A wife’s regrets Chapter 12


A wife’s regrets
Chapter 12
Celeste
Celeste
Hindi ko maiwasan ang maiyak habang tinititigan ang mga wedding pictures namin ni Liam. Kahit ilang taon na ang lumipas sariwa pa rin sa ala-ala ko ang araw na kinasal kami, Liam.
“Mom, kinakabahan po talaga ako eh.”
“Normal lang yan. Ganyan din ako ng ikasal ako sa daddy mo.”
“Sigurado ka na ba kay Kuya Liam?” biglang tanong ni Steffie.
“Oo, naman sigurado na ako.”
“Final answer?”
“Final answers Rio! Wala ng bawian sigurado na ako kay, Liam.”
“I can’t still believe you’re getting married parang kailan lang buhat buhat kita,” saad ni Dad.
“Dad, huwag na po kayong malungkot. I’m still your baby right?”
Huminto na ang bridal car sa simbahan. Bumaba na ako sa kotse at naglakad na papasok sa loob ng simbahan.
Pagbukas ng pinto natanaw ko na si Liam sa hindi kalayuan. Grabe napakagwapo niya sa black suit na suot niya.
Nang nasa pintuan na ako ng simbahan biglang tumugtog yung Ikaw ni, Yeng Constantino.
Nagtinginan ang mga bisita na roon marahil nagagandahan sila sa’kin at sa white wedding gown ko na may mga burdang flowers.
The wedding ceremony has been started.
“Do you take Liam as your husband?”
“Yes, father I do.”
“Tinatanggap mo ba si Celeste as your loving wife?”
“I do father.”
Eto na dumating na yung pinaka hihintay kong moment ang pagsabi ng wedding vows namin for each other. Nauna akong nagsalita.
“I, Celeste Evangelista take Liam Fajardo as my loving husband. For richer and poorer. In sickness and health. Anumang pagsubok na dumating sa buhay magkasama nating haharapin at siya lang ang una’t huling lalaking mamahalin ko ng buong puso,” saad ko sabay suot ng wedding ring kay, Liam.
“I Liam Fajardo take Celeste Evangelista as my loving wife. I will promise she’s the only woman I cherish in my whole life. Magsasama kami habang buhay sa hirap man o sa ginhawa. Kung may mga problema man na...


dumating pareho naming kakayanin ng magkasama at kahit kailan man hindi magpapadala sa tukso.” saad ni Liam sabay suot ng singsing sa daliri ko.
“I announced you as husband and wife. You may now kiss the bride,” masayang saad ng pari.
Tinanggal ni Liam ang Belo sa ulo ko at marahan na nilapit ang mukha niya sa mukha ko sabay halik sa labi ko.
Nagpalakpakan ang mga bisita na naroon.
“Finally, we’re married!” saad ko kay Liam.
Bigla akong binuhat ni Liam palabas ng simbahan.
“Let’s go to the hotel!” pabirong sabi niya.
“May reception pa!”
Those was the most memorable memories of my life. We promise to each other na magsasama kami sa hirap at ginhawa pero hindi na mangyayari yun dahil sa maling nagawa ko. I cheated on Liam at sa kapatid pa niya na si Greyson.
Now I decided to end our marriage. Pagod na pagod na ako. Ayoko ng masaktan pa. Ayoko na ring maging t*nga. Kahit masakit pipilitin kong maging okay ako.
Hinubad ko na ang wedding ring ko at pinatong sa mesa kalakip ang sulat para kay Liam.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at hinila ito palabas ng bahay namin.
For now, I will stay muna sa unit ni Rio.
“Oh, napadalaw ka Celeste? Bakit may mga gamit kang dala?”
“Makikipaghiwalay na ako,” saad ko.
Biglang nagulat si Rio sa mga nasabi ko.
“Seryoso ka Celeste?”
“Oo, seryoso na ako.”
“Himala natauhan ka rin!”
“Pagod na akong maging t*nga eh.”
“Does Liam know this?”
“Yes, pero ayaw niya pumayag.”
“Seriously? He hates you halos ipamukha niya sa’yo ang mga mali niya tapos ayaw niya pumayag ang labo ah!”
“I’ll do everything para pumayag siya.”
“How about your family?”
“I will tell them everything. I will accept the sequences of my wrong actions.”
“Seryoso ka na talaga? Walang ng bawian?”
“Seryoso na ako Rio.”
“Good choice Celeste! Basta ano man ang plano mo suportado kita.”
“Thak you Rio.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top