ANG PILOSOPO KONG YAYA CHAPTER 01


ANG PILOSOPO KONG YAYA🌿
WRITTEN BY :AVES WRITE🦋
🍒CHAPTER 01🍒
“Sybyl!!!!!!!!!” sigaw ng kapatid ko sa pangalan ko. Ako nga pala si Sylvia Travis o mas kilala bilang Sybyl o SySy.
“ako ba tinatawag mo?” tanong ko sakanya sabay turo sa sarili ko kaya tinitignan naman niya ako ng masama.
“alam mo ikaw nakaka asar kana sa pamimilosopo mo, sino pa ba ang Sybyl dito huh!“Inis na Saad niya.
“oh relax puso mo,bakit ka ba kasi Tumatawag?” tanong ko sakanya.
” haisttt nag resign na ako sa pinag tatrabauhan ko” Saad niya kaya napa tingin ako sakanya.
“oh ede mag sign in ka ulit” pamimilosopo ko sakanya kaya binato niya ako ng unan.
” ikaw nakaka gigil kana talaga ah! nag resign ako kasi may nakuha akong bagong trabaho!” Saad naman niya na halos pa sigaw na.
“oh tapos ano ngayon dun?” tanong ko sakanya.
” ikaw na ang papalit sakin” Saad niya kaya napa lingon ako sakanya.
“dont tell me na ako ay magiging ikaw at ikaw at magiging ako—aray ko naman hindi naman masakit” Saad ko sakanya ng batukan niya ako.
” Sylvia pwede bang tumino ka naman kasi nakakagigil kana Arghhh!” inis na Saad niya sa akin kaya napa ngiwi ako.
” gigil na yan? weh? dahan dahan lang sa pang gigil ah baka mangisay ka” Saad ko sakanya kaya napa hilot siya sa sintido niya, inis yan? sus ko.
“Anong gagawin ko sayong babae ka! nakaka inis kana arghhhh!” Inis na Saad niya sa akin at nag sabunot pa sa buhok niya.
“ohh ano nanaman bayan Sylvie, ki aga aga nag sisigawan kayo diyan” Saad ni mama na galing sa palengke.
“bakit parang high blood ka diyan?” tanong naman ni papa Kay ate.
“haynaku ma pa ito kasing si Sybyl palagi nalang namimilosopo eh” sumbong ni ate.
“pinipilosopo ka ba hindi naman ah” pangangatwiran ko.
“hindi daw! Nakakainis kana nga eh! nag resign ako sa trabaho para mag ka trabaho kana ikaw na ang papalit sa akin!” siga niya.
“sige subukan ko na maging ikaw mukha atang mahirap yun eh” Saad ko kaya napa tampal sila ng noo.Diba tama naman ako?
“ayan, ayan ma pa kaya nanggigil ako diyan” Saad ni ate habang hinihilot ang sintido.
“bakit naman nanggigil? mukha ba akong laruan para panggigilan mo” Saad ko sakanya kaya napa kamot siya ng ulo niya.
“Maaaa paaaa bakit nagkaron pa ako ng kapatid na kagaya niya! hirap mag adjust napaka arghhhhhh!!!” sigaw niya sabay alis sa kusina kaya napa kibitb balikat nalang ako, masyadong oa.
“anak bakit ka naman ganiyan ang pakikitungo mo sa ate mo, umayos ka nga” Saad ni papa at mama kaya napa tingin ako sakanila.
“ayos naman po ako ah? wala naman po akong sakit eh” turan ko sakanila nag ka tingin sila sabay tampal ng noo dahil sa sinabi ko. Tama naman eh okay naman talaga ako wala naman akong sakit na nararamdaman.
“hindi yan ang gusto naming sabihin sayo” turan ni mama.
“alam ko naman po ma eh, hindi niyo na po kailangan na sabihin kung ano yung sinasabi ni ate gets ko po hindi naman ako bobo eh” turan ko kaya napa buntong hininga sila.
“Anak kailan ka ba mag babago?” tanong ni mama.


/> “bakit ma luma na ho ba ako?” tanong ko kay mama nang sabihin niya yun.
“anak naman jusko naman oo kanino ka ba nag mana diyan sa kapilosopuhan mo” Saad niya ba na tila naiinis na. Sorry ma huh ito lang ako.
“ako ho ang papalit kay ate sa pinag trabuhan niya, opo oo alam ko ho yun gets ko po” Saad ko.
“buti naman at nakuha mo” turan ni papa.
“papa malamang ho hindi nga po ako bobo” Saad ko dito.
” pero pilosopo” Saad niya kaya natawa ako sa sinabi ni papa.
—
“mag iingat ka dun anak huh!” Saad ni mama.
“bakit ma may gyera ba dun sa pupuntahan ko?” tanong ko kay mama kaya binatukan ako ni ate.
“masyadong masungit yung anak ng amo ko na magiging amo mo” Saad ni ate.
“uubra kaya siya sa kapilosopuhang taglay ng kapatid mo” matapang na Saad ko kay ate kaya binatukan nanaman ako nito.
“ewan ko nalang sainyo, Tara na nga” Saad niya kaya nag pa alam na kami kila mama at papa.
Ilang oras ang binyahe namin matapos kaming makarating sa bahay ng pag tatrabauhan ko.
” bata ba yung aalagaan ko ate?” tanong ko sakanya kaya napa hagalpak siya ng tawa.
“hindi noh kasing idaran mo lang hahahaha sige na una na ako ah malilaye na ako sa trabaho ko eh” Saad niya sabay pindot ng doorbell.
Maya maya pa ay may lumabas na isang lalaki na, napaka seryoso ang mukha at mukhang siya ang magiging amo ko, pero Teka parang nakita ko na siya dati ah?.
“wait I saw your face—”pinutol ko ang sasabihin niya sa akin.
“malamang may mata ka, pwede mo ba akong papasukin man lang diyan sa loob mainit kaya” Saad ko dito, hindi ko na siya hinintay na mag salita at agad akong pumasok sa loob kita ko ang gulat sa mukha niya.
Pag ka pasok ko at agad akong umupo sa sofa at nag masid sa paligid at buong bahay nila.
“hey who are you” malamig na tanong niya kaya napa lingon ako sakanya.
“bakit parang intiresado ka” Saad ko kaya napa singhap siya.
” I’m asking, bigla bigla ka nalang pumapasok sa bahay ko” masungit na Saad niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“pinapasok mo ako lutang kaba” Saad ko dito.
” bigla kang pumasok miss” Saad niya.
“syempre pinapaspk mo nga eh.. Teka ikaw ba ang magiging amo ko” Saad ko sakanya.
” ikaw ang magiging yaya ko?” tanong niya.
“ayy hindi nag lalako ako ng taho sir, bili kayo” pamimilosopo ko dito kaya napa facepalm siya.
” tsk I dont need you” Saad niya sabay pamulsa.
“hindi ko tinanong kung kailangan mo ba ako, basta ako nandito para mag trabaho” Saad ko kaya nag iba ang timpla ng mukha niya.
” hindi nga kita kailangan umalis kana” inis na Saad niya.
“bakit naman kita susundin” Saad ko sakanya kaya na inis siya.
” ako ang amo dito” Saad niya.
“amo kalang yaya ako!” Saad ko sakanya.
” what the—”
“diyan kana nga tsk!” turan ko at nag tungo sa kung saang sulok ng bahay niya.
” shit this girl” rinig kong mura niya at napa pandiyak ng paa.
🌿END OF CHAPTER CHAPTER ONE🌿
Give me some feedbacks para ganahan ako, wait for the chapter two I’ll post it soon. Thank you for reading❤️
@ave






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. napaka ganda ng story

  2. GANDA NG STORY

Leave a Reply


top