A lucky day


A lucky day@|@Nephrite
{I don’t want you to copy my works.}
“Anak bumili ka ng betsin sa tindahan ni aling Rosa.”
Saad ni mama habang nagsi-cellphone ako.
“Pero marami silang aso, natatakot pa naman ako.”
Saad ko.
“Dalian mo na, maluluto na ang tinola tas wala pa nalagyan ng betsin.”
Saad niya pa kaya padabog akong tumayo.
“Di naman kailangan ang betsin sa tinola, mas masarap pa nga pagwala.”
Pagrereklamo ko.
“Dalian mo na!”
Sigaw niya.
“Oo na, san ang pera?”
Tanong ko at binigyan niya ako ng bente.
“Ay ma bibili rin sana ako ng napkin, kaya mababawasan ang sukli.”
Saad ko.
“Sige.”
Saad niya at lumabas na ako ng bahay.
“Napakastrikto pa naman ng babaeng yun ehh.”
Saad ko.
Nakaupo ako sa labas ng tindahan ni...


aling rosa.
“Aling rosa!?”
Sigaw ko pero walang sumagot.
Nakailan ako ng tawag pero wala pa rin, hanggang sa nakalabas ang limang aso ni aling rosa.
“Lagot!”
Sigaw ko kaya tumakbo ang mga aso papunta sa akin.
“Ahhhhhhh!”
Sigaw ko at dali-daling tumakbo pauwi!
*
“Ma di ako nakabili.”
Saad ko ng makapasok ako ng bahay.
Hingal na hingal ako.
“Ayos lang may tira pa naman dito. Sige kain ka na.”
Saad niya kaya pumasok ako ng kwarto.
Pagkahiga ko dun ko naramdaman ang sumasakit kong puson.
Shitt may dalaw ako tapos tumakbo pa ako.
“Kahit na muntik akong makagat ng mga aso, at kahit may dalaw ako. It’s a lucky day, cause I have Twenty Pesos.”
Saad ko at ngumiti ngiti.
✍︎: Zaideite Nephrite Writez
(@Nephrite)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top