nadja: alam mo simula’t sapol hindi ako bumabase sa katayuan sa buhay. pagmamahal lang ang gusto ko, bakit ka pa nagsinungaling?
Gav: Nagawa ko ‘yan kasi mahal kita, magugustuhan mo lamang ako kung magkapareho tayo ng estado sa buhay.
Nadja: Mali ka Gav, kasi kung mahal mo’ko hindi ka magsisinungaling sa totoo mong pagkatao.
Kaagad ko siyang blinock kahit alam kong masasaktan ako ng sobra.
“Kung sa una pa lang naging tapat ka na, hanggang dulo sana ay matatanggap kita.”
Nakuha ko ang punto niya, pero hindi niya kailangan magsinungaling para gustuhin ko rin siya pabalik.
“Estado na ba sa buhay ang sukatan para mahalin ka?” Saad ko habang nagpupunas nang luha.
“Ang pagmamahal ba ay nakabase na lang sa dami ng pera ng isang tao?”
Patuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa makatulog ako.
Nagbabaka sakaling malilimutan din ang lahat kapag ako ay gumising.
-wakas-
“Mahalin mo ang isang tao sa kung anong estado nito sa buhay, hindi rin nasusukat ang pagkatao sa kasuotan nito.”–Khaisilv






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top