A SWEET KISSES FROM YOU” CHAPTER 1… CONTINUE….


Ang kinis ng mukha na mahihiya yata ang pimples na tumubo sa pisngi nito, singkit ang babae na bumagay pa sa maliit nitong mukha, tapos ang labi niya natural ang kulay. Kahit nakaupo ito ay hindi naitago ang pagiging matangkad nito..
Umayos siya ng upo at tiningnan si jane na nakataas na ang kilay at waring naghihintay sa sasabihin niya..
“tama ka! Nakatingin nga siya sa direksyon ko.” sang ayon niya.
Akmang magsasalita ito ng mabilis na napigilan niya ito sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang kamay..
“Oh huwag ka ng humirit pa. Nakatingin lang siya sa gawi natin pero hindi sa paraang sinasabi mo. Kuryusidad ang nababasa ko sa mga mata niya.”
Pinandilatan siya nito.”hindi na inosente ang tawag sayo kundi frigid. Hindi mo kase masabi ang pagkakaiba ng normal na tingin sa may halong pagnanasa.”
Umirap siya at hindi na nag komento sa sinabi ng kaibigan. Panigurado kasing maglilitanya ito ng tungkol sa mga bagay katulad ng sex. Itinukod nito ang siko sa mesa at ipinatong ang baba sa kamay.
” ilang taon kana ba blanch? 24 kana, sa edad mong yan wala ka pang karanasan maski isang halik? Kahit man lang smack lang, naku iba na yan baka naman tomboy ka talaga kaya mapili ka. Hindi mo lang sinabi yon”..
Bumuga siya ng hangin, ayan at magsisimula na talaga ito sa panglalait sa pagiging inosente niya. Palagi naman kasing napupunta sa ganyang usapan ang topic nilang dalawa pag lumalabas ang pagiging malandi ng babaeng toh.. Wala na itong bukang bibig kundi ang wala siyang first kiss o kaya lalaking nakaholding hands at hindi pa niya Naranasan ang makipagdate sa manliligaw..
Para umiwas siya sa mga sasabihin at lecture ng kaibigan niya ay tumayo na siya at binitbit ang mga libro at bag niya. “Mahuhuli na tayo pag papakinggan ko pa ang mga sermon mo. Para ka ng guro sa sex Education.”
Bigkas niya para inisin ito..
“huh! Anu naman ngayon kung para akong Nagpapaliwanag tungkol sa sex.Hello,ano bang year ngayon. Lahat ng mga tao ngayon ganyan na ang topic nila Noh!!” umingos ito “at hindi ako mapapagod na sabihin toh sayo” hindi kumikilos na wika nito..
“Ilang beses mo na bang sinabi sakin yan miss jane, hindi ko na nga mabilang kung ilan. Nabingi na nga yung taynga ko sa kakaulit mo, kailangan ko na ngang linisin dahil sawang sawa na sa mga sermon mo. Tumayo kana nga diyan at pumasok na tayo” lukot ang ilong na sikmat niya.
“Maaga pa, hindi tayo Mahuhuli. Type ka naman ni boss kaya walang problema.” pilyang sambit nito.
Nanlaki ang mga mata niya at sinaway ito. “ang bunganga mo, pag may makarinig sayo baka machismis pa tayo.”
“hindi yan, alam ko naman na hindi mo siya papatulan.” huminga siya ng malalim.
“May asawa na, yun kaya tumahimik kana. Huwag mong bigyang malisya ang lahat ng nakikita mo.”
Ngumiti lang ito at sumipsip sa iniinum nitong juice gamit ay straw. Sa totoo lang naiinis na siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi siya mananalo dito.
“Ano, hindi ka pa ba tatayo diyan. Lalayasan na talaga kita dito.” banta niya sa kaibigan na prenteng tumingala pa sa kanya..
Napapikit siya sa pagkakainis at humakbang na para iwan ang kaibigan.
“Oo na, ito na po at tatayo na. At hintayin mo naman ako.”
Nagpatiuna na siyang lumabas sa Restaurant at hindi pinansin ang pag angal nito. Mahina siyang tumawa ng muntik na itong matapilok, nagkabanggaan pa ito at ng isang studyante na agad siyang inalalayan, galing pa yata sa counter ang lalaki at naghahanap ng mauupuan..
Huminto siya at hinintay ito pigil ang tawa..
“Sorry” Narinig niyang paghingi nito ng paumanhin at paika-ikang lumapit sa kanya.
“masakit ba?” concerned na tanong niya at sinulyapan ang paa nito.
“hindi siya masakit, ang sarap nga eh.. Para akong hahalinghing ng malakas!!”
Malakas at sarkastikong bulalas nito at sinadya pa talagang lumikha ng kakaibang ingay..
Namula ang pisngi niya at mabilis na inalalayan ito palabas habang pilit na tinatago ang hiyang nararamdaman niya.
“Shut up!!” Angil niya at halos kaladkarin na ito paalis doon..
Grabe mahihiya pa yata ang anchor TV dahil sa lakas ng boses nito..
Maingat na nagpark si Elmer sa bakanteng space sa parking lot ng restaurant na pag aari ng pinsan niyang si Ethan. Hindi nga niya Maintindihan ang pinsan kung bakit Naisipang pa nitong magpatayo dito ng restaurant gayong busy rin ito sa pagpapatakbo sa University. Pagkatapos magretiro ng tito niya at namatay ang kanyang ama 3 years ago. Ay si Ethan na ang pumalit dito at kahit minsan hindi siya nito pinilit huminto sa pagpipinta para tulungan ito..
Noong sinabi njyang ang pagiging pintor ang gusto niya at wala sa puso niya ang pagiging businessman ay hindi yon tinutulan ng kanyang ama at ni tito niya sa halip ay sinupurtahan na lang siya. Naging isa siyang sikat na pintor at marami na siyang naging exibit, nakabenta pa siya ng maraming painting at marami na rin siyang naipundar ngunit Pagkatapos ng pangyayaring yun tatlong taon na nakalipas, huminto siya sa pagpinta at pumunta sa Spain at namalagi doon ng tatlong taon para makalimot.. Kinailangan niyang gawin toh dahil sa maraming dahilan na hindi na niya dapat pang balikan. At ngayon, Nagawa na niyang kalimutan ang pangyayaring yun at Nakauwi na siya sa bansa para tulungan na ang pinsan sa pagpapatakbo ng GU..
Sinigurado muna niyang naka lock ng mabuti ang kotse niya bago naglakad papasok sa restaurant. Pagtapak pa lamang niya sa loob ay napapalingon na ang lahat sa kanya habang naglalakad siya....


Hindi na siya nagtataka o nailang sa mga reaksiyon at kakaibang tingin nila, karamihan ay curious at humahanga sila habang nakasunod ang tingin sa kanya ng mga costumer doon.
Hindi na niya kailngan pang hulaan kung ano ang iniisip ng iba, dahil alam na niya, kung lalaki o babae ba siya? Nakalugay kasi ang may kahabaang itim na itim nabuhok niya na umabot hanggang balikat niya. Nakasuot siya ng V-neck red shirt at maong pants na pinarisan niya ng robber shoes. Ewan nga niya at nalilito pa sila gayong ayos lalaki naman ang get up niya..
Kumaway siya kay Ethan na nasa Counter na agad ring gumanti ng kaway. Pumwesto sjya malapit sa may glass wall at ginala ang tingin sa loob ng restaurant. Karamihan ay studyante ang mga nandun na kumakain na Costumer ng pinsan niya. Ngitian din nkya ang ibang napapatingin sa kanya na agad na gumaganti ng ngiti bago nag-iiwas ng tingin. Magbabawi na sana siya ng tingin ng maagaw ng isang babae ang atensiyon niya. Hindi sila malayo sa pwesto niya. Kaya kitang-kita niya ang mukha nito.
Ang magandang dalaga ay masama ang pagkakatingin sa kanyang kasama. Umarko ang sulok ng bibig niya, mas lalo itong naging kaakit-akit sa ganoong reaksiyon nito. Hindi niya magawang ialis ang tingin sa perpektong mukha nito.
Napa sunod ang mata niya sa dalaga ng bahagya itong kumilos at iginalaw ang tingin sa loob ng restaurant. Lihim siyang napangiti nang huminto ang tingin nito sa kanya ng ilang minuto bago mabilis na bumalik ang mata sa kasama nito.
Sa tingin niya siya ang pinag uusapa ng dalawa dahil pasulyap-sulyap sa kanya ang kasama ng una.
Pinanood niya ang mga galaw nito hanggang sa tumayo ito at parang nakikipagdiskusyon pa sa babaeng kasama nito na ang lawak ng pag ngiti.
Na itukod niya ang siko sa mesa at nakakuyom ang kamay na itinapat niya sa bibig niya. Pinaglandas niya ang mata da katawan nito. Nasa tamang pwesto lahat, ang kurba ng baywang nito, mabibilog na binti at mahabang biyas atang matambok na pang upo nito. Para itong modelo na naligaw lang sa restaurant at nagtatanong ng deriksiyon..
Naglalaro pa rin ang mata niya sa dalaga hanggang sa umalis na ang dalawa na nakaalalay sa huli. Nawala lang sa paningin niya ang dalaga nang humarang sa paningin niya si Ethan.. Nakita niyang sinadyang tumayo sa harapan niya at nakaarko ang kilay na nakatingin sa kanya.
“huwag mong sabihin na pumunta ka lang dito para maghanap ng babae mister playboy” biro nito..
Ngumisi siya”of course not! Ikaw ang pinunta ko dito”mabilis na sagot niya.
Umarko ang sulok ng labi nito at umupo sa katapat niya.
“Daang bundok ka ba ng espanya galing at para kang ermitanyo sa haba ng buhok?” pabirong tanong nito.
Kauuwi lang niya galing spain five days ago at ngayon lang siya nagpakita sa pinsan. Nagkulong agad siya sa bahay niya at walang ginawa kundi matulog bago nagdesisyon puntahan dito ang pinsan.
” sa mount Everest” tumatawang sagot niya..
“Ulol, sa espanya ba ang mount everest” kapagdak’ay mahina itong tumawa.
“kilala ko ang tiningnan mo kanina” he said afterwards.
“sino?” clueless na saad niya.
“yung magandang dilag na sinusundan mo ng tingin. Tsk! Parang gusto mong hubaran sa tingin eh”..
“Oh! Anung pangalan niya? Age? May kasintahan ba siya?” interesadong tanong niya.
“she’s blanchie Aquino, naging miss Gray University siya noong last year. Sa anniversary ng GU. pero sorry, hindi ko alam kung single pa siya.”
“pwede nating gawin misis Gray” biro niya..
Tumawa si Ethan at napailing.
“bakit? Wala ka bang na sungkit na babae doon na pwede mo nang maging Misis Elmer Gray. ” nagbibirong tanong nito.
“wala akong nagustuhan sa kanila. Mas maganda pa nga yata ako kaysa sa kanila” sagot niya.
“Tama ka! Kaya dapat lang na lalaki ang hanapin mo” tumatango saad nito.
Natatawang sinipa niya ang paa ni Ethan sa ilalim ng mesa. “shit insan, kinikilabutan ako sa sinasabi mo.”
“sabi mo kasi mas maganda ka pa sa kanila”..
Umiling siya at nginuso ang counter,
“bumalik kana dun, may mga costumer ka na dun?” taboy niya dito.
“kaya na ng mga tauhan ko yan” kibit balikat na bigkas nito at prenteng sumandal sa silya.
Buti pa itong pinsan niya at pa easy easy lang sa business niya. Kahit ito ang in-charge sa GU ay hindi ito nahihirapan sa opisina na nagbabasa at pumipirma ng sangkatutak na papeles.
“Ah! Mag relax muna ako ngayon dahil sa susunod na araw ay magiging busy na rin ako sa GU” saad niya.
Tumawa ito “Dapat lang naman na tulungan mo ako ngayon”.
“ikaw, bakit ka nandito akala ko ba may pinagkakatiwalaan kang magbabantay dito?”.
“Yeah, babalik din naman ako mamaya sa office. Lumabas lang ako para naman lumanghap ng hangin”.. Tugon nito.
“ang sabihin mo, lumabas ka para maghanap ng babae” naiiling na wika niya.
Ngumisi ito”bakit, Ikaw ba hindi. Baka nakakalimutan mo na para kang hindi kontento kung wala kang babae. ”
” Hey, ilang buwan na akong walang fling”
He defended “at saka yung iba umaatras dahil hindi nila matanggap na mas maganda ako sa kanila. Para daw silang nakikipag sex sa isang babae” dugtong niya.
Humalakhak ng malakas si Ethan.
“don’t worry, hindi naman lahat. Kung sex deprived ka pwede kitang ipakilala sa mga kakilala ko diyan”
“huwag na, may natitipuhan na ako” tanggi niya at makahulugang Ngumiti dito.
Bahagya itong natigilan bago biglang humalakhak, nabulaan na agad nito kung sino ang tinutukoy niya..
.. Pasensya na now lang naka update..
Bukas ulit yung chapter 2 po..
Thank you sa pagbasa😊❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top