BADBOY IS INLOVE WITH A NERD”
Break time na, pumunta ako ng cafeteria, I order burger and orange juice. Nang matanggap ko na ang order ko ay naglakad na ako patungo sa may bakanteng upuan sa may dulo ng cafeteria. Ngunit bago ko pa marating yun ay may biglang pumatid sa akin.
Napasalampak ako sa sahig at natapon ang pagkain na nasa tray ko. Everyone in the cafeteria laugh at the embarrassing scene that I make.
“Ano bayan! Panget na nga, tatanga-tanga pa.”
I look up and see the guy who said that, at ang taong pumatid sa akin.
Zavier Aires, he’s known as the school bully and being a badboy. He’s the son of the owner of this school, kaya walang nakakapagreklamo ng mga bad actions nya dito sa school.
And he’s also the reason why everyone here in the campus were bullying me.
He stood up from his chair holding his orange juice in his right arm and came near to me. He stopped in front of me at ibunuhos ang orange juice nya sa akin at binato ang baso nun na tumama sa balikat ko. It hurts! Pero I didn’t show them what I feel.
“Mukha ka kasing hindi naligo, Kaya ipinaligo ko yan sayo. Tsaka nakaka-irita yang pagmumukha mo kaya can you please get your fckng ass out of this cafeteria!!!?”
I stood up slowly and walk out of the cafeteria as if nothing happened. Parang namamanhid nalang ang katawan ko sa lahat ng pambubully nila sakin.
I’ve never cry, Hindi ko pinapakita sa kanila kahit nasasaktan na ako. Hindi ko nalang sila pianapansin because I believe that one day titigil din sila.
———
“Bakit ba dito pa nag-aral ang nerdy na pulubing kagaya mo?” Sabi sa akin ng kaklase kong si Bella. Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ang pagrereview ng lectures ko.
“Paano mo kinakaya bayaran ang tuition fees dito, eh diba anak ka lang naman ng isang dugyuting basurera at ng isang uugod-ugod na janitor?” Hindi na ako nakapagtimpi. Tumayo ako at sinampal ko si Bella. Lahat ng kaklase kong nandoon ay nagulat sa ginawa ko.
“Saktan nyo na ako! Lait-laitin nyo na lahat ng tungkol sa akin! PERO WAG NYONG IDADAMAY ANG MGA MAGULANG KO! OO MAHIRAP LANG AKO! OO BASURERA ANG NANAY KO AT JANITOR ANG TATAY KO PERO AT LEAST LEGAL SILANG NAGTA-TRABAHO!” Nag-unahan sa paglabas ang paglabas ng mga luha sa mga mata ko. Lahat yata ng sakit na dinanas ko, ngayon na sumabog.
“Nagsusumikap magtrabaho ang mga magulang ko mabuhay lang kaming pamilya. Ng matanggap ko ang scholarship mula sa school na’to tiniis ko lahat ng pambubully nyo sa akin makapagtapos lang ako sa pag-aaral at mai-ahon ang mga magulang ko mula sa hirap! Kaya please lang! Kahit ako nalang ang laitin nyo! Wag lang ang mga magulang ko!” Pagkatapos Kong sabihin yun ay lumabas ako ng classroom at nagtungo ng locker room.
Pagkapasok ko ng locker room ay doon na ako napahagulgol ng iyak. Ang sakit sakit! Kaya ko pa yung panlalait nila sakin pero yung husgahan nila lahat ng paghihirap ng nanay at tatay ko ay di ko kaya.
Naupo ako sa may sulok at niyakap ang mga tuhod ko habang patuloy parin ang paglabas ng mga luha ko mula sa mga mata ko.
Hanggang may naramdaman akong naupo sa tabi ko. Ng lingunin ko iyon ay Hindi inaasahang tao ang nakita ko.
“Oh.” inabot nya sakin ang panyo nya.
Hindi ko ‘yon tinanggap.
Matagal namayapa ang katahimikan sa amin ngunit ako rin ang bumasag.
“Bakit ka nandito Zavier?” Nilingon ko sya....