A WIFE’S CRY Chapter 2


“B-baka nagkamali lang kayo ng rinig. Paano yun magkakagirlfriend e may asawa na siya?..”Natameme naman ang mga ito.
“Oyy g*go sigurado ka ba dun sa narinig mo?” Tanong pa ni Denver sa katrabaho bago muling bumaling sa kanya.
“Ahh s-sige uuwi na lang ako. Sa inyo na lang to, wag niyo na lang sabihin na pumunta ko.” At patakbo siyang umalis doon.
Alam niyang may girlfriend ito noon pero hindi nagkabalikan na pala ang dalawa?
Sabagay ito naman talaga ang babaeng mahal nito at hindi siya.
Parang sinasakal ang puso niya. Wala siya sa sarili ng sumakay siya ng taxi.
Tila awang awa nga sa kanya ang driver nito.
“Ma’am ayos lang po ba kayo?” Tanong ng matanda. Tumango lamang siya.
Ng makarating siya sa mansyon ng mga magulang ay nagbayad na siya.
Hindi niya na kinuha pa ang sukli. Binabalik pa nga nito ngunit hindi niya na tinanggap dahil mas kita niya itong mas nangangailangan.
“Seniorita Aileen napadalaw kayo! Siguradong matutuwa ang mommy niyo.” Masayang bati ng katulong. “Senora!”Pagtawag nito sa kanyang ina.
“anong gusto niyo? Namiss namin kayo ma’am.Hindi masaya ang mansyon kapag wala kayo. ” Sabi nito. Napangiti na lang siya dahil doon.
Buti na lang hindi nito nahalatang umiyak siya. “Aileen my daughter!” Sabi ng momm y niya na kababa lang ng hagdan.
Mukha hindi nito inaasahan ang kanyang pagdating.
Lumapit siya dito at mahigpit na yumakap. “Is there a problem, sweetie?” Tanong nito ng bumitaw siya sa yakap.
Mabilis siyang umiling. Ayaw niyang maging isipin siya ng mga ito.
“Namiss lang kita mom,” Aniya. “We miss you too. Lalo na ng daddy mo.So how’s you? Kamusta kayo ng asawa mo?” Tanong nito kaya natahimik siya.
“Were okay.Ang sweet sweet niya nga sakin.”...


Pagsisinungaling niya kahit na dapat sinabi niya na ang totoo.
“Good to hear that.” Sabi nito at ngumiti.
“Wait, did you cry?” Takang tanong nito. Napansin pa nito iyon? Iba talaga ang mommy niya. Kilalang kilala siya.
“Hindi mom may pumasok lang na dumi kanina sa mata ko.” Aniya.
“Are you lying to me now?” Tapos bigla itong tumawa. “Seems your really happy with your husband. Is that tears of happiness? Did Lexter do something that make you really happy to the point na umiyak ka na?”
“Lagi naman po. May surprise siya sa akin. Pinagluluto niya ko. Ang sweet sweet niya sa akin.
He’s a good to husband.He really loves me. Ginagawa niya lahat ng nakakapagpasaya sa akin.”
Masayang itong nakinig sa kanyang kwento. Kwento na ni isa ay walang totoo.
Dahil tila suntok sa buwan na mangyari ang lahat ng iyon.” Dapat pala namin pasalamatan ang asawa mo. ”
” Mommy naman. “Pabirong aniya. Kaya napatawa na lang sila.” Mommy miss ko na luto mo. “Paglalambing niya.” I’ll cook for you. Everything for my precious daugter. ”
Siguro sa paraang iyon ay mababawasan ang sakit na nararamdaman niya.Sabagay noon ito rin naman talaga ang mga nagpapasaya sa kanya.
Umuwi si Lexter na wala sa bahay nila si Aileen. At masaya naman siya dahil doon. Sana nga ay ganoon na lang palagi.
At sana tuluyan na itong mawala sa buhay niya dahil hindi naman niya ito kailangan.
“Babe I miss you na agad. .” Mukhang namiss siya kaagad nito. Well it’s Celine her girlfriend.
Ang babaeng tanging nagpapasaya sa kanya. Na dapat nga ito ang pakakasalan niya kung hindi lang dahil kay Aileen.
“Malapit na babe. I will be with you forever. Just like what Ive promise to you.”






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. wala na bang ka sunod

Leave a Reply


top