Amara the dreamer Chapter 15


NAKA upo sa gilid nang swiming pool si Amara. Nakaramdam siya nang pagka bagot nang mapag isa siya sa bahay ni Harikasi.
Nasa trabaho si Hari nagmamay-ari ito nang malaking kumpanya ang Enomoto corporation hapon pa ang uwi nito.
Kung saan saan na napunta ang pag iisip niya. Napaluha siya nang maalala si Marikit isang linggo na ang nakalipas mula nang makalabas siya nang hospital. Wala parin siyang natanggap na balita tungkol rito.
Nilagay niya ang dalawang paa sa tubig. Naisip niya ang mga pinagdaanan nila sa Japan. Napaka dali ang mgarap pero ang hirap nitong abutin.
Bago siya nagpunta nang Japan napag usapan nila ni Marikit na hanggang sayaw lang siya wala sa usapan ang pagtable niya sa mga costumer.
At yon ay nilinaw niya kay Marikit at sa agency kumuha sa kanila. Ngayon sa mga nangyayari ay pinapabayaan na sila nang agency kakilala ni Marikit.
” Amara.” Tawag ni Harikasi ang pumutol sa kanyang malalim na pagiisip.
Lumingon siya rito nagulat pa siya umuwi ito nang maaga. Agad siyang tumayo at lumapit rito.
” I have something to tell you” sabi nito sa mahinang boses at malungkot ang mukha.
“ What is it?” kinakabahan niyang tanong nang makita ang mukha nito malungkot.
hinawakan siya nito sa balikat bago ito nag salita. ” Y-your friend has died from a drug overdose”
Nag uunahan sa pag akyat ang kanyang dugo sa ulo at nanindig ang buong balahibo nang kanyang katawan
“ Hindi!” Sigaw niyang napaupo sa sahig. “ Marikit, hindi ko kaya mag isa” pumalahaw siya nang iyak.
” I am very sorry Amara.” niyakap siya ni Harikasi
Nawalan siya nang pag asa. Hindi niya alam paano simulan ang buhay niya sa Japan ngayon wala na si Marikit.
Tila siya na pilayan sa pagka wala nito.
Tanging si Marikit ang laging nagbigay sa kanya nang lakas nang loob sa tuwing nakaramdam siya nang panghihina. Paano na ngayon wala na si Marikit?
Maghapon siyang umiiyak sa kanyang silid. Paano ang pamilya ni Marikit? Si Marikit na puno nang pangarap at pag asa ang lahat nang iyon ay nawala dahil binuwis nito ang buhay para sa kanya. Napahagolhol siya sa isipin iyon.
“ AMARA you need to eat” pukaw sa kanya ni Hari nang magdilim na hindi parin siya lumabas nang silid.
Hindi namuna bumalik si Harikasi sa opisina dahil ayaw siya nitong iwan sa ganong ayos.
“ Amara please?” nakiusap ang boses nito na labasin niya.
Pinahid niya ang kanyang luha at tumayo siya para tunguhin ang pintuan.
“ You need to eat Amara or else you will get sick”
“ Thank you Harikasi but I don’t feel hungry” paano siya makakain sa ganitong situation na wala si ang matalik niyang kaibigan. Ang taong kasama niyang nangarap.
“ I know, I understand how you feel Amara. If anything happen to you what’s gonna happen to your family? Your family is waiting for you in the philippines. How would they feel if they lose you?”
Nanindig ang kanyang balahibo sa narinig mula kay Hari na para bang si Marikit ang kausap niya. Ganito makipag usap sa kanya si Marikit.
“ You need to be strong to fight for your dream” dagdag pa nito
Napahagolhol na siya sa sinabi ni Harikasi. “ Marikit” bulalas niya.
“ Come” hinila siya nito papunta sa kusina.
Hilam sa luha ang kanyang mga mata sumunod kay Harikasi papunta sa kusina.
“ Amara, you can stay here in my place whenever you like.” Alok nito sa kanya nang makaupo siya sa...


dining.
Ayaw na niyang bumalik sa kanyang tinirhan. Natatakot na siyang bumalik roon. “ Is it okay with you if I stay here for a while?” naiiyak niyang tanong rito.
Ngumiti ito sa kanya” as long as you like. I can help you Amara. I can help you if you want to go back to the philippines” seryusong sabi nito sa kanya.
Saglit siyang tumahikmik pinagisipan niya ang alok ni Hari. Hindi siya pweding umuwi nang hindi niya matutupad ang kanyang mga pangarap.
Ipag patuloy niya ang naudlot na pangarap nila ni Marikit. Hindi niya pwedi sayangin ang pag buhis nang buhay nito.
“ No, I am not going back to the philippines with nothing” determinado niyang sabi kay Hari.
“ Hari, I need your help, help me to find a Job here please?” nag susumamo ang kanyang mga mata nakatingin rito.
Tumango tango ito sa kanya.” Yes Amara I will help you” nakangiti nitong sabi.
INAYOS nila ni Harikasi ang mga labi ni Marikit. Masakit sa kanyang dibdib pero kinakailangan niyang lumaban. Sa tulong ni Hari ay naipadala nila ang mga labi ni Marikit sa pinas.
Pinagpatuloy niya ang kanyang buhay sa Japan. Ipinakilala siya ni Harikasi sa mga kakilala nito.
kaya nakapag simula siya sa matinong trabaho. Nakapasok siya sa kakilala ni Harikasi sa isang kainan. Kapag wala din siyang pasok oh kaya maaga siyang nakauwi mula sa kanyang pinapasukan restaurant naglilinis siya nang bahay sa mga kakila ni Harikasi.
Binigyan din siya nang pera ni Hari, bilang bayad sa kanya sa paglilinis nang bahay nito. Ayaw niya sanang tanggapin pero mapilit si Hari, sabi lang nito ipunin nalang.
Unti unti na siyang nakapag ipon. Wala siyang gagastusin dahil lahat nang kinakailangan niya ay ibinili siya ni Harikasi.
Ginugol niya lang ang oras niya sa pagtrabaho. Hindi siya nag aksaya nang panahon.
Kalalabas lang niya nang silid nang tawagin siya ni Hari.
“ Amara, you will take a rest for today, we are going out” sabi ni Hari naglakad palapit sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi nito.” Where are we going?”
“ It’s a surprise somewhere that you will love” nakangiti nitong sabi.
DINALA siya ni Harikasi sa isang tourist spot kung saan makikita ang cherry bloosom.
” Harikasi, this is very beautiful” nakangiti niyang sabi. Pansamantala niyang nakalimutan ang kanyang mga hinanakit sa mga nangyayari.
Naaliw siya sa mga tanawin na kanyang nakikita. Ito ang kauna unahana niyang maka pamasyal simula nang dumating siya nang Japan.
“ thank you very much for bringing me here, this place is so lovely.” nakangiti niyang sabi kay Hari na noon ay nakatingin lang sa kanya.
“ You are very welcome Amara, you deserved to be happy”
“ I can’t thank you enough, you had help me so many times Hari. I owed this to you” nahihiya niyang sabi rito.
“ I’ll do anything to make you happy, Amara. I bet you will love the
kyoto, I will take you there.” sabi nito sa masiglang boses.
Halos nalibot na niya ang buong Japan dahil kay Hari, lagi siyang pinasyal nito sa tuwing wala itong trabaho.
Naramdaman niyang ginawa ni Harikasi ang lahat para makalimutan niya ang mga problema.
Pinilit niyang mamuhay nang normal bilang pagpatuloy sa mga pangarap niya at hindi niya rin nakalimutan isama si Marikit sa pangarap niya. Utang niya ang buhay niya rito. Niligtas siya nito para matupad ang mga pangarap niya.
Sa tulong din ni Harikasi unti unti na niyang nakalimutan ang sakit nang kanyang mga pinag daanan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top