Ang Gwapo kong Boyfriend Chapter 19


Ang Gwapo kong Boyfriend
Chapter 19
Buo na ang pamilya nila Angela, kasama na nila ang Tatay niya na matagal na nawala sa kanila. Nagdesisyon ang Tatay niya na lumipat sila sa mas malaking bahay para sa kanila. Okay na ang Tatay at ang Nanay niya pero ang Kuya niya, ay galit pa din sa Tatay nila.
Hindi naman madali iyon. Pero para kay Angela ay napatawad na niya ang Tatay niya dahil mahal niya ito at nangungulila siya sa pagmamahal ng isang ama.
“Nagustuhan niyo ba?” tanong ni Cain sa asawa. Tuwang tuwa naman si Angelica sa bagong bahay nila. Malaki ito at maraming kuwarto. Si Angela ay palinga linga sa buong bahay at namamangha sa gandang nakikita sa loob ng bahay. Si Angelo ay walang imik na nasa tabi ng ina.
“Oo naman. Okay lang naman sa akin kahit maliit basta kasama ka namin ng mga anak mo” sagot ni Angelica sa asawa. Masaya siya na kasama na ang asawa. Gagawin ni Cain ang lahat para maitama ang mga maling nagawa niya sa kanilang mag iina.
“Salamat po Tatay!” masayang masaya na sabi ni Angela sa ama nung nakalapit ito. At niyakap at hin*likan sa pisngi si Cain.
“Angelo, magpasalamat ka sa Tatay mo” utos na sabi ni Angelica sa panganay na anak.
“Salamat” walang emosyon na sabi ni Angelo na hindi tumitingin sa ama.
“Pagpasensyahan mo na ang anak mo. Pasasaan ba at mapapatawad ka din ng panganay mo” ani ni Angelica. Ngumiti si Cain sa asawa at tumango ng ulo.
Naging masaya din si Cain na masaya ang mag ina niya sa mga ibinibigay niya. Pupunan niya lahat ng mga taong nawala siya sa kanila.
Isa na si Angela sa namamahala ng tindahan. Nagulat ang mga kasama niya, sa trabaho at ang Manager na si Mr. Braganza na anak pala siya ng may ari. Naging maayos naman ang pagpapatakbo ni Angela sa tindahan. Nag aaral na din siya ulit ngayon pati na din ang Kuya Angelo niya.
“Salamat po...


Mang Karding at Ate Angie” sabi ni Andrea at ibinigay ang sobre sa kanila. Sahod nila iyon. Hindi na kasi nila kayang magpasweldo pa ng katulong at taga maneho. Lilipat na din sila ng bahay para maibenta iyon at kumuha ng mas maliit na bahay na kasya silang dalawa ni Johnny. Marami na din ang naitulong ni Cain sa kanilang mag ina kaya ipinagpapasalamat niya ito.
“Ma’am pano po kayo?” malungkot na wika ni Angie.
“Ate Angie okay lang po kami ni Johnny. Saka may nakuha na po akong trabaho” sagot ni Andrea at ngumiti ng peke.
Magiging mahirap ang buhay para sa kanila dahil wala na si Cain sa kanila. Ang taong sumuporta sa kanilang mag iba.
“Salamat po sa paninilbihan niyo sa aming mag ina” tuos pusong sabi ni Andrea. Tumango at ngumiti sa kanya sina Angie at Karding. At nilisan ang mag inang matagal na nilang pinagsisilbihan.
“Johnny anak halika na” yaya ni Andrea kay Johnny at ini lock na ang pinto ng bahay. Lilipat na sila ng bahay at wala silang dadalhin kundi mga damit lang nila.
Hinawakan ni Johnny ang kamay ng ina. At sabay na silang naglakad paalis sa malaking bahay.
“Mommy, magwoworking student po muna ako. Tutal malapit na akong magtapos ng kolehiyo. Kakayanin ko pong pagsabayin yung pag aaral ko at pagtatrabaho” sabi ni Johnny sa ina habang inaayos ang mesa para sa kanilang hapunan.
“Anak, hindi mo naman kailangang gawin yun. May nakuha na akong trabaho at sapat iyon para sa atin pati sa pag aaral mo” wika ni Andrea.
“Mommy hayaan mo na ako. Atleast matuto na akong mgtrabaho at tumayo sa sarili kong mga paa” nakangiting sabi nito sa ina.
Napakaswerte ni Andrea sa pagkakaroon ng napakabait na anak. Mapait lang ang naging kapalaran niya sa buhay at sa babaeng minamahal. Kasalanan niya ang lahat ng iyon. Iyon na siguro ang karma niya sa lahat ng pagkakamali na ginawa niya. Ang anak niya ngayon ang nagbabayad ng lahat ng pagkakamali niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top