Ako Naman” Kabanata 37


Bumalik ako sa baryo namin at doon na muna nagtrabaho..
Nakiusap kse si Kap na kung pwede sa center nlng ako sa amin dahiL wala daw nag aasist sa mga pasyente lalo na pag nandyan ang doctor ..
Pumayag naman agad ako dahiL syempre.. Para malapit na rin sa Totoy ko..
Nagmamadali akong umuwe sa bahay dahiL syempre alam kong inaantay ako ni Totoy sa amin..
Susunduin nya daw ako pero sinabi kong wag na dahiL karating nya Lang galing dayo at pagod pa sya..
Masaya akong pumasok ng bahay.. At d nga ko nabigo..
Andun si Totoy nakaupo sa sala namin..
Ganun parin si Totoy..
Pogi parin… Khit may kaitiman ..magaspang ang kamay sa tuwing nakikipag holding hands ay sya parin talaga ang mahal ko..
Masaya ko itong niyakap…
Narinig kong mahina itong tumawa.
“Nagkita lang tayo kaninang umaga ey “, sabi nito..
Pero mas lalo ko itong niyakap ng mahigpit..
“Namiss kita ey “, bulong ko dto..
“Hoy! Marya.. Mahiya ka nman sa akin “, sabi ni tito..
Agad akong bumitaw kay Totoy at umupo sa upuan.. Umupo sa tabi ko si Totoy..
“Kamusta trabaho? “tanong ni totoy sa akin…
“Ok lang ,Masaya “, nakangiting sagot ko..
Nakita kong di parin umaalis si tito.. Kaya napasimangot ako.. Pero agad ding ngumiti ng mapansing may nakabalot na regalo si Totoy para sa akin..
“para sa akin ba to?? “, masayang tanong ko..
Nakita kong masayang tumango si Totoy..
Tumingin ako kay tito at nakita kong nakangisi ito…
Pero dahiL masaya ako ay di ko na pinansin si tito at agad kong binuksan ang regalo ni Totoy para sa akin..
Medyo mabigat ang regalong bigay ni totoy.. Di nman kalakihan pero mabigat..
Nakita kong umupo si titia sa tabi ni tito…
Nakangiti akong pinagtyagaang tanggalin ang balot ng regalo ni Totoy..
At naguLat ako sa nakita ko..
Nanlaki ang mata ko..
Dalalwang kiLong DAING NA ISDA !
Di nman ako sana ako maiinis ey.. Kase kahit anong regalo o bagay basta galing kay Totoy ay tatangapin ko ng buong buo kahit pa nga Bato pa ang ibigay nito ay msaya ko tong tatangapin basta galing lang sa kanya..
Kaso narinig ko ang malakas na paghalakhak ni tito at ni tita.. Alam kong inaasar nila ako.
Napasimangot ako..
“Ayaw mo kse ng Bulaklak dati db sabi mo kse di...


makakain ?? “asar na tanong ni tito
“ayaw mo din ng chocolate dahiL diet ka sabi mo..”, si tita na talagang inaasar ako.. “pati nga teddybear dati na bigay sau pinagsasaksak mo “, dagdag pa nito..
“Kaya Daing naLang ang naisipan kong regalo para may pansahog kayo sa guLay.. Yan Lang kse ang kaya kong ibigay “, malungkot na sabi ni totoy..
Ngumiti ako saka inakbayan sya…
“Nagustuhan ko.. Ang sweet nga e.. Ngayon lng ako nakatanggap ng kakaibang regalo.. Saka ang maganda pa ay binalot mo pa talaga.. Salamat sa effort mo.. Touch na touch ako “, saad ko ..
Natawa sila tito at tita..
“Ayan kakapiLi mo ng manliligaw.. Napunta ka kay Totoy na daing ang dala “,natatawang tukso ni tita..
Pinanlakihan ko si tita ng mata..
“tita ‘ wag ka pong ganyan baka ma offend si totoy.. “, nakanguso kong turan dto..
Narinig kong lalong lumakas ang tawa ni tito at ni tita..
Naasar na ko pero di ako papatalo..
“Totoy.. Ok Lang yang bigay mo.. Pero may isang magandang bagay ka pang pwedeng ibigay sa akin.. “,sabi ko kay Totoy saka tiningnan ito sa mga mata..
Natahimik sila tita at tito na tila inaantay ang sasabihin ko..
Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko kay Totoy at nakipagtitigan dto..
“Ano?? ” paos na tanong nito..
Mas niLapit ko pa ang lalo ang mukha ko..
Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang mga reaksyon ng mukha niLa tito at tita..
“Magandang Lahi lang okey na ko “, sabay hinalikan si Totoy..
Nanlaki ang mga mata ni Totoy ..
Gusto kong pumikit pero pinigiLan ko.. Tumingin ako kela tito at nakita kong naguLat sila..
Tinapos ko ang paghalik ko kay Totoy at ngumisi kila tita..
“Ikaw bata ka !! “, sigaw ni tita..
Patakbo akong pumasok sa kwarto at nilock ang pinto..
Tawa ako ng tawa.. Akala nila maasar nila ko ng di ako makakaganti..
Narinig kong kumakatok si tita pero d ko to pinagbuksan..
“Lumabas ka Marya at Kukurutin ko yang singit mo “, sigaw ni tita sa labas ng kwarto..
Tawa ako ng tawa habang nagpapalit ng damit..
Maya maya pa ay tumigil na rin si tita sa pagkatok..
“Mamaya na ko lalabas.. Baka kurutin nga ko “, nakangiti kong bulong saka humiga sa kama..
-itutuloy ..
Last update ❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top