ANG PAG IBIG NI MACBOY AT JOLIBABE~


Isang gabing maliwanag ang buwan….
Naisipang maglaro ng luksong baka ng magkakaibigang Macboy at Kentuy, kasama sina chowkie, at maxy sa harap ng bahay nina mang Amasal.
“Maiba….taya!!!!
“Ayan taya ka Macboy!
Dali na puwesto ka na dun!
Tulak sa kanya ng mga kaibigan.
Agad namang pumwesto sa gitna ng kalye si Macboy at yumuko habang nakahawak ang dalawang kamay sa mga tuhod.
Ilang sandali pa,masaya ng naglulundagan ang magkakaibigan sa likod ni Macboy!
Ang iingay ng mga ito at hindi napapansing lumalalim na ang gabi at nakaka isturbo na sila sa mga nag nanais ng matulog.
Galit na galit si mang Amasal na umikot sa likod at kumuha ng isang timbang tubig…
“Taasan mo pa!
Sigaw ni Chowkie kay Macboy na sinunod naman nito.
Nakayuko ang ulo at nakahawak ang mga kamay sa hita habang pinaghahandaan ang pagdating ng mga kaibigan para tumalon.
Nakapikit pa ang mga mata nito sa antisipasyon ng maririnig ang nagmamadaling mga yabag papunta sa kanya.
Biglang nakaramdam ng panlalamig ang buong katawan ng binatilyo kaya agad siyang nagmulat ng mga mata.
Nakita niyang may tumutulong tubig mula ulo hanggang paa sa kanyang katawan at nasa malayo na ang kanyang mga kalaro na nagkukumpulan at naghahagikhikan.
Nilingon niya ang kanyang likuran at nakita niyang nakatayo doon ang galit na galit na si mang Amasal habang hawak pa ang timbang wala ng laman.
Sa likuran nito ay nakatayo naman sa loob ng bakuran at nasisinagan ng buwan ang mala...


diwatang kagandahan ng isang dalagitang gulat na gulat din sa ginawa ng ama sa mga naglalarong kababata.
Biglang maghugis puso ang mga mata ni Macboy ng mapagmasdan ang magandang dalagita .
Oh, ma men! My ultimate crush! The lab of my layp!
Jolibabe!
“Hoy, kayong mga damuho kayo! Anung akala nyo ? Araw pa yang nakikita nyong nagliliwanag?
Matagal ng lumubog ang araw! Katanghalian na ng gabi at buwan na ang kinukunsumo nyong ilaw!
Magsi uwi na kayo kung ayaw nyong laman ng orenola na ang susunod kong ibabanlaw na inyo!
Tsaka palang natauhan si Macboy ng marinig ang galit na boses ng tatay ni Jolibabe . Nakita niyang ngumiti sa kanya ang dalagita kaya gumanti din siya ng ngiti.
Biglang lumiwanag ang paligid ng binatilyo sa ngiti ni Jolibabe kung hindi lang biglang may dumating na bagyo.
Bigla siyang hinambalos ng timbang hawak ni mang Amasal ng makitang tinititigan niya ang anak nito.
“Anupang tinutunganga mo jan damuho ka! Singhal ng matanda sa kanya.
Umuwi ka dun at magpunas muna ng sipon bago ka mag pa kyut kyut jan sa anak ko! Mga bata talaga ngayon , uhugin pa lumalablayp na!
At ikaw namang bata ka, bakit lumabas labas ka pa alam mong gabi na ?
Sige pasook!
Sumunod naman ito ngunit muling lumingon at nginitian ang basang basang binatilyo na kumindat naman sa kanya.
Tsaka palang nagsilapitan muli sina Chowkie, Maxy at Kentuy na naluluha at hawak hawak na ang mga tiyan sa kakatawa






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top