ACCIDENTALLY IN LOVE CHAPTER 2


” What happen my beautiful sister? mukha kang problemado,kunot na kunot ang noo mo” nakangiting sabi ng kuya Lance niya na tinabihan siya sa pagkakaupo sa may garden nila habang nagkakape.
Halos hindi nya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya sa sobra lalim ng iniisip nya
” Kasi kuya i made a mistake sa flower shop kanina and now i need to do something para macorrect iyon at para na rin mabalik ang tiwala niya sa shop ng hindi iyon maipasara” naiiyak siya sa pagkukuwento dito
” hmm, tell me what happen?” udyok nito sa kanya at nagsimula siyang sabihin dito ang lahat.
Habang nagkukuwento kita siya biglang nagiba ang mood ng kuya niya ng mabanggit niya ang name at business proposal ni mr charles lorenzo sa kanya, tumigas ang tingin nito at tila nagbabaga ang mata nito sa galit
” You are not going to his office, ill deal with him! at hindi niya ipapasara ang flower shop mo! ako ang haharap sa kanya” galit na galit na pahayag nito,na ipinagtaka ni lorraine alam niyang mahal siya ng kuya niya at supportado nito ang negosyo niya pero never itong nakialam sa mga problema at transaksiyon sa shop nya,support lang ito at nagbibigay ng suggestion not in a way na magagalit ito ng ganito
” Kuya may dapat ba akong malaman?” matiim niyang sabi dito
Nagisip ito sandali n wari tinitimbang ang sasabihin maya maya pa ay nagpakawala ito ng isang buntong hininga.
” He is my mortal enemy from college because we have a different fraternity na lagi nagaaway naging personalan ang lahat ng sulutin nya ang babaeng mahal ko,and when we became adult nagcross ang landas namin dahil sa isang conflict sa business, siniraan niya sa isang food chain ang security company ko kaya lumipat ito sa ibang security agency na pagaari ng pinsan nito,so you see,sagad sa buto ang galit ko sa hayop na yun,that bastard is a big pain in my ass! now ikaw naman ang kakalabanin nya,subukan nya raine! ako makakalaban nya!” galit na galit na pahayag nito..
Naintindihan n niya ang pinanggalingan ng galit nito pero gusto niya din pumunta sa office nito para itama at subukan ayusin ang gusot nito na siya ang may gawa and not only that hinahanap niya ang presensiya ng binata,hndi maintindihan ni lorrine ang sarili niya pero may kung anu sa lalaking ito na tila sabik siya makita ito.Never siyang nagkaganito sa lalaki kahit pa nga gwapo at may sinabi din ang mga manliligaw nya pero never siya nagkaganito sa lalaki.kay charles lang.
” Kuya i know how you feel but can you let me hand-”
” No i will handle him” putol nito sa sinasabi niya at bumaling sa kanya na may galit
” Hindi ka pupunta dun Lorraine naiintindihan mo?”
” But kuya-”
“No buts. ” maawtoridad na sabi nito at umalis na para pumasok sa bahay nila.naiwan si lorraine na natutulala parang lalong nadagdagan ang problema nya.
Sa stress niya ay dinaan nya ito s pagtulog,at hindi namalayan ni Lorraine na...


umaga na pala dahil nagulantang na lang siya sa ringtone ng kanyang cellphone.pupungas pungas na tinignan nya ang tumatawag hindi nya kilala ang tumatawag dahil hindi ito naka phone book pero sinagot nya ito at nagulat siya dahil 5am pa lang ito ang nakasaad sa heart shape na orasan sa bedside table nya.
“Hello” inaantok na sagot niya
” Wake up sleeping beauty, remember we have an appointment today” malambing na tinig ni charles ang sumalubong sa umaga nya,napabangon si lorraine at halos nawala lahat ng antok nya sa katawan ng marinig ang tinig ni charles tandang tanda niya ang arrogante at husky voice nito na hinding hindi niya makakalimutan.
” Hi goodmorning ang aga mo naman magwake up call and how did you get my number?” nagtataka siya kasi private number niya ito at hindi ito ang number na gamit niya sa mga client niya sa flowershop nila
” Connections,dont be surprise alam ko din ang house mo at ang address ng condo mo,by the way tinawagan ako ng brother mo,and i must say nasurprise ako dahil kapatid mo pala si Lance Valtazar, magkaibang magkaiba kayo ng ugali dahil magkaiba kayo magapproached at maghandle ng client,im sure you know what i mean” kalmado ang boses nito na tila na aamaze pa at ni walang halo ng galit sa boses nito,hindi katulad ng sa kuya niya na parang papatay na sa galit.
“Since nabanggit mo na ang tungkol dun i think we have a small problem,i can go and come to your office today since may pinangako ako at kasalanan ko talaga ang lahat pero hindi ko din pwede isantabi ang request ng brother ko” may bahid ng pagaalaa sa tinig nya. Na nakapagpa irita kay charles,ramdam nya ang pagaalala at takot sa boses nito para sa kapatid at hindi maintindihan ni charles pero ayaw nya na nagaalala ito pakiramdam nya madudurog ang puso niya.At hindi iyon maipaliwanag ni charles.
“Please just come to my office ok, ako ng bahala sa kuya mo,” malambing na sabi nito.At hindi makatanggi si lorraine sa request na iyon para itong nagmamakawa pa sa kanya.Ang matapang na boses nito ay napalitan ng lambing.
” Ok ill be there” pagpapatianod niy dito hindi nya maintindihan ang sarili pero bakit parang nasasabik din siya makita ito khit pa suwayin nya ang kuya niya
” Great! ill sew you in a bet,and we have breakfast first in my office before we talk to leewin,and it is a date” masayang pahayag nito at dali daling binaba ang telepono
Magsasalita pa sana si lorraine pero nawala na ito sa linya,
” its a date daw,sira ulo na yata ito hay, panu na si kuya first ko siyang susuwayin” medyo nagaalala siya pero talagang gusto niya din ito makita..
Bahala na nga haharapin nya na lang ang problema kapag nandyan n ito, bumangon na siya at naghanda para sa pagpunta sa office nito..
ITUTULOY
HAPPY READING PO I HOPE MA ENJOY NYO PO ANG BAWAT KABANATA NG KUWENTO NI LORRAINE AT CHARLES..SALAMAT PO SA MAINIT NA PAGTANGGAP SA KUWENTO NILA…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top