A WIFE’S CRY Chapter 21


A WIFE’S CRY ๐Ÿ’”
๐Ÿ’”Chapter 21๐Ÿ’”
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Aileen mula sa kanyang ama.Akala niya ay mag-uusap na sila ng maayos. Ngunit doon nauwi ang lahat, sa galit nito.
“Isang kang t*nga! Ginag*go ka ng asawa mo pero hindi mo magawang hiwalayan!” Maririnig ang boses nito sa bawat sulok ng mansyon dahil sobrang lakas noon.
“Ano bang sinasabi niyo?” Nanginginig sa takot ang boses niya. Nagtataka rin siya kung paano nito nalaman ang tungkol doon. Sino ang nagsabi.
“You know what Im saying Aileen. Ilang beses kang sinaktan ng walang kwentang lalaking yon? Nambabae siya diba? Pero anong ginawa? Nagpakamartyr ka lang.”
“Pinagsisihan niya na naman lahat ng iyon at hindi na importante ang mga nangyari sa nakalipas, ang mahalaga ay kung ano ang meron kami ngayon.”
Hindi alam ni Aileen kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sagutin ng ganon ang ama sa pangalawang pagkakataon ay sinampal siya nito.
” Ang kapal ng mukha ng lalaking yon dahil ikaw na anak ko ang sinaktan niya. . Isa kang prinsesa pero tinrato ka niyang basura. At hinayaan mo naman!?”
“Dahil mahal ko siya dad! At kahit na anong gawin niyo ay hindi na mababago iyon. Mahal na mahal ko si Lexter at hindi ko siya iiwan at hihiwalayan!”
“Dream on dear daughter! Dito ka na ulit titira at hindi sa bahay niyo ng Lexter na yon!” Buong pasyang sabi nito. “you’ll file an divorce paper.” Dagdag pa nito.
“Ayoko dad! Hindi ko kayang mabuhay ng wala si Lexter! May nangyari na sa amin. Paano kung mabuntis ako? Mawawalan ng ama ang bata.” Aniya at umiiyak na.
“That’s not a problem kayang maging ama ni Xavier sa anak mo kung sakali. Tutal inaayos na rin naman ang tungkol sa kasal niyo.” Na tila kinaguho ng mundo niya.
Iniwan siya nito sa sala at doon tuluyang nagsipatakan ang kanyang mga luha. Kung kailan ayos na sila. Ay saka naman mangyayari ang lahat ng iyon.
” Mommy help me please…”Aniya sa ina ngunit kita niya ang mga mata nitong nagsasabing hindi siya nito matutulungan.Na mas kinadurog niya.
” Hahaha! Sa tingin mo may asawa ka pang babalikan sa bahay niyo? “Tatawa tawa sabi ni Celine kay Lexter. Aalis na sana siya pero natigilan siya dahil doon.
” Bakit? Anong ginawa mo?! “Galit niyang tanong sa babae. At mahigpit na hinawakan ang braso nito.” Sa tingin mo ba pakakawalan kita ng ganon na lang?! ”
Lumawak ang ngisi sa labi nito. Na siya namang kinainis niya.”...


Sinabi ko sa daddy ni Aileen ang lahat. Kaya sirang sira ka na.Mawawala na sayo si Aileen.”
Tumawa pa ito ng malakas. Animoy sobra saya sa ginawa.Ngunit bigala siyang kinabahan sa sinabi nito. Kung ganon paano na sila ni Aileen?
“Saka alam mo ba na plano ng tatay ni Aileen na ipakasal ito kay Xavier? Sabagay mas deserve naman niya ang asawa mo” Na ikinainit naman ng ulo niya.
Malakas niya itong tinulak kaya sumalampak ito sa sahig.Kaya nagtinginan sa kanila ang mga customer ng restaurant. Nagtataka ang mga ito.
“Wala na Lexter! Talo ka na! Hindi na hahayaan pa ng daddy ni Aileen na manatili sayo ang anak niya! Kung ako sayo bumalik ka na lang sakin.”
Hindi niya na ito pinakinggan pa at umalis na doon. Habang nasa kotse ay nakatanggap siya ng tawag na hindi niya inaasahan.Si Aileen iyon na kinatuwa niya.
” Hello love. “Masaya niyang bati. Ngunit hindi ito agad sumagot.” Lexter maghiwalay na tayo. Siguro tama si daddy tama na ang pagpapakatanga ko.”
Walang kaemo emosyon ang boses. Parang kailan lang ay ayos pa sila. Pero bakit naging ganito ito.” Wait may problema ba tayo?”Maiiyak na siya.
” I’ll file a divorce paper para mapabilis ang lahat at gusto ko lang malaman mo na magiging masaya ko kay Xavier na kailanman di mo pinaranas sa akin. ”
At nawala na lang ito bigla.” Ginawa ko na dad! Wag mong gagalawin ang kompanya nila! Ipangako mo!” Umiiyak niyang ani sa ama.” Great. Makakaasa ka anak. ”
” Bess totoo ba? Ikakasal kayo ni Xavier?”Hindi rin niya inaasahan ang pagtawag ni Belle.” Belle pramis wala akong alam dito. “Sabi niya sa kaibigan.
” Sabi ko nga ba kayo eh… Dapat di na ko umasa kasi alam ko na di ka naman talaga niya makakalimutan at hindi naman ako bagay sa kanya. “May hinanakit sa boses.
” Wag kang magsalita ng ganyan. Wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan. Isa pa iba ang mahal ko. Para sayo si Xavier. Kayo ang bagay sa isat isa. ”
” Wag na Aileen. Sundin mo ang utos ng daddy mo. Ayokong mapahamak ka dahil sakin. Alam ko namang magiging masaya kayong dalawa sa piling ng isa’t isa. ”
May sasabihin pa sana siya ngunit nawala na ang kanyang kausap. Bigla niya namang naalala ang ginawa at sinabi niyang kasinungalingan kay Lexter.
” Sorry. Sorry talaga….. Mahal kita… Nagawa ko lang yon para rin sayo… Dahil ayaw kitang masaktan at mawala ang pinaghirapan ng mga magulang mo. .”





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top