Adopting the Billionaire Son Chapter 01


Adopting the Billionaire Son ~
Chapter 01
Alasingko palamang ng umaga ay gising na ako, dahil ngayun ay muli na naman akong mag hahanap ng trabaho. Pero mukhang mahihirapan ako dahil sa ulan, siguro ay dahil sa may paparating na bagyo. Ito pa naman ang pinaka ayuko sa lahat ang tag ulan.
Kaya naman pag katapos kung mag agahan ng tinapay at kape ay agad akong umalis. Dala ang isang payong ay sinuong ang may kalakasan na ulan at medyo malakas na hangin. Napatingin pa ako sa payong na hawak ko, dahil mukhang hindi nito kakayanin ang lakas ng hangin dahil mukhang babaliktad na ito.
Pero hindi naman ako ma pipigilan nito para mag hanap ng trabaho.
” Ulan kalang!!” Sabi ko habang mahigpit na hinawakan ang payung na pakiwari ko’y tatangayin ng hangin ano mang uras.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa para dahan ng trysicle ay napatingin ako sa mga nag lalakihang mga puno. Dahil mistulan silang mga nag sasayaw dahil sa malakas na hangin na umiihip sa kanila.
Kaya naman binilisan ko na ang pag lalakad ko dahil sa takot na baka mabuwal o mabali ang mga sanga nito at baka mabag sakan pa ako.
Kaya naman nag mamadali na akong mag lakad patungo sa sakayan ng trysicle at nag pahatid ako sa kabilang bayan.
Doon ko kasi balak mag hanap ng trabaho dahil dito sa lugar namin ay halos na ikot kuna sa kakahanap ng trabaho. Pero bigo naman ako dahil walang may gustong tumanggap sa akin dahil sa menurdi edad daw ako.
Kaya naman sa kabilang bayan ako mag hahanap ng trabaho, baka sa kaling may tumanggap sa akin doon.
Pero hindi naman ako na tuloy dahil may gumuho daw na lupa at humarang iyon sa kalsadang patungo sa kabilang bayan. Kaya naman nag iko’t-ikot na lamang ako dito sa lugar namin, tumila narin naman ang ulan at nag pakita na ang na kakasilaw na si haring araw. Dito na ako nag babakasakali na mag hanap ng trabaho pero katulad ng nauna ay walang tumanggap sa akin.
Kaya naman naisipan ko na lamang mag lakad pauwi .
Tatawid na sana ako ng kalsada ng may bigla nalamang bumangga sa akin. Salakas niyon ay pariho kaming na naupo sa.maputik na lupa.
Agad naman akong tumayo at sisigawan ko na sana ang taong bumangga sa akin ng makita kong isa pala itong babae.
Nakasalampak ito sa maputik na lupa dahil nga sa umulan kaya naman nag putik ang lupa.
Magulo ang mahaba at basa nitong buhok, ang damit naman nito at marumi dahil sa putik. May mga sugat ang maputik nitong braso at nakayapak lamang ito.
Siguro ay isa itong palaboy na nang agaw na naman ng pag kain sa mga tao.
Ganito kasi ang kalakaran ng mga palaboy dito, kapag may nakita silang taong kumakain sa tabi-tabi ay hahablutin nalang nila bigla sabay takbo.
” Ayos kalang ba ha?” Nag aalala kung tanong sa kanya at inalalayan ko itong tumayo.
Nagulat ako dahil na nginginig ang katawan nito at hingal na hingal din ito. Siguro dahil sa pag takbo niya.
Dumako naman ang tingin ko sa mga paa nitong walang sapin at may mga sugat din iyon. Pero ang umagaw ng atensyon ko ang sugat nito sa kamay na kapariho sa kanyang mga paa na para bang nag mula iyon sa matigas na bagay. Na nakapaikot sa kanyang pala pulsuhan at sa kanyang mga paa.
” Ayos kalang ba ha, may masakit ba sa iyo?” Muling tanong ko sa kanya at bahagya pang sinilip ang mukha nito dahil na tatakpan iyon ng mahaba at magulo niyang buhok.
Pero bigla na lamang itong tumakbo papalayo sa akin na para bang may kung ano itong kinakatakutan.
” Sandali!!!” Habol kung sigaw sa kanya pero mabilis itong nakalayo sa akin.
Kaya wala akong nagawa kung hindi ang panuurin na lamang ang pag takbo nito papalayo sa akin.
” Kawawa naman siya,mukhang subrang pag hihirap ang...


pinag daanan niya.”Bulong ko habang humahaplos ang balikat kong medyo masakit dahil sa pag bangga niya sa akin. Maging ang soot kong blue na pantalon ay naputikan na dahil sa pag kakasalampak ko kanina sa maputik na lupa.
Kaya naman napag pasyahan ko na’ng umowi dahil may pailan-ilang tao ang na papatingin sa akin dahil sa ayos ko.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa bahay ay napadaan ako sa mga taong nag kukumpulan. Kaya naman naki esyuso din ako dahil kapansin-pansin ang mga sasakyan na naka parada sa tabi.
” Hanapin n’yo na’ng mabuti, siguradong hindi pa iyon na nakalayo!!” Sigaw na isang may edad na na lalaki, sapalagay ko’y isa itong bodyguard dahil sa kasuotan nito.
Agad namang nag sipag hiwa-hiwalay ang mga kalalakihan at para bang may hinahanap ang mga ito na kung ano.
Dahil maging ang basurahan sa tabing daan ay kinalkal nila na parabang may mga hinahanap ang mga ito.
Napatingin naman ako sa isang sasakyan sa hindi kalayuan, may matandang babae dito na mukhang mayaman. Dahil sa ayos nito at ganda ng sasakyan na kinaruruunan niya. Nakababa kasi ang bintana ng pulang sasakyan kung saan siya nakasakay.
Nagawi ang tingin nito sa akin at taas kilay pa itong tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.
” Matapobre.” Bulong ko at nag pasya nalamang na umowi dahil bigla na lamang dumilim ang kalangitan.
Hindi paman ako tuloyang na kakauwi ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Buti nalamang ay may dala akong payung at mabilis ko iyong ibinuka. At nag patuloy sa pag lalakad habang tinatahak ko ang daan patungo sa bahay. Ay napatingin na naman ako sa mga nag lalakihang mga puno na’ng bigla na lamang may sumoulpot sa harapan ko.
” WAAAAAAHH!!!!” Malakas na sigaw ko dahil sa gulat.
” T-tulong.” Sabi nito habang papalapit sa akin kaya naman napaatras ako dahil sa takot.
Nagulat pa ako ng bigla na lamang itong napaluhod sa harapan ko.
” T-tulong paki usap…a-ang anak ko!!” Dagdag pa nito habang nakatingin sa akin.
Ganoon nalang ang gulat ko ng makilala ang taong nasa harapan ko.
Ito iyong babaeng nakabunggo sa akin kanina, at base sa itsura niya ngayun ay na kakaawa ito.
Basang-basa ito ng ulan at maputik ang suot nitong malaking damit at mukhang may iniinda itong sakit.
“Anak? Tika nga may anak ka nasaan siya?!” Nag aalala ko namang tanong at pilit itong itinatayo sa pag kakaluhod nito sa lupa.
Napahawak naman ito sa kanyang tiyan at napansin kung buntis pala ito.
” M-manganganak na ako…p-paki usap tulungan mo ako.” Na mamaos nitong sabi habang na mimilipit sa sakit ng kanyang tiyan.
Kaya naman walang pag aalin langan ko itong tinulungan tumayo.
” Tiisin mo muna ha? Dadalhin kita sa malapit na hospital ha?” Sabi ko sa kanya habang inalalayan ko itong mag lakad. Pero bigla na lamang iyong huminto na ipinag taka ko naman.
” W-wag sa hospital, sabahay mo nalang paki usap.” Sabi nito.
Dahil sa pag aalala ko sa baby nito na nasa sina pupunan niya ay dinala ko nga ito sa bahay.
Pasalamat ako dahil nandoon si nanay Suraya, ang matandang nag iisa kong kapit bahay.
At ito narin ang itinuring kong panga lawang ina, dahil ito na ang gumabay sa akin ng mawala ang mga magulang ko.
Pero nag dadalawang isip pa itong tulungan ang babaeng kasama ko. Dahil nag aalala siya na baka mapahamak daw ako.
Pero wala naman siyang nagawa dahil nag makaawa ako sa kanya na tutulungan lamang namin manganak ang babae pero pag kaya na nito ang kanyang sarili ay papaalisin na namin ito.
Pumayag naman ang babae pero sa hindi inaasahang dahilan ay hindi iyon na’ng yari.
( Ano kaya ang mang yayari sa babaeng tinulungan ni Inno. Makakaligtas kaya ito at ang sanggol na nasa sina pupunan nito? Tama kaya si nanay Suraya sa kanyang kutob na kapahamakan lamang ang dala ng babaeng tinulungan ni Inno?
Abangan po natin sa susunod na Chapter.)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top