BEFORE OUR WEDDING DAY”
written by—solene terpsichore
—take time to read this.
—read at your own risk, this story contain strong language and scenes that could be disturbing to certain readers.
“Mahal!” malakas kong tawag sa fiance ko na sa isang araw ay magiging totoong asawa ko na, agad naman siyang lumapit nang may malaking ngiti sa labi.
“Bakit hinahanap ako ng misis ko?”
“Misis, misis ka riyan hmpk.”
“Bakit ayaw mo?” hindi na ako sumagot sahalip ay niyakap nalang siya ng mahigpit, parang kailan lang ay mga bata pa kami, hindi ko akalain na magkakatotoo ang pinangarap namin na sabay kaming mangangarap, at bubuo ng isang masayang pamilya.
“Anong nginingiti-ngiti mo d’yan?” tanong niya na parang hanggang ngayon ay namamangha parin sa mga reaksyon ko, cute.
“Wala naalala ko lang ’yong mga pinagdaanan natin, tapos look nandito na tayo kinaya pala natin, ang tatag rin kasi natin e.” wika ko at siya naman ay ginulo ang buhok ko kaya napasimangot nalang ako, hilig niya talagang gawin ’yon.
“Alam mo masanay kasi bukas na bukas malapit na tayong ikasal tapos, bubuo narin tayo ng pamilya, isang masayang pamilya dahil sabi mo hindi mo ’yon naranasan ng ayos ’diba? so nandito na tayo, malapit na!” wika niya at ako naman ay nangiti, tama siya, bubuo kami ng masayang pamilya, ang pamilyang meron kasi ako ay iba sa pamilyang nakasanayan ng lahat.
Masyado kaming magulo, ang magulang ko ay hiwalay na, pareho silang may ibang pamilya, habang ako ay naiwan sa tita ko kung saan naranasan ko na maltratuhin at pahirapan.
“Mahal, bakit natahimik ka?” tanong ni Bryan at umiling lang ako, pero nagulat ako ng nilagay niya ang kamay niya sa may mata ko at unti-unting pinahid ang mga nakaalpas na palang mga luha ko.
“Hindi na sinabi ko sa’yo na ayokong nakikita ko na umiiyak ka? tsss, tahan na sige ka papangit ka sa kasal natin niyan, ikaw rin.” wika niya at nangiti na naman akong muli, siguro kung wala siya ay hindi ko na kinaya ito.
____________________________________
Pinagmamasdan ko ang sarili ko ngayon habang suot-suot ang napakagandang wedding dress. Nang biglang pumasok si tita at pilit pinahuhubad sa akin ang pangkasal na suot-suot ko.
“Masamang sinusukat ang damit pang-kasal Lyra, kaya hubadin mo na ’yan.” wika niya at ako naman ay napakunoot ang noo, akala ko ba wala na siyang pakialam, bakit ba nandito pa siya!
“Pwede ba tita, tigilan mo nalang ako, hindi ka pa ba nakukuntento sa lahat ng mga pasakit na binigay mo sa akin? pati ba naman kasal ko papakialaman mo pa, tita hindi na ako bata para maniwala sa mga bagay na ’yan.” wika ko at siya naman umiling tyaka nagmamadaling lumabas.
______________________________
Masaya akong nakatingin sa may bintana at dinadama ang huling-gabi na ako ay isang dalaga, ng may matanaw akong bulto ng tao na pilit umaakyat sa may bintana namin.
“B-Bryan? anong ginagawa mo dito? hind ba sinabihan tayo na bawal magkita bago ikasal!” wika ko pero ngumiti lang siya.
“Hindi naman nila malalaman tyaka mabilis lang naman ako dito, uuwi narin naman ako agad-agad, gusto ko lang talagang masilayan ang kagandahan ng aking mapapangasawa.” wika niya at dinampian ako ng mabilis na halik, tyala niyakap ako ng mahigpit na tinugon ko naman agad.
Matapos noon ay mabilis siyang bumaba at umalis.
Ngayon ay araw na ng kasal namin ngumiti ako at dahan-dahan naiyak, ito na ’yong isang pangarap na matagal ko ng gustong matupad, ang maiksal sa lalaking mahal ko at mahal rin ako higit sa ano pa man.
Nang magsisimula na ang kasal ay nakita ko kung paanong si Bryan ay tumakbo palayo.
“Bryan!” sigaw ko pero bigo ako na pabalikin siya, iiwan niya na ba ako?
____________________________________
Napahawak ako sa did-dib ko at agad bumuhos ang aking mga luha ng magising ako sa nakakatakot na tunog na ’yon, tunog ng isang taong nag-aagaw buhay, panaginip lang pala ’yong parte na ikinakasal kami, dahil ang katunayan ay nandito si Bryan, kitang-kita ko na paulit-ulit sinusubukang irevive.
Naaksidente siya matapos niyang pumunta sa akin, isang truck na walang preno ang iniwasan niya ngunit sa isang kahoy siya’y napabangga.
“Mahal! gumising ka diyan! hindi ba kasal na natin! gumising ka naaaaa!” paulit-ulit kong sigaw na para bang may chance na magmulat pa siya at marinig ako.
Kasabay ng paulit-ulit na pag-plantsa sa dibdib niya ang mga katagang “ang bilis naman niyang sumuko, hindi pa kasi dito ito, hindi dapat ganitooooo!”
12:00 am nang umaga eksaktong ika-dalawamput tatlo kong kaarawan ay ang araw rin...