Ang Malambot kong Pag-ibig Chapter 10


Nahiling ni Abby na sana ay huwag nang matapos ang mga sandaling iyon, basang basa ang mga pisngi niya sa mga luha dahil masaganang bumubuhos ang luha, lalo na at ramdam na ramdam niya ang higpit ng yakap ni Vince sa kanya, bahagyang Kumalas ng yakap si Vince kay Abby, at ngayon hawak na ni Vince ang magkabilang pisngi ni Abby, pinupunasan ni Vince ang mga luha na bumabalisbis sa pisngi ni Abby, si Abby naman ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
.
Vince : hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sayo Abby.
.
Sobrang bilis ng tibok ng puso no Abby dahil ngayo ay ang lapit ng mga mukha nila sa isat isa, amoy na nga niya ang hininga ni Vince, ano daw ba ang susunod na gagawin ni Vince, nagtatanong ang isip ni Abby kung hahalikan ba siya ni Vince, para nang may kabayong nagkakarera sa kanyang dibdib, sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, at Hanggang sa hindi na makagalaw si Abby dahil ang lapit na talaga ng mukha nila, dahil ramdam niya na magkadikit na ang noo nila sa isat isa, at hanggang sa parehas silang nagulat dahil sabay na nagring ang mga phone nila. Nataranta silang dalawa ng matauhan sila, iisa ang tumatakbo sa kanilang isipin ang naudlot na halikan.
.
Abby : K-kate!(sa telepono)
Vince : Macky!!(sa telepono)
.
Parang blanko ang kanilang mga isipan, dahil parehas silang nabigla sa nangyari, tuloy di magkaintindihan ang bawat isa sa mga kausap nila sa kani-kanilang telepono, at Hanggang sa-
.
Abby : Vince gusto ko nang umuwi.
Vince ; S-sige..
.
Gusto pa sanang makasama ni Vince si Abby, pero minabuti na lang niya na ihatid na ito, walang imikan ang dalawa sa byahe, nagkunwari si Abby na nakatulog, dahil, ayaw niya munang mag usap sila ni Vince nahihiya siya, ngunit nagtatanong ang isip ni Abby bakit siya sususbukang halikan ng kaibigan, gayong wala naman silang dapat pagpakitaan na sila ay Mag-boyfriend at Mag- girlfriend dahil sila lang namang dalawa sa kotse, At samantala naman si Vince, hindi niya rin maintindihan ang sarili, ano daw ba ang nangyayari sa kanya, na engkanto na daw ba siya! Bakit ganun na lang daw niya kagusto na halikan si Abby, bakit nong kausap niya si Macky ay hindi man lang siya nakaramdam ng excite ng marinig ang boses ni Macky, bagkus nakaramdam siya ng panghihinayang dahil di natuloy ang paghalik niya sa kaibigan dahil sa pagring ng phone niya.
.
Vince : Vince, ano bang nangyayari sayo??(sabi niya sa isip niya)
.
Samantalang si Abby, hindi parin maalis sa isipan niya ang muntikan nilang halikan ni Vince, at nakaramdam din siya ng panghihinayang, at hindi natuloy ang hakikang iyon..ngunit iwinaksi ni Abby ang isipan..
.
Abby : Abby, abby, abby, imahinasyon mo lang yun, hindi ka hahalikan ni Vince, asyumera ka kasi, kaya itigil mo na yong pag eemote mo diyan, dahil ilusyon mo lang yun.(sabi sa sarili).
.
Hanggang sa makarating na sila sa tapat ng bahay ni Alvin ay wala silang imikan, at hanggang sa pinatay ni Vince ang makina ng kotse.
.
Abby : Salamat sa paghatid Vince.
Vince : Wala yun, Ah siya nga pal—
Abby : huwag kang mag alala Vince, pupunta ako sa Birthday ng papa mo, usap na lang tayo sa phone kung paano yong magiging set up natin.
.
Hindi alam ni Vince kung ano pa ang sasabihin niya, gusto niya sanang alukin siya ni Abby na pumasok muna, pero nahiya na siyang magsalita pa, at hindi gusto ni Vince na nagkakailangan sila ni Abby, marahil ay sino nga ba ang hindi maiilang sa mga nangyari sa pagitan nila na muntik na naman silang magkahalikan.
.
Abby : sige baba na ako, ingat ka sa pagmamaneho.
Vince : S-sige, Salamat.
.
At Hanggang sa bumaba na si Abby sa sasakyan, hindi na hinintay ni Abby na makaa alis si Vince, pumasok na agad siya ng gate.
.
Bernie(guard) : Magandang gabi Abby.
Abby : magandang gabi po,
Bernie : Nandiyan si Brando ah, mukhang may sadya sayo.(malakas na sabi)
.
Abot sa pandinig ni Vince ang sinabi ni Bernie, dahil naroon pa siya hindi pa niya pinapaandar ang kotse, at makabukas pa ang bintana, kaya dinig na dinig niya ang sinabi ng guwardiya..
.
Abby : Ano po, si sir Brando?
Bernie : oo, aba eh, may dala dala nga itong bulaklak, para sayo daw.
.
Sa pagkadinig ni Vince sa sinabi ng guwardiya ay nakaramdam ng takot si Vince, kinabahan siya sa isiping may manliligaw kay Abby, napalunok na lang siya dahil parang may kumurot sa puso niya. At Hanggang sa napagpasyahan na niyang umalis, at paglipas ng oras ay naroon na si Vince sa bahay nila, pagbukas niya ng pinto ay naroon ang mama niya na nakatayo..
.
Joanne : Vince mag usap tayo!!
.
Mukhang mainit ang ulo ng ina..
.
Joanne : hindi ko gusto yong ginawa mo kay Natalie, pinahiya mo si Natalie!
Vince : ma, hindi ko intensiyon na mapahiya si Natalie.
Joanne : Vince ano pa ba yong hinahanap mo sa babae, almost perfect na si Natalie para sayo..maganda, sopistikada, at may pinag aralan, at higit sa lahat mayaman-
Vince : wala na pong pupuntahan pa yong usapan natin.magpapahinga na po ako.(sabay talikod)
Joanne : Vince hindi pa ako tapos makipag usap sayo, bumalik ka dito!!(malakas na sabi)
.
Ngunit di na siya pinansin pa ni Vince.
.
Joanne : Vince, bumalik ka dito!!!(sigaw niya)
Rodolfo : Jo, ano ba yang kaguluhan na yan? Ang lakas ng boses mo, hanggang sa labas dinig na dinig ang boses mo.
Joanne : hay Rudy yong anak mo, ang hilig mag walk out!!
Rodolfo : ano na nman ba kasi yong pinagtatalunan ninyo?
Joanne : pinagsasabihan ko lang na sana huwag naman niyang balewalain si Natalie, hindi yong kung sinong babae lang ang—-
Rodolfo : Pwede ba Jo, maging masaya ka na lang para sa anak mo! Suportahan mo na lang siya!
Joanne : aba nag iba na yata ang ihip ng hangin, kelan lang nagalit ka sa anak mo dahil sa binalewala niya si Natalie pero bakit ngayon.
Rodolfo : masaya na ako para sa anak ko, dahil alam kong–
Joanne : alam mong hindi naman talaga bakla ang anak mo, napatunayan mo na hindi siya bakla.
Rodolfo : oo inaamin ko, masaya akong malaman na totoong lalake si Vince na hindi katulad ng Anak mong si Andrei.
Joanne : rudy!! Haggang kelan mo titiisin yong anak mong si Andrei?
Rodolfo : kung babaguhin niya ang sarili niya ang pagkatao niya!!
.
Dinig ni Vince ang pag uusap ng mga magulang, sa kabila ng pagiging maayos na pakikitungo ng papa niya sa kanya, ay masama pa din ang loob niya sa papa niya, dahil sa di pagtanggap kung ano silang magkapatid, at Hanggang sa paglipas ng mga araw, linggo ay sumapit na ang kaarawan ng ama ni Vince.
.
Kate : Abby sure ka ba talaga sa gagawin mong pagsama kay Vince.
Abby : oo kate, nakapangako na ako kay Vince na pupunta ako, at ganun din sa papa niya.
Kate : nandun na ako sa nakapangako ka, ang kaso pupunta at haharap ka dun bilang Girlfriend ni Vince.
.
Buntong hininga ang narinig ni Kate sa kaibigan.
.
Kate : woah, ang lalim nun ah! Bakit ba naman kasi ano ang napasok sa isip ninyo at nagpanggap kayo na mag boyfriend at mag girlfriend.
Abby : hindi ko alam kate, kung bakit nagpapatianod ako sa agos, aaminin ko masaya ako na malungkot..
Kate : Alam mo abby, lalo ka lang mahihirapan sa ginagawa mo, lalong mahuhulog ang loob mo kay Vince, kapag patuloy ka sa pagpapanggap ninyo, hindi lang ibang tao ang niloloko mo, pati sarili mo, puso mo niloloko mo.dapat talaga kausapin ko na si Vince-
Abby : Please Kate, huwag!
Kate : hindi ko naman sasabihin yong nararamdaman mo para sa kanya, gusto kong sabihin sa kanya na sabihin ninyo ang totoo sa papa ni Vince na hindi naman talaga kayo.
Abby : Pero kate, alam mo naman kung ano yong pinagdadaanan niya sa pamilya niya, lalo na sa papa niya.
Kate : pero ikaw yong mahihirapan niyan.
Abby : hindi kate, masaya akong natutulungan si Vince.
Kate : kasi nga mahal mo siya.syempre kapag mahal mo ang isang tao, kaya mong tiisin lahat ng sakit ng kalooban,
.
At Hanggang sa paglipas ng mga oras, naroon na si Vince sa bahay ni Alvin para sunduin si Abby.
.
Vince : Hi kate!(masayang bati niya)
Kate : Vince, maaga ka yata, hindi pa nakagayak si Abby,
Vince : okay lang, maaga kasing natapos yong trabaho ko kaya, tumuloy na ako dito.
Kate : ah okay, gusto mo mag juice ka muna, o kaya kape, ano ang gusto mo?
Vince : tubig na lang kate, salamat.
.
Habang abala sa pag aayos si Abby sa sarili ay nagkaroon ng pagkakataon si Kate na kausapin si Vince.
.
Kate : Vince, alam mo ba gusto kong matawa na mainis sa inyo ni abby, sa pagpapanggap ninyo, Vince ito lang ang masasabi ko sayo ha, hihilingin ko lang sana na huwag kayong magkaproblema diyan sa mga ginagawa ninyo, at ayoko yong masasaktan si Abby.
Vince : hindi ko naman hahayaan yun kate, mahalaga din sa akin si abby dahil kaibigan ko din siya, kaya huwag kang mag alala kate, ngayon lang naman to, itatama ko din ang lahat ng pagkakamali kong ito.
Kate : Vince, ayokong isipin mo na nagagalit ako sayo, kaibigan din kita, ang inaalala ko lang ay yong pamilya mo, lalo na si Tita Jo, baka mamaya pagsalitaan niya ng hindi maganda si Abby, na ikakasakit ng kaloiban ni Abby.
Vince : Kate hindi ko hahayaang masaktan ang kalooban ni Abby.
.
At makalipas ang mga sandali ay lumabas na si Abby mula sa kanyang Kwarto, at hanggang sa naroon na din si Abby sa Sala na kung saan ay naguusap si Vince at Kate.
.
Abby : Sorry medyo natagalan ako!
.
Natigilan si Vince ng makita si Abby, si Abby na ngayon ay sobrang ganda sa kanyang suot na Pink off shoulder cocktail dress, parang huminto ang mundo ni Vince habang papalapit si Abby sa kanya, at ang dibdib ni Vince ay tumatahip tahip na parang may kaba na may saya ng makita si Abby, hindi maitatago sa mga mata ni Vince ang labis na paghanga niya kay Abby, at hindi niya maintindihan ang kanyang sayang nararamdaman sa mga sandaling iyon, ano daw ba ang nangyayari sa pagkatao niya! Mukhang humahanga na siya sa kaibigan.
.
Vince : Ang ganda!!(mahinang sambit)
.
Ngunit umabot sa pandinig ni kate at ni Abby ang kanyang sinabi, dahil sa hindi namalayan ni Vince na nakalapit na sa kanya si Abby, at nooy nakatitig padin siya sa magandang mukha ni Abby.
.
Kate : Hoy, Vince ayos ka lang ba!(sabay hampas sa braso) patulo na yong laway mo!!
.
nagulat si Vince sa hampas ni Kate.
.
Vince : Ay Ang ganda mo besh!!(malanding sabi)
Abby : dapat lang na maging maganda ako noh, gusto kong kabugin lahat ng bisita ng papa mo, at saka gusto ko kasi mas maganda ako sayo., At gusto ko din na ang girlfriend ng anak nila, ay magandang maganda!
Vince : oo maganda ka sobra!
Abby : o paano tara na ba!
Vince : ah o-oo, oo tara na!
.
Parang natataranta si Vince, parang hindi niya alam ang gagawin, at pansin iyon ni Kate.
.
Kate : Vince, relax ka lang, si Abby lang yan oh.
Vince : Kinakabahan lang kasi ako para mamaya.
Abby : ako din, kinakabahan ako, grabe iba yong kaba ko.
Kate : hay naku, pinasok ninyo yan, kaya gingan ninyo!
Abby : hay kate namam, lalo akong kinabahan!
Kate : sorry na, ang gawin ninyo aralin nio yong mga kilis ng totoong mag Girlfriend, dapat may tawagan din kayo.
Abby&Vince : Tawagan!!
Kate : oo, pwedeng, Honey, darling, Sweetheart, o kaya naman Baby, o babe!!
Abby : ayoko ng babe!!!(agad niyang sambit)
.
Ayaw ni Abby ang babe, dahil tawagan ni Vince at Macky ang babe.
.
Kate : Eh ano naman, may naiisip ka pa ba?(tanong kay Abby)
Abby : Love, L-love, oo love na lang..
Vince : magandang idea yan Love, este Abby.
Kate : o siya sige na, lumakad na kayo at baka mamaya kanina pa kayo hinihintay dun.
.
Humugot muna ng malalim na hininga si Abby..
.
Abby : relax abby, kaya mo yan.(sabi sa isip)
.
At hanggang sa
.
Abby : Let’s go love.
.
Nilalakasan lang ni Abby ang loob, pero ang totoo nanginginig ang tuhod niya, at hanggang sa ikinawit ni Abby ang kamay sa braso ni Vince, bumilis naman ang tibok ng puso ni Vince ng maramdam niya na nakahawak sa braso niya si Abby.
.
Abby : Tuloy na kami kate, at sana ipagdasal mo ako.
Kate : sira!!(natatawang sabi)
.
At hanggang sa sakay na sila ng...


kotse ni Vince.
.
Abby : Hoy Bruha ka, huwag mo akong hihiwalayan dun ah, dapat kung nasaan ka nadoon din ako.
Vince : o-oo, hindi kita hihiwalayan, kahit kailan.
Abby : ang ibig kong sabihin dun sa party, huwag mo akong iiwan iwan dun.
Vince : huwag kang mag alala, ako ang bahala.
Abby : Jusmio, ikaw ang bahal pero ako naman ang kawawa!
Vince : Abby, thank you ha.
Abby : huwag ka na munang mag pasalamat sakin, mamaya mo na sambitin ang salitang Salamat, kaoag natapos na ang party.
Vince : basta, gusto ko lang magpasalamat ngayon, dahil pumayag ka, gusto kong malaman mo na masaya ako na makasama ka ulit.
Abby ; Ako masaya, na kinakabahan. Pero Vince, sa totoo natatakot ako sa mommy mo..
Vince : huwag kang matakot, hindi ka naman niya makakain eh,
Abby : hay, oo nga naman, basta ha, huwag mo akong iwanan dun.
Vince : oo, pangako, kung gusto itatali kita sa bewang ko para forever na tayong magkasama.
.
Kinilig nama ang puso ni Abby sa sinabi ni Vince, ngunit sinaway ni Abby ang sarili. Ngunit ang kilig niya ay iginuhit ng kanyang labi, at nooy kitang kita ni Vince ang simpleng ngiti ni Abby, hindi maintindihan ni Vince ang sayang nararamdaman niya ngayong kasama niya si Abby. Parang kay gaan gaan ng kalooban niya. At hanggang sa paglipas ng oras ay naroon na sila sa Mansion ng pamilya Sebastian, pagpasok pa lang nila ng gate ay parang may mga naghahabulang mga daga sa dibdib ni Abby, hanggang ilang oras daw kaya niyang mararamdaman ang ganong klase ng pakiramdam..
.
Abby : Hoy abby kumalma ka, hindi ka naman totoong girlfriend ni Vince, nagpapanggap lang kayo!!!(sabi sa sarili)
Abby : oo tama, ano naman kung hindi ka magustuhan ng mama ni Vince, eh hindi ka naman totoong girlfriend ni Vince.(sabi niya ulit sa sarili)
Abby : oo, hindi ka totoong girlfriend ni Vince!(sabi ulit)
Abby : hindi ka girlfriend ni Vince!!(paulit ulit niyang sBi sa isip)
Abby : oo na, hindi na kung hindi na!!!!!(sigaw ng isip niya)
Vince : Uy Abby okay ka lang ba?
Abby : H-ha, o-oo o-okay lang!
.
Ang sigaw ng isip ni Abby ay naibulalas pala niya, at hanggang sa nagulat si Abby ng hawakan ni Vince ang kamay niya, mas bumilis ang tibok ng puso ni Abby.
.
Vince : relax ka lang lagi akong nasa tabi mo.
Abby : Vince dapat lang!
.
At hanggang sa bumaba si Vince at mabilis itong umikot sa gawi ni Abby at ipinagbukas niya ng pinto ang dalaga, inalalayan niya sa pagtayo si Abby, at ng tuluyan ng makababa si Abby ay isinara ni Vince ang pinto ng kotse..
.
Vince : Lets go!!
Abby : sandali!!
Vince : bakit?
Abby : Ang daming tao.
Vince : ganyan talagang mag birthday si papa, imbitado lahat ng kakilala.
.
Hindi talaga maalis sa dibdib ni Abby ang kaba.
.
Abby : grabe, kinakabahan talaga ako!
Vince : ako din eh, grabe din ang kaba ko ngayon.
Abby : ako yong pakiramdam na para akong bibitayin sa kaba!
Vince : basta huwag na tayong kabahan, ang gawin natin ay yong sinabi ni Kate.
Abby : ano yong sinabi ni Kate?
Vince : pag aralan natin yong kilos ng totoong mag girlfriend at boyfriend.
Abby : HAaa!!!(gulat na sabi)
Vince : huwag kang magpakita ng kaba, dahil baka mahawa ako sayo ng kaba, relax lang.
Abby : sige, susubukan kong maging kalmado, pero pangako mo, huwag kang aalis sa tabi ko.
Vince : oo Love hindi ako aalis sa tabi mo.
.
Natigilan si Abby ng tawagin siyang Love ni Vince, mas lalong nagwala ang puso niya sa kilig, pakiramdam niya ay nasa Edsa Revolution siya ng mga sandaling iyon.
.
Abby : Abby, kumalma ka!!(sabi niya sa isip)
.
At hanggang sa hinawakan ni vince ang kamay niya na nanlalamig.
.
Vince : ang lamig naman ng kamay mo..
Abby : sa kinakabahan nga ako eh, bkit ba.
.
At hanggang sa nagulat sila ng may nagsalita sa gawing likuran nila.
.
Rodolfo : Vince, My son, Abby!!(nakangiti ito sa kanila)
Abby : m-magandang gabi po sir.
Rodolfo : Tito na lang Hija, o kaya mas maganda kung papa, diba anak.
Vince : a-ahmm o-opo papa!
Rodolfo : masaya ako Hija dahil pinaunlakan mo ang aking imbitasyon, dahil ang selebrasyong ito ay hindi lang naman para sa akin, para sa inyo na din!
Vince&Abby : Po!!!(sabayan nilang sabi)
.
Hindi maintindihan nila Vince at abby ang ibig sabihin ni Rodolfo.
.
Rodolfo : sige na mga anak, maunan na kayo sa loob, may kailangan lang akong tawagan.
.
Kay sarap sa pakiramdam ni Vince na tawagin silang mga anak ni Abby, at ganun din si Abby, nawala ang kaba niya ng tawagin siya ng anak ng papa ni Vince, nakaramdam ng tuwa ang puso ni Abby, mabait naman daw pala ang papa ni Vince, magkahawak kamay silang pumasok sa malaki at malawak na bahay nila Vince, at hanggang sa napakapit ng mahigpit si Abby kay Vince dahil parang wala siyang lakas, dahil ang lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanila ni Vince, lalo na sa kanya, at hanggang sa mahagip ng mga mata niya ang mama ni Vince na nooy mukhang hindi maganda ang awra ng mukha ng makita siya, at katabi ng mama ni Vince ang pamilyar sa kanyang mukha, si Natalie, na sobrang sexy sa suot nitong damit na sobrang ikli na halos makita na ang singit, at masama din ang tingin sa kanya, at hanggang sa nakalapit nasila sa mama ni Vince, bumeso si Vince sa ina nito..
.
Vince : Ma, si Abby.
Joanne : oo kilala ko na siya.
Vince : Girlfriend ko!
Abby : hello po ma’am.
.
Bumeso si Abby kay Joanne, at bumeso din si Joanne sa kanya. Pinakitaan naman siya ng maayos ni Joanne pero ramdam pa din ni Abby ang pagkadisgusto nito sa kanya, dahil si Natalie ang laging iniistima nito, at ang ibang mga bisita, gaya ng napag usapan nila ni Vince na hindi sila maghihiwalay, ganun na nga ang ginawa nila, humanga si Abby sa sobrang ganda ng bahay nila Vince, sa luwang daw ay pwedeng magsanay na magbisikleta sa loob, sobrang luwang, ang gaganda ng mga palamuti, at napapanganga na lang siya sa ganda ng chandelier na nakasabit sa pinaka gitna ng bahay, kumikinang ang mg ilaw na animoy tila mga kristal na kay ganda..
.
Vince : Love kukuha lang ako ng iinumin natin ha.
Abby : Vince pwede ba kapag tayong dalawa lang, huwag mo na akong tawaging love, nakakailang!(bulong niya)
.
At hanggang sa nagulat si Abby dahil idinikit ni Vince ang mukha nito sa may Tenga niya at may ibinulong ito, ginapangan si Abby ng kuryente sa katawan dahil dama niya sa may leeg niya ang hininga ni Vince…
.
Vince : mas mainam na yun para masanay tayo sa tawagang love.
.
Nagtutumili si Abby sa kanyang isipan, parang nanigas ang katawan niya dahil sa naidampi pa si Vince ang mukha nito sa mukha niya na tila hinahalikan siya ng kaibigan, at ang tagpong iyon ay kitang kita ni Natalie, at nag aapoy ang mga mata nito sa inis at galit kay Abby. Sa inis ni Natalie ay ibinagsak niya ang basong may alak na kanyang hawak, at dahil doon ay natigilan ang mga tao at nakatuon ang mga paningin kung saan lumikha ng ingay.
.
Mina : Natalie!!(saway niya sa anak)
.
Nakita kasi ni Mina na sinadyang ibinagsak ni Natalie ang hawak na baso.
.
Natalie : im sorry, nabitawan ko yong baso.
.
At ang tagpo din kila Abby at Vince ay kita din ni Joanne, nilapitan ni Joanne ang dalawa.
.
Joanne : Hoy Vince, kayong dalawa, pumasok kayo sa kwarto kung maglalampungan lang kayo, nakakahiya dito pa kayo sa maraming tao!!
.
Mahina ang pagkakasabi ni Joanne, ngunit may diin ito sa mga salita na halatang galit.
.
Vince : Love, halika sa room ko, doon walang mang-iistorbo satin..
.
Hiyang hiya si Abby sa mga sandaling iyon, hindi siya nakapangatwiran sa mama ni Vince dahil hila hila na siya ni Vince papunta sa taas sa kwarto nito, at samantalang si Joanne sa mga sandaling iyon ay kumukulo na din ang dugo. Lalo na kay Abby, ayaw niya kay Abby..
.
Joanne : nakaka-inis sinira ng babaeng yun ang gabi ko!!(inis niyang sabi)
Rodolfo : at sino naman ang nanira ng gabi mo aking kabiyak?
Joanne : sino pa e di yong babae ng anak mo!
Rodolfo : mabait na bata si Abby, kaya dapat maging mabait ka sa kanya, nakikiusap ako sayo Joanne pakiharapan mo siya ng maayos.
Joanne : hindi ko maipapangako rudy!
.
At samantala naman ay naroon na sila Vince at Abby sa loob ng kwarto, dapat sana makakahinga na ng maluwag si Abby dahil wala ng mga mata ang nakatingin sa kanila ni Vince, pero mas nagsikip ang dibdib niya sa isiping naroon siya sa loob ng kwarto ni Vince, malaki at maluwang din ang kwarto ng kaibigan, mas malaki pa daw ang kwarto ni Vince kesa sa buong bahay nila at kahit isama pa daw niya ang buong bahay ng kuya wally niya.
.
Vince : okay ka lang ba love?
Abby : hoy Vince tigilan mo ako sa kakalove love mo ha.
Vince : bakit anong sama, girfriend kita.
Abby : hoy, kapag nasa harap lang tayo ng mga magulang mo.
.
Hindi na alam ni Abby kung paano niya kokontrolin ang kanyang puso, nagwawala ito sa kilig!
.
Vince : Yun na nga eh, baka mamaya sa harap nila matawag kita besh, beshie!!(malanding sabi)
Abby : bruha ka!!
.
Naupo si Abby sa Couch na ubod ng lapad, mukhang bed na ito sa lapad, pinasadahan niya ng tingin ang buong kwarto, at sobrang ganda ng kwarto ni Vince pang Masculine ang theme ng Interior design, di mababakas na Bakla ang nagkukwarto dun, at mayroon din malaking litrato ni Vince sa tapat ng Kama ng kaibigan, kinilig na naman ang puso niya dahil sa larawan ay ang gwapong mukha at kita rin ang makisig na katawan ng kaibigan.
.
Vince : Ang gwapo ko no.
Abby : Ha?
Vince : titig na titig ka sa picture ko eh.
Abby : oo gwapo mo nga diyan besh!
.
Lumapit si Vince kay Abby at tinabihan niya si Abby ng upo, nagiging abnormal na naman ang puso ni Abby natataranta siya dahil sa sobrang lapit ni vince sa kanya, kinagalitan ni abby ang sarili, inutusan niya ang sarili na kumilos ng normal, dati kaya naman kaya niyang kumilos ng normal pero ngayon parang hindi niya kaya, nanginginig siya, pakiramdam niya kasi parang hindi bakla ang kasama niya, para na talagang lalake si Vince sa pakiramdam niya,
.
Abby : Vince, bakit ba hindi man lang tayo nagpaliwanag sa mama mo na hindi naman tayo naglalampungan.
Vince : hayaan mo na si mama, mas mainam nga na isipin niya na naglalampungan Tayo.
Abby : Jusmio vince, di ko kinakaya yong salitang lampungan.
Vince : ako din nga, pero aminin mo, kinikilig ka.
Abby : Hoy, baklang to!!!(sabay hampas)
.
Masayang si Vince kapag nakikita niya ang mga reaksiyon ni Abby, dahil doon ay kinikilig din ang puso ni Vince, masaya talaga ang puso ni Vince na kasama si Abby, may saya sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag, parang nakalimutan na niya na bakla siya.
.
Sa pag uusap nila abby at Vince ay may narinig silang mga katok,
.
Vince : Sino yan??(malakas na sabi)
.
At napag alaman niya na ang kasambahay nila..agad na nagtungo si Vince sa pinto at ibinukas ito.
.
Kasambahay : sir pinapatawag na po kayo ng papa po ninyo.
Vince : okay po, baba na po kami.
.
Rinig ni Abby ang sinabi ng kasamabahay nila Vince, dahil dun ay parang nagsisimula na naman ang kaba ni Abby, sabi pa niya sa sarili niya, eh baka sa laging kaba ang nararamdaman niya ay magkasakit siya sa puso. Hanggang sa naroon na sila sa baba, at naroon sa pinakagitna ang papa niya at may hawak itong mikropono, at nagtatalumpati ito.
.
Rodolfo : Nagpapasalamat ako sa inyong lahat na dumalo sa pinaka espesyal na araw na ito, at gusto kong malaman ninyo na itong araw na ito ang pinaka naging masaya ako, dahil ang minamahal kong anak ay hindi ako binigo, talagang nararapat na ipagmalaki ko sa buong mundo ang aking anak na si Vincent, ay nagpapasalamat din ako kay abby na Girlfriend ng aking anak na pinaunlakan niya ang aking inbitasyon, dahil hindi lang para akin ang selebrasyong ito, dahil ang selebrasyon ding ito ay para sa aking anak na si Vince at sa kanyang kasintahan na si Abby, dahil engagement party din nila ito, gusto ko na makasal na sila sa lalong madaling panahon!!
.
Itutuloy…
Pasensiya na po naging busy po ako sa maghapon..
Salamat po sa mga sumusubaybay..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top