ANG BABAENG WALANG KINATATAKUTAN
{🗣️PARANORMAL TRUE STORY}
{Base on Balingasag Misamis Or.}
{At ito ang karanasan ng aking Lola/Granny}
Anita Hilogon Lig-ang P.O.V
Nagising ako dahil sa init na humahalik sa pisngi ko, ano ba naman tung araw natu humahalik kaagad sa pisngi ko, agad akung bumangon at nadatnan si Inay at Itay na kumakain.
“Anak?, magbihis ka’t magligo ng maaga” agad na sabi sakin ni itay, huh?kay aga² pinaliligo kaagad ako
“Po? bakit naman?” kunot noong tanong ko
“Napagkasunduan namin ng tatay mo, at sa kumpare ng tatay mo na ikasal kayo ng anak ng kumpare ng tatay mo” sagot ng aking inay
“Ano po!? ngunit di ko nakita at nakilala iyon” medyo inis kung sabi sa kanila
“Wag kanang tumanggi pa, sapagkat naitakda na ang araw ng inyong kasal” as*k ni itay
Agad na umalis ako sa hapag kainan kahit na hindi pa ako nabusog, umiyak ako ngayon saking kwarto dahil sa sinabi nila sakin, hindi! hindi ko matatanggap na ikasal ako, tsaka wala akung gusto sa lalaking iyon, hindi ako papayag! hindi
*/snifft*. May naisip akung paraan at makatutulong sakin at iyon ang aking tiyahin, hindi paman dumating yung sinabi ni itay sakin eh nag pa alam na ako na bibisita muna ako kay tiya, buti nalang at pumayag ito. Nag tungo kaagad ako sa bahay nina tiya, buti nalang andun siya.
“Tiya?” tawag ko sa kanya
“Oh anita, napadalaw ka ata?” tanong ni tiya sakin, galing pala siyang kusina
“Kailangan kopo ng tulong niyo, alam kung ikaw lang ang makakatulong sakin” mangiyak iyak kopang sabi nito
“Kalma lang anita, ano bang nangyari?” nag aalalang tanong ni tiya sakin
“Ikakasal po ako sa lalaking di ko po kilala at di ko minahal” iyak kung sabi nito, di ko na napigilan pang umiyak
“Kawawa naman tung pamangkin ko”mahinang sabi nito na sakto lang na marinig ko
“Sige anita, ito ang tatandaan mo at sundin at gawin mo ang sasabihin ko” seryusonh sabi nito sakin
“Ouhm” tango ko nalang
“Lalabas ka ng hating gabi, mga alas 12:00 a.m, upang walang makakita sayo, at kumuha ka ng apat na pabilog at sindihan mo ito, pagkatpos ilagay mo ito bawat kanto ng bahay, ngunit sa paglagay mo nito ay pakaliwa, pagkatapos nun umalis ka kaagad, wag kang tumakbo, lumakad kalang ng mabilis, wag kang lilingon kahit saan, dapat ay naka focus kalang sa dinadaanan mo, at kahit na may tumawag o makita o pakiramdam mo may sumusunod sayo wag na wag mo itong lilingunin, at wag na wag kang matatakot, at higit sa lahat wag na wag kanang babalik sa dinadaanan mo, alam mo naman siguro ang mga nangyayari sa ilang mga magsasaka rito, naiintindihan mo ba ako anita?” mahabang litanya ni tiya sakin
“Ouhm, salamat tiya” as*k
“Walang anuman”
“Mauna napo ako, salamat ulit” pag papaalam kopa
“Sige ingat ka”
Author’s P.O.V
Papauwi si Anita(ang aking lola) sa kanilang bahay ngayon, nakita niya ang mga magulang at yung lalaking papakasalanan niya, bahagya siyang nalungkot dahil ayaw nga niyang maikasyal, agad na bumalik naman yung sinabi ng tiyahin niya sa kanyang isip ang kailangan niyang gawin. Hinarap nito ang lalaki.
“Kayong dalawa ay ikakasal na sa lalong madaling panahon” saad nung ama ng kumpareha ng itay ni Anita
“Ngu—” hindi paman naituloy ang sasabihin ni anita ay naunahan na ito ng kanyang ama
“Oo naman kumpare ko, napaghandaan na yun ni anita” agad na sabi ng ama ni anita
Medyo nainis si Anita at pumasok ito sa kwarto niya.
*TIME SKIP……
Pag sapit ng alas 7:00 p.m ng gabi, ay natulog ng maaga si Anita, nagtataka pa ang kanyang mga magulang, ngunit di nalang ito nila binigyan ng pansin. Pag sapit ng 12:00 a.m nang gabi, ay yun na bumangon si Anita at nag handa ng kanyang mga gamit.
Anitas Hilogon Lig-ang P.O.V
Pagkatapos kung mag ligpit ng aking mga gamit lumabas kaagad ako sa kwarto, nakita ko sina inay at itay na tulog pa..bandang mga 12:05 a.m na nang gabi, ang lakas ng kabog ng aking dibdib,di ko maipaliwanag ang kaba nito…di ko alam kung malalampansan ko ito, mas pinili kung mag tiwala sa saking sarili. Kumuha ako ng apat na pabilog gaya ng sabi ni tiya at lumabas ako, sinindihan ko ito at tinusok ko ito bawat kanto ng aming bahay, tinusok ko ito pakaliwa. Pagkatapos ay agad akung umalis, ang bilis ng tibok ng puso ko di ko alam kung ipagpapatuloy kopa ba ito oh hindi,...