Ang Boyfriend kong Gwapo Chapter 7


Ang Boyfriend kong Gwapo
Chapter 7
Hindi na nakatanggi pa si Angela ng makita si Johnny sa labas ng bahay nila habang naghihintay sa kanya para ihatid sa trabaho. As usual l*sing na naman ang Nanay nito at tulog na tulog. Hindi ito nakapasok sa trabaho iniisip niya na baka mawalan na ng trabaho ang ina dahil sa laging pagliban sa pagpasok sa trabaho.
“Good morning Beb” malambing na bati ni Johnny kay Angela at kinuha ang mga dala ng dalaga. Baon lang niya sa trabaho ang dala niya para hindi na siya bumili ng pagkain sa tanghalian.
“Good morning din sayo” ganting bati nito at sumakay na sa kotse ni Johnny. Pagkasakay niya ay umupo na din si Johnny sa driver seat at ikinabit ang seatbelt niya at sa kanya.
“Okay lng naman na magcommute na lang ako papasok sa trabaho” sabi ni Angela habang si Johnny ay pinapaandar ang makina ng sasakyan. Napalingon si Johnny sa nobya.
“Di na pinag usapan na natin ito kagabi, na ihahatid kita sa pagpasok mo sa trabaho at susunduin kita sa pag uwi mo” sagot ni Johnny. Gusto sana niyang magprotesta sa sinabi ni Johnny pero na unahan na siya nitong magsalita.
“Please Beb, huwag na natin pag awayan ang tungkol dito. At huwag ka ng makulit” putol ni Johnny sa sasabihin ni Angela at hinawakan ang kamay ng dalaga. Napatingin na lang si Angela sa may bintana ng sasakyan at tiningnan ang lahat ng lugar na nadadaanan nila.
Naging tahimik sila pagkatapos ng naging usapan nila. At nang makarating na sila sa mall ay bumaba na si Johnny ng sasakyan at pinagbuksan si Angela ng pinto.
Hinawakan ni Johnny ang kamay Angela at sabay sila na naglakad papasok sa mall. Pinagtitinginan na naman sila ng lahat ng tao na nakikita sila na magkahawak kamay ni Johnny. Inggit na inggit ang ibang mga babae kay Angela dahil kasama lang naman ang niya pinakagwapong lalaki sa lugar nila.
“Ang hirap ng may kasamang gwapo” nawika ni Angela sa sarili. Pakiramdam niya tuloy lalo siyang hindi nababagay kay Johnny.
Pagpasok nina Angela at Johnny sa stall ay nilapitan agad ni Mr. Braganza si Johnny at kinamayan. Binati naman ni Angela ang Manager nila at nagpaalam kay Johnny na pupunta na sa puwesto niya.
“Punta na ako doon” paalam ni Angela kay Johnny. Bigla namang inilapit ni Johnny ang mukha kay Angela at hinalikan sa pisngi ang dalaga. Hindi niya iyon inaasahan na gagawin ni Johnny sa harap ng maraming tao.
“Bebs, basta pupuntahan kita ulit dito mamaya para ihatid pag uwi” paalala ni Johnny kay Angela. Tumango lang ng ulo si Angela bilang sagot kay Johnny at tumalikod na ito sa dalawang nag uusap. Ilang sandali pa ay lumabas na si Johnny ng stall at hindi na nagpaalam kay Angela.
Sakay na si Johnny ng kotse niya at papunta kina Andy. Tinawagan nito si Andy sa cellphone niya para sabihin na papunta na siya sa bahay nito.
“Hello Andy, papunta na ako sa bahay niyo” sabi ni Johnny sa kabilang linya.
“Wait,...


Johnny. May kasama ako ngayon sa bahay” pigil na sagot ni Andy.
“Huh, sino na naman ang kasama mo?” usisang tanong ni Johnny.
“Remember the girl, na ipinakilala ko sayo. Si Anica, kasama ko siya ngayon” sagot ni Andy.
“Okay” tipid na sabi ni Johnny.
“Pero kung gusto mo talagang pumunta dito. Walang problema. Bumisita lang naman ito sa akin” wika ni Andy.
“Okay, I’m on my way” sabi nama ni Johnny. At saka pinindot ang end call.
————–
Ang tindi ng sikat ng araw sa labas, pero para kay Angelo kailangan niyang gawin lahat ng trabaho sa construction. Ang magbuhat ng mga hallow blocks, maghukay ng lupa, maghalo ng semento at mga grava, ilan lang iyan sa lahat ng ginagawa niya sa pagtatrabaho sa construction. Kahit nakakaramdam siya ng pagod ay hindi siya puwede umangal. Hindi nakuha ni Angelo ang trabahong sinasabi ng kaibigan dahil hindi naman siya nakapagtapos ng pag aaral. Kaya pagtitiisan na lang niyang pumasok ng trabaho sa construction. Ayaw niya din ipaalam kay Angela ang nakuha niyang trabaho ang mahalaga ay ang perang kikitain niya para maituloy ng kapatid ang pag aaral sa kolehiyo.
“Angelo dalian mo diyan, at buhatin mo na ang mga ito at dalhin sa second floor” utos ng Foreman nila habang itinuturo ang mga buhangin na kailangan niyang buhatin para dalhin sa pangalawang palapag ng gusali. Dali dali naman na tumayo si Angelo sa pagkakaupo sa isang sulok, nagpapahinga lang siya sandali sa isang sulok sa ibabang bahagi ng gusali.
———————-
“Gabi na wala pa din si Kuya” nag aalalang sabi ni Angela sa sarili.
Hinihintay niya ang kapatid na si Angelo sa sala. Hinatid siya ni Johnny sa bahay nila, hindi naman siya makakatanggi sa kagustuhan ng nobyo na ihatid siya sa bahay nila. Ang Nanay naman niya ay tulog na nasa kwarto nila.
“Tawagan ko na lang kaya” biglang naisip na sabi ni Angela. Kinuha niya ang cellphone niya at dinial ang phone number ng Kuya niya.
“The number that you have dial is cannot be reach. Please try again later” sabi ng operator kay Angela.
Kinutuban ng hindi maganda si Angela. Kahit kailan ay hindi pa nagpapatay ng cellphone ang Kuya Angelo niya. Hindi din ito tumawag o nagmessage kung pauwi na galing trabaho. Hindi naman niya alam kung saan nagtatrabaho ang Kuya Angelo niya.
Pinuntahan ni Angelo ang ina para gisingin.
“Nay si Kuya hindi pa umuuwi” nag aalalang ginigising ang ina. Kumislot naman ito at inimulat ang mga mata.
“Baka nasa barkada niy. Uuwi din yun!” bulyaw na sabi ni Nanay Angelica at pagkatapos ay ipinikit na nito ang mga mata at natulog. Hindi na lang ginising pa ulit ni Angela ang Ina.
“Siguro nga nasa kabarkada lang niya si Kuya” nawika ni Angela sa isip. Nagpasya na siyang pumunta ng kwarto nila ng Nanay niya at doon na lamang hintayin ang kapatid. Alam naman niya na kapag dumating ito ay kakatok iyon sa kwarto niya. Dahil sa pagod ay hindi namalayan ni Angela na nakatulog na siya sa paghihintay sa Kuya Angelo niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top