A HEARTHROB MAN PRETENDS TO BE GAY


A HEARTHROB MAN PRETENDS TO BE GAY
“Acckkk sis, tignan mo si Khalil, ang gwapo gwapo niya talaga.” Rinig kong pagpapantasya nang mga kababaehan sa Heartrob ng University namin na si Khalil.
Tinitigan ko ang bawat galaw nito at masasabi kong napakaangas nang dating niya dagdag na rin ang magandang pangangatawan nito. Actually matagal ko na siyang pinagmamasdan sa malayuan.
Nakatulala akong nakatitig sa kaniya habang papalapit ito sa ‘kin at bumalik lang ako sa huwisyo nang marinig ko ang seryosong boses nito. “May balak ka pa bang tumabi sa dadaanan namin?” Diniinan niya ang pagbanggit nang tumabi.
Gumilid ako at pinadaan sila nang makalagpas siya sa ‘kin ay pinagmasdan ko ulit ito, pero nagtaka ako nang palihim itong ngumiti kaya natulala ako.
“Aackkk t-totoo bang ngumiti si Khalil?” Lagi lang kasi ‘tong seryoso sa tuwing makikita namin. Umuwi ako sa bahay na pangiti-ngiti nang dahil doon.

Kinaumagahan ay nagmamadali akong nag-ayos dahil malalate na ako. Nang nasa tapat ako nang gate ng University namin ay napanganga ako sa nakikita ko ngayon.
“K-Khalil?” Agaw pansin ko dito. Tumingin ito sa ‘kin at ngumiti. “Sisss! Andiyan kana, kanina pa kita hinihintay.” Nagulat ako dahil sa inaasta niya ngayon.
Tinuro ko ang sarili ko. “A-Ako?” Ngumiti itong tumango sa ‘kin.
“From now on tayo na ang magkasama ah.” Palihim akong kinilig. Nananaginip lang ba ako? Kung oo, huwag na sana ako magising.
Pero taka akong tumingin dito pataas at pababa. “B-Bat gan‘yan suot mo?” Nakasuot lang naman siya ngayon nang Uniform ng mga babae.
Umirap ito sa ‘kin. “Ano ka ba sis hindi ba halatang beke ako?” Malditang tanong nito.
Nang makapasok kami ng classroom ay napahinto ang mga classmate namin sa mga ginagawa nila at napatingin kay Khalil, samot saring papuri at pansin ang sinabi sa ‘kanya. Nakakatuwang isipin na habang tumatagal ay nagiging...


magkalapit na kami sa isa’t-isa.
“Sis halika, selfie tayong dalawa!” hinawakan nito ang kamay ko pagkatapos ay inakbyan ako nito at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, kaya namula ako at nakaramdam nang kilig sa katawan.
“Smile,” wika nito kaya kahit naiilang ay pilit akong ngumiti sa harap ng camera. Pagkatapos ay tumayo ito at nagpicture sa harapan.

Gabi na ako nang makauwi galing library at wala nang katao-tao habang naglalakad ako sa daan ay may napapansin akong sumusunod sa ‘kin. Hindi ko ito pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Ilang minuto pa ay kinabahan ako ng may humawak sa bewang ko. “Kapag gumalaw ka, patay ka.” pagbabanta nang lalaking hindi ko kilala.
Natakot ako, hinarap ako nito sa kanya. Ilalapat na sana nito ang mga labi niya sa leeg ko, nang bigla nalang natumba ang lalaking katapat ko.
“How dare you! No one can touch my girl! No one!” Galit na sigaw ni Khalil, nagulat ako dahil sa sinabi niya. A-Akala ko ba b-bakla siya?
Napatakip pa ako sa bibig nang sinuntok pa niya ‘yong lalaki sa mukha dahil sa gigil. “K-Khalil,” agaw pansin ko dito, tumingin ito sa ‘kin. Mabilis itong lumapit at niyakap ako nang mahigpit.
“Are you okay? May masakit ba sa’yo? Ano ginawa sa’yo?” Sunod sunod na tanong nito, hindi ko alam ang irereact ko dahil sa yakap niya ako basta ang nararamdaman ko ngayon ay sobrang bilis nang tibok ng puso ko.
“A-Akala ko ba, b-bakla ka?” Naramdaman kong ngumiti ito. “Ginawa ko lang ‘yon para mapalapit sa’yo, gusto ko kasing maging komportable ka sa ‘kin.”
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. “No one can hurt my girl because from now on she have a shining armor who protect her always when her life is in danger.”

Work of fiction.
Written by: Skylar Prosé






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top