BABYSITTING THE YOUNG MASTER


PROLOGUE:
Mahirap maging mayaman.
Sa dami ng pera mo, hindi mo na alam kung paano mo to gagastusin.
Sa grabe ng yaman mo, halos gawin mo na lang floormat yung iba.
Minsan sa sobrang yaman mo, nalilito ka na kung anong gagawin mo sa pera mo.
Pero ang totoo. Mas mahirap maging mahirap. Sa dami ng kailangan mong bilhin, hindi mo na alam kung saan mo pa kukunin ang pambayad. Oh ano? Diba mahirap yun?
Totoong mahirap na talaga ang buhay ngayon. Kung hindi ka magkakayod-kalabaw, kayod-kabayo at pati na kayod-biik, mamatay kang dilat ang mata. Nag-iisa na lang ako sa buhay kaya naman, kahit 16 pa lang ako, kailangan ko ng magsikap.
Ako si Rash Yu. Sosyal pakinggan no? Kaya hala, pakinggan nalang natin. Kasi hindi naman ako talaga sosyal. Pangalan lang. Namatay ang parents ko when I was still 7. Naaksidente sila kaya naiwan ako sa pangangalaga ng aking aunting kung magalit ay parang pusa. Pusang kumakain ng tao. >_____< Sa kanya ako nakikitira. Pero hindi libre ang pagtira ko dun. Hindi ko naman siya direktang kamag-anak. Kaya kailangan kong magbigay sa kanya. Napasok ko na ang kung anu-anong trabaho. Actually,...


hindi lang iisa ang trabaho ko. Isa akong saleslady/ clerk / hardinera / all around at kung anu-ano pa. Pinagsasabay ko yan para kumita para mabuhay ako. At isa pa. Nag-aaral rin ako. Fourth Year High School na ako ngayon sa isang PRIVATE HIGH SCHOOL. Hindi pa kayo naduduling. Tama ang basa niyo. Private High School nga. Nagtatanong kayo kung paano ako nakapasok dun? Dahil kahit hirap ako sa buhay. May laman ang utak ko kaya nakakuha ako ng scholarship. Pero hirap parin ako sa school kasi maraming mga mayayabang, maarte, bakulaw at wagas kung makalook-down sa akin. Palibhasa, lamang lang sila ng ilang paligo sa akin. >______< Simple at normal lang ang buhay ko noon pero nagbago ito ng magdesisyon akong sunggaban ang trabaho ng pagbibabysit dahil sa laki ng siswelduhin ko. "This way. Diyan ang kwarto ng aalagaan mo." giya sa akin ng isa nilang maid. Sobrang laki ng bahay! Nakakalokerr! *o* Pagbukas ko sa pinto. Nakita ko ang aalagaan ko. Nakadapa sa kama at natutulog. Pero teka, ang laking baby naman ata neto? Oo, hindi naman mahirap magbabysit kung BABY talaga ang aalagaan mo. Pero paano kung hindi? Ano na ngayon ang mangyayari sa akin?






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. dhenjien peralta

    next po

Leave a Reply


top