Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 7
.
At ng makaluto na si Nico ng almusal ay, inayos na din niya ang hapagkainan, tutulungan sana siya ni Yna pero hindi siya pumayag.
,
Nico : maupo ka lang diyan at ako ang bahala dito, baka lalong sumakit ang ulo mo?
Yna : hindi na, okay na ako, nawala na yong sakit.
Nico : basta huwag na baka mapagod ka.
Yna : sus nakakapagod ba yong magsandok, sige na tulungan na kita, kasi naiinip naan ako kung uupo lang ako dito.
Nico : sige na nga.
.
naglalagay si Yna ng mga plato sa lamesa, at si Nico ang taga-sandok..at hanggang sa matapos na silang maghain at tinawag na nila ang mga bata at pati na si Mother fely, at hanggang sa nakadulog na ang lahat at inumpisahan na nila ang panalangin upang magpasalamat sa mga nakahain sa kanilang hapag-kainan..si Nico ang nag-lead ng prayer…at makatapos magdasal ay sinimulan na nila ang pagkain..at ng makakain si Nico ay pumanhik siya sa itaas at kinuha niya ang gamot sa bag niya, at ibibigay niya kay Yna.
.
Nico : eto yong gamot, inumin mo para mawala na ang sakit ng ulo mo.
Yna : nawala na yong sakit ng ulo ko. Siguro nagugutom lang ako kaya sumakit.
Nico : sigurado ka ha. Baka naman masama talaga ang pakiramdam mo, buti pa kaya ay umakyat ka ulit sa taas at ng makapag pahinga ka.
Yna : hindi, tutulungan kitang maglaba.
Nico : ay hindi, gusto ko magpahinga ka.
Yna : okay nga lang ako, gusto kong tumulong sayo, isa pa naiinip naman ako dun, gusto ko palagi kitang kasama– a-ang ibig kong sabihin ay wala akong kasama sa taas.
.
Di makatingin ng diretso si Yna kay nico dahil nabigla siya sa sinabi niya na gusto niya palaging kasama si Nico, at samantalang si Nico naman ay nakaramdam ng kasiyahan nang marinig niya kay Yna na gusto pala siyang kasama palagi ni Yna, kinilig ang puso ni Nico..kaysarap daw sa kanyang pandinig ang mga pabiglang salita ni Yna.
.
Nico : gusto mo talaga akong tulungang maglaba?
Yna : oo naman, gusto ko kasing subukang maglaba.
Nico : sige kung gusto mong maglaba, pumapayag na akong tulungan ako.
Yna : yehey…thank you..
.
Naghugas muna sila ng pinagkainan nila, magkatulong sina Nico at Yna sa paghuhugas, si Nico ang taga sabon, at si Yna naman ang taga banlaw..at ng makatapos maghugas ng plato ay hinarap na nila ang labahin..libang na libang si Yna sa paglalaba alam din naman niyang maglaba, dahil siya ang naglalaba ng mga undies niya,.lalo na kapag may buwanang dalaw siya..libang na libang siya sa pagkukusot, magkaharap sila ni Nico sa malaking banyera, kinukusot nila ang mga puti.
.
Nico : baka pagod ka na?
Yna : hindi pa, huwag mo akong alalahanin kasi nakaka-enjoy talagang maglaba.
Nico : ngayon ka lang siguro nakaranas maglaba?
Yna : hindi naman naglalaba talaga ako.
Nico : ows, talaga lang ha.
Yna : oo naman ako kaya naglalaba ng mga panty ko— ng mga u-underwear pala..(nahihiya niyang sabi)
Nico : ganun ba akala ko hindi.
.
At dahil nalilibang si Yna sa paglalaba hindi niya namamalayan na namumula na pala ang mga kamay niya. At nakakaramdam na siya ng hapdi..at hanggang sa naghugas muna siya ng kamay para matanggal ang bula, at nakita niya na puro gasgas na ang mga kamay niya.
.
Yna : oh my!! Ang hapdi ng kamay ko.
.
At hanggang sa napansin na din ni Nico na namumula ang mga kamay ni Yna, at puro gasgas na ito at hindi lang gasgas may sugat na ito.
.
Nico : hala, ayan na nga ba ang sinasabi ko, puro sugat na yong kamay mo(nag-aalala niyang sabi)
.
Kinuha niya ang mga kamay ni Yna at hinihipan hipan nia.
.
Nico : dapat kasi hindi mo na ako tinulungan, kasalanan ko to eh, hindi na sana ako pumayag na tumulong ka sakin, ayan tuloy puro sugat na yong mga kamay mo.
Yna : wala kang kasalanan. Ako ang may kagustuhan na tulungan, hindi ko naman alam na magkakaganito ang mga kamay ko.
Nico : masakit ba?
Yna : hindi naman masyado..mawawala din ito.
Nico : pero mahapdi yan. Wla pa man din tayong ointment..kasalanan ko talaga ito.(paninisi niya sa sarili)
Yna : okay lang ako, huwag mong sisihin yong sarili mo kasi ako ang may gustong maglaba..
Nico : buti pa kaya ay magpahinga ka na lang sa taas, at magtatanong ako kay mother Fely kung may ointment siya.
.
Nakita ni Yna na sobrang nag-alala si Nico, naliligayahan naman ang puso ni Yna dahil, sa nakikita niyang pagpapahalaga sa kanya ni Nico, sa isip niya ay malayong malayo ito sa ugali ni Poli na boyfriend niya, kaya parang sa pakiramdam niya ay nawawala na sa puso niya si poli, parang hindi na niya makapa ito sa kanyang puso, at mukhang napapalitan na ni Nico ang lugar ni Poli sa puso ni Yna.
.
Nico : sige na Yna pumunta ka na sa taas.
Yna : sige, pero huwag ka ng mag-alala sakin kasi okay lang talaga ako.
Nico : sige, pahinga ka na sa taas.
.
At umakyat na nga si Yna sa taas, kumuha siya ng damit dahil napagpasyahan na niyang maligo..dahil nabasa na ang damit niya habang naglalaba, at habang nasa banyo siya ay tinitingnan niya ang mga kamay niyang puro sugat dahil sa paglalaba, pero imbes na makaramdam siya ng sakit, ay iba amg nararamdaman niya, parang masaya pa siya, dahil sa pag-aalala sa kanya ni Nico, naliligayahan ang puso niya kapag pinapakita ni Nico na nag-aalala ito sa kanya..at hanggang sa nakatapos na siyang maligo, at nun niya lang napansin na hindi pala niya, nadala ang damit niyang pamalit naiwan niya pala iyon sa may kama, namroblema tuloy siya kung paano ang gagawin niya, maliit pa man din ang towel na ginagamit niya.. nabasa na niyang tuluyan ang kanyang damit dahil kinusot kusot na niya iyon upang malinis na at isasampay niya na lang ito,.at samantalang si Nico ay paakyat na siya ng kwarto upang ibigay kay Yna ang ointment na hiningi ni Nico kay Mother Fely, at pagpasok nga ni Nico sa kwarto ay wala si Yna roon, kaya naisip ni Nico na baka nasa banyo ito at naliligo.,kaya inilapag na lang niya sa kama ang ointment at para makita iyon ni Yna.,at ng mailapag niya ang ointment ay akmang lalabas na siya ng pinto, laking gulat niya ng tumatakbo papasok sa kwarto si Yna, hindi napansin ni Yna si Nico na masasalubong niya pala ito sa may pinto dahil sa may hagdanan nakatingin si Yna kung may papaakyat roon, dahil sa maikli lang ang tuwalya na nakatapis sa katawan niya, kaya tinakbo niya mula banyo hanggang sa kwarto na tinutulugan nila ni Nico, at ng magkabunguan sila ni Nico ay nawalan ng panimbang si Nico at ito ay nabuwal, kasama niyang bumagsak sa sahig si Yna, napangiwi sa sakit si Nico dahil sa nasaktan siya sa pagkakabagsak niya, at nakadagan pa ang bigat ng katawan ni Yna sa kanya, at halos magkadikit ang kanilang mga mukha na bagay na ikinabilis ng pintig ng mga puso nila, at dahil sa pagkabigla nilang dalawa sa nangyari ay walang nakagalaw sa kanila, na parang nahipnotismuhan ang bawat isa sa kanila, magkahinang lang ang kanilang mga mata, na waring nangungusap ang kanilang mga mata, na parang huminto ang mga oras at animoy may sariling mga mundo, at natauhan lang sila ng may narinig na silang yabag sa may hagdanan, kaya dali daling tumayo si Yna, at agad niyang isinara ang pinto, si Nico ay hindi pa makatayo dahil sa nakaramdam ng sakit at dahil na din sa pagkabigla niya sa nangyari, at ng maisara ni Yna ang pinto ay agad na niyang nilapitan si Nico na nakahiga sa sahig, at sobra siyang nag-alala dahil sa tingin ni Yna ay nasaktan si Nico.
.
Yna : Nico sorry!! Hindi ko alam na nandito ka sa loob, sorry talaga!(nag-aalala niyang sabi.)..tulungan na kitang bumangon..
.
.
Nakalimutan ni Yna na nakatapis lang siya ng maikling tuwalya, dahil sa pag-aalala niya kay Nico, at sa pag-alalay niya kay Nico na makatayo ay biglang natanggal ang tapis niya..nataranta si Nico kaya bigla niyang tinakpan ang mukha niya.
.
Nico : wala akong nakita!!
.
Dali dali naman kinuha ni Yna ang tuwalya at itinapis niya uli sa katawan..sobrang hiyang hiya si Yna sa nangyari..at samantalang si Nico din ay hiyang hiya din siya, at totoo naman na hindi nakita ni Nico ang hubad na katawan ng dalaga dahil nakabaling naman ang paningin niya sa iba, at ng mapansin nga niya na nalaglag ang twalya ay tinakpan na niya ng palad ang kanyang mga mata..naalala tuloy ni Nico ng maghubad si yna sa harapan niya noong naroon sila sa bahay nila mang temyong, pero hindi naman niya lahat kita dahil may suot pa naman na underwear ang dalaga, at hindi naman maliwanag ang kapaligiran noon dahil tanging sulo lang ang kanilang tanglaw sa loob ng kwarto, pero ngayon nga ay maliwanag dahil araw noon..at dahil hindi naman siya manyakis o abusadong tao kaya agad niyang tinakpan ang mukha niya dahil iginagalang niya ang babae, dahil sa isip niya ay may nanay siya at kapatid na babae kaya di niya pinagsamantalahang tingnan ang hubad na katawan ni Yna.
.
Nico : sige lalabas na ako ng makapagbihis ka na.
.
Hawak hawak ni Nico ang balakang habang lumalakad siya papunta sa pinto.
.
Yna : naku sorry talaga nico, nasaktan ka tuloy..baka hindi mo kayang bumaba..maupo ka muna sa kama.
Nico : eh paano ka makakapagbibis, kung nandito ako.
Yna : e di tatalikod ka, diba hindi mo naman ako titingnan.
Nico : oo..hindi naman ako naninilip ano.
Yna : e yun naman pala eh.
,
Kaya nagpunta muna si Nico sa may kama na tinutulugan niya, naupo siya roon, nakatalikod siya kaya yna.
.
Nico ; sabihin mo lang kung tapos ka na ha.
Yna : oo.
.
At dali dali na ngang nagbihis si Yna, tiwala siya kay Nico na hindi siya bobosohan nito, dahil alam na niya na mabuting tao si Nico dahil maramibg beses na niyang napatunayan na di mapagsantala ang binata na bagay na hinahangaan niya kay Nico..
.
Yna : okay na, nakabihis na ako..
.
Lumapit si Yna kay Nico, at tinanong niya kung nasaan ang masakit ni Nico..
.
Nico : yong bewang ko. At yong likod, pero mamaya siguro mawawala din ito..yun nga palang ointment nasa kama mo nakita mo ba.
Yna : ah. Oo nakita ko.
Nico : lagyan mo na yong mga sugat mo sa kamay, para hindi humapdi yang mga gasgas.
Yna : mamaya na. Okay lang yong kamay ko, ang inaalala ko ay yang likod mo at balakang, baka naman napilay ka na.
Nico : hindi naman siguro.
Yna : ang mabuti pa hilutin kita.
Nico : naku huwag na, nakakahiya naman, mawawala na din yong sakit nito.
Yna : sige na, huwag ka ng mahiya kung ikaw nga. Hinilot mo yong binti at paa ko, kaya ako naman ang maghihilot sayo ngayon..kaya sige na umayos ka..sandali lang at kukuhanin ko yong lotion ko.
Nico : lalo lang masasaktan yong kamay mo eh..puro gasgas na nga lang dahil sa paglalaba mo.
Yna : ay basta, huwag ka ng magreklamo.
.
At nagmadali ngang kinuha ni Yna ang kanyang lotion sa bag.
.
Yna : oh eto na, umayos ka na at hihilutin ko na yong likod mo.
Nico : sige na nga po..marunong ka bang mag-massage?
Yna : medyo! Kung minsan kapag may kailangan ako kay papa minamasahe ko siya.
Nico : uy, grabe ka naman nman, kapag may kailangan ka lang pala.
.
Nahiya naman si Yna sa nasabi niya,.hindi na lang siya kumibo, inumpisahan na lang niyang hilutin si Nico, sa una ay nahihiya siyang humawak kay Nico medyo nanginginig ang kamay niya, bumibilis ang pintig ng puso niya, kinagalitan niya ang puso niya na umayos ayos ng pag-tibok..at hanggang sa tuluyan na ngang hinilot ni Yna ang likod ni Nico..si Nico naman ay habang hinihilot siya ni Yna ay bumibilis ang tibok ng puso niya, dahil sa nararamdaman niya ang masuyong paghagod ng kamay ni Yna sa likod niya, tila kay ligaya ng puso niya habang dinadampian ng kamay ni Yna ang likod niya, kinikilig ang puso niya na wari ay isa siyang teenager na pinansin ng kanyang crush..at ano pa kaya na mismong ramdam niya ang masuyong hagod ng kanyang crush, at mukhang di lang crush ang nararamdaman niya sa dalaga, bagkus ay mahal na niya ito, nahulog na ang puso niya kay Yna.yun nga lang sabi niya sa sarili niya ay hindi na pwede dahil pag-aari na ito ng iba..nakaramdam naman si Nico ng ginhawa sa pagmasahe ni Yna sa kanyang likod
.
Nico : okay na, medyo nawala na yong sakit.
Yna : sure ka ba?
Nico : oo wala na.,salamat ha, marunong ka naman palang mag-hilot eh.
Yna : sabi ko naman sayo diba.
Nico : sige pupunta na ako sa. Baba at ipagpapatuloy ko na yong mga labahin ko.
Yna : tutulungan na uli kita.
Nico : hindi na, ako na lang. Hindi naman na masakit, nawala na yong sakit kasi nga namasahe mo na.
Yna : please naman nico huwag ka ng makipagtalo pa, basta tutulungan na kita sa ayaw at sa gusto mo.
.
Nagpatiuna na ng bumaba si Yna, naiwan pa si Nico sa kwarto at hindi nagtagal ay bumaba na din si Nico, at nang makarating na si Yna sa laundry area, ay agad niya ng kinuha ang mga damit sa washing machine, dahil natapos na ang timer nito, last na palang salang ang nasa washing kya nag-umpisa na siyang magbanlaw, magkatulong uli sila sa pagbabanlaw ng damit. At hanggang sa natapos na nga nilang banlawan ang mga damit, nalagyan na din nila ng fabric conditioner..at hanggang sa isasampay na lang nila..magkatulong pa din sila sa pagsasampay, ngunit marunong ngang maglaba si Yna pero sa pagsasampay naman ay hindi siya marunong, kung papanong sampay lang ang ginagawa niya sa mga damit..nangingiti na lang ng palihim si Nico sa paraan ng pagsasampay ni Yna.
.
Nico : ako na lang kaya ang magsasampay..
Yna : hindi tulungan na kita para mabilis matapos.
.
Ayaw naman sabihin ni Nico kaya Yna na hindi maayos ang pagsasampay nito, ayaw niyang masaktan ang kaloiban nito, kaya nag-isip si Nico para huwag ng magsampay si Yna dahil nga hindi maayos ang pagsasampay ni Yna, palibhasa hindi naman talaga ginagawa ni Yna ang paglalaba, oo naglalaba siya pero mga underwear niya lang, at madali lang naman na isampay iyon..at naisip nga ni Nico na bigyan na lang ng ibang pagkaka-abalahan si Yna, para siya na lang ang magsasampay.
.
Nico : aray ko!
Yna : oh bakit, anong masakit sayo, masakit ba ang likod mo?
Nico : hindi, masakit yong tiyan ko mukhang nagugutom, mabuti pa kaya ay gumawa ka na lang ng merienda natin, at ako na ang tatapos sa sampayin natin, para kapag tapos ko ay makapagmeryenda na tayo.okay ba yun?
Yna : oo sige.
Nico : bahala ka ng maningin sa ref kung ano ang pwedeng mameryenda natin.
Yna : oo sige.
.
At nagpunta na nga si Yna sa kusina upang tumingin sa ref kung ano ang mamimeryenda, at pagtalikod naman ni Yna ay nagmadali na si Nico na inayos ang mga isinampay ni Yna, at lumipas ang mga minuto ay natapos na ni Nico na maisampay lahat ng mga nilabhan, at hindi nagtagal ay tinawag na ni Yna si Nico upang magmeryenda.
.
Yna : halika na magmeryenda kana.
Nico ; oo sige..isisinop ko lang itong mga nagamit.
.
At hanggang sa natapos na ngang maisinop ang mga ginamit sa paglalaba, at pumunta na din si Nico sa kusina..pagpasok niya sa kusina ay naroon din si Mother fely.
.
Mother Fely :naku maraming salamat sa inyong dalawa, natapos ang mga labahin, sige magmeryenda na kayo.
Nico : opo, kayo po mother fely magmeryenda na din po kayo.
Mother Fely : naku, busog pa ako, ah pwede bang bahala muna uli kayo sa mga bata at ako ay may pupuntahan lang ulit
Nico : ah sige po..
Mother Fely : si Veron baka mga hapon na makarating yun dito, kaya maiwan ko uli kayo dito nk Yna ha.
Nico : opo mother fely, kami po ang bahala sa mga bata.
.
Pagkaalis ni Mother fely ay nakipagbonding sina Nico at Yna sa mga bata, nakipaglaro silang dalawa, tuwang tuwa ang mga bata sa pakikipaglaro nila kila Nico at Yna..at hanggang sa napagod na si Nico at yna..
.
Nico : tama na ang laro, pahinga na kayo kasi mamaya ay liguan na.
.
Sinunod naman siya ng mga bata.nagpahinga na ang mga bata at si Nico naman ay nagtungo na sa kusina upang maghanda ng iluluto para sa kanilang taghalian, sumumod naman si Yna kay Nico sa kusina.
.
Yna : tulungan na kitang magluto ah..
Nico : okay.
.
At naghanap nga si Nico ng pwede nilang iluto sa pananghalian..at hanggang sa naka-isip na siya ng kanyang lulutuin dahil madami namang stock sa refrigerator, at magkatulong na sila ni Yna na nag-gagayak ng pananghalian, at dahil hindi marunong si Yna sa mga paghihiwa, ay tinuturuan ni Nico si Yna kung paano ang gagawin.
.
Yna : talagang sanay na sanay ka sa gawaing bahay, lalo na sa pagluluto ano.
Nico : oo, bata pa lang ako ay alam ko na ang magluto kasi lagi akong tumutulong sa kay nanay sa nga gawaing bahay, at kahit sa pagluluto ay tinitingnan ko lang yong ginagawa ni Nanay tapos tinatandaan ko kung paano..ikaw ba may alam...
next po ..ganda po Ng story