Aking Prinsesa Chapter 21


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 21
.
Sa araw-araw na nagiging buhay ni Yna, nakukontento na lang siyang libangin ang sarili sa mga trabaho niya sa opisina, at least kapag nagtatrabaho siya ay hindi niya naaalala si Nico, at binibigyan din niya ng oras ang papa niya na makapag-bonding silang mag-ama, at pilit niyang pinasisigla ang sarili kapag kaharap ang papa niya, dahil ayaw niyang malaman ng papa niya na may malalim siyang dalahin ngayon..pero di naman na maitatago kay Ferdie, dahil kahit di sabihin ni Yna ay nararamdaman naman ni Ferdie, ang pagiging malungkot nito, dahil nakikita naman sa mga mata ni Yna na malungkot ito.
.
Yna : good morning papa! bakit nakahiga pa po kayo, tanghali na diba po May appointment kayo kay Mr. Benitez?
Ferdie : ay oo nga pala, ngayon yun..masama kasi yong pakiramdam ko anak.
Yna : (hinipo ang noo ng ama)..naku papa mainit po kayo, nilalagnat po kayo ah..
Ferdie : oo nga anak, parang hindi ko kayang umalis ngayon, nahihilo ako..
Yna : sandali lang po at kinukuha ko po kayo ng gamot.
.
at kumuha nga ng gamot si Yna, at kumuha din siya ng pamunas, para mapunasan ang papa niya..nagpahanda siya kay yaya Meding niya ng Mainit na sabaw para sa papa niya..
.
Yna : papa, pupunasan ko po kayo ah..
Ferdie : huwag na anak, ako na ang bahala, ikaw na lang ang magpunta sa Benitez Group of Company..ibigay mo yan kay Mr. Benitez, kung wala doon si Mr. Benitez sa President ng company mo ibigay yan..
Yna : okay po papa, pero aasikasuhin ko po muna kayo..
.
at habang inaasikaso ni Yna ang ama, ay ipinapaliwanag ni Ferdie ang mga detalye ng kanyang ibibigay sa Benitez Group of Company..at dahil matalino naman, at magaling ang memory ni Yna, ay kuha na niya agad ang paliwanag ng ama..at ng mapakain na niya ay mapainum ng gamot ang ama, ay pinapunta na siya ng ama sa Benitez Group of Company.
.
Ferdie : anak punta ka na, kasi baka mahuli ka sa oras ng appointment..
Yna : okay po papa, sigurado po ba kayo na okay lang kayo dito?
Ferdie : oo naman anak..okay lang ako, huwag mo akong alalahanin..
Yna : hindi ko kasi maaalis na mag-alala ako papa, kung bkit ba naman po kasi papa, di ka man lang naghanap ng—–
Ferdie : nang ano anak?
Yna : ng ano papa, ng– n-ng magiging mama ko..para naman may nag-aalaga sa inyo kapag wLa ako..(nakangiti niyang sabi)
Ferdie : naku talagang ikaw bata ka..sige na pumunta ka na, at nandiyan naman si Yaya Meding mo..
Belinda : oo nga naman kuya.
.
nagulat pa silang mag-ama ng biglang nagsalita si Belinda.
.
Ferdie : Bel, nandiyan ka pala.
Belinda : Nilalagnat ka ba kuya?
Yna : opo tita, Bel,,tamang tama po ang dating nio, paki-samahan nio naman po si papa..
Robert : kuya, iinom na lang natin yan, baka sakaling gumaling yong lagnat mo..
Ferdie : oo nga, Sige inom tayo mamaya..
Belinda : huwag na muna.. saka nalang.. baka mas lumala ang lagnat ni Kuya..
Gino : hi ate Yna..
Yna : Gino! kumusta ka, naku ang laki mo na ah..
Gino : May pupuntahan po kayo ate Yna?
Yna : oo, eh..paki bantayan si papa ha..
Gino : huwag po kayong mag-alala..ako po ang bahala kay Tito Ferdie..
Ferdie : salamat at may doktor na ako dito, tiyak na gagaling na ako niyan may magaling na doctor dito eh..sige na anak, lumkad ka na..marami na akong Kasama dito..
Yna : Sige po papa.. ah tita bel, tito Robert, gino huwag kayong aalis hangga’t wala ako ah.
Belinda : oo, hija.. hihintayin ka namin, at saka hanggang dito daw kami hanggang dinner..
Yna : ah mainam po yan..sige po alis na po ako
.
at umalis na nga si Yna..si Gino naman ay nagpunta sa likod bahay upang puntahan si Esang..
ang mag-asawang Robert at Belinda ay naiwan sila sa kwarto ni Ferdie.
.
Belinda : kuya mukhang, handa ng magkaroon uli ng bagong mama si Yna ah!!(nakangiti niyang sabi)
Robert : bakit ba kasi kuya hindi ka na nanligaw?
Ferdie : naku, uunahin ko pa ba yun noon, eh wla akong inisip kundi si Yna..
Belinda : kuya alam mo bang hanggang ngayon dalaga pa si Eloisa.
Ferdie : oo, nagkita na kami ni Eloisa.
Belinda : nagkita na kayo..ano kaya kung ligawan mo kuya.
Ferdie : naku, hindi na, parang nahihiya na akong manligaw sa edad ko..
Belinda : bkit kuya, hindi ka pa naman masyadong matanda ah, 50 ka pa lang, pero hindi naman halatang 50 yong edad mo, para ka nga lang nasa 40’s
Ferdie : ikaw talaga binola mo pa ako..at saka bakit mo nman ako inuutusang manligaw, diba dapat ikaw pa yong kokontra na manligaw ako, dahil asawa ko yong ate mo.
Belinda : grabe ka naman kuya, alam ko nman na mahal mo yong ate ko..at nagpapasalamat ako dun..at saka matagal na panahon na din yun.
Ferdie : okay naman na ako, kontento na ako sa buhay ko, na meron akong anak, at nandiyan kayo na makakasama ko..
Belinda : pero kuya, iba yong may kasama ka talaga sa buhay, kasi dadating ang araw na iiwanan ka ni Yna, magkakaroon yan ng sariling pamilya, syempre kapag nangyari yun..mag-isa mo dito na mamamahay..
.
napa-isip si Ferdie, tama nga si Belinda, may punto nga naman ang hipag..at samantalang si Yna ay nasa building na ni Mr Benitez..at kausap na niya ang secretary ni Mr. Benitez.
.
Secretary : hi ma’am how can i help you..
Yna : i have an appointment w/ Mr. Benitez..Im Ma. Kristina Villaroman from Villaroman group of company and daughter of Mr. Ferdinand Villaroman the Ceo of Villaroman group of company..
Secretary : just a moment ma’am, ill just check on the list…but mam Mr, Benitez is not here, he’s on the vacation right now..only the president of the company are here.
Yna : can i talk to the president?
Secretary : yes mam..
.
Tumayo ang secretary para ihatid siya sa loob ng opisina ng presidente..
.
Secretary : this way ma’am.
Yna : thank you!!
.
At hanggang sa binuksan ng secretary ang pinto ng opisina ng presidente..at ng tuluyan ng maibukas ng secretary ang pinto ay hindi niya makita ang presidente dahil nakaupo ito sa swivel chair at nakapatalikod ito, at mukhang may kausap ito sa telepono.
.
Secretary : escuse me sir..meron pong gustong kuma-usap sa inyo, From Villaroman Group of Company.. may appointment po sila kay Mr.Benitez, since wala po si Sir Benitez kayo na lang po ang makipag-usap sa kanila.
.
President : sige papasukin mo..
Secretary : mam pasok na po kayo.
Yna : thank you!
Secretary : youre welcome ma’am
.
At ang presidente ay parang May naalala siya ng banggitin ng secretary ang pangalan ng kompanya..hanggang sa tinapos na ng presidente ang pakikipag-usap nito sa telepono..dahil sino daw ba kaya yong panauhin niya, at ini-ikot na niya paharap ang swivel chair niya sa table niya.
.
Yna : Good Morn—–
.
Hindi natuloy ang pagbati ni Yna sa presidente dahil sa laking gulat niya ng makita ang presidente ng kompanya..at laking gulat din ng presidente ng mapagsino niya ang panauhin..
.
Yna : N-nico!!!
Nico : Yna!!
.
Tumayo agad si Nico at sinugod niya ng yakap ang babaeng inaasam asam niyang makita.
.
Nico : Yna salamat at nakita ulit kita.(niyakap niya ito ng mahigpit)
.
At si Yna sa pagkabigla ay parang hindi siya makakilos na parang nai-estatwa siya.. mahigpit siyang niyayakap ni Nico, hindi napigilan ni Yna ang mga luha, umiiyak siya dahil sa inaasam niya rin na makita si Nico, tuwang tuwa ang puso ni Yna dahil sa yakap-yakap siya ni Nico, at ramdam niya ang mga mainit na yakap ng binata, na bawat oras ay kinasasabikan niyang makulong muli sa mga bisig na iyon..at hanggang sa pumasok sa isip niya..ang mga sinabi ni Melanie..kumawala siya sa mga bisig ni Nico.
.
Yna : siguro, hihintayin ko na lang si Mr.Benitez, siya na lang ang kakausapin ni papa..(Sabay talikod)
.
Lalabas na sana si Yna ng pinto, ng biglang hawakan siya sa braso ni Nico at hinila palapit ito, at sa di inaasahan ni Yna ay hinalikan siya sa labi ni Nico na ikinabigla ni Yna, halos di siya makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso..ramdam ni Yna ang mainit na mga halik ni Nico, dahil si Nico ay sabik na sabik siya sa matamis na mga labi ng dalaga. na sa halos mag-aapat na taon ay wala siyang hiniling kundi ang makita at makasamang muli ang pinakamamahal, at sa buong buhay niya ay wala siyang inasam kundi ang pangarapin na mayakap at mahagkan muli.at si Yna dahil na din sa dikta ng puso ay hindi na niya naitago ang tunay na nararamdaman kay Nico, tinutugon na niya ang mga yakap at halik ni Nico sa kanya..na katulad ni Nico ay buong buhay din niyang pinangarap na makita at makasama ang tanging idinidikta ng puso niya..at si Nico ay labis labis ang kaligayahang nadarama ng puso ng maramdaman niyang tumutugon si Yna at ramdam din niya ang mga yakap nito, at ngayon eto sila na magkahinang ang mga labi, at kapwa dinadama ang mga matamis na halik, na halos gabi gabi nilang pinapangarap na sanay matikman muli nila ang mga mainit at matamis na halik, at hanggang sa ang tagpong iyon ay nasaksihan ni Melanie pagbungad niya sa May pinto..hindi siya napapansin ng dalawa kaya gumawa si Melanie ng ingay.. tinabig niya ang flower vase na malapit sa pinto.
.
Melanie : ayyy…. oh my God May ipis!!! ay nakakadiri.
.
nagulat sina Nico at Yna ng marinig si Melanie na nagtatatalon at tumitili.
.
Nico : Melanie!!
.
dahil sa pagkabigla ay kumalas si Yna sa pagkakayakap kay Nico, nagpahid siya ng mga luha sa pisngi..at medyo lumayo si Yna kay Nico dahil sa lumapit si Melanie kay Nico at nagpre-pretend na takot na takot sa ipis.
.
Melanie : oh my God Nico, May ipis sa opisina mo.
.
at dahil malakas ang sigaw ni Melanie ay narinig sila ng ibang tao sa labas ng opisina..kaya nag-usisa naman ang mga ito.. at nagkataon na May Janitress na nagpunta doon..
Janitress : sir ano pong nangyari?
Nico : pakilinis mo na lang yong flower vase na nabasag..
Melanie : hoy ayusin nio yong trabaho nio, maglinis kayong mabuti at ng hindi pinupuntahan ng ipis dito, nakakadiri!!
.
idiniin ni Melanie ang salitang nakakadiri habang kay Yna nakatingin..nagsalubong naman ng tingin si Melanie at Yna, nagbaba ng tingin si Yna dahil parang hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ni Melanie na parang isang halimaw Ito na may mabalasik at nagliliyab na mga tingin ng Magsalubong ang kanilang paningin.
.
Nico : Melanie bakit nandito ka?
.
ngunit di na nasagot ni Melanie ang Tanong ni Nico ng biglang pumasok at nagmamadali ang secretary ni Nico..
.
secretary : sir, emergency call po, mula sa bahay nio, hindi daw po kayo makontak ni Camille, isinugod daw po sa hospital yong Mother nio.
Nico : ano?
Melanie : ha, oh my God, what happened to tita con?
Nico : sige, sabihin mo pupunta na ako.
.
at nilapitan ni Nico si Yna para kausapin muli.
.
Nico : Yna mag-usap muna tayo..gusto ko’ng malama—
.
ngunit hindi naituloy ni Nico ang sasabihin ng magsalita uli si Melanie.
.
Melanie : God, Nico, pumunta ka na, hindi ka ba nag-aalala sa nanay mo, kung ano ano pa yang inuuna mo..sinabi na nga sayo na isinugod na yong nanay mo.
.
Hindi na tuloy alam ni Nico ang gagawin, dahil gusto niyang makausap si Yna, kaso nga kailangan niyang umalis, kailangan niyang puntahan ang nanay niya.
.
Nico : Yna, pupuntahan kita sa opisina mo, kailangan nating mag-usap..pupuntahan ko lang si nanay ha..
Melanie : ano ba Nico, dalian mo naman, hindi mo alam kung ano na ang nangyayari sa nanay mo..
Yna : sige, pumunta ka na..
Melanie : halika na! (Sabay hila Kay Nico)
.
Naiwan si Yna sa opisina ni Nico na parang wala pa siya sa sarili sa bilis ng pangyayari..kinakapa pa niya ang mga labi na parang dama pa niya ang mga labi ni Nico..at natauhan lang siya ng magsalita ang secretary..
.
Secretary : mam okay lang po kayo? parang malungkot po kayo.
Yna : ah, Oo ayos lang ako!
Secretary ; nakapag-usap din po Ba kayo ng maayos ni sir Nico..Alam nio mam, mabait naman po yun,madali lang pong kausap yun..magde-deal po agad yun sa business proposal Nio..mabait si Sir, katulad Po ng lolo niya.
Yna : lolo niya?
Secretary ; Opo mam, si Mr. Benitez po ang lolo niya..sa katunayan po siya Po ang magmamana ng kompanyang ito,masaya naman Po kami kasi mabait na employer yang si sir Nico, masasakitin na kasi si Mr. Benitez..kaya madalas na wala sa opisina si Mr. Benitez, kaya baka sa pagbalik ni Mr. Benitez eh si Sir Nico na ang maging CEO nitong Benitez group of company, kaya lang yong si Mam Melanie..malas ni sir doon, kasi parang hindi maganda ang ugali nun..
Yna : bakit mo naman nasabi na malas si Nico _ay Mr. de Jesus sa girlfriend niya..
secretary : matapobre po kasi mam..
.
at may nakisali naman sa usapan nila..ang janitres.
.
Janitress : hindi naman girlfriend ni sir yun..
secretary : ha, bakit paano mo nalaman eh halos pumalupot kay sir Nico yun..
janitress : minsan kasi nong pumasok ako dito sa loob para maglinis, narinig kong. may pangalang binabanggit si Sir hinahanap daw niya yong girlfriend niyang si Yna..pinapahanap niya ito, dahil daw mahal na mahal daw...


niya si Yna…
.
sa pagkarinig ni Yna sa sinabi ng janitress ay parang nagdiwang ang kalooban niya.
.
secretary : ganun ba.buti pa ikaw may nalalaman ka kay sir..sana mahanap na niya si Ysa!
janitress : Yna, hindi Ysa..
secretary : ay akala ko Ysa. Yna pala.
.
Napakasaya ng puso ni Yna sa nalaman, kaya naisip ni Yna na kausapin na niya si Nico..kailangan niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Nico..at napansin ng secretary at janitress na parang sumigla si Yna, naging masaya ang mukha nito.
.
secretary : oh okay na si Mam, Kristina..
Yna : oo..ah sige babalik na lang ako..aalis na Muna ako.
secretary : okay po mam, bumalik po kayo ah.
.
masayang umalis si Yna sa building ni Mr. Benitez, tinawagan niya ang ang mga kaibigan niyang sina Ruffa at Betty, ngunit si Betty lang ang natawagan niya..at nagkita sila sa isang restaurant..at samantalang si Nico ay mabilis na lumabas ng building at nagtungo agad sa parking area, malalaki ang kanyang hakbang, at hindi na siya maabutan ni Melanie, at dahil mataas ang sapatos ni Melanie ay hindi siya makahabol kay Nico at naiwanan ito..at hanggang sa nakasakay na si Nico at mabilis niyang pinatakbo ang kotse, inis na inis si Melanie ng mga sandaling iyon dahil sa hindi manlang siya hinintay ni Nico..kaya inis na sumakay si Melanie sa kotse niya.at si Nico habang nasa byahe siya ay tinawagan niya ang kapatid, tinanong niya kung saang hospital dinala ang nanay nila..at sa pagmamadali niya ay may napansin siyang sasakyan na tila naflatan ito..at parang nag-aalala ng sobra ang driver, at hanggang sa pinara siya ng driver, at ng malapit na siya sa driver ay ganun na lang ang pagkamangha niya, dahil parang pamilyar ang mukha nito.,huminto naman siya para kausapin ang pumara sa kanya, at ganun na lang ang gulat niya dahil kilala nga niya ito, inihinto niya ang sasakyan at mabilis niyang ibinaba ang bintana, at hindi talaga siya nagkakamali, kilala niya ang lalake.
.
Nico : mang Temyong?
Temyong : Kulas??
Nico : mang temyong ano po ang problema?
Temyong : kulas, makikisakay nga yong amo ko. Isusugod sana namin siya sa, hospital at nahirapang huminga, sumabog naman yong gulong namin..
Nico : o sige po..isakay nio napo siya dito at papunta din po ako ng ospital ngayon.
.
At dali daling pinuntahan ni Temyong ang mga sakay, si Belinda ang unang bumaba, at sumunod si Robert na naka-alalay sa bayaw, at napatulala si Nico ng makita ang amo ni temyong..
.
Nico : Boss Ferdie!!
.
At hanggang sa maisakay na ng mag-asawa si Ferdie sa kotse ni Nico..hindi pansin ni Ferdie si Nico, dahil nararamdaman niya..at ng tuluyan ng makasakay ang mga ito, ay nagpasalamat si Temyong.
.
Temyong : kulas, salamat, sige lumarga na kayo ng makarating na kayo sa ospital.
,
at dahil dun, ay napagtuunan na ni Ferdie ng pansin ang driver na sinasakyan nila, dahil bakit daw kilala ni Temyong iyon, at tinawag pang kulas..at ganun na lang ang gulat niya ng malaman niyang si Nico iyon..l
.
Ferdie : Nicolas!!
Belinda : Nicolas? Kilala mo siya kuya?
Nico : boss ferdie, kumusta po??
Ferdie : oo kilala ko siya.,siya si Nico..
Belinda : Nico!!! (Gulat na sabi nito)..Nico, si Nico!!!
Robert : Nico!!
.
Gulat din ang mag-asawa, dahil alam nila na ang lalakeng tanging minahal ng pamangkin nila na sa halos mahigit tatlong taon ay walang nasa isip kundi ang lalakeng nagligtas sa buhay niya, at iyon ay si Nico. at hindi naman lingid sa mag-asawa kung gaano kamahal ng pamangkin nila ang lalaking nagngangalang Nico..natuwa naman si Nico sa reaksiyon ng mag-asawa..dahil parang gulat na gulat ang mga ito ng malamang siya si Nico.,
.
Ferdie : oo si Nico.
.
At ang sama ng pakiramdam ni Ferdie ay napalitan ng saya na parang nagluwag ang kanyang pakiramdam.
.
Ferdie : kumusta ka na Nico?
Nico : maayos naman po boss Ferdie.
Ferdie : tito ferdie na lang, di mo naman na ako amo ngayon..kumusta na, saan ka nagtatrabaho ngayon, bakit hindi ka bumalik noon, hinihintay kita noon. Sabi ko pumunta ka dahil yong pera mo..hindi mo naman
na kinuha..
Nico : naging abala na po kasi ako noon.
Ferdie : ganun ba..kumusta na si Leo?
Nico : maayos naman po.
Ferdie : May pamilya ka na ba?
Nico : wala pa po.
Ferdie : girlfriend?
Nico : wala din po..
Ferdie : (tuluyan ng gumanda ang pakiramdam).. ganun ba..akala ko may girlfriend ka, nakita ka nga daw ni Yna sa resort noon may kasama kang babae.
.
sa isip ni Nico, tama siya ng hinala, si Yna Yong nakabunggo niya sa resort.
.
Nico : ah, si Melanie po..kaibigan ko po yun..
Ferdie : kaibigan mo lang pala.
Nico : opo.
Nico : driver nio po pala si Mang Temyong?
Ferdie : oo, bago umalis ni Yna noon papuntang Amerika, ibinilin niya sakin na kuhanin ko sila Temyong at Esang. sa amin sila nakatira ngayon.
Nico : ganun po ba, sinasabi nga po sakin ni Yna noon na gusto niyang tulungan sila mang Temyong at Esang..
Belinda : kuya, kumusta yong pakiramdam mo? mabigat pa ba yong pakiramdam ng dibdib mo..
Ferdie : maayos na..parang nawala na yong bigat sa dibdib ko.
Belinda : pansin ko nga kuya..ah Nico salamat nga pala sa pagkakaligtas kay Yna, mabuti na lang at ikaw ang kinuhang body guard ni Kuya noon.
Ferdie : oo nga..kaya malaki ang utang na loob ko sa bata na iyan..ang kaso nga yong sweldo niya hindi niya kinuha..
Nico : hindi ko po talaga kinuha, dahil prinotektahan kong mabuti si Yna dahil po sa m-mahal ko po yong anak ninyo! hindi ko po kayang tanggapin yong pera. dahil kailangan ko pong iligtas si Yna dahil hindi ko po kakayanin na May mangyayaring masama sa kanya..kasi po mahal na mahal ko po si Yna..(matatag na sabi niya)
.
sa narinig ni Ferdie ay natuwa ang kalooban niya, mahal daw Pala ni Nico ang anak.
.
Ferdie : bakit kasi, hindi ka man lang nagpunta agad sa bahay noon, hindi mo siya pinuntahan?
Nico : natakot po ako na baka hindi na po niya ako tanggap, dahil nalaman na niya na bodyguard niya lang Pala ako..pero naisip ko po na mali ako doon..naisip ko din po na kailangan kong kausapin siya, ang problema po nagkataon po na nai-confine po si nanay noon, dahil nagkasakit po siya dahil sa pag-aalala sakin kaya hindi ako nakapunta agad..tapos po noong maayos na po si nanay, nagpunta na po ako sa bahay ninyo para po sana kausapin si Yna..kaso po wala naman na po kayo noon, ang sabi ng guard nio po, papunta na ng Amerika si Yna at inihatid nio nga daw po sa airport kaya sumunod po ako sa airport nong panahon na yun..
Ferdie : ah, kaya noong nakita kita sa airport ay para sundan si Yna?
Nico : opo.
Ferdie : bakit kasi hindi mo agad sinabi sakin noon na, mahal mo si Yna, nong ibinibigay ko yong pera mo noon, dapat sinabi mo yong totoo na kaya hindi mo matanggap yong pera dahil mahal mo yong anak ko.
Nico : nahiya at natakot po ako..
Ferdie : bakit?
Nico : kasi po baka, hindi nio po ako matanggap para sa anak nio, baka po kasi isipin nio na kaya ayaw kong tanggapin dahil, mas malaki pa pala yong hangad ko..
Ferdie : hindi naman ako ganoon..basta mahal ng anak ko tanggap ko naman, si Policarpio lang ang hindi ko tanggap, tutol ako kay Poli dahil kilala ko ang pamilya niya..mga manloloko ng Tao.
Nico : pero sinubukan ko pa din Pong nagpunta sa bahay nio, upang makibalita kung nagbalik na si Yna.. ang sabi po ng guard.. wala na po kayo sa bahay nio. at iba na ang may-ari nun, ang sabi po ng guard sa America na po kayo maninirahan..
Ferdie : ano? sinabi sa iyo mismo ng guard?
Nico : yong kaibigan ko po yong nagtanong..ang sabi daw po ng guard ay umalis na kayo at sa America na maninirahan..
Ferdie : pero hindi kami umaalis ng bahay, at hinding hindi ko gagawing ibebenta ang bahay namin, dahil madaming magagandang alaala ang naiwan sa bahay na yun, ang masasayang alaala namin ng namatay kong asawa..
Nico : ibig sabihin po hindi totoong ibinenta ninyo ang bahay?
Ferdie : hindi.
.
napa-isip si Nico, bakit sinabi ng gwardiya na sa Amerika na maninirahan ang mag-ama..ano ba ang dahilan ng gwardiya? para mag-imbento ng salita..at hanggang sa bigla siyang nakaramdam ng galit sa isipin na si Melanie ang may kagagawan ng lahat ng kasinungalingan..dahil si Melanie ang may dahilan upang magsinungaling dahil sa May gusto sa kanya si Melanie.. nakaramdam ng galit si Nico sa kaibigan..sa isip ni Nico, kailangan niyang kausapin si Melanie, tungkol sa maling impormasyon na ibinigay nito, at hindi niya daw mapapatawad si Melanie kapag napatunayan niya na nagsinungaling ito sa kanya..at samantalang si Yna at Betty ay nagkataon na nasa isang restaurant sila.
.
Betty : Hi sis!
Yna : hi, si Ruffa bakit hindi ko pa siya makontak, busy kaya siya.?.
Betty : naku sis, busy si Ruffa ngayon, dumating ang boyfriend niya from London, syempre alam mo na, kailangan nilang sulitin ang isa’t isa.
Yna : ganun ba.. kadaya naman bakit di ko alam.
Betty : tinatawagan ka nga niya ng mga nakaraang araw para ibalita, hindi mo daw nasasagot yong phone mo, busy ka palagi sa opisina mo..
Yna : oo nga masyado akong naging busy nitong mga nakaraang araw..
Betty : ang sabihin mo, talagang isinusubsob mo ang sarili mo diyan sa trabaho mo.. para di mo masyado maisip yang Nico na yan.
.
at sa pagbanggit ni Betty sa pangalan ni Nico, ay nakaramdam ng tuwa ang puso niya kaya nangingiti siya.
.
Betty : aba.. may naaamoy akong good vibes ah.. ang ganda ng ngiti mo teh!!
Yna : oo sis, ang saya ko ngayon..
Betty : teka teka, hulaan ko kung bakit ka masaya…oh my God, napaka-lucky mo, mayaman na nga kayo eh tumama kapa sa Lotto!!! ang dami nio ng yaman!!
Yna : sira, hindi noh..paano akong tatama sa lotto hindi naman ako tumataya!
Betty : oh my,, siguro, siguro, siguro ano—(nag-isip ng sasabihin)
Yna : masaya ko dahil kay Nico.(nakangiti niyang sabi)
Betty : ha,kay Nico? oh my God, nagkausap na kayo?
.
at ikinuwento ni Yna ang lahat ng nangyari ng mapunta siya sa kompanyang pag-aari nila Nico..
.
Betty : ay grabe sis, ang gandang balita niyan..mas maganda naman talaga kung magkakausap kayo ni Nico, para maliwanagan nio ang mga bagay bagay tungkol sa inyong dalawa..lalo na at may nangyari na sa inyo, paano kung magbunga yan..
Yna : kaya nga, naisip ko nga din yun, ayaw kong maging bastardo yong magiging anak ko..at saka ayaw ko na ding magkalayo kami ni Nico, tama na yong hirap ng kalooban kong dinanas.. kakapagod din kasi.
.
At sa pag-uusap nilang iyon, ay di nila inaasahang ang pagdating ni Melanie, at may kasama din itong kaibigan na babae..
.
Melanie : hay naku, ang sama nga naman ng araw ko ngayon, sa dinami-daming restaurant dito pa tayo napunta, may amoy Malandi dito, ang baho..nakakasira ng araw..
.
Nabigla si Betty at Yna sa pagdating ni Melanie..at hindi nagustuhan ni Betty ang mga sinabi ni Melanie, ngunit hindi nila ito pinansin.
.
Melanie : ang kapal din ng mukha mong babae ka, ang galing mong mang-ahas ng boyfriend..
Yna : hindi ko alam yong sinasab—-
.
Hindi na naituloy ni Yna ang sasabihin dahil sinabuyan ni Melanie si Yna ng tubig sa mukha.
.
Betty : Naghahanap ka ng gulo ha, babae ka, eto sayo…..(sabay saboy sa mukha ng isang mangkok na ulam na may red sauce sa mukha..)..umalis ka na dito at hindi lang yan ang aabutin mo sakin!!
Yna : Betty, tama na!!
Betty : hayop yang babae na yan eh..
Melanie : hayop ka din, pagbabayaran mo yong ginawa mo sakin..
Betty : deserve mo yan, ang pangit ng lumalabas sa bibig mo,kasing pangit ng itsura mo ngayon..
Melanie : hayop ka, paki-alamera kang babae ka.
.
at sasampalin sana si Betty ngunit sinangga ni Yna.
.
Yna : tama na pwede ba umalis ka na..
Melanie : isa ka pa, malandi ka..(mabilis na kinuha ang isa pang baso na may laman at mabilis na isinaboy sa mukha ni Yna)
.
Nabigla uli si Yna sa ginawa ni Melanie sa kanya, hindi na naman niya naiwasan ang pagsaboy ni Melanie ng tubig sa mukha niya, hanggang sa inis ni Betty kay Melanie ay sinugod ni Betty si Melanie, sinabunutan niya ito..gigil na gigil si Betty habang sabu-sabunot ang buhok ni Melanie..lumalaban si Melanie kay Betty. Ngunit malakas si Betty hanggang sa nawalan na ng panimbang si Melanie at nabuwal ito, at lalo na siyang hindi nakalaban kay Betty dahil sa nadadaganan na ni Betty si Melanie..
.
Yna : Betty tama na please!!
.
At hanggang sa pinuntahan na sila ng mga gwardiya ng restaurant para awatin si Betty at Melanie, nagpaawat naman si Betty sa mga gwardiya.
.
Betty : hayop kang babae ka, siguro naman magtatanda ka na niyan, huwag na huwag mo ng pagsasalitaan ng kung ano ano ang kaibigan ko, kundi malilintikan ka na naman sakin..
Melanie ; hayop kayo, pagbabayaran nio yong ginawa nio sakin, idedemanda ko kayo!
Betty : sige magdemanda ka..kahit saan pa tayo umabot, di ako natatakot sayo.
Yna : Betty, please tama na!!
.
At hanggang sa umalis na si Melanie roon na galit na galit..hanggang sa pinagbalingan niya ang gwardiyang nakahawak sa kanya, at hanggang sa tuluyan ng nakalabas si Melanie sa restaurant.
.
itutuloy






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. next po plss i love this story magkakaanak po ba si yna atsaka si nico at ano napong mangyayari kay melanie next po plss excited na po ako🥰🥰

  2. Ang ganda next please

  3. tuloy mo lang maganda eh

Leave a Reply


top