BABY KO


BABY KO!”
Napalingon ako nang marinig ang isang sigaw.
“Kyahhh!” impit na napatili ako nang makita si Logan, ang baby ko, I mean ang long time crush ko.
“Baby ko!” sigaw niyang muli habang nakatingin sa akin. May bahid ng pag-aalala ang kanyang mukha.
Pasimpleng inilagay ko ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng tenga ko.
Shit, this is it. Mukhang icrucrushback na niya ‘ko ngayon.
Napangiti ako nang magsimula na siyang maglakad papalapit sa akin.
“Hi Logan, baby ko—” napatigil ako sa pagsasalita nang lampasan niya lang ako.
Lumingon ako sa aking likod at napansin ang isang batang mukhang two-years-old palang. Yun ang nilapitan ni Logan.
“Are you okay, baby ko? Saan ka ba kasi nagpunta? Kanina pa kita hinahanap eh,” aniya at kinarga ang bata.
Nalukot ang aking mukha dahil sa nangyari.
Hmp, paasa. Akala ko ako ‘yung tinatawag niyang ‘baby’, hindi pala....


Bad trip, akala ko icrucrushback na ako eh.
Napabusangot ako at tumalikod na, handa ng maglakad paalis nang…
“Baby ko!”
Muli kong narinig ang sigaw niya ngunit sa pagkakataong ‘to ay ‘di na ako lumingon.
“Baby ko!”
“Vienna, baby ko!”
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan ko. Napipilitang lumingon ako sa kanya.
“Vienna baby ko, ‘wag ka ng magtampo. Ikaw pa rin naman ang number one na baby ko eh,” saad niya at naglalambing na niyakap ako.
Napangiti ako nang maalalang asawa ko nga pala ang lalaking ‘to at anak namin ‘yung batang nilapitan niya kanina.
“I love you, baby ko,” aniya at hinalikan ako sa labi.
“‘Bebe ko’ daw, nakakahiya naman po sha inyo. Oh shige, ako nalang ang magulang ha?”
Natawa kami nang marinig ang sinabi ng anak naming si shyden.
AWIT, WALANG BEBE ‘YUNG NAGBABASA.
written by: Mae Writes
@prttymae for accept






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top