Ang kuwento ni puti


Author:Me
Papauwi na ako galing sa paaralan at abala sa pagtalisod ng maliliit na bato sa daan nang makasalubong ko si puti.hindi pa puti ang pangalan niya noon.para sa akin,isa siyang madungis at kulay abong aso.umaalingasaw ang kaniyang mabahong amoy.halatang galing siya sa pangangalakal ng basura.
Natakot ako sa kaniya.baka bigla na lang niya akong sakmalin.Iniwan ko siya.Naglakad ako nang mabilis.Pero sinundan niya ako.Kahit saan ako lumiko,sumusunod siya.Kapag huminto ako sa paglalakad,hihinto rin siya.Nagmadali akong makarating ng bahay.
Mabilis na mabilis akong umakyat ng bahay.Sana,di na ako nasundan ng aso.Agad akong nagtungo kay nanay para ikuwento ang tungkol sa madungis na asong nakita ko.Iniwan ni nanay ang kaniyang tinatahi.Tingnan daw namin ang aking kinatatakutan.
Nasa puno ng hagdanan ang aso.Nasundan pa rin pala niya ako.Biglang sumilang ang ngiti sa mukha ni nanay.Di ko alam kung bakit.Nagbahag ng buntot ang aso.Lumapit siya sa amin ni nanay at sinimulang amuyin ang aming mga paa.Umuungot-ungot siya na parang gutom.Takot parin ako sa kaniya.Ayaw ko sa kaniya.Pinapanhik ako ni nanay.Siya na raw ang bahala sa madungis na aso.
Kinabukasan,pagkatapos ng almusal,inutusan ako ni nanay na dalhan ng pagkain ang aso.Ayoko na sanang makita ang madungis na aso pero napilitan ako.
Nagulat ako sa aking nakita.Isang asong puting-puti ang naghihintay sa akin sa ibaba ng hagdan.
Kumawag ang kaniyang buntot at bigla akong natuwa sa kaniya.Bibong-bibo ang aso.Sabik na sabik ko siyang pakainin.pinagmasdan ko ang aso.Mahaba at payat ang kaniyang katawan.Kasimputi ng ulap ang kaniyang maliliit na balahibo.Simula noon,pinangalanan ko siyang puti,dahil kasing puti ng mga ulap na paborito kung pagmasdan.
Mula ng bigyan ko ng pangalan si puti,sabik na sabik lagi akong umuwi para makapaglaro kami.Lagi niya akong inaabangan sa tarangkahan.Kapag natatanaw na niya akong paparating,buong lakas siyang tatahol.Sasalubungin niya akong patalon-talon at kumakawag pa ang buntot.Aamoy-amuyin niya ang aking mga paa.Siguro inaalam niya kung saan ako galing.
Madalas kaming maghabulan sa likod ng aming bahay,sa may bukid.Likas na masigla si puti,isang katangiang gustong-gusto ko sa kaniya.Kahit anong bilis ang gawin kong pagtakbo,naaabutan niya...


ako.Kahit magpaikot-ikot ako,gagayahin niya.Minsan nga,nagkunwariakong nadapa bigla siyang lumuhod na parang nadapa rin.Di siya napapagod.
Masayang-masaya ang hapon ko kapag kasama ko si puti.Minsan,nanaginip ako.Galing daw siya sa ulap na sumusunod sa akin.Ipinaglihi daw siya sa ulap kaya naging puti ang kaniyang balahibo.Kaya alam ko,bigay ng ulap sa akin si puti.Kapag hinihimas ko ang balahibo niya naninigkit ang kaniyang mga mata.
Di ko siya nakakalimutang pakainin.Dahil alam kong di lang bilang kalaro at kaibigan ang tungkulin niya,nagiging tagabantay rin siya ng aming bahay sa araw at gabi.Mahirap yatang tungkulin iyon! Iginawa siya ng maliit na bahay ni tatay pero madalas na sa may ibaba ng hagdan siya nahihiga.
Isang umaga,napansin ko ang kakaibang kilos ni puti.Matamlay siya.Di kumakawag ang kaniyang buntot nang salubungin niya ako sa haggan.Inamoy-amoy niya ang aking mga paa.Hinimas ko ang kaniyang balahibo.”hintayin mo ako,puti.uuwi ako agad.”
Pero sa aking pag uwi,napansin kung may namumuong maiitim na ulap sa langit.Binilisan at nilakihan ko ang aking mga hakbang dahil tiyak na bubuhos ang malakas na ulan.Buti na lang at pinabaunan ako ng kapote ni nanay.Inilabas ko ang aking kapote dahil nagsisimula ng pumatak ang ulan.Bumuhos ang malakas na ulan.
Pero bago ako makarating sa aming bahay,tumila na ang malakas na ulan.Nagtataka ako,walang puti na tumatahol at sumasalubing sa aking pagdating.
Siguro nasa hagdan lang si puti at doon ako hinihintay.Ayaw na ayaw kasi niyang tumapak sa basang lupa.Pero nang marating ko ang hagdan,wala parin si puti.
Agad kong pinuntahan si nanay para itanong kung nasaan si puti.Sabi ni nanay,bago pa bumuhos ang malakas na ulan ay kunuha na si puti ng tunay na may ari na tagaibayo.
Wala na akong iba pang naitanong kay nanay.Wala na si puti.Di ko na siya makikitang muli.Naupo ako sa hagdan.Sa ilalim nito,bakas na bakas pa rin ang katawan ni puti.May maliliit na puting balahibo pang naiwan.Wala na si puti.Wala nang sasalubonb sa aking pagdating.wala na akong kalaro tuwing hapon.Tumingala ako sa langit.Napansin ko,napalitan na ng papuputi ang kaniyang maiitim na ulap
THE END






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top