Ang Malambot kong Pag-ibig Chapter 11


Abby&Vince : engagement party!!!(sabayan nilang sabi)
.
Ang lahat ay nagulat sa sinabi ni Rodolfo, lalong lalo na si Abby, si Abby na ngayoy parang nanigas sa kanyang kinatatayuan, at ganun din si Vince. At si Joanne naman ay labis na nabigla din sa sinabi ng asawa. At samatala naman si Natalie ay nag aapoy sa galit, naroon siya sa party na iyon para isakatuparan ang plano na pang aakit, at pagpikot kay Vince, ngunit di na pala niya magagawa dahil dinala nito ang babaeng pinaka mumuhian niya si abby, at ngayon ay nagpupuyos ang kalooban dahil sa ikakasal na daw ito at hindi sa kanya.
.
Vince : papa, masyado naman po yatang maaga na ipakasal ninyo kami agad!
Rodolfo : alam ko nagulat kayong lahat, lalo na kayo Vince Abby, alam naman natin na darating din kayo sa bagay na yun, kaya bakit pa natin papatagalin..kaya mag enjoy pang tayong lahat, uminom tayo at ipagdiwang natin ang pagmamahalan ng aking anak at ni Abby, yun lamang at maraming salamat sa inyong lahat. Mag enjoy kayong lahat!
.
Nilapitan ni Joanne ang asawa.
.
Joanne : Rudy anong kalokohan to,?(bulong niya)
Rodolfo : hindi ito kalokohan Joanne, nagmamahalan namam yong mga bata.
Joanne : bago bago pa lang nilang mag girlfriend at boyfriend, gusto mo na silang ipakasal, kilalanin mo muna yong babae na yun, baka mamaya pera lang natin ang habol nun.
Rodolfo : pwede ba joanne tigilan mo yang masamang isip mo, sa nakikita ko mabait na bata si Abby.
Joanne : paano kang nakaka siguro?
.
Ngunit iniwanan na ni Rodolfo ang asawa, di na niya pinansin pa ang protesta ni Joanne. Samantala naman si Vince ay hinabol niya ang papa nya.
.
Abby : Vince, huwag mo akong iwan dito.
Vince : sandali lang ako diyan ka lang babalikan kita.
.
At dahil doon ay nagkaroon ng pagkakataon si Joanne na kausapin si Abby.
.
Joanne : siguro masaya ka ano dahil mapapasama ka na sa Pamilya namim.
.
Nakaramdam ng takot si Abby dahil ayun at na-corner siya ng mama ni Vince, pero nakaramdam din siya ng inis dahil minamaliit siya ng mama ni Vince.
.
Joanne : Sabihin mo magkano para hiwalayan mo ang anak ko, alam ko naman na pera lang naman ang habol mo sa anak ko eh, kaya sige huwag kang mahiyang magsabi, yong sasabihin mong halaga pwede kong doblehin o kaya triplehin, ano sabihin mo.
.
Humugot muna ng malalim na hininga si Abby bago nagsalita.
.
Abby : ma’am mawalang galang na po, inaamin ko po na akoy isang mahirap lang, pero hindi ko po kailangan ng pera ninyo, mahal ko po ang anak ninyo, kaya hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na ilang halaga pa..(matapang niyang sabi)
Joanne : Ah alam ko na, kasi nga naman ay kapag napangasawa mo na ang anak ko ay mas malaking halaga ang makukuha mo, pati mga ari-arian ng anak ko ay magkakaroon ka na rin ng karapatan, dahil maliwanag sakin na isa kang oportunista!!
Abby : Sabihin na po ninyo ang gusto ninyong sabihin sakin, basta po mahal ko ang anak ninyo.
Joanne : Umalis ka sa harapan ko dahil nanggigigil ako sayo, Alis!!(taboy niya)
.
Umalis na agad si Abby, hindi na talaga niya napigilan na sagut-sagutin ang mama ni Vince, isa sa mga paninindigan ni Abby sa sarili ay hindi siya papa api sa kung sino, alam niyang nagpapanggap lang sila ni Vince, pero naiinis siya sa ugali ng mama ni Vince, at hindi siya papatalo dito. Hinanap ni Abby si Vince, at hanggang sa nagkubli siya sa isang gilid dahil si Vince at ang papa nito ay naguusap ng masinsinan..
.
Rodolfo : Anak, lahat ng mga ginagawa ko ay para sa kabutihan mo, dahil mahal kita, alam kong hindi ko naipaparamdam sayo pero sa pagkakataong ito lagi mo nang mararamdaman ang pagmamahal ko anak, patawarin mo si papa anak kung madalas na lagi tayong nagtatalo anak.
.
Rinig na rinig ni Abby ang pinaguusapan ng mag ama, at nakita niya sa mukha ni Vince ang saya, noon lang niya nakita ang kaibigan na ganoon kasaya.
.
Rodolfo : kaya anak, oras na nagpakasal na kayo ni Abby, pababalikin ko na si Kuya Andrei mo dito, diba yun ang gusto mo.
Vince : papa!
Rodolfo : pangako anak magkakasama sama na tayo ulit na pamilya, pakasalan mo lang si Abby.
.
Nakikita ni Abby na natutuliro ang isip ni Vince, alam ni Abby na yun na ang matagal na pangarap ni Vince ang mabuo ang pamilya nito, ang makasama ang kuya andrei nito, ang tanggapin muli ng papa niya ang kuya andrei niya at ang pagpapakasal nila ang sulusyon.
.
Vince : pero pa si abby ay hindi—
Abby : Love nandiyan ka pala, ah hello po sir(baling niya sa papa ni Vince)
Rodolfo : Abby hija, hindi magtatagal ay magiging papa mo na ako, kaya masanay ka nang tawagin akong papa.
Abby : opo papa.
Rodolfo : oh paano maiwan ko na kayo ha, mag enjoy ka hija, Vince asikasuhin mong mabuti ang iyong future wife.
.
Iniwan na sila ng papa ni Vince..
.
Vince : abby?
.
Nagtatanong ang mga mata ni Vince kung bakit hindi manlang daw nagprotesta si Abby sa mga gustong mangyari ng papa niya.
.
Abby : Eto na yong pagkakataon mo Vince.
.
Hinawakan ni Vince ang kamay ni Abby, at hinila na niya ito kung saan ay walang makakarinig sa kanilang paguusapan, nasa garden sina Abby at Vince, nooy ay walang katao tao sa may garden, naroon sila sa medyo madilim na bahagi, upang walang makarinig sa kanila..
.
Vince : Abby gusto kong malaman bakit hindi ka nagprotesta sa gustong mangyari ni papa.
.
Ngunit hindi sinagot ni Abby ang tanong ni Vince.
.
Abby : ikaw gusto mo ba na mabuo yong pamilya ninyo, gusto mo ba na bumalik na yong kuya Andrei mo, at gusto mo ba na makuha ang kompanya ninyo.
Vince : oo gusto ko! Pero mabigat ang kondisyon na hinihingi ni papa, ang magpakasal tayo, abby—
.
Ngunit pinigilan ni Abby na magsalita pa si Vince, alam ni Abby na inaalala siya ni Vince..
.
Abby : Handa akong tulungan ka Vince!!
.
Natigilan si Vince sa sinabi ni Abby.
.
Vince : Abby!
Abby : Handa akong magpakasal sayo kung ito ba ay makakapagpabago sa buhay mo, ang tutupad sa matagal mo nang inaasam asam na makasama ang kuya Andrei mo.
Vince : Abby, sobrang mahirap ito sa part mo, sa gagawin natin maaaring maapektuhan ang buhay mo.
Abby : kaya kong harapin anon mang consequence, matulungan lang kita Vince.
Vince : abby!!
.
Sa tuwa ni Vince ay niyakap niya si Abby ng sobrang higpit, dahil dun ay nagrebulusyon na naman ang tibok ng puso ni Abby, at hanggang sa mas ikingulat ni Abby, dahil pinagdadampian siya ng halik ni Vince sa Noo, sa pisngi ng paulit ulit, nanigas ang katawan ni Abby sa mga paghalik ni Vince sa kanya, at samantala naman si Vince ay natigilan sa kanyang ginagawa, sobra naman daw yata siyang natuwa sa pagpayag ni Abby na pakasalan siya at pinaghahalikan niya ito. walang kasing saya naman ang puso ni Abby ng maramdaman niya ang mga yakap at mga halik ng kanyang kaibigan na lihim niyang iniibig.
.
Vince : Salamat Abby, salamat!
Abby : Huwag ka munang magpasalamat, saka ka na lang magpasalamat kapag ayos na ang lahat.
At dahil dun ay muling naramdaman ni Abby ang yakap ni Vince. Mas mahigpit na yakap, at sa mga tagpo nilang iyon ay kitang kita ni Natalie, at labis na napopoot ang kalooban ni Natalie, dahil wala na daw siyang pag asa kay Vince, ngunit di daw siya susuko hanggat hindi pa kinakasal si Vince kay Abby, gagawin daw niya ang lahat magkasira lang daw ang dalawa, at samantala naman si Vince ay Abby ay nagkahiyaan ng mga sandaling iyon.
.
Vince : sorry nadala lang ako ng emosyon ko, masayang masaya...


lang talaga ako.
Abby : okay lang.
.
Nanatili na lang sina Abby at Vince doon, ayaw na nilang magpakita sa mga tao, ayaw na nilang mausisa pa sila ng mga tao.
.
Vince : Abby, sure ka gagawin nating pagpapakasal? Inaalala ko kasi yong pamilya mo, syempre kailangan nilang malaman ito, paano natin sasabihin na tayo ay nagkakaigihan na, samantalang sinabi natin kay tatat Ernesto na magkaibigan lang tayo.
Abby : siguro pwede nating sabihin na biglaan na lang na naramdaman na umiibig na tayo sa isat isa.
.
Hindi malaman ni Abby kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob na sinasabi niya ang katagang umiibig sila sa isat isa, nahiling pa nga ni Abby na sana nga daw.
.
Abby : tapos, kapag kasal na tayo, at tinupad na ng papa mo ang mga pangako niya sayo na kapalit ng pagpapakasal natin, siguro ang gagawin ko ay gagawa ako ng mga bagay na di katanggap tanggap, para nang sa ganun, ay magalit sakin ang papa mo, at kamuhian ako, at dahil dun mayroon na tayong dahilan upang maghiway, at hanggang sa may dahilan na din tayo upang mapawalang bisa ang kasal natin.
.
Ngunit habang isinasatinig ni Abby ang salitang hiwalay ay kay sakit sa kanyang damdamin.
.
Abby : yun, kapag napawalang bisa na yong kasal natin, ay magiging malaya ka na ulit, pwede mo na sigurong ipagtapat ang totoo mong pagkatao, at magiging malaya na kayo ni Macky,
.
May namumuong luha sa mga mata ni Abby, dahil parang hindi niya kayang isipin ang mga ganong bagay. at lumipas ang oras ay sakay na sila sa kotse ni Vince, maayos naman nakapag paalam si Abby sa papa ni Vince, ngunit sa mama ni Vince ay hindi siya pinansin halatang galit ito, at hindi ito pabor sa kanilang pagpapakasal..
.
Abby : Vince, halatang di pabor yong mama mo sakin ano, ang ibig kong sabihin sa pagpapakasal natin.
Vince : pasensiya ka na ha, kung hindi naging maganda ang pakikitungo ni mama sayo.
Abby : oo at lagi akong takot sa tuwing makakaharap ko siya.
Vince : sorry!
Abby : Hindi mo na kailangang mag sorry, ayos lang, at saka, dapat hindi ako papa apekto sa mama mo, ikaw na lang ang iisipin ko.
Vince : tama yan love, basta ako na lang ang iisipin mo.
.
Lumukso ang puso niya ng tawagin siyang love ni Vince..
.
Abby : Vince, diba sabi ko sayo huwag mo akong tatawaging love kapag tayong dalawa lang.
Vince : Gusto ko kasing masanay, para kapag nasa akto na tayo, sanay na ako, kaya dapat ganoon ka din.
Abby : ganoon ba.
Vince : oo love.
Abby : sige.
Vince : ano?
Abby : Anong ano?
Vince : hinihintay kong tawagin mo akong love.
Abby : ha! Ehh oo na sige na love na nga!
Vince : kaya nga gusto Kong marinig na tinatawag mo akong love, kanina nga nong kaharap natin si papa tinawag mo akong love.
Abby :, saka na lang kita tatawaging love kapag kaharap natin ang papa mo, nakaka ilang kasi..di ako sanay.
Vince : kaya nga magsanay ka!!
Abby : sige na, Love!
Vince : I love you love!
.
Natigilan si Abby, tinatanong niya sa isip niya, tama daw ba ang narinig niya! Pero hindi daw siya nagkakamali, malinaw niyang narinig na sinabihan siya ng I love you ni Vince, ngunit di siya umimik, dahil parang gusto niyang maiyak sa saya, pero kung iisipin niya na isang parte lamang iyon ng pagsasanay nila ni vince para sa kanilang pagpapangagap ay naiiyak siya dahil sa lungkot..
.
Vince : okay ka lang ba?
Abby : o-oo naman, ayos lang ako, parang inaantok ako, pwede bang umidlip lang ako, tutal naman medyo malayo pa tayo.
Vince : sige love!
.
Nagkunwari na nakatulog si Abby, ang totoo naiiyak siya at hindi niya mapigilan ang mga luha, magmula daw ngayon ay pagtutunan niyang kontrolin ang emosyon niya, gusto na lang daw niya na maging masaya na lang muna sa piling ni Vince kahit isang peke ang kanilang relasyon. At ang pagkukunwari niyang pagtutulog tulugan ay naging totoo..
.
Vince : love nandito na tayo,
.
Ngunit walang imik si Abby, dahil tulog ito, pinagmasdan ni Vince ang mukha ni Abby, hinawi niya ang mga hibla ng buhok na nakasabog sa mukha ng dalaga, labis ang pasasalamat niya sa kaibigan, hindi daw niya alam kung paano niya susuklian ang kabaitan ng kaibigan..at hanggang sa nagising na si Abby, pagmulat ng mga mata niya ay gwapong mukha ni Vince ang nasilayan niya.
.
Abby : V-Vince!!
.
Nataranta si Abby dahil sobrang lapit ng mukha ni Vince sa mukha niya.
.
Vince : Love nandito na tayo.
Abby : pasensiya na, napasarap naman yata ng tulog ko.
Vince : ayos lang.
.
Mabilis na bumaba si Vince, at ipinag bukas niya ulit ng pinto si Abby..
.
Abby : salamat sa paghatid.
Vince : Obligasyon kong ihatid ko ang aking Fiancé.
Abby : hinaan mo ang boses mo, baka marinig tayo ni mang Bernie.
Vince : ah okay, pasensiya na.
Abby : sige na, umuwi ka na, mag iingat ka sa pagmamaneho.
Vince : sige na nga uuwi na ako, itinataboy na ako ng bride ko.
Abby : Vince ano ka ba, ingay mo!
Vince : ay sorry, sige pasok ka na.
.
At hanggang sa binuksan na ng Guard ang maliit na pinto ng gate.
.
Vince : Hello po mang Bernie, heto na po si Abby.
Bernie : sir Vince, kanina pa po ba kayo, pasensiya na po, medyo naka idlip ako,
Abby : ah hindi po manong Bernie, kakarating lang po namin.
Vince : sige po mang Bernie, tuloy na po ako, sige Lo-Abby.
Bernie : ingat po kayo sir Vince.
Vince : Salamat po.
Abby : mag-iingat ka.
Vince : Salamat.(nakangiti niyang sabi)
.
Ang mga ngiting iyon ang tumutunaw sa katauhan ni Abby, at Hanggang sa tuluyan na ngang umalis si Vince, si abby ay naroon na sa kanyang kwarto, nakabiga ni Abby at handa nang matulog pero mukha daw na hindi siya makakatulog, hindi siya makapaniwala sa lahat ng pangyayari, sa isang iglap daw ay finance na niya si Vince, at hanggang sa makalipas ang magdamag, at sumapit na ang kinaumagahan.
.
Kate : Anooooo??????
.
Naroon sila sa kusina ng kaibigan at sabay silang nagkakape!
.
Kate : engaged na kayo!!!!!(malakas na sabi)
Abby : Kate, hinaan mo yong boses mo, baka marinig ni Sir Alvin.
Kate : nakaka gulat naman kasi!(mahinang sabi)
Abby : ako nga din di ako makapaniwala, hindi namin alam na aabot sa kasalan.
Kate : naku naman abby, seryosong bagay na yang pinasok ninyo!!
Abby : Kate anong gagawin ko!
Kate : Naguguluhan di ako sa inyo, bakit ba umabot kayo sa ganyan! Naiharap na kayo sa madaming tao paano pa kayong makakapag back out niyan!
Abby : Kate, ang gusto ko lang sana ay masulusyunan na yong problema ni Vince. Oras na makasal kami ituturn over na ng papa ni Vince ang kompanya sa kanya, at pababalikin na din ng papa niya si Kuya Andrei niya, at magkakasama na silang pamilya, yun ang pangarap ni Vince kate.
Kate : wow, talagang mahal mo nga si Vince, kaya mong magsakripisyo para sa kanya. Alam mo abby talagang masasapak ko yang Vince na yan, paano kung matupad ni Vince ang lahat ng mga pangarap niya sa buhay, paano ka? Maghihiwalay na kayo, tapos siya magiging masaya dahil natupad na niya ang hiling niya na maturn over ang kompanya sa kanya at maging buo na ang pamilya niya, eh ikaw sa akala mo magiging masaya ka?
Abby : oo kate magiging masaya ako para sa kanya.
.
Hindi napigilan ni Abby ang mga luha, ang isipin na matatapos na ang pagpapanggap nila, at kailangan na nilang maghiwalay ay masakit sa kanyang kalooban, dahil ngayon pa lang ay mahal na mahal na niya ang kaibigan. Nilapitan siya ni Kate at niyakap siya nito.
.
Itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top