At least we met


After 5 years

Maybe everyone expected na Isa na akong successful woman in the planet well….Hindi

Isa Lang akong empleyado sa Panters Company at palagi pang pinapagalitan dahil late comers parin ako hanggang ngayon buti na Lang si Drake Ang boss ko Kaya hanggang ngayon andito parin ako sa trabaho ko buti na lang close kami ni Drake dati classmate ko kasi sya noong grade ako at sinong mag aakala na after 5 years magiging boss ko sya? Tadhana nga Naman oo

Ngayon…..Wala namang may masyadong ganap Wala parin Naman akong Asawa workaholic ako ngayon charsss

Ayun nag lu-lunck kami ng mga ka- workmates ko

“Aiisshhh anyway bininta na pala Ang company na’to”

Sabi ni Jennie na katabi ko Lang

Oo nga bininta Ang kompanya na’to at binili ng Laureal Company mas malaking kompanya Yun andaming pera ng may Ari non eh

“Ang importante walang may inalis sa mga empleyado dito”

Sabi ko na parang walang may pakialam Kung bininta man tong kompanya o Hindi mabuti na Lang mabait Ang bumili at nanatili kami sa trabaho namin

Pero nong narinig ko na bininta to kinabahan ako baka mawalan ako ng trabaho pero ng nalaman Kong walang may aalisin na nag tatrabho dito ayun Wala na akong pakialam

“Sino ba Yung may Ari ng Laureal Company?”

Tanong ni Rose ang Isa pa naming workmate

Sounds like Laurea….at naalala ko na Naman sj Eros Chaser Laurea I never heard a news from him after 5 years and I refuse to know masasaktan Lang ako

Siguro may mga anak na sila ni Cassandra and they lived in the states at masaya na sya

Aisshh dapat kalimutan na sya pero kahit saan ako lilingon maaalala ko parin sya

Kung Hindi sya….wag na Lang

Yung motto ko sa life Kung Hindi man Lang sya wag na Lang mag Mahal ng iba

Tanga ko talaga Kung bakit antanga ko sa taong Yun

Kaya nong nag ka work ako….bumili ako ng sariling bahay at para makaiwas sa mga memories ko sa dating bahay namin mas sumasakit Lang kapag manatili ako Doon

“Ang gwapo ng may Ari ng Laareal company….nakita ko kanina sumakay ng elevator…diba Amber?”

“Amber?”

Bumalik Ang atensyon ko sa mga kausap Kong to

“Ah…Oo”

Sagot ko Naman na hindi Alam Kung ano Ang pinag uusapan nila ni-hindi ko nga kilala Ang my Ari ng Laureal na Yan eh

After lunch napasabak na Naman kami sa...


trabaho at alas sais na pero may Kailangan pa akong tatapusin Yung iba nakauwi na nga eh si Jennie na Lang at ako Ang natira

“Aiisshhh….kailangan ko na talagang makauwi”

Reklamo ko kunti na Lang Naman Ang tatapusin ko eh

“Ako na Lang Ang tatapos…Alam kong kailangan mo na talagang umuwi”

Volunteer ni Jennie Kaya napangiti ako napakabait talaga ng mga tao na nakaoaligid sa’kin dito iniintindi nila lagi ako

“Thank you ha….libre Kita ng lunch bukas”

Sabi ko and then she thumbs up Kaya binulakwit ko na ang bag ko at tumakbo na palabas ng office

Kinuha ko Ang phone ko at nag dial ng number kahit na halos lakad takbo na ang ginagawa ko ngayon dahil pupunta pa akong parking lot

Nag ring Ang phone ay may sumagot sa kabilang linya

“Hello….baby..pauwi na si mommy ok?….parating na ako”

“Yes Mom…..just make it faster”

He demands….Mana talaga sa ama tsk…

“Cge na…I love you”

“I love you too mommy”

Napangiti Naman ako kasi kahit demanding yang anak ko Ang sweet Naman nya talaga sobrang lambing

Binaba ko na Ang phone at mabilis akong pumunta sa elevator para makarating na ako sa garage

Pinindot ko Ang elevator at Maya maya’y bumukas ito Kaya pumasok na ako

Unti-unting sumasara Ang elevator at Ng sasara na ito may mga kamay na humarang Doon na agad bumukas ulit Ang elevator at pumasok na Ang taong Yun

Laking gulat ko ng Makita ko sya

Tumayo sya sa tabi ko at ayun pati hininga ko pinipigilan ko at parang aatakehin ako sa kaba

Kung bakit nanditi si Eros? Ngayon ko Lang sya nakita dito eh

Gusto ko syang tanongin Kung may anak na ba sya? Kamusta sila ng Asawa nyang si Cassandra? Bakit nandito sya? Anong gingawa nya dito? Na-miss ba nya ako? Ay leche

Parang mahihimatay ako sa loob ng elevator na’to

Pero Wala ma akong pakialam…dahil Ang anak ko nag hihintay na sa akin mag Isa Lang sya doon….

Mas kyut Naman Ang anak ko sa Eros na’to tsk…Si Aeres Dwayne Evanghelista yan Ang pangalan ng anak ko at sya Lang na lalaki sa buhay ko ngayon at Wala ng iba pa

“Mom…. where’s dad?”

Parang naririnig ko parin Ang mga words na Yan Ng tinanong ako ni Aeres Kung nasan Ang Daddy nya….nag e-echo Yan sa tenga Kung bakit naalala ko Ang eksena na Yan eh

Unti-unti akong napatingin Kay Eros

Malalaman pa Kaya nya?






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. part 3 po please

  2. Part 3 po pls

  3. this is the part 2/chapter 2 already guys….read the first one first before reading this so you can understand the story….you can also followe on wattpad Username:LU_KA_RER

Leave a Reply


top