AKING PRINSESA Chapter 1


Si Yna o Ma, Kristina Martin Villaroman, ay isang anak ng mayaman, lahat ng luho ay nasusunod, isang pasaway na anak, at dahil sa sobrang pasaway, napahamak ito, iniligtas siya ng isang Lalake, pero may kapalit ang pagkakaligtas nito sa kanya. Kung ang pagkababae niya ang kapalit kaya ba niya na ipagkaloob sa lalake ang kabayaran ng pagliligtas nito sa kanya..
.
❣️AKING PRINSESA❣️
Chapter 1
.
Ferdie : Yna kailan ka ba magbabago sa buhay mo, kay-tanda mo na wala ka pang pinagkatandaan, ano na naman yong ginawa mo sa driver mo, lagi na lang nagrereklamo yong binibigay kong driver mo sayo, pati bodyguard mo, nagrereklamo na rin sa mga ginagawa mo, sobrang tigas ng ulo mo Yna.
Yna : Papa naman kasi, kaya ko naman kasing mag-drive para sa sarili ko, hindi ko kailangan ng driver at ng bodyguard, kaya kong protektahan ang sarili ko.
Ferdie : huwag kang mayabang Yna, o baka naman para makakapunta ka kung saan mo gustong pumunta! hindi!!..kailangan may sarili kang driver, para alam ko kung saan ka pumupunta..at ako ang masusunod, hindi ikaw..puro ka lakwatsa..simula ngayon grounded ka..walang gimik-gimik..(sabay talikod)
.
Naiwan si Yna na nagpuputok ang butse, may lakad pa naman ang barkada nila mamayang gabi.
.
Yna : grrrrr—–nakakainis!!!!!
.
Si Yna ay nag-iisang anak nina, Ferdinan Villaroman at Rosita Martin Villaroman, ngunit si Ginang Rosita ay yumao na dahil sa nagkaroon ng matinding karamdaman, kaya naiwan si Yna sa pangangalaga ng kanyang ama..si Ferdinan ay isang ulirang ama, walang inisip si Ferdie kundi ang kabutihan ng kanyang unica hija, pinalago ng husto ni Ferdie ang kanilang kabuhayan ng sa ganoon ay ang lahat ng pangangailangan ni Yna ay maibibigay niya, kaya ang estado nilang mag-ama ngayon ay masasabing isang napakayaman, dahil na din sa kasipagan at katalinuhan ni Ferdie.
Ferdie : Leo, paano ba yan, magriritiro ka na ba sa pagmamaneho?
Leo : boss Ferdie, pasensiya na po kayo at, hindi ko na kayang magmaneho, matanda na..may kalabuan na talaga yong mga mata ko.
Ferdie : naku, papayag ka ba naman na sa sarili mo na ikaw ay isang matanda na.
Leo : wala na talaga boss tanggap ko na matanda na ako.
Ferdie : ikaw talaga. Sige, kelan mo pala papupuntahin yong bata mo dito?
Leo : sa isang buwan siguro boss nandito na siya, salamat nga pala boss ha, at pumayag kang magtrabaho sayo yong anak ko.
Ferdie : wala yun, para sa mabait at pinagkakatiwalaan kong tauhan, tatanggapin ko ang anak mong magtrabaho sakin, at ang maganda ay papayagan ko pa siyang mag-aral, para makatapos yong anak mo sa pag-aaral.
Leo : talaga boss, naku maraming salamat boss, matutuwa ang anak ko kapag nalaman niya..sobra po akong nagpapasalamat boss..
Ferdie : basta para sayo Leo at sa pamilya mo..bukas ang palad ko sa pagtulong sa inyo, dahil malaki ang utang na loob ko sayo, dahil iniligtas mo ang buhay ko.
.
At samantalang si Yna ay walang nagawa kundi magmukmuk sa kanyang kwarto, naturingan pa naman na bakasyon hindi manlang daw siya makakapag-enjoy, at sobrang nagpasalamat naman si Yna dahil dumating ang tita niya na kapatid ng yumaong mama niya.
.
Belinda : kuya Ferdie, baka pwedeng isama ko si Yna sa Cebu, para naman makapag-enjoy itong si Yna, nagrereklamo siya at hindi mo daw pinapayagang mag-out of town kasama ang mga barkada niya.
Ferdie : hay naku yang bata na yan, diyan magaling ang maglakwatsa, ni hindi man lang pinagbubuti ang pag-aaral, ang barkada na lang niya ang gusto niyang kasama.
Belinda : bakit naman kasi Yna nagpapabaya ka sa pag-aaral mo.may katwiran naman pala yong papa mo na higpitan ka, kasi puro ka pala barkada.
Yna : promise po pagbubutihin ko na, at saka hindi na nga po ako lumalabas na kasama ang barkada(mahinahon na sabi niya)
Ferdie : o sige, papayagan ko yan na sumama sa inyo, pero bantayan mo yang mabuti,
Belinda : oo kuya,
Ferdie : higpitan mo ang pagbabantay diyan, dahil yong mga body guard niya lagi niyang naiisahan.
Belinda : huwag kang mag alala kuya, ako ang bahala di makakatakas si Yna sakin, ibahin niya ako sa mga body guard niya, ikaw kuya baka naman gusto mo ding magbakasyon?
Ferdie : naku wala sa bokabolaryo ko ang bakasyon!!
Belinda : naku kuya baka naman pinahihirapan mo na yong sarili mo, nakasubsob ka sa pagtatrabaho..
Ferdie : kailangan belinda, para kay Yna.
Belinda : naku aanuhin mo ba ang madaming pera eh nag-iisa lang naman yang si Yna..kaya siguro lumalaki ang ulo nitong si Yna lahat ng gusto niya nasusunod.
Ferdie : siguro nga, kaya ganyan yang bata na yan..pero ngayon kailangan niyang matuto, para kapag hindi ko na kaya siya na ang pagpapatakbo ng kompanya namin..eh kaso walang inatupag kundi maglakwatsa.
.
Hindi na lang kumikibo si Yna sa naririnig sa ama dahil totoo naman kasi at saka ayaw na din niyang galitin pa ang ama, dahil baka daw magbago pa ang isip nito, at hindi pa siya payagan, at hanggang sa lulan na sila Yna at tita niya ng private chopper na pag-aari ng papa niya, at hanggang sa nakarating na sila sa Cebu kung saan magbabakasyon ang tita niya at ang asawa nito.
.
Yna : woah!!..sa wakas nakalabas din ako ng bahay..thank tita bell…akala ko mabubulok na ng buong bakasyon ang beauty ko sa bahay.
Belinda : magseryoso ka naman kasi sa buhay mo Kristina!!para wala namang nasasabi ang papa mo sayo..kawawa naman yong papa mo, nakita mo mahal na mahal ka niya, kahit pansarili niyang kaligayahan ay tinalikuran niya para lang sayo, kaya suklian mo naman yong mga sakripisyong ginagawa ng papa mo!!
.
Nagsawalang kibo lang si Yna sa mga sinabi ng kanyang tita, may katotohanan naman ang sinabi nito, may labing limang taon nang namamatay ang kanyang mama pero hindi pa muling nag-aasawa ang papa niya, kaya nga minsan naiisip ni Yna na magseryoso siya sa pag-aaral upang matuwa naman ang kanyang papa sa kanya, ngunit nga nababarkada siya, nahihirapan siyang umiwas sa barkada, kapag kasi kasama niya ang barkada ay naalis ang lungkot niya, nalulungkot siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa din niya matanggap ang pagkawala ng kanyang mama. At hanggang sa lumipas ang apat na araw na paglilibot nila sa kung saan saang isla, na talaga din namang nag-enjoy siya sa pagbabakasyon doon sa cebu. Ngunit hinahanap ng isip niya ang kanyang mga barkada, naisipan ni Yna na tawagan ang isa sa barkada niya.
.
(Sa phone)
Yna : Mitch!!
Mitch : hey, Yna, bakit ngayon ka lang nagparamdam, katagal ka na namin kinokontak, si Poli miss na miss ka na niya, bahala ka, kapag nakahanap ng iba yong boyfriend mong si Poli, iiwanan ka nun!!
Yna : uyy, grabe ka hindi gagawin ni poli sakin yun..paano naman, si papa hinihigpitan ako..bantay sarado niya ako.
Mitch : grabe naman yong papa mo..hindi ka naman na bata para higpitan niya.
Yna : kaya nga eh..saan kaba ngayon?
Mitch : nasa airport kami ngayon may lakad ang barkada? Ano sama ka, sunod ka samin, punta kami Bohol.
Yna : sige sige, try kong magpaalam kay tita belinda, nandito kami sa cebu..
Mitch : tamang tama pala, malapit ka lang…sige kita tayo doon..
Yna : sige, si poli sasama daw ba siya?
Mitch : bakit di mo tawagan.
Yna : wala kasi yong phone ko, bago yong phone ko ngayon eh, tinago ni papa yong dati kong phone, bago kasi yong number ni poli di ko pa kabisado.
Mitch : ganun ba. Sige tawagan ko nalang si Carlo baka sakali na makitea niya sabihin ko papuntahin din ng bohol si Poli.
Yna : thanks Mitch..miss na miss ko ba talaga siya.
Mitch : sige Yna, aalis na ang eroplano namin, magkita na lang tayo ha.
Yna : okay ingat!!
.
Sinubukan nga niyang magpaalam ni Yna sa kanyang tita belinda.
.
Belinda : sorry iha, hindi pwede kabilin-bilinan ng papa mo dito ka lang sakin, mahirap naman kung papayagan kita, baka mamaya kung anong mangyari sayo, ako ang masisisi ng papa mo..hindi, hindi ka pupunta..kung pupunta ka kailangan paalam ka muna sa papa mo!!
Yna : ehh..tita hindi po ako papayagan nun.
Belinda : di hindi ka pupunta..at huwag mong ipilit ang gusto mo.,hindi ka ba nag-eenjoy dito?
Yna : nag-eenjoy po.kaya lang eh namimis ko na po yong barkada ko.
Belinda : ayun, barkada!! Kami ba hindi mo namimis? Almost two years tayong hindi nagkita, ngayon nga lang kami nakauwi ng pilipinas ni tito Robert mo, ayaw mo pa kaming kasama..samantalang yong mga barkada mo, lagi lagi mo silang nakikita.
Yna : hindi naman po sa ganun tita..syempre po gusto ko kayong makasama..pero—
Belinda : walang pero pero, hindi ka pupunta!!
.
Walang nagawa si Yna, ayaw siyang payagan ng kanyang tita, nag-isip siya ng paraan si Yna kung paano siya makaka-alis, at hanggang sa nagkaroon nga siya ng pagkakataon na maka-alis, sinadya niya talagang nag-paiwan sa bahay nilang tinutuluyan, nagdahilan siyang masakit ang kanyang tiyan, at nag-e-LBM siya, hindi na din sana aalis ang tito at tita niya dahil nga sa dahilan niya,
.
Yna : tita, tito, huwag po ninyo akong alalahanin, sige na po ituloy na po ninyo ang lakad ninyo, dahil okay na okay po ako, magpapahinga na lang po ako dito sa bahay, mamamaya po aayos din po ako,
Belinda : sure ka ba, Yna?
Yna : opo tita.
.
Napanatag na din naman ang kalooban ng mga ito, kaya umalis din ang tito at tita niya, at nang sa inaakala ni Yna na naka-alis na nga ang mga ito, ay saka niya sinamantala din na umalis, at tuwang tuwa si Yna nang makalayo na siya sa bahay at hanggang sa nakasakay na siya agad papuntang terminal, at lumipas pa ang mga oras ay nasa Bohol na siya, excited na siya dahil makakasama na niya ang mga barkada niya, at lalong lalo na ang kanyang boyfriend na si Poli, matagal na kasi silang walang kumunikasyon ni Poli buhat ng kinuha ng papa nia ang celpon niya, di kasi boto yong papa niya kay poli, at hanggang sa tinatawagan na nga niya si Mitch para magpasundo na siya roon dahil hindi niya kabisado ang lugar, at sa di inaasahan ay biglang may nag-snatch sa kanyang celpon at bag, hindi siya nakagalaw sa pagkabigla, gusto niyang sumigaw ngunit parang ayaw lumabas ng boses niya sa pagkabigla, at gusto niyang umiyak pero hindi makalabaslabas ang luha niya hindi niya alam ang gagawin, wala siyang nagawa kundi tingnan na lang ang papalayong lalaki na nag-snatch sa bag niya.
.
Yna : Bwisit ka talagang magnanakaw ka!!!!
.
iyak na lang siya ng iyak sa isang tabi, dahil paano na ang gagawin niya, wala ang Cellphone niya, at wala na din ang bag niya na naroon pa man din ang pera niya, hindi niya alam kung sino ang hihingan niya ng tulong.kung bakit ba naman daw kasi na walang pulis sa lugar na iyon, nag-sisi tuloy siya ng mga sandaling iyon, kung bakit kasi tinakasan pa niya ang tita niya, sa isip niya ay karma niya iyon, at siguradong nakarating na sa papa niya ang ginawa niyang pagtakas, at samantalang si Belinda ay sobrang nag-aalala ng mga sandaling iyon, hindi pa pinapaalam ni Belinda kay Ferdie na nawawala ang anak nito, kung nagkataon siya daw ay malalagot sa kanyang bayaw, at samantala naman ng mga oras na iyon, ay naguumpisa ng matakot si Yna, dahil gumagabi na talaga, at hanggang sa ang panahon ay nagiging masungit na dahil sa may paparating na malakas na ulan, at ngayon nga ay may matatalim na kidlat at malalakas na kulog, natatakot pa man din si Yna sa kidlat at kulog..pero ang takot niya ay napalitan ng galit dahil nakita niya ang lalakeng nag-agaw ng kanyang bag at Cellphone, sinugod niya ang lalake.pinagsusuntok niya ito sa likod..sa pagkabigla ng lalaki ay hindi agad nakakilos ang lalaki.
.
Yna : hayop kang magnanakaw ka, ibalik mo sakin ang bag ko at celpon ko, hayop ka!!!(galit na galit niyang sabi)
.
At ng nakabawi ang lalaki sa pagkabigla, ay hinawakan nito ang kamay ni Yna.
.
Lalake : hoy miss, ano bang problema mo, at anong pinagsasabi mo jan, hindi ako magnanakaw, hindi ko ninakaw ang bag mo.
Yna : anong hindi, ikaw yun, tandang tanda ko yong damit mo, naka pants na itim at naka-blue na t-shirt at hindi ako nagkakamali ikaw yun..ibalik mo sakin yong bag ko!!
Lalaki : hindi ako yong kumuha ng bag mo..ano ang basehan mo at nasabi mo ako ang kumuha.
Yna : ikaw yun hindi ako nagkakamali, ganyang ganyan din ang kulay ng pantalon at tshirt..at dito mo pa nga kinuha sakin yong bag ko at Cellphone ko.
Lalake : nagkakamali ka miss, dapat pati itsura tinandaan mo, hindi ka dapat nagbibintang na hindi mo naman pala alam ang itsura, at saka kakadating ko nga lang ngayon dito, at saka kung ako yong kumuha ng bag mo di sana hindi na ako babalik dito sa lugar na ito!
.
Yna : ikaw yun, ibalik mo na sakin yong bag ko!!
Lalake : hindi nga ako ang kumuha sa bag mo! Sa itsura ko bang to! Hoy hindi ako magnanakaw!!!
.
Tinigilan na ni Yna ang lalaki. Maalala nga pala niya na may balanggot ang magnanakaw, pero ang inaakusahan niya ay wala, nagsimula nang pumatak ang ulan, hindi na din siya makakaalis sa lugar na iyon dahil sa malakas nga ang ulan, at sa isip niya ay kailangan niya din na may mapagpapalipasan siya ng gabi doon..kailangan niyang makagawa ng paraan para magkapera, nang sa ganoon ay makakuha siya ng hotel na matutuluyan niya, pero wala naman siyang ka-pera pera, at haggang sa nakapa niya ang mga alahas niyang suot, naisipan niyang isangla iyon, at nahiling niya na sana daw ay may bukas na pawnshop, patitilain daw muna niya ang ulan bago siya maghanap ng pawnshop, matagal na ang ulan ay hindi pa din humuhinto ang ulan, kaya nagpasya na lang siyang lumakad na at humanap ng bukas na sanglaan pero sa kasamaang palad ay wala ng bukas, dahil sa gabi na nga noon..naghahalo-halo na tuloy ang nararamdaman niya, gutom, ginaw at lalo na takot, takot dahil wala man lang siyang mapupuntahan doon, at sa pakiwari niya ay hindi gumagana ang utak niya, may tatlumpung minuto na siyang naglalakad ay wala pa siyang nakikitang sanglaan, at hindi pa din humihinto ang ulan, at hanggang sa naka-isip na siya kung paano ang gagawin niya, napagpasyahan niyang pumunta na lang sa istasyon ng polis at irereport niya ang nangyri sa kanya, ang pag-snatch ng bag at celpon niya, at ibebenta na lang niya sa pulis ang kanyang isa sa alahas sa murang halaga yong magkaroon lang siya ng pera ngayon para maka-pag-check inn siya sa Hotel o kung saan available na pwede niyang matulugan ngayong gabi, nagtanong nalang siya roon kung paano niya mararating ang pulis station, at tinuro nga sa kanya ang direksiyon kung saan ang Police station..at medyo tumila-tila na ang ulan, at binabagtas na niya ang papuntang station ng Police, at hanggang sa di iniasahan sa mga sandaling iyon ay hinoholdap na naman siya, talagang nakakabit daw yata ang kamalasan sa kanya ng mga araw na iyon, at takot na takot na naman si Yna, dahil dalawang malalaking lalaki ang humarang sa kanya, at ang isang lalake ay inumangan siya ng patalim sa tagiliran.
.
Holdaper 1 : miss holdap to, at huwag kang sisigaw kundi bubutasin ko ang tagiliran mo.
Yna : na naman!!
.
Sa takot ni Yna ay kung ano ano na ang sinasabi niya.
.
Yna : Diyos ko po!, alam ko po, napaka-pasaway kong anak, hindi po ako nag-aaral na mabuti, lagi ko pong pinapasakit ang ulo ng papa ko, Diyos ko hindi na po ako uulit,, magpapakabait na po ako Diyos ko, sana po ay isang panaginip lamang ito, Diyos ko Gisingin nio po ako!!
Holdaper 2 : hoy miss tumigil ka hindi ka nananaginip..(bulyaw nito)
Yna : ayyy, hindi nga, binabangungot ako!!
Holdaper 1 : ang dami mong satsat miss, ilabas mo na yong pera mo at hubarin mo na yang mga alahas mo madali ka..
Yna : wala na po akong pera, na-snatch nga po yong bag ko at celpon ko. Wala na po kayong makukuha sakin..
Holdaper 2 : anong wala, yong alahas mo hubarin mo.
Yna : ah, hindi po tunay ito, peke lang po yan.
Holdaper 1 : anong peke, hindi mo ba tatanggalin yang mga alahas mo? Bubutasin ko na yong tagiliran mo..
Yna : opo..opo,huhubarin ko na po..wag nio lang po akong sasaktan..pero mamang holdaper, itira nio po sakin yong isang alahas ko, kasi kailangan ko din po kasi..
Holdaper 2 : tumigil ka, wala kaming ititira sayo.samin ng lahat ng alahas mo..
Holdaper 1 : pare pumayag na tayong itira sa kanya ang isang alahas.
Yna : opo nga, buti si kuya may puso..
Holdaper 2 : sira ka ba sayang naman..
Yna : kuyang may puso…Kumbinsihin nio naman po yong kasama nio na itira na lang sakin kahit itong singsing lang, para maibenta ko lang dahil walang wala na akong pera.
Holdaper 2 : hoy babae, may hinoholdap ba na tumatawad pa.
Yna : opo ako nga po.
Holdaper 1 : sige na pare pagbigyan na natin si Miss beautiful.
Holdaper 2 : pare tumigil ka nga.,
Holdaper 1 : pare may kondisyon naman eh..(ngumiti ng nakakaloko)
Yna : ha bakit po kuya may kundisyon pa!!
Holdaper 2 : ano naman ang kundisyon?
Holdaper 1 : papayag tayo na ititira natin sa kanya ang singsing niya, pero siya naman ang titirahin natin..ang ganda kasi eh at saka mukhang makinis oh, ang lambot ng katawan, at napakabango.(inamoy pa ang leeg niya)
Yna : ayy!! Huwag po!! Kuya wag po, wag po kuya!!
Holdaper 2 : sige payag!!
Yna : huwag po, eto na ang mga alahas ko sa inyo na lahat, hindi na ako magtitira para sa sarili ko, inyong inyo na po lahat..(pinagtatanggal niya lahat ang alahas niya at ibinigay niya sa...


mga holdaper..)
Holdaper 2 : ibibigay mo din pala eh, dami mo pang arte..
Yna : ayan po, nasa inyo na lahat, pakawalan nio na ako.
Holdaper 1 : ano ako sira, hindi na kita pakakawalan, gusto kong matikman ang isang tulad mong sariwa.
Yna : ngiii…aswang din po pala kayo, huhuhu..papa ko tulungan mo ako, papa.!!
Haldaper 2 : wala ka nang magagawa miss!! Sa amin ka na ngayon.
.
Nanginginig sa takot si Yna.
.
Yna : huwag po, maawa po kayo sakin, huwag nio po akong sasaktan.(pagmamakaawa niya)
Holdaper 1 : miss beautiful sa una ka lang masasaktan. Promis magugustuhan mo yong gagawin namin sayo.
Holdaper 2 : oo nga, mag-eenjoy ka.(tumatawa niyang sabi.)
Yna : huwag po, parang awa nio na po.pakawalan nio po ako, nasa inyo na po yong kailangan nio sakin eh.
Holdaper 1 : wala pa lahat, ikaw kailangan ka pa namin..kailangan namin ang isang katulad mo na maganda at mabago.
.
Nawawalan na ng pag-asa si Yna na makatakas sa mga holdaper, nagwawala si Yna, lumalaban siya pero malakas naman ang dalawa at pilit siyang kinakaladkad sa madilim na bahagi ng eskinita, nagkataon pa naman kasi na black-out nun..madilim ang mga kalye, nagsisisi talaga si Yna kung bakit kasi tumakas takas pa siya sa tita niya, ayun tuloy nakarma na siya sa mga ginagawa niya..at hanggang sa nagkaroon siya ng pag-asa ng may narinig siyang isang bruskong boses. Napalingon silang tatlo sa kinaroroonan ng boses..at nakita nga niya ang isang matikas na lalake na nakatayo sa kanilang likuran, at ang lalaking iyon ay ang pinagkamalan niyang nagnakaw ng bag niya.
.
Lalake : bitawan nio siya!!(utos niya)
Yna : tulungan mo ako!!
.
Nagulat si Yna dahil ang lalaki ay ang pinagkamalan niyang magnanakaw ang naroon.
.
Lalake : ikaw!!
Yna : oo ako nga. Ano pang ginagawa mo diyan, tulungan mo na ako dito sa mga panget na ito!
Holdaper 1 : hoy, kung sino ka man huwaG mo kaming pakialaman dito, asawa ko to.(sabi sa lalake)
Yna : ang kapal ng mukha mong panget ka, hindi mo ko asawa..tulungan mo na ako, gusto nila akong rape-pin. Huwag kang tatanga tanga diyan..(sigaw niya)
Lalake : hoy miss, bahala ka sa buhay mo, kung makapag-utos ka parang body Guard mo ako ah.
Yna : tulungan mo ako, babayaran kita kahit magkano, mayaman ako kaya kung ibigay kahit magkano ang gusto mo, tulungan mo lang akong makatakas sa dalawang aswang na ito.
Holdaper 2 : aba, jackpot tayo pare mayaman pala ito.
Yna : tulungan mo na ako!
Lalake : bahala ka diyan.
Yna : sige na pogi.
.
Paalis na sana ang lalake, ngunit natigilan siya nang tawaging syang pogi ni Yna.
.
Yna : tulungan mo na ako. Sabihin mo lang kung magkano, please pogi, kahit magkano!(pakiusap niya)
Lalake : bahala ka sa buhay mo, sayo na ang pera mo.
Yna : please naman, sorry kung napagsalitaan kita ng masama kanina, kahit anong gusto mo gagawin ko, huwag mo lang akong pabayaan sa dalawang ito.kahit anong gustuhin mo.
Lalake : talaga!! Gagawin mo kung ano ang gusto ko?
Yna : oo.
Lalake : promise?
Yna : oo pangako.
Lalake : oh, paano mga panget, ayaw niya sa ínyo, sakin niya gusto, kaya pakawalan niyo siya dahil akin siya!!
Holdaper 1 : hoy, nagpapatawa ka, isa mo lang, kami dalawa, ulol!!
.
Nagtatawanan ang dalawang holdaper, kahit ang lalake ay nakikitawa sa mga holdaper, si Yna naman ay nangingiwi na lang dahil daw pati yata ang lalake ay may sira sa ulo, dahil nakikipagsabayan sa tawa ng mga holdaper.
.
Holdaper 2 : kung ako sayo, huwag mo kaming pakialaman, kundi bubutasin namin yang tiyan mo ng balisong namin.
Holdaper 1 : oo nga, nakikita mo tong balisong namin, bagong hasa lang ito.
.
Nagtawanan na naman ang lalake at ang holdaper.
.
Yna : Ay naku, patay ako dito, mga baliw yata sila.
.
Lalake : ah talaga ba!! (May kinuha ang lalake sa may bewang nito) siguro naman sabog ang mga laman loob niyo dito sa baril kong hawak kapag ipinutok ko sa inyo ito..(ipinakita ang baril, ar sabay tawa ng malalakas)
.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang holdaper.
.
Holdaper 2 : pare atras na tayo, dehado tayo diyan, ayoko pang mamatay.
.
Kumaripas na ng takbo ang mga holdaper dahil natakot sila sa hawak na baril ng lalake..nag-uunahan pa sa pagtakbo ang dalawa, si Yna naman ay pansamantalang nabunutan ng tinik ng mga sandaling iyon.
.
Yna : Mister salamat ha..
Lalake : anong salamat, may kapalit yun ah.
.
Nagulat si Yna sa sinabi ng lalake, at napaisip siya, oo nga daw pala napangakuan niya na gagawin niya ang ano mang gustuhin o naisin ng lalake, nagsimula na naman siyang kabahan, hindi pa nga pala siya ligtas, at mas natakot siya dahil baril ang hawak ng lalake at hindi balisong, at sigurado na hindi niya kayang takasan ang lalake..pero pinatatag ni Yna ang kanyang sarili, tinibayan niya ang kanyang kalooban..kung iyon daw ang kapalit ng pagiging matigas na ulo niya ay tatanggapin niya.
.
Yna : oo mister hindi ko nakakalimutan yun(sabay simangot)
Lalake : mainam ng nagkakaliwanagan tayo.
Yna : may isang salita naman po ako,(madiin niyang sabi)
Lalake : kung ganun sumama ka sakin.
Yna : H-ha, s-saan tayo pupunta?
Lalake : wala ng maraming tanong. Basta sumama ka nalang.
.
At sa takot ni Yna sa lalake na suwayin ito ay sumama na lang siya, dahil daw mas gugustuhin na niyang mapahamak sa lalake na kasama niya kesa sa mga homoldap sa kanya.
.
Yna : para nagtatanong lang eh.
Lalake : sabi mo lahat ng gusto ko ay susundin mo..(paninigurado niya)
Yna : oo nga sabi eh. Ang kulit din eh!
.
At sumakay sila sa Jeep, pinauna siya ng lalake na umakyat sa jeep, at nakasunod sa kanya ang lalake, at tumabi pa sa kanya ang lalake sa upuan..nakaramdam pa siya ng kakaiba ng masagi ng lalake ang kanyang hita, at nalanghap pa ni Yna ang mabangong amoy ng lalake, sa isip niya ay malinis ang lalake, at hindi mukhang dugyot, hindi katulad ng mga lalakeng nag-holdap sa kanya kanina na amoy anghit, at lumipas ang kulang kalahating oras ay narating na nila ang pupuntahan nila dahil pumara na ang lalake,.at ang pinuntahan pala nila ay isang pier,at sumakay sila ng isang maliit na Roro at parang nakaready ang lalake dahil tuloy tuloy na silang sumampa sa roro at may ticket na ito para sa dalawa.
.
naroon na sila sa kanilang cabin, nakaramdam ng hapo ng katawan si Yna at nakakaramdam din ng gutom pero tiniis na lang niya, itutulog na lang daw ang kanyang gutom, nakaramdam ng ginaw si Yna ng mga sandaling iyon, at sakto naman at pinahiraman siya ng jacket ng lalake at pinahiram din siya ng jogging pants, at inalukan siya nito ng makakain, may baon din palang pagkain ang lalake sa bag..kinuha niya ito at nagpasalamat..sa isip niya mukhang mabait naman ang lalake, parang nababawasan ang takot niya dito, kaya lang sa kabilang banda ng isip niya na baka masamang tao pa din ito, baka naman daw kung saan siya ipupunta ng lalake kaya, bumalik na naman ang takot niya. Na baka daw ibebenta siya nito sa mga nangunguha ng mga organ, kukuhanin ang mga organ niya at ibebenta sa nangangailangan, naku nagsimula na naman siyang matakot.
.
Lalake : kumain ka na, para malamnan yong sikmura mo, siguradong gutom na gutom ka.
.
Natuwa naman si Yna dahil mukhang maaalalahain ang lalake, kaya kahit may kaba siya sa dibdib niya ay kumain na din siya para daw magkaroon siya ng lakas, at kung sakali man na may mangyari uli sa kanyang masama ay malakas ang katawan niya, na kahit anong mangyari daw eh lalaban at lalaban siya, hanggang sa lumipas ang mahabang paglalayag nila sa karagatan, at sila ay nakababa na ng barko, lumulan na naman sila ng Bus, at bumyahe sila ng pagkahaba haba, na sa akala ni Yna ay pagkababa nila ng bus ay makakadating na sila sa kanilang pupuntahan, ngunit hindi pa pala, at dahil kailangan pa nilang magtransfer uli ng sasakyan, at hindi niya alam kung saan ng lupalop sila naroon ng lalake, matagal na niyang kasama ang lalake ngunit di pa niya alam ang pangalan nito..bago sila sumakay ng Jeep na lilipatan nila ay inaya muna siyang kumain ng lalake..pumasok sila sa isang karinderia, at naghanap sila ng mapupwestuhan, at ng makahanap na sila ay iniwan siya ng lalake sa lamesa, at umorder ang lalake ng makakain nila, kung tutuusin pwede na niyang takasan ang lalake, dahil nakatalikod na ito sa kanya, pero hindi niya ginawa, at hanggang sa ngayon lang niya napagmasdan ang lalake, guwapo ito, at may magandang pangangatawan, natitigan niya ng matagal ang lalake, at sa dahil nalilibang siya sa pagtitig sa lalake at dahil nasisiyahan siyang titigan ang gwapong mukha nito na may mapupungay na mga mata..ay hindi niya namamalayan na nasa malapit na lang pala sa kanya ito, at huling huli siya ng lalake na nakatitig siya dito, para siyang nahihipnotismuhan, naiiling na lang ang lalake sa kanyang isip at natatawa.
.
Lalake : guwapo ba ako?
Yna : H-ha??
Lalake : kasi kanina mo pa ako tinitingnan eh, may pagnanasa ka sa kin no, at sa makisig kong katawan ano?
Yna : A-ang yabang mo din ano? Hindi ako nakatingin sayo, kapal talaga!
Lalake : eh sinong tinitingnan mo?
Yna : wala kang paki!!(sabay irap)
Lalake ; ang sungit mo naman miss!
Yna : mayabang ka kasi, at saka nasan ba tayo?
Lalake : huwag ka ng magtanong. Ayoko ng tanong ng tanong. Buti pa kumain na tayo.
.
At nag-umpisa na ngang kumain si Yna, pero nagtataka si Yna sa nararamdaman niya, parang kinikiliti ang puso niya, dahil sa presensiya ng lalakeng kasama niya..
.
Lalale : siya nga pala, medyo matagal na tayong nagkasama, hindi pa tayo magkakilala, ako nga pala si Nico. (Inilahad ang kamay)
.
Tinitigan ni Yna ang kamay ni Nico, parang ang linis linis ng kamay nito, walang ni isang bahid na dumi sa mga kuko ng lalake ang linis linis tingnan.
.
Nico : hello, miss ako nga pala si Nico(pag-uulit niya)..ikaw anong pangalan mo?
Yna : h-ha P-princess, ako si Princess..oo ako si Princess!!
.
Inabot ni Yna ang nakalahad na kamay ni Nico at nagkamay sila.
.
Nico : kaygandang pangalan, Princess-Prinsesa!!(nakangiti niyang sabi)
.
Bumilis naman ang tibok ng puso ni Yna dahil sa pagkakangiti ng lalake sa kanya, sinaway niya ang puso ano daw ba ang nangyayari sa kanya at naging abnormal ang pintig ng puso niya.
.
Nico : sige Princess kumain na tayo, kasi malayo pa yong bibiyahehin natin!!
Yna : malayo pa?
Nico : oo malayo pa.
Yna : saan mo ba ako dadalin?
Nico : ayoko ng maraming tanong, diba sabi mo, ang lahat ng naisin ko ay gagawin mo.
Yna : oo may isang salita naman ako.
.
At pinagpatuloy na ni Yna ang pagkain..at hanggang sa may tumawag sa celpon ni Nico, lumayo si Nico sa dalaga upang sagutin ang celpone niya.
.
Nico : Boss..
Nico : opo boss…
Nico : sige Boss….
.
At ng matapos ang paguusap nila Nico at ang kausap niya sa celpon ay bumalik na siya agad sa lamesa nila, at pinagpatuloy niya ang pagkain..
.
Nico : may gusto ka pa bang kainin Princess?
Yna : wala na, busog na ako.pero meron sana akong gusto?
Nico : Sino?
Yna : hindi sino, ano!
Nico : ano pala?
Yna : baka pwedeng makahiram ng celpon at may tatawagan lang ako..
Nico : ay sorry, hindi pwede..ayoko!!
Yna : grabe ka naman kadamot mo naman.
Nico : basta ayoko!!
Yna : di wag!!(pairap niyang sabi)..madamot..(bulong niya)
Nico : may sinasabi ka ba Princess?
Yna : wala!!(pasinghal niya)sabi ko ang gwapo mo kaso nga lang bingi ka naman!!(mahinang sambit niya)
Nico : sabi ko na nga ba eh. Nagugwapuhan ka sakin.
Yna : hay kapal talaga!!(sa isip)
.
At hanggang sa natapos na silang kumain..nagpahinga lang sila ng konti at lumabas na sila sa karinderia na kinainan nila, nagpunta muna sila sa isang pwesto na bilihan ng mga damit at bibilan ni Nico si Yna ng mga damit at mga underwear.
.
Nico : Princess, pumili ka na ng mga damit mo, at pati na panloob mo para may gamitin ka!
Yna : wala akong pera pambili..diba nga naholdap ako. Tapos na snatch pa yong bag ko.
Nico : ako ang bahalang mag-bayad kaya pumili ka na ng kahit na anong gusto mo.bilisan mo at gagabihin tayo sa pupuntahan natin.
.
At namili na nga si Yna ng mga damit. At pinili nga ni Yna ang mga mamahaling damit, at mga underwear, kumuha din si Yna ng mga gamit sa mukha at mga pabango at ng kung ano ano pa..madami siyang napili, at ng makita ni Nico ang mga kinuha ni Yna ay nailing na lang si Nico ng sabihin ng cashier kung magkano ang napamili nila, halos 5k mahigit ang halaga ng pinamili nila.
.
Nico : wow, uubusin mo naman pala yong laman ng pitaka ko.
Yna ; sorry ka, sabi mo kasi kahit anong gusto ko, ah meron pa nga pala akong idadagdag—
Nico : oopss, hindi kana magdadagdag, wala na akong pera!
Yna : di hindi na, madali naman akong kausap eh.
.
At ng mabayaran na nila ang kanilang pinamili ay nilakad na lang nila ang sakayan ng jeep.
.
Yna : grabe naman tong lalake na ito napaka-ungentleman naman, hindi man lang ako tinulungan sa bitbit ko..(bulong niya)
.
Pero ang bulong niya ay naabot sa pandinig ni Nico.
.
Nico : sorry ha, kasi gamit mo naman yan, kumuha kuha ka ng marami pagkatapos saka ka magrereklamo sa pagdadala niyan.
Yna : ang sama mo!(pairap niyang sabi)
.
Natawa na lang si Nico kay Yna, nagagandahan talaga siya dito lalo na kapag umiirap daw ito, at sa totoo lang mula ng makita niya si Yna ay nakaramdam na siya ng kakaibang damdamin para sa dalaga. Na noon lang siya nakaramdam ng ganoong damdamin.
.
Nico : sige na nga, tutulungan ko na ang aking Prinsesa..(sabay kindat)
Yna : dapat kanina mo pa ginawa yan, kung kelan malapit na tayo saka mo kukuhanin..(pasinghal niyang sabi)
Nico : sorry na po, aking Prinsesa!!(sabay kuha sa mga bitbit ni Yna)
.
Nahawakan pa ni Nico ang mga kamay ni Yna, at si Yna naman ay parang may gumapang na kuryente sa kanyang katawan dahil sa pagdaiti ng kamay ni Nico sa kanyang kamay, at parang nahinto naman ang mundo ng dalawa ng mga sandaling magkadaiti ang kanilang mga kamay. At ng matauhan si Yna ay binitawan na niya lahat ang hawak niya at Ibinigay na lahat ni Yna ang bibit niyang mga paper bag kay Nico at saka siya nagpatiunang lumakad, nagmamadali siyang lumakad dahil kailangan niyang ikubli kay Nico ang pamumula ng mukha niya dahil parang nakaramdam siya ng kilig.. nakasunod sa kanya si Nico ng nangingiti sa naging kilos ni Yna at sa reaksiyon, kitang kita ni Nico na nagblush pa si Yna sa pagkakahawak niya sa kamay nito. Dahil sinadya niya. Talaga na hawakan ang kamay ni Yna..tumatambol naman ang puso ni Yna dahil natutuwa ang puso niya sa pagsagi ng kamay ni Nico sa kanya, sinaway niya ang sarili, dikta ng isip niya ay dapat matakot siya kay Nico dahil baka daw may masamang balak din si Nico sa kanya na baka daw patayin siya, hindi na bale na daw kung ang virginity niya lang ang kukunin eh kung paano daw kung pati buhay na niya ay kitilin din..peo kahit na ganun ang dikta ng isip niya ay wala naman syang makapang takot sa puso niÿa..huminto sa paglalakad si Yna para hintayin si Nico dahil hindi niya alam kung saan sila sasakay..kung tutuusin pwede na sana niyang takasan si Nico, o di kaya ay humingi ng tulong para mailayo siya kay Nico pero bakit hindi niya magawa na parang ayaw niyang mahiwalay sa lalakeng kasama niya..at ng malapit na sa kanya si Nico ay sinadya niyang tingnan sa mukha si Nico, at nagtatalon na naman ang puso niya sa kilig gawa ng kinindatan siya ni Nico..itinago niya ang nararamdang kilig, bagkus inirapan niya ito.
.
Nico : Princess, dito tayo sasakay..
Yna : Ano dito?
Nico : oo, bakit ayaw mo ba?
Yna : paano ka naman sasakay jan sa jeep na yan eh, puno na, tingnan mo nga oh nagsisiksikan na sila sa loob..ayaw ko ngang makipagsiksikan jan, baka mamaya may amoy anghit pa sa loob, mahilo pa ako sa baho..
Nico : edi sa bubong tayo uupo!
Yna : Ano???
.
Wala ng nagawa si Yna kundi sundin si Nico, tinulungan siyang umakyat ni Nico sa bubong ng jeep, sa tanang buhay niya ay noon lang siya sumakay sa bubong ng jeep, at ng umandar na ang malaking jeep ay takot na takot siya pakiramdam niya ay mahuhulog siya,lalo na siyang natakot sa kalagitnaan ng biyahe, dahil sa konting pagkakamali ng driver ay malalaglag sila sa bangin. Ang lakas lakas pa ng hangin na tumatama sa kanila, sobrang natakot siya wala siyang makakapitan kundi kay Nico lang.napakapit na siya sa may braso ni nico at isinubsob na niya ang mukha niya sa braso ni nico dahil sa takot ayaw niyang makita ang dinadaanan nila dahil nalulula siya dahil nga nasa mataas na lugar sila., ramdam naman ni Nico na natakot si Yna kaya ikinulong naman ni Nico sa mga bisig niya si Yna, sa ginawa ni Nico ay parang nabawasan naman ng konti ang takot na nadarama ni Yna, at habang nasa byahe sila ay dasal naman ng dasal si Yna na sana ay makalagpas sila sa nakakatakot na daan na iyon at hanggang sa pagdadasal niya ay hindi niya namamalayan na nakatulog na si Yna dahil sa kapanatagan na din niya.
.
ITUTULOY…
Ano kayang kabayaran ang nais ni Nico, ang pagkababae kaya ni Yna?
Abangan po.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top