FULVIA POV*
” Okay kalang ba? Jack? Wag kang mag alala kay Cassidy magiging okay din ang lahat.” Masyado na naapektuhan si Jack sa mga nangyayari at naging tahimik ito, masyado na din ang tulog ni Cassidy na hindi pa din na gigising.
” 2weeks na Theodor ano nangyayari sa katawan ni Cassidy?” tanong ko kay Theodor na tinitingnan si Cassidy.
” Wala naman siyang problema ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi siya gumigising lahat ng test ay okay siya.” Matambay na tumingin kami kay Jack na tulala pa din sa natutulog na si Cassidy.
May dala siya tuta na nakakulong isang rottweiler for sure hindi ito maamo ng bilhin niya puro band aid din ang kamay niya. pero alam ko si Cassidy matutuwa siya kay Jack na tumanggap na bilang MAFIABOSS at naging magaling sa Negosyante.
Kitang kita sa mga mata ni Jack ang lungkot habang nakatitig ito sa taong mahal niya.
” Gumising kana diyan. Masyado muna minahal ang kama may regalo ko sayo.” mahinahon at malungkot na sabi niya at ipinakita ang aso na dala niya na tahol ng tahol kay Cassidy.
” Matutuwa siya kasi may bago siyang baby.” masaya kung sabi kay Jack pero hindi ito umiimik at nakatungo lang.
” Jack kaya mo ba? May mission tayo Mamaya sure kaba okay kalang ba kaya mo ba?” sabi ni Theodor na nakatingin kay Jack tumango naman si Jack at tumayo nag aalala na kami kay jack sa mga kinikilos niya.
” Saan ka pupunta?” sabi ko pero hindi ito nagsalita at umalis lang ng walang ingay.
” Hindi ako sanay na ganoon si Gago madalas ay panay ingay at kulitan ang naririnig ko ngayon ay kakaiba siya parang hindi si Jack.” sabi ni Theodor na nakatingin din kay Cassidy.
“Sanay kasi tayo na masayahin at walang problema si Jack kaya siguro na nibago tayo.” sagot ko kay Theodor na tumango lamang.
After 2hours ay andito kami sa lumang gusali para sa bigayan ng mga baril na kailangan sa mission hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko sa mangyayari.
” Wife ? ” tawag sa akin ni Hell na nag aalala.
” Pakiramdam ko may mangyayaring kakaiba—
BANG BANG***
CASSIDY POV*
Asan ako? Bakit napakadilim dito? Mapatingin ako sa paligid at nakakita ako ng liwanag.
” Gumising kana.. Ang tagal muna natutulog minahal muna yata ang kama.” si Jack ba yun naririnig ko bakit parang naririnig ko ang lungkot sa boses niya? Siguro nagdadrama na naman.
Pinakingan ko lang ang bawat salita ni Jack at tumakbo ako ng tumakbo.
Isang malakas na pwersa ang tumulak sa akin at nalaglag ako sa kama.
” Punyeta .. Aray ko naman.” hawak hawak ko ang akin pwet ng magising ako.
Napagala ang aking mga mata sa kwarto ko at anyari bakit may pabulaklak sila? Ehh may prutas pa ? Anyari?
Humanda sa akin yung bobong Jack na yun pinagselos na naman ako sa Bal na iyon, tapos hindi pa manlang pinuntahan.
Mabilis ako tumayo at nanakbo sa labas ng makita ako ni Manang rose ay halos magtaka ako ng bigla niya ako yakapin at umiiyak.
” Manang umagang umaga ng dadrama asan si Jack babaliin ko pa buto ng bobo na yun.”
JACK ADII POV*
Putsha!! Nakatago ako sa isang lamesa nagkakabarilan na gawa sa mga pekeng transaksyon na ginawa ng Mafia.
” Lumabas kana Jack! Ikaw ang bago dito na Mafia akala ko ba ay magaling ka?” sabi ng lalaki sa akin na busy sa kakadada.
” Ulol! Kahit ano pang sabihin mo wala kang mapapala mapapatay din kita tarantado.” sigaw ko at gumulong pamunta sa kabilang bahagi.
BANG BANG**
Halos tamaan na nga ako ng mga bala nya pero agad kung sinipa ang malapit na bangkuan.
” Hoy.. Bobong Jack ” Hindi ko alam kung na nanaginip ako o narinig ko talaga sa tenga ko ang tawag ng taong mahal ko putsha.
” Ang kapal ng mukha mo na hindi ako pansinin samantalang ikaw pa tong gago ka ang nambabae?” Malakas...