Ako Naman Kabanata 34


Habang ang Lahat ay masaya dahiL sa kasaL ni Ate Esang at Kuya GiL ..
Ako nman ay Heto at nagmumokmok sa tabi ng halamang orkid ni Tita na nakadikit sa puno ng Mangga..
Gabi na.. At. Masaya parin ang mga taong nagkakantahan at nagsasayawan…may nag vivideoke pa nga..
Sabog sa saya ang iba samantala ako ay naghihintay ng himaLa na sana magparamdam na si Totoy..
Pinagtutusok ko ng tinidor ang cake na nsa pinggan ko ..
“tutusukin talaga kita totoy kapag nakita kita “, gigiL na sabi ko habang nakatingin sa pinasasaksak kong cake ng tinidor.. “Buti pa ang cake Sweet.. Samantala ako ito bitter “, sabi ko pagkatapos kong isubo ang nadurog na cake na nsa pingggan ko ..
Naiins na ko talaga ..di man Lang nagparamdam si Totoy..
“Baka patay na yun…”napaiLing ako..”di pwedeng patay na si totoy.. Pano na ang petchay ko ?”napangiti ako sa na isip ko…
Nag antay pa ko ng matagaL na baka maghimala pero wala talagang totoy na nagpakita..
Bago matuLog ay pinag iisipan ko pa kung ako na ang pupunta sa bahay niLa totoy..
Babangon ako.. Tapos Hihiga..
Gusto ko pumunta kela ate kaso alam kong honeymoon nila kaya nakakahiya nman kung iistorbuhin ko sila..
“Tita.. Tita ??”..yugyug ko kay tita..
“bkit??? Tanong ni tita na nagising dahiL sa pagyugyug ko sa balikat nya.
“di po ako makatulog.. “, bulong ko dto.
Umupo si tita ..saka humarap sa akin.. Nagtatanong ang mga mata ni tita..
“Si totoy po kse .dalawang taon na di parin nagpaparamdam sa akin.. “, malungkot kong saad kay tita.. “Baka...


di na nya ko mahal “,
“MahaL ka nya anak.. Kaya nga db mas piniLi nyang masaktan at Lumayo para lang makahanap ka ng lalaking mas babagay sayo.. “, paliwanag ni tita sa akin..
Sa sinabi ni tita ay talagang natuwa ako ..
“pero anak ano bang meron kay Totoy at sya parin.. Wala naman syang profession.. Di nman sa ayaw ko sa kanya pero nagtatanong lang ako anak “,
“Mahal ko sya tita.. Nakita ko kung pano nya mahal na mahal ang pamilya nya at handang magsakripisyo para sa mga mahal nya sa buhay.. Lahat ginagawa nya para sa pamilya nya.. Kaya naisip ko po ..pag sya ang napangasawa ko.. Ano pa ang di nya kayang gawin para sa amin ng mga anak nya db po???
Nakita kong tumango si tita at ngumiti ..
“Tama ka anak.. Grabi ka pala magmahal anak..masaya ako kse nagmahal ka ng totoo pero nalukungkot ako kse iiwan mo na ko.. “, maluha luhang sabi ni tita..
Niyakap ko agad ito ..
“wag ka pong malungkot.. Pwede ka pong tumira sa bahay namin.. “, nakangiti kong saad dto..
Tumawa si tita. “Wala ka pa nga bahay saka di ka pa nga pinakakasalan ni Totoy eh. ” asar ni tita sa akin.
“GAGAH*SAIN ko na po talaga yun tita ey!” balik asar ko kay tita ..
Lumaki ang mata ni tita..
“Wag na wag mo yang gagawin Bata ka!” Sabay hampas sa akin ni tita..
Tumawa ako saka niyakap si tita..
“goodnight tita.. Iloveyou po “, bulong ko dto bago ipinikit ang mga mata para matulog
-itutuloy
GoodMorning..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top