ASHARI JENESSE FERELL’S POV
Nasa isang magandang garden ako naka-upo kaharap ang isang lalaki dito sa garden table. May tsaa at pang mayaman na biscuit na nakahain sa harap naming parehas. Para akong aso na ngingiti ngiti sa harapan niya.
“How’s your sleep?” nakangiti din niyang tanong sa akin–ni Boy Tsaa bago humigop doon sa tasa niya. Hindi ko tinanggal ang ngiti ko sa labi pero kaunting kaunti nalang hindi na ako makakapagpigil.
“Kaylan niyo ako balak pauwiin?” .
Hindi ko sinagot yung tanong niya tungkol sa tulog ko dito sa lugar na’to kasi ayaw ko ng alalahanin ang mga nangyari kahapon! Linggo na oh, anong petsa na nandito pa din ako sa Earth version ng impyerno. ARGHHHH!! BAKIT BA KASI AKO TUMAKBO PAPUNTA SA GALI THE CHANAK NA’YON HA? PAHALIK HALIK PA AKO SA NOO NIYA. TAPOS ANO PA SABI KO?
‘Oo, dito lang ako ok? Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan’
EWWWWW!!! YUCK!!!! ANONG MASAMANG HANGIN ANG PUMASOK SA UTAK KO NG MGA PANAHON NA’YON? ARGH!
Kalma ka Ashari ok, ganito kasi ‘yan…simple lang ang sagot diyan.
Nadala ka kasi sa mga pangyayari kaya dapat mag function ang mga braincells mo at mag isip ng pinaka safe na paraan para iligtas ang buhay mo. Hello, kamuntik na kaya ikaw mamatay kahapon sa kamay ni Boy Isprikiton. Ikaw man tutukan ng baril sa ulo at sabihan ng ‘Bid your death wish’ ay nako, ewan ko nalang kung hindi ka maging desperada! Syempre kaylangan mong magbabait-baitan at kung todo acting na may care kay Gali the Chanak para maawa sa iyo ang mga tao na nanonood– lalong lalo na ang second hand man ni satanas na si Easton– para makalabas ka ng buhay at walang galos.
Huwag kang mag-alala kasi ginamit mo lang talagang alibi si Gali the Chanak para makatakas ka sa sitwasyon mo Ashari ok? Masamang tao ka pa din, normal ka pa kaya huwag kang mag-alala. Ginawa mo lang ang kahihiyan na ‘yon kahapon para maligtas ang buhay mo! OO, ganon na nga ‘yon! Ganon lang talaga ‘yon! MASAMA KA PA DIN AT WALANG MAKAKAPAG PABAGO SA’YO KAHIT MAGUNAW MAN ANG MUNDONG IBABAW! KUNG MASAMA SI EASTON, HUH, MAS MASAMA KA ASHARI! Hindi ka magpapatalo!
“If Gali’s fever is gone, you can go home as soon as possible.” kumuha siya ng biscuit at isinubo iyon. Ito na ba umagahan namin? Ano sila dito, diet huh? Hanep, hindi ako mabubusog diyan! Isa pa, hindi naman ako umiinom ng Tsaa noh.
Ngumiti nalang ulit ako sa kaniya ng matamis at nagkunwaring nasisiyahan sa biscuit na nasa isang magandang plato. Kumuha ako nito at sinubo. Infairness, lasang pang mayaman! Hindi tinipid sa asukal “‘Yung 500 Million ko, ibibigay pa din ba ni Easton?” beautiful eyes kong tanong kay Dyther. Yepiduuu si Dyther ang kausap ko. ‘Yung lalaking nagligtas sa akin nung sinasakal ako ni Boy Isprikiton.
Sa lahat ng tao dito, siya lang ang pinaka mabait. Gwapo pa at smiling face. Hindi katulad ni Isprikiton na parang laging nakakain ng ampalaya sa sobrang sama ng mukha!
Oo, miski kahapon nung nagpakita ako ng pekeng kagandahang loob kay Gali the Chanak. Pagkasampa ko sa bed ni Gali the Chanak, agad niya akong sinundan tapos hinila saka pinalabas. Tandang tanda ko pa kung paano ako pinagtabuyan ng bwisit na Isprikiton na’yon. Ang sabi niya kahapon…
“DO NOT TOUCH MY SON! DYTHER, GET HER OUT OF MY SIGHT! HUWAG NA HUWAG MO SIYANG PAPAPASUKIN DITO SA KWARTO NG ANAK KO!” sigaw niya, pinahiya nanaman ako sa madaming tao.
Edi huwag niya diba. Kaniyang kaniya na anak niya, lamunin pa niya! Bwisit na bwisit talaga ako kahapon. Gusto ko na ngang umuwi pero sabi ni Dyther hindi pa daw pwede kasi under investigation pa daw ako. Mag stay nalang muna daw ako dito. Kaya ayon, pinatulog nila ako dito.
Mabuti nalang talaga ang sobraaaannggg bait nitong si Dyther!
“He’ll give it to you. Don’t worry.” sagot niya sa tanong ko at ngumiti nanaman siya sa akin. Ackkk! Ang gwapo gwapo talaga niya. Hays, kung sana ganyan lang itsura ni Tony Perez– yung ex kong gangster wanabee- edi baka nagkakandarapa pa ako sa paghabol para lang magkabalikan kami noh. Kahit lokohin pa niya ako ng one hundred times ok na ok lang! E kaso hindi e, mukhang ebak kasi si Tony.
Pero syempre mas lalong gumwapo si Dyther nung sinabi niya na maibibigay sa akin ang 500 Million. Feeling ko siya na ang pinakagwapong nilalang sa paningin ko. Hays, 500 Million…hindi ako aalis dito hanggat hindi kita nakukuha.
*Tinininining tininining
Speaking of 500 Million…tumatawag ang magaling kong Ama!
“Wait lang ha, tatay ko tumatawag hehe.” pag-excuse ko kay Dyther. Ngumiti naman siya sa akin at tumango bago uminom sa tsaa.
Tumayo naman ako at naglakad ng kaunti palayo sa table. Medyo nagawi ako sa dulo ng garden.
“Oh bakit ka tumawag?” bungad ko sa tatay ko.
“Napaka galing talaga ng anak ko, ‘Yan ang ibubungad mo sa akin ha? Hindi mo man lang ba ako namiss? Hindi mo man lang ba tatanungin kung nasaan ako at kung anong oras ako uuwi? Bakit ba ganyan kang bata ka ha? Wala ka talagang galang, hindi kita pinalaking ganyan!”
Nyenyenye! Neknek mo, pinalaki mo ulo mo e palagi ka ngang wala sa bahay duhh! As if naman na pinalaki talaga niya ako noh, iniiwan nga lang niya ako kay Aling Marites nung bata ako e. Kapag talaga nakuha ko 500 Million ko, iiwanan ko lang siya ng mga 10 million sa bahay tapos hindi na ako magpaparamdam sa kaniya kahit kaylan. Pasalamat na siya at iiwanan ko pa siya ng 10 Million. Pakunswelo na din sa sperm niya na ipinutok niya sa kaloob looban ng nanay kong nasa heaven at bumuo sa akin. Hmpf, magkalimutan na kaming mag-ama!
“Matutuloy ka bang umuwi ngayon?” tanong ko nalang sa lahat ng tanong niya sa akin.
Hindi niya kaagad ako sinagot, narinig ko na may kausap siya doon sa kabilang linya. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila kasi choppy choppy na. “Kaya nga tumawag ako sa’yo kasi sasabihin ko na hindi ako matutuloy umuwi. Na-extend ng two weeks ang byahe ko. Papadalhan nalang kita sa pera padala kay Marites. Kuhanin mo nalang sa kaniya. Apat na libo ‘yon, pagkasyahin mo ng two weeks ha! Wala na akong maibibigay sa’yo, sagad na’yan.”
Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Hindi ako sumagot.
“Hoy Ashari, nandiyan ka pa ba? Magsalita ka!”
“Bastos talaga ‘tong batang ‘to. Napipe ka ba o sadyang binge ka na?”
“Bahala ka na kung ayaw mong magsalita! Sige na, ba-byahe na ako! Kayang kaya mo na sarili mo.”
Hindi ako umiimik, ibinaba na niya ang tawag. “Iyong iyo na apat na libo mo!” bwisit kong bulong sa cellphone. “Walang kwentang Tatay bwiseeeet!!!!!” argghhhhh! 5 Million! 5 million nalang ang iiwan ko sa kaniya hindi na 10 Million! Tutal wala naman siyang kwentang tatay! NAKAKA-INISSSSS!
Sa sobrang inis ko, nagpapadyak na bumalik ako sa table. Nakalimutan ko ng nagpapanggap nga pala ako na mabait at caring akong tao kaya naman nung makita kong parang naguguluhan ang mukha ni Dyther na nakatingin sa akin, agad akong ngumiti ng napaka tamis.
“Hehe, ubos mo na pala tsaa mo.” segwey ko nalang sa kaniya.
Tumingin siya sa tasa niya at ibinalik ang tingin sa akin. “Yup, ubusin mo na din ‘yung sa’yo. I’ll tour you around in the most beautiful place here in Marchese’s para hindi ka mabagot dito.”
Most beautiful place dito? Aww, diba sobrang thoughtful and caring ng koya Dyther mo! Huwag siyang ganyan ples leng kese beke me-fell eke.
Ang ganda ganda na nga...
waiting for update po, sana may update na nkakabitin naman po