Ako Naman Kabanata 50


Ngayon na ang araw ng kasaL ko..
Kahit di to bongga ay nakakakaba din pala..
Buong paghanga kong pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin..
“Napakaganda mo anak. “,puri ni tito ..
“Oo nman! Pipikutin ba ko ni Totoy kong hindi “,
Tumawa si tito at tita..
“kunyare ka pa jan.. “, biro ni tita..
“basta anak ha?? Pag may problema kayo pag usapan nyo saka wag iparamdam kay totoy na mas angat ka sa kanya ..wag mong iparamdam sa kanya na mas malakas ka kesa sa kanya ..ang gusto ko lang sabihin ay wag mo syang underin.. Wag kang masyadong magmataas sa kanya..iwasanang ipahiya mo sa ibang tao ang asawa mo.. Laging susuportahan at wag susukuan.. Laging hihingin ang opinyon ng asawa para sa gagawing desesyon.. Wag ipilit ang gusto kapag hindi sinang ayunan ang gusto ..iwasan ang pag aaway ha? Kontrolin ang galit ..”mahabang pangaraL ni tito sa akin..
Naiyak ako ..
Niyakap ko si tito saka ito hinalikan sa pisngi ..
“opo tito.. Tatandaan ko “, sabi ko dto ..
Tiningnan ko si tita at inaantay ang sasabihin nya..
“Para di kayo madalas mag away anak ..ang maipapayo ko lang sayo kapag nangalabit ang asawa mo.. Pagbigyan mo Hubad agad! “, sabi ni tita saka tumingin kay tito..
‘SISA! ” ,saway ni tito..
Tumawa ako ng malakas..
“Tatandaan ko po yan tita “, sakay ko sa biro ni tita..
“Mga BASTOS! ” sabi ni tito.
Tumawa nalng kne ni tita..
Pumasok si ate Esang..
“Ano na? Di pa kayo aalis?? Si Mayor pa mag aadjust sa inyo??? mahiya nman kayo! ” satsat ni ate esang na pawis na pawis dahiL sya ang nagluluto ng ibang handa..
Pupunta pa kme sa bayan.. Dun kse kme sa opis ni Mayor ikakasaL..
Kunti lng nman ang pupunta . Magulang lng ni totoy at saka sila tita at tito pati ang dalawa naming pares na ninong at ninang sa kasal ..
Si totoy ay nag aantay na sa tabing dagat….
Hinawakan ko ang kamay ni tita saka niyayabng lumabas ng bahay ..
Kahit iika ika si tito ay halata sa mukha nito ang subrang saya ..
Nakangiti ako habng nagLalakad papuntabg tabing dagat.
Malayo palang ay nakita ko na ang nakangiting si Totoy..
Ang lalaking pinangarap ko na makasama habang buhay ..
Para sa akin sya talaga ang pinakagwapong lalaki sa mga mata ko..
Masaya akong tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa akin.. Magaspang parin ito pero para sa akin ay tanda iyon ng pagmamahaL ..
Pagmamahal para sa pamiLya nya..
“Ang ganda mo talaga Marya ..”, bulong nito..
“Ang gwapo mo din John.. “, nakangiti kong turan dto ..
Akma ako nitong hahalikan ng marinig kong nagsalita si angkeL Jose ..
“Maya na kayo jan magtukaan.. “, biro nito.
Sabay kmeng napangiti ni totoy..

Nakatingin kame sa mata ng bawat isa..
Nagtitigan kme ..


/> Halata sa mga mata ng bawat isa ang labis na pagmamahal..
Nkakawit ang mga braso ko sa batok ni totoy habang hawak ako nito sa baywang ..at nakataas ang isa kong paa na halatang subrang kinikilig ako ..
“Sa wakas.. Asawa na kita Marya “, bulong ni totoy habang titig na titig sa mga mata ko..”di na ko makpag hintay mamaya “, sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko para igawad ang halik na magpapatunay na asawa na nya ako..
Tinanggap ko ng buong puso ang halik na yun ni totoy .
NatigiL lang kme ng nagpalakpakan ang mga naging saksi ng Kasal namin ni totoy ..
Halos di na maalis alis sa labi ko ang ngiti..
Halatang halata ang saya sa mukha ko..
“salamat po Mayor “, buong galang at taos puso kong pasasalamat kay Mayor na syang may malaking ginampanan na papeL sa kasaL namin ni totoy..
“CongratuLation sa inyong dalawa.. Sana gabayan kayo ng Diyos para sa inyong pagsasama “, sabi ni Mayor sa amin..
Pagkatapos ng seremonya ay masaya na kmeng umuwe sa baryo..
Kahit na sa Mayor lng kme kinasaL ay sinabihan ko na sila ate at kuya Long na tumatanggap parin ako ng regalo lalo na cash..
Akala nila ay biro lng yun pero para sa akin ay seryuso ako..
Pagdating sa bahay ay wala nmang madaming bisita kaya maaga palang ay natapos na ang munting salo salo..
Nsa kwarto kme ngayon ni totoy at nagbubukas ng regalo.. Msaya akong may nagbigay ng isang set ng pinggan.. Saka baso.. May nagregalo din ng kaldero ..
Msayang masaya ako sa mga natangap kong regalo sa kasal namin..
Si kuya Long at ate Esang ay pinilit ko talagang cash ang ibigay nila sa akin para may panimuLa kme ni Totoy ..
At di nman niLa ako binigo.. Cash nga talaga ang binigay nila sa akin..
“Marya… MatagaL ka pa ba jan.. “, tanong Ni totoy sa akin.. Halatang excited sa honeymoon nmin..
Pero d ko sya pinansin..
Pinaukupa muna ni tita ang kwartong isa para sa honeymoon nmin..
Pero wala akong balak pagbigyan si Totoy.
Mas gusto ko syang asarin..
Di na ito nakatiis at lumapit na sa akin.
Hinawi nya ang buhok ko at hinahalik halikan nya ko sa batok at sa balikat ..
“Tara na… Pwede nman bukas yan.. “, bulong nito ..
Halata sa boses nito ang pananabik..
“Mamaya na “,
“Di ko na kayang magpigiL.. Marya.. “, bulong nito saka tinaggal ang hook ng bra ko ..
“Sge saglit lng.. CCR lang ako “, sbi kong nakangiti dto ..saka mabilis na lumabas ng kwarto para pumunta ng cr..
Ibinalik ko ang hook ng bra ko saka dumiretso ako sa kwarto na tinutulugan ni tita..
Dahan dahan akong tumabi kay tita..
Mahimbing na itong natutulog..
“kawawang totoy “, sabi ko bago tuluyang ipinikit ang mga mata ko ..
❤❤❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top