Ang Boyfriend kong Gwapo Chapter 18


Ang Boyfriend kong Gwapo
Chapter 18
“Tito, alam na po nila. And hiniwalayan na ako ng anak niyo. Hindi ko po alam ang gagawin ko Tito” bungad na sabi ni Johnny.
“Johnny, I’m sorry. Alam ko na kasalanan ko ito. Dont worry pupuntahan ko sila ngayon din. Magpapaliwanag ako” ani ni Cain.
Lulan ng sasakyan sina Cain, Andrea at Johnny para puntahan ang mag ina ni Cain at humingi ng tawad.
“Angela, bilisan mo na” sabi ni Angelica sa anak habang tinutulungan isampa ang mga gamit niya sa loob ng sasakyan na rinentahan nila para maglipat ng mga gamit nila sa bago nilang titirhan.
Bumaba ng sasakyan si Johnny para pigilan si Angela ng umalis.
“Beb please huwag ka ng umalis” pagmamakaawa ni Johnny. Lumabas naman si Angelo sa sasakyan para ipagtabuyan si Johnny.
Gusto sana ni Johnny na kahit mapatawad na lang siya ni Angela at magstay pa din sa lugar na ito. Kahit hindi na sila magkabalikan tatanggapin niya ng maluwag sa d*bdib.
“Hindi pa ba malinaw sayo ha! Ayaw na sayo ng kapatid ko! Kaya umalis ka na!” galit na bulyaw ni Angelo at itinulak si Johnny. Nasalo ito ng Mommy niya kaya hindi ito tuluyang bumagsak sa lupa.
“Angelo! Walang kasalanan si Johnny dito. Ako ang may kasalanan!” sabi ni Cain habang papalapit kay Angelo. Napalingon naman si Angelica sa nagsalita.
“Cain!” banggit ni Angelica sa pangalan ng asawa.
“Angelica, patawarin mo ako!” umiiyak na sabi ni Cain habang lumalapit sa asawa.
“Ngayon ka pa humingi ng tawad Cain. Ang tagal ng panahon na wala ka sa amin. At alam mo kung...


nasaan kaming mag ina pero hindi mo kami pinuntahan para humingi ng tawad” matigas na sabi ni Angelica.
“Naduwag ako na, puntahan kayo dahil iniwan ko kayong mag ina ko. Hindi ko din alam ang sasabihin ko sa inyo para magpaliwanag” litanya ni Cain.
“Naduwag ka pagkatapos papatulan mo ang babae na yan. Ipinagpalit mo kami sa isang babae may anak!” galit na bulyaw ni Angelica. Nilapitan ni Angela ang ina para yakapin ito.
“Please umalis na kayo dito. Hindi ka namin mapapatawad!” puno ng sama ng loob sabi ni Angelo.
“Angelica, sabihin mo kung paano mo ako mapapatawad. Gagawin ko” pagmamakaawa ni Cain kay Angelica at nilapitan ang dating asawa at hinawakan ang kamay ni Angelica.
“Gusto mo talagang mapatawad ka namin!” bulyaw ni Angelica
“Sige hiwalayan mo ngayon din ang babae na yan at sumama ka sa amin! Iwanan mo din ang pamilya ng babae na yan kagaya ng pag iwan mo sa amin” dugtong na sabi ni Angelica. Naging matigas na puso nito dahil sa sakit na nararamdaman nuon.
Nagulat naman si Cain at napatingin kay Andrea. Ngumiti ito kay Cain, nagpapahiwatig na okay lang sila ni Johnny. Si Johnny naman ay nilapitan na ang Mommy niya at iginiya ang ina na paalis. Umiiyak na humakbang ng paa si Andrea. Mahal na mahal niya si Cain pero may pamilya ito at kailangan na niyang isauli ito sa totoong pamilya niya.
Walang nagawa si Cain ng umalis sina Andrea at Johnny. Hindi niya inaasahan na aabot sa ganito ang lahat. Marami na siyang nasasaktan. Marami na din ang nadadamay sa gulong inumpisahan niya






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top