ANG MAITIM NA LIHIM NI MAYA


Prologue
Napasimangot si Maya Jamilla Teras mula sa backstage ng philamlife auditorium kung saan nagaganap ang prostigious yearly recital ng mga estudyante ng B’Jorn School of Ballet,habang pinapanood niya si crystal,ang nasabing rival niya bilang pinakamagaling na ballet dancer sa kanilang batch
Higit pa sa kanilang batch,kung hindi sa five year gap na walang na-produce na magaling at namumukod-tanging balerina ang B’Jorn, who would follow the footsteps of their previews alumnae such as paloma schidt, rowena policarpio, ingrid sovrinko–and so much more ?
Hindi mabilang ang mga naging prima ballerina na nanggaling sa kanilang eskwelahan. Some of them are right here now. Umuwi pa talaga ang mga ito sa pilipinas para lang mapanood ang natatanging ballerina na ipinagmamayabang ng B’Jorn as their most shining atar.
At iyon ay walang iba kundi siya.
Ngumiti siya atsaka tinalimuran si crystal. She conidered her piece as badly performed. Walang flaw,pero may kulang lang talaga, naisaloob niya.
Naglakad...


siya pabalik sa dressing room. Smug siyang ngumiti sa sarili ng mapatigil ang lahat ng mga kasama niya pagpasok niya sa dressing room.
Eat your hearts out, sa loob loob niya.
Tahimik na nakaupo o kaya nagpapractice doon ng kanilang mga twirl ang mga kasama niyang ballerina.
Ang iba ay minamasahe ang kanya kanyang mga paa para maibsan ang tensiyong nadarama. Umupo siya sa kanyang pwesto. She was only 17.Isa siya sa pinakabatang naging protigee ng B’Jornn . Hindi lingid sa kanya na maraming naiingit sa kanya at marami rin ang may ayaw di umano sa kanya sa B’Jorn dahil suplada at mayabang daw siya.
Hindi maintindihan ng mga ito na wala siyang oras para sa mga senseless talks at girlie stuffs na ginagawa ng mga ito. Napaka-worthless niyon sa paningin niya kaya sa halip na makipagkaiibigan sa mga ito, minabuti niyang solohin na lang ang kanyang oras at mag-practice..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top