Ang whitelady sa isip ni Kennedy


Ang whitelady sa isip ni Kennedy
writes bye princess
[Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang at gawa gawa ng malilikot kong imahinasyon]
•••••••••
Puro nakasimangot ang lahat ng mga kaklase n’ya nang maabutan ni Kennedy. Nalate na naman kasi s’ya sa practice nila para sa ‘Dance Drama’ na project nila.
“Ano Kennedy, masaya ka na? Late ka na naman!”. Ang inis na sabi ng president nilang si Maine.
“Sorry,”. Nakayukong sabi ni Kennedy.
“Pag tayo bumagsak sa project na toh ikaw yung sisisihin namin. Huling linggo nalang tapos nagpalate ka masyado!”. Banggit pa ng president nila.
“Saan ka ba kasi nanggaling ha, Kennedy?,”. Tanong ng isa.
Biglang nakaramdam si Kennedy ng kaba sa tinanong nito. Kailangan n’yang gumawa ng alibay na papasa sa mga kaklase n’ya. Yung kapani-paniwala sana.
“Ahh nag cr lang muna ako at sa lumang building na ako dumiretso,”. Nasisiguro n’yang pasado na ito.
“Bakit kailangang sa lumang building ka pa mag banyo eh meron naman dito sa bagong building!”. Sabi ng isa pa.
“Saka ang haba ng pila dun sa lumang building edi mas lalo kang natagalan!”.
Naku, kailangan talagang makagawa si Kennedy ng alibay na sobrang kapani-paniwala.
“May narinig kasi akong bulong bulungan habang nasa byahe ako tungkol sa cr dito...


sa bagong building. May multo daw na nagpaparamdam. Eh saktong naiihi pa naman ako kanina kaya napag isipan kong sa lumang building nalang mag banyo kahit mahaba ang pila kesa naman makita ko yung multo sa bagong cr dito sa bagong building!”. Pagsisinungaling ni Kennedy.
Biglang nagsilapitan yung mga kaklase n’ya.
“Weh? May multo dito sa cr ng bagong building?,”. Tanong ng isa.
“Oo, tapos nagpaparamdam daw yun kapag mag-isa ka lang. Kaya kailangang may kasama ka kapag mag ccr ka!”. Ang sabi pa ni Kennedy.
Pumasa naman ang alibay n’ya sa mga kaklase n’ya. At nagpatuloy sila sa pagpapractice.
Nakapasa naman sila at hindi naman bumagsak. Akala ni Kennedy ay hanggang dun nalang ang sinabi n’ya at papalagpasin nalang nila. Ngunit hindi pala
Matapos ang araw na yun ay ipinagkalat ng mga kaklase n’ya ang sinabi n’ya. Mabilis na kumalat ang sinabi ni Kennedy. Nagpasalin salin ang kwento. May mga ibang nagsabing dating tirahan ng mga demonyo. May mga ibang nagsabing naging tapunan ito ng mga tinorture kung saan tinapon ang lahat ng mga biktima noong unang panahon
“Alam nyo ba! Sabi ng lolo ko. Dati daw itong tirahan ng pamilya Salvador. Itong buong paaralan as in ito. Masayang masaya daw ang pamilya Salvador, sila kasi…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top