BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER TWENTY-THREE


“So ano nga! ” narinig ko ang naiiritang boses ni suho dahilan para mapabungisngis ako. ” hindi mo nga ako sasagutin?” aniya patuloy na pangungulit sa’kin lalo tuloy ako nagkakainteres na asarin sya, palabas na kami ng building, kami na nga lang yata ang narito.
Nagulat ako ng sambutin nya ang pulsuhan ko at sapilitan isandal sa pader, hindi ako nasaktan dahil nakaalalay ang isang kamay nya sa likod ko pero kinabahan ako nang makita ko ang nakakalokong ngisi nya, nakatunghay sya sa mismong mukha ko!
Lalo ko tuloy napagmasdan ang dahan-dahang pag pungay ng mata nya, minsan ko nang natunghayan ito pero sa pagkakatanda ko ay ako ang nangunang humalik sa kanya noon. HALA…..
“Why are you blushing baby… ” hindi naman ganito ang boses nya kanina, pakiramdam ko ay nahihipnotismo ako nito. Nalilimutan ko na ang mga bagay-bagay, kanina ay ako ang nang aasar ngunit nabaliktad na ang sitwasyon.” Hindi mo’ ko sasagutin? ” tumaas ang kilay nya pero hindi nawala ang ngisi nya, tila isang, maling sagot ko lang ay may mang yayaring hindi ko inaasahan. “Tell me, sasagutin mo ba’ko? O Hindi…” tanong na naman nya pero may halong panunukso ang tono nya.
“ha… A-ano… ” hindi na ako nakapag isip pa ng tama nang sunggaban nya ang labi ko, awtomatikong napapikit ang mata ko at napatingkyad ang paa ko para mas lalong mapalapit sa kanya. Hala anong ginagawa ko?
Ibig sabihin ba noon ay GUSTO KO DIN?
Ang kaninang kamay nya na nasa gilid ko ngayo’y nararamdaman ko nang humahaplos sa pisngi ko, nadadala ako ng bawat halik na ginagawa nya ngunit ba’go pa kami makalimot ay humiwalay na sya kaagad, habol hininga man kaming pareho ay hindi nawala ang ngiti ni Suho.
Tumaas ang kilay nya, “May selyo kana, ibig, sabihin ay girlfriend na kita. ” seryosong aniya tsaka muling hinila ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng building.
“Pero h-hindi pa naman kita sinasagot…” kontra ko kahit malapit na kami sa boot.
“nang gantihan mo ang halik ko ay sinagot mo na lahat bg tanong ko, maging ang panliligaw ko tumingkyad kapa nga maabot lang ang labi ko. ” nanunuksong aniya na naman tsaka umugong ang malakas nyang tawa. ” don’t worry secret parin to ang mahalaga sinagot mo na ko. ” bulong na aniya pa, binitiwan nya ang kamay ko nang makalapit kami sa boot salamat na lamang at abala ang lahat kung hindi ay baka may nakapansin na sa’min.
“Maricon! ” tawag pansin sakin ni Alaiza. ” kanina pa kita hinahanap.. Oh. ” iniabot nya ang isang damit, pula iyon ngunit napangiwi ako ng buklatin ko ito, OFF SHOULDER!
” hindi naman ako nagsusuot nito e… ” saad ko
“wala tayong magagawa, ayan ang napili ng mga kaklase natin, hayaan mo na ilang oras lang naman.”
Napabuntong hininga ako, pikit mata kong isinuot ang damit tsaka pilit na nagkumbli sa likod ni alaiza nang makapagpalit ako.
“Ang ganda mo Giiiirl! ” tiling ani Alaiza.
“Tumigil ka nga, alam mo naman na ngayon lang ako nag suot nito paano ko gaganda..”nakasimangot na saad ko.
“Drinks for Table 17..” saad nang kaklase namin na nasa main na syang nag gagayak ng mga order.
“okay. ” ani alaiza.
“Akala ko ba ay sa room ito gagawin? ” nandito pako ngunit rinig na rinig ko na ang boses ni suho patungkol sa boot.
“Pinalipat ni Dean kasi daw masikip don, may mga bisita pa naman daw na darating ” ani Alaiza
“I see, si Maricon? ” tanong nya pa.
“Nasa loob, sige balik nako. ”
“Drinks for table 23.” anang kaklase ko ulit.
Nanlaki ang mata ko, apat na bote ng Alak. grabe naman, hindi ko na itinanong kung kanino ito basta dinampot ko ang tray at nakayukong lumbas. Tulad ng inaasahan ay ako na naman ang laman ng bulungan.
Table 21….22…Huminto ako sa table na kasunod dahil iyon na ang 23, inilapag ko ang tray.
“Bat ganian ang damit mo? ”
Naiangat ko ang mukha ko sa pamilyar na boses, si SUHO!
Napangiwi ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Naglakad na lamang ako pabalik sa main nang….
“Miss! ” alam...


kong si Suho iyon, nilingon ko sya..nakataas ang kamay nya animoy nasa totoo syang barr sinenyasan nya’ko na gumilid sandali gamit ang makahulugan nyang paningin.
Bagsak ang balikat ko na tumungo sa gilid.
“Padadalhan kita ng bagong damit , maghintay ka sandali…haisst! Sinadya yata nila yan para pagkaguluhan ka eh, tignan mo oh andami nang customer.” galit na saad nya habang nakatanaw sa mga tao na karamihan ay lalaki.
“Maricon! Ano bang ginagawa mo dito, andaming tao! ” tarantang ani Alaiza, kunot noong tumikhim si Suho wala syang nagawa kundi hayaan na sumunod ako kay Alaiza.
SUHO ✔️
Masama ang loob kong bumalik sa table tsaka walang patid na tinungga ang bote ng alak, matalim kong tinitigan ang damit na suot ni Maricon.
Nakakainis sino kaya ang pasimuno sa outfit na iyon.
Ngayon ko lamang napansin na isa pala sa mga server si Zoe, walang interes ko syang pinagmasdan habang abala sa pag assist sa mga pulutong ng kalalakihan na nasa isang mesa, bahagyang kumunot ang noo ko nang mapagtanto ko kung sino ang mga ito.
“schoolmate namin sila sa Manila diba? Pero paano silang nakarating dito?” nasabi ko sa sarili ko.
“Maricon! ” tawag pa ni Zoe kay Maricon, naglakad naman ito palapit sa kanila.
Napatayo ako sa kinauupuan ko, kung makilala nila si Maricon tyak na malalaman ng buong campus ang tunay na Estado nya.
Dapat may Gawin ako… Hindi pwedeng mapahamak si Maricon.
Inilinga-linga ko ang paningin ko hanggang sa mapako iyon sa isang Mini stage kalapit ng pwesta ng boot namin.
Lumunok pa muna ko bago tuluyang umakyat doon, kinuha ko ang gitara tsaka naupo sa high chair, nakuha ko abg buong atensyon ng lahat.
“Gusto kung ialay ang kantang ito sa babaeng nagpatibok ng puso ko at ang nag iisang dahilan kung bakit bumibilis ang takbo nito. Sa babaeng kinababaliwan ko nang husto…. Baby.. ” sa huli ay sinadya kong titigan si Maricon tsaka ako nag umpisang kalabitin ang gitara.
~I’d never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
‘Til you open the door
There’s so much more
I’d never seen it before~
Kusang pumikit ang mata ko tila bumabalik ang lahat ng ala-ala kung paano ko nakilala si Maricon.
~I was trying to fly but I couldn’t find wings
But you came along and you changed everything~
Naalala ko nang nasa Manila kami, ayaw nya daw sakin dahil sa bully ako, mula nang malaman ko iyon ay binago ko ang lifestyle ko kasi akala ko sa ganung way ay mapapansin na nya ko.
~You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I’m falling and I am lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier~
~I’ve watched from a distance
As you made life your own
Every sky was your own kind of blue
And I wanted to know
How that would feel
And you made it so real~
Twing matatanaw ko sya sa malayo ay napapangiti na’ko, pero twing mararamdaman nya ang presensya ko ay kusa syang gumagawa ng distansya kaya naman wala manlang akong pagkakataon na makausap sya noon.
~You showed me something that I couldn’t see
You opened my eyes and you made me believe~
~You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I’m falling and I am lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier~
~Baby~ napahinto ako, tsaka ko dinilat ang mata ko, nakatanaw si Maricon sa akin tila hangang-hanga sa nakikita nya kaya lihim akong napabungisngis.
~you showed me what living is for
I don’t wanna hide anymore~
~You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I’m fallin’ and I am lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier
Crazier, crazier.~
“WHOOOOO! “sigawan ng mga tao kasabay ng mga palakpak ngunit nanatili ang mata ko kay Maricon pababa sa labi nya
Pakiramdam ko ay gusto ko na lamang syang itakas dito at halikan magdamag. Napangisi ako sa naisip ko.
B*liw na b*liw na talaga ko sayo.. BABY
HOLD YOUR BREATH MGA BABY BWAHAHAHAH KILIG YHARN 😂😂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top