A WIFE’S CRY Chapter 15


A WIFE’S CRY💔
💔Chapter 15💔
Hindi alam ni Lexter kung ano ba ang dapat niyang gawin. Nagseselos siya na siya iniwan siya ni Aileen para sumama sa lalaking iyon? Para na siyang t*nga.
Noong gumising siya sa mansyon ng mga Montecarlos wala na si Aileen at ng magtanong siya sa mommy nito. Sinundo daw ito ni Xavier ng maaga.
May pupuntahan daw ang dalawa. Kaya ba ganoon na lang siya tratuhin ni Aileen dahil pinagpalit na siya nito? Hindi na siya makapagtrabaho dahil sa kakaisip!
“Lexter! We need to talk!” Sabi sa kanya ni Celine na kadadating lang. Bingi ba siya bakit kailangan pa nitong sumigaw. At bakit parang galit ito?Iba kasi ang dating.
“Wag ngayon Celine ang dami ko pang tatapusin na trabaho.” Aniya. “Bakit si Aileen ang sinama mo sa party ng mommy mo at hindi ako? Sinungaling ka!”
Paano naman nito nalaman ang tungkol doon. “Pwede wag ka dito gumawa ng eskandalo at hindi kita pwede dalhin doon alam mo naman siya ang asawa ko.”
Kaya isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya. “So ano na? Narerealize mo ng mahal mo na siya? Ikaw ang nahulog sa inyong dalawa!”
Hindi niya na lang ito pinansin at umalis doon. “Lex! Mag-usap tayo!” Ngunit nagbingi bingian na lamang siya. Sawa na siya sa bunganga nito. Nakakairita na.
“Leen.” Napalingon siya kay Xavier ng bigla nitong tawagin ang pangalan niya. May nakikita siyang kung anong emosyon sa mga mata nito na di maipaliwanag.
“Bakit?” Tanong niya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang mga palad. “Mahal kita. Mahal na mahal kita. Pwede ba ako nalang?”
Bigla naman niyang binawi ang kanyang kamay. “Alam mo naman diba?”Tumawa ito ng pagak siguro ay naiintindihan ang ibig niyang sabihin.” Siya pa rin. ”
“Hindi ko pa rin pala kaya… Sabihin na nating oo pinapahirapan ko siya sinasaktan, sinisigawan but yung nararamdaman ko di pa rin nagbabago.”
” It’s okay.Naiintindihan ko. You want me to help you para malaman natin kung nagbabago na talaga siya?”Nakangiti ito pero may dinadamdam na sakit.
” Hindi mo naman kailangan gawin yon, at pagkatapos nito kapag nalaman kong niloloko niya lang talaga ako. Pangako magpapakasal ako sayo. “Aniya.
Niyakap naman siya nito.” Maghihintay ako, Aileen kahit gaano pa katagal.”Gumanti naman siya ng yakap.
“Magkaibigan...


pa rin naman tayo.”
Hapon na ng natapos sila sa pamamasyal. Natatawa na lang talaga siya dahil ang dami nitong alam na lugar pasyalan. Kung san sana siya dinadala.
Hinatid siya nito sa bahay nila. Papasok na siya ng gate pero hinawakan ni Xavier ang braso niya kaya napaharap siya dito. Nagulat na lang siya ng halikan siya nito.
“Im always here, Aileen.” Sabi nito bago sumakay ng kotse. Lingid sa kaalaman niya na nanonood sa bintana si Lexter at nag-aapoy na ito sa selos.
Maaga kasi umuwi para intayin siya. Pagpasok niya ng bahay nagulat na lang siya ng makita si Lexter sa gilid ng pinto na iniintay talaga siya.
Lalagpasan niya na sana ito pero hinawakan nito ang braso niya sa paraang hindi siya nito masasaktan. “Kayo na ba?” May halong hinanakit na sabi nito.
“Ano bang sinasabi mo? Kaibigan ko lang si Xavier!”Hindi pa rin nito binitawan ang braso niya.” San kayo nagpunta? Bakit mo ko iniwan sa inyo kanina? ”
” Pati ba yun kailangan alam mo?! Ikaw nga hindi mo sinasabi akin! At tsaka ano bang hinihimutok diyan? Wag mong sabihing nagseselos ka naman. “Biro niya.
Kung totoo nga ito sa mga pinapakita nito ay magtitimpi ito sa kanya kahit ilang beses niya pa itong sigaw sigawan. Magagawa nitong magtiis kung ganon.
“Oo nagseselos ako. Selos na selos na ko. Nagagawa mong ngumiti sa harap nila. Sa harap niya. Pero bat sakin hindi? Paano ko maibabalik yung dating ikaw?”
Anito na halos ikalaki na ng mata niya. Nanaginip ba siya o ano? “Hahhahaha.” Kunyari ay natatawa niyang sabi. “At bakit mo naman gagawin yon.” Tanong niya pa.
“Dahil mahal na kita.”Na ikinabilis naman ng tibok ng puso niya.” Mahal? Ehh bakit may Celine? Ano yon dalawa kaming mahal mo? O mas lamang siya? ”
Hindi naman ito nakasagot.” Pwede ba wag mo kong pagmukhaing t*nga. Kasi pagod na kong umasa. Kasi aminin ko man o hindi mahal pa din kita kahit g*go ka!”
Saka siya umalis doon at umakyat ng hagdan para iwan ito doon. Ang g*ga niya bat bas siya umamin. Well pareho lang naman sila. Umamin din ito sa kanya!
Mga salitang kaytagal niyang inintay. Masasabi din pala nito? Darating din pala ang araw na yon. Pero hindi ganon kadali ang lahat. “Tignan nalang natin.” Aniya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top