ANG MAYAMAN KONG JOWA SA RPW


ANG MAYAMAN KONG JOWA SA RPW
— Demi Morrigan | @deymyuu
One week na kaming mag jowa ng boyfriend ko sa rpw. At first wala lang talaga akong magawa kaya pumasok ako sa dummy world na iyon. Kaya itong kaibigan ko na ubod ng daldal ay pinilit akong gumawa ng rp acc kesyo para naman daw magkajowa na ako. At baka rin daw maka tsyempo ako ng gwapo roon. Aangal pa sana ako dahil tambak pa ako ng mga modules ko at graduating pa, pero ang bruha kinulit pa talaga ako.
Kaya ayon, na bingwit ko ang jowa kong si Dashiel— pangalan niya sa rp. And guess what? Englisherist ang shuta. Mapapalaban talaga ako araw-araw, pero magpapatalo ba ang ate niyo? Never.
Katatapos ko lang sagutan ang mga modules ko nang nagpopped out sa screen ko ang chat head ni Dashiel. Sumilay kaagad ang isang ngiti sa aking mga labi.
In-open ko ang kaniyang mensahe na para sa’kin. Kinilig kaagad ang buong sistema ko sa na basa.
From: Dashiel
[ “What’s my future wife doing, hmm?” ]
[ “Have you eaten already?” ]
Binasa ko pa ang iba niyang mga mensahe saka siya ni-replyan ng naka ngiti. Oo teh, NAKANGITI. Ewan ko pero isang linggo palang hulog na hulog na ako sa boyfriend kong ‘to. Na alala ko tuloy ang payo ng kaibigan ko sa’kin.
‘Don’t be attach too much kung sino man ang nakakausap mo sa rpw. Karamihan sa mga tao doon na g-ghost dahil sa pag reveal ng identity na dapat hindi naman ginagawa. Kung maitsura ka, maswerte ka. Kaya kung ako sa’yo, ie-enjoy ko lang ang sarili ko at iwasan ang maattach sa iba. It’s rpw at all. Fake world, fake feelings. So be careful, okay?’ — Tatiana.
Umismid ako sa mga katagang binitawan niya bago e send kay Dashiel ang message ko. Hindi pa ako nakontento at nag send sa kaniya ng naging ulam ko kanina. Hindi pa umabot ng ilang segundo ay nag reply kaagad siya sa’kin.
From: Dashiel
[ “What’s that? ಠ_ಠ ]
[ “Uh, nevermind. That’s good. Anyway, I’m eating my lunch now. ]
Kaagad ko rin naman siyang ni replyan.
To: Dashiel
[ “Corn beef ‘yan with egg. Try mo rin, masarap ‘yan. ]
Pagkatapos kong mag send ng picture ay awtomatiko namang nag popped ang sinend niyang picture sa screen ng selpon ko. Muntik ko pa ngang mabitawan ang selpon ko nang makita ang kinakain niya.
To:...


Dashiel
[ “Ano ‘yan?” ]
Oo, ‘yon ang ikinagulat ko. Hindi ko alam kung ano ang kinakain niya.
From: Dashiel
[ “You’re funny, wife. It’s a steak. It’s called Charcoal Grilled Japanese Beef Sirloin Steak.” ]
Ngumiwi naman ako sa kaniyang mensahe.
To: Dashiel
[ “Ah. Baka, tama ako diba? Baka ‘yan.” ]
From: Dashil
[ “Uh, yes.. you’re right. But it’s the imported one. Our special cook made it for us. It cost seventeen thousand two hundred eighty pesos when you serve it per plate.” ]
Laglag ang panga ko nang mabasa ang price ng bakang ‘yon. Isang taong stocks na ng mga delata at itlog ang perang ‘yon para sa’kin. Tapos mauubos lang sa isang plato ng steak? Tapos may special cook pa sila? Sam, hindi mo siya deserve.
To: Dashiel
[ “Ah.. hehe.. Alam kong masyadong madali lang para sa’kin na sabihin ito sa’yo pero.. Dashiel.. I’m breaking up with you.” ]
From: Dashiel
[ “Wait.. What are you saying, wife?” ]
To: Dashiel
[ “Sorry pero may cancer ako.. stage 69. Sorry but you deserve better, Dashiel.” ]
Kabadong hinagis ko ang aking selpon sa sofa nang sinend ko iyon sa kaniya at pagkatapos ko siyang e block sa Facebook. Shutanginaaaaa? Ang expensive ng jowa ko tapos ako rito corn beef na may halong itlog lang ang ulam?
Napabalikwas ako ng bangon sa pagkakahiga nang mag ring ang selpon ko. Unknown number lang ang naka lagay. Nag da-dalawang isip man na sagutin ang tawag ay wala rin akong magawa. Baka si mama ‘to, nakihiram lang ng selpon.
Ngunit na estatwa ako nang marinig ko ang boses ng isang lalaking hindi ko inaasahang tatawagan ako, ngayon ora mismo.
“Wife, what’s wrong? Why did you blocked me so suddenly? And fvck that cancer. I will hire as many private doctors and nurses as I want as long as you will be treated,” Ani nito sa kabilang linya.
Kabadong nilagok ko naman ang laway ko. “Dashiel?” Tawag ko sa pangalan niya sa mahinang boses upang maka siguro.
“Yes, it’s me wife. Give me your address, right now. And wait for me until my private plane lands, okay? I’ll come for you.”
Nabitawan ko nalang ang selpon ko sa mga binitawan niyang mga salita. Pupuntahan niya ako? Ngayon? Gamit ang private plane pa niya? Na may kasamang private doctors and nurses pa? Paki lamon nalang po ako.
“Haha..” Tawa ko nalang sa mapait na tono.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top